You are on page 1of 4

Learning Area Filipino Grade Level Ikalima

W5 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Gamit ng Pang-angkop sa Pakikipagtalastasan at


Mga Salitang Magkasalungat at Magkasingkahulugan
II. MOST ESSENTIAL Nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa pakikipagtalastasan
LEARNING (F5WG-IIIf-g-10)
Naibibigay ang mga salitang magkakasalungat at
COMPETENCIES (MELCs)
magkakasingkahulugan (F5PT-IIIc-h-10)
III. CONTENT/CORE CONTENT Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng
teksto at napalalawak ang talasalitaan
 Natutukoy ang mga pang-angkop, salitang magkakasalungat at
magkakahulugan sa pangungusap.
 Naibibigay ang mga pang-angkop, salitang magkakasalungat
at magkakasingkahulugan sa pangungusap
 Nagagamit ang mga pang-angkop, salitang
magkakasalungat at magkakasingkahulugan sa pangungusap.

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Time Frame
A. Introduction 30 minuto Ang araling ito ay nakalaan para sa mga batang mag-
Panimula aaral na katulad mo na nasa ikalimang baitang. Matutunan mo sa
araling ito ang wastong paggamit ng pang-angkop sa
pakikipagtalastasan at ang pagbibigay ng mga salitang
magkakasalungat at magkakasingkahulugan.
Mahalagang matutunan mo ang mga salitang ito
dahil makatutulong ito upang mas mapalawak ang iyong kaisipan sa
pagsagot sa mga tanong, mas mapapalawak ang iyong bokabularyo,
maintindihan at maunawaan ang mga bagay na nangyayari sa iyong
paligid.
Nakapaloob din sa araling ito ang mga pagsasanay na
susukat at lilinang sa iyong kakayahan sa pagsagot sa mga
sumusunod na mga gawain.
Sa puntong ito ay matututuhan mo ang wastong paggamit
ng mga pang-angkop sa pakikipagtalastasan. Ngayon ay basahin
mo at suriin ang mga salitang may salungguhit sa mga pangungusap
sa Hanay A at Hanay B.

Hanay A
1. Malakas kulog ang sumalubong sa amin kagabi.
2. Puno mangga ang nakaharang sa kalsada.
3. Isang bayan malaya ang minimithi ng bawat isa sa atin.

Hanay B
1. Malakas na kulog ang sumalubong sa amin kagabi.
2. Punong mangga ang nakaharang sa kalsada.
3. Isang bayang malaya ang minimithi ng bawat isa sa atin.
□ Anong mga salita ang may salungguhit sa Hanay A?
Anong mga salita ang may salungguhit sa Hanay B?
□ Aling hanay ng mga salita ang mas magandang
pakinggan kung iyong binabasa?
□ Anong kataga ang idinagdag sa Hanay B upang
maging magaan at madulas ang iyong pagbasa?

Ang mga katagang ito ay tinatawag nating mga pang-angkop.


Pinag-uugnay nito ang dalawang salita upang mas madulas itong
bigkasin. Ang iba’t ibang pang-angkop ay:
1. na- ginagamit kapag ang unang salitang iniuugnay sa isa pang
salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Halimbawa: bahay na bato
masipag na bata

2. -ng - ginagamit kapag ang unang salitang iniuugnay sa isa


pang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa: batang iyakin
mahabang buhok

3. -g - ginagamit kapag ang unang salitang iniuugnay sa isa


pang salita ay nagtatapos sa n.
Halimbawa: awiting masaya
hamong masarap
(Tingnan sa batayang aklat na Suhay 5 pahina 217)

Ngayon naman ay pag-aralan ang sumusunod na mga pangkat


ng salita. Tingnan mo ang kaibahan ng mga salitang nakapaloob sa
Pangkat A at Pangkat B.

Pangkat A Pangkat B
malaki – maliit masarap – malinamnam
mataas – mababa mabango – mahalimuyak
maliwanag – madilim paaralan – eskwelahan
malalim – mababaw kama – higaan
malayo- malapit maganda - marikit

Aling pangkat ng mga salita ang magkasalungat ang


kahulugan? Ano ang tawag sa mga salitang
magkasalungat ang kahulugan? Aling pangkat ng mga
salita ang magkapareho ang kahulugan? Ano ang tawag
sa mga salitang ito?

Ang magkasingkahulugan ay pares ng mga salitang pareho ang


kahulugan o ibig sabihin. Samantalang ang magkasalungat na
kahulugan ay pares ng mga salitang magkaiba ang kahulugan o ibig
sabihin.

Muling balikan at basahin ang mga halimbawa ng mga salitang


magkasingkahulugan at magkasalungat na nasa itaas, Pangkat A at
Pangkat B.
B. Development 20 minuto Subukin natin ang iyong natutuhan mula sa talakayan sa itaas.
Pagpapaunlad Sagutan ang sumusunod na mga pagsasanay. Isulat sa sagutang
papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang putol-putol na parirala.


Ibigay ang wastong pang-angkop. Pagkatapos, bumuo ng
pangungusap gamit ang nabuong parirala. (Tingnan sa batayang
aklat na Hiyas sa Wika 5 p. 167) Halimbawa:
mamamayan dumadamay
mamamayang dumadamay
Ang mamamayang dumadamay sa kapwa ay kinalulugdan.
1. langgam pula =
2. dahon lagas =
3. maya umaawit =
4. tumutulo luha =
5. bayan malaya =

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ibigay ang hinihinging kasingkahulugan


o kasalungat na kahulugan ng bawat salita.
1. matapang (kasalungat na kahulugan)
2. masarap (kasingkahulugan)
3. mabait (kasalungat na kahulugan)
4. mayumi (kasingkahulugan)
5. payapa (kasingkahulugan)

Kumusta ang iyong pagsasagot? Kung hindi mo pa rin lubos na


naunawaan ang aralin, maaari mong balikan ang talakayan sa
bahaging Panimula nitong Learner’s Packet.
C. Engagement 20 minuto Magaling! Napagtagumpayan mong sagutin ang mga naunang
Pakikipagpalihan gawain. Mayroon pa akong ihinandang pagsasanay upang lalo
mong mapalawak ang iyong kaalaman sa ating aralin. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bumuo ng isang dayalogo batay


sa iyong karanasan. Bilugan ang mga pang-angkop na ginamit.

Mahusay Katamtaman Nangangailangan


PAMANTAYAN pa ng Kasanayan
5 3 1

Mahusay ang
Hindi gaanong
pagkakabuo ng Nakakalito at hindi
maayos ang
dayalogo at nagamit ng wasto
Nilalaman paggamit ng
nagamit nang ang mga
mga
wasto ang mga pang-angkop.
pang-angkop.
pang-angkop.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ibigay ang kasingkahulugan at


kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap
1. Nahihirapan ang mga tao sa pagkakaroon ng liwanag sa
buong magdamag.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:________________________
2. Hindi sila tumigil sa pagtatrabaho kaya umunlad ang kanilang
buhay.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
3. Mula noon ay naging maayos na ang kanilang kalagayan
kahit iniwan sila ng kanilang mga magulang.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
4. Malamlam ang liwanag ng buwan kagabi nang siya ay
pauwi na. Kasingkahulugan:
Kasalungat:
5. Malimit na siya ay ay nalilipasan ng gutom kaya sumakit ang
kanyang tiyan.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Binabati kita at natapos mo ang mga pagsasanay! Sa susunod na
aralin ay iyong matututuhan ang pagbibigay ng angkop na pamagat
sa tekstong napakinggan at ang pagkilala sa simuno at panag-uri sa
pangungusap.
D. Assimilation 20 minuto Mula sa mga mahahalagang kasanayan na iyong natutuhan
Paglalapat sa aralin, sagutin ang sumusunod na gawain. Isulat sa sagutang
papel.

Ang ay mga salitang ginagamit natin sa pag-


uugnay ng dalawang salita. Pinag-uugnay nito ang mga salita at
mga salitang panuring o naglalarawan tulad ng pang-uri at pang-
abay. Ang mga ito ay ang , , at .

Ang ay pares ng mga salitang pareho ang


kahulugan o ibig sabihin. Samantalang ang
ay pares ng mga salitang magkaiba ang
kahulugan o ibig sabihin.
20 minuto Ngayon, ating tasahin ang pagkaunawa mo sa ating aralin.
Kunin ang sagutang papel at gawin ang mga gawain sa
ibaba.
A. Isulat sa patlang ang wastong pang-angkop (-na, -ng, o –g) upang
mabuo ang pangungusap.
1. Ang mga bata ay masaya __naglalaro sa parke.
2. Nagluto si nanay ng masarap___ ulam.
3. Si Ana ay isang matulungin ____anak.
4. Masarap manirahan sa isang payapa na pamayanan
kasama ng buong pamilya. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit. Isulat sa ito sa patlang.
5. Masayang pinagmamasdan ng ama ang pag-alis ng anak
papuntang ibang bansa habang ito ay papalayo. Ibigay ang
kasalungat ng salitang my salungguhit. Isulat sa ito sa patlang.
VI. Reflection 10 minuto Magsulat sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .

Prepared by: Clarence G. Gamba Checked by: Maribeth C. Rieta, EPS-Filipino


Neda D. Signo

You might also like