You are on page 1of 1

Pangalan : _________________________________ Petsa : ________________________________________

Baitang/Pangkat :___________________________

ESP IV – QUARTER 2

Worksheet No. 2
LAYUNIN: Makapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng pagtanggap ng puna ng
kapwa nang maluwag sa kalooban.
EsP4P- IIa-c–18

GAWAIN:
A. Gumuhit ng kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag sa
kalooban, at kung hindi.

1. Malugod na tinanggap ni Amy ang mga puna ng kanyang mga kaklase kahit ang ilan sa mga ito ay hindi maganda.
2. Nainis si Jane dahil sinabihan siya ng kanyang guro na palitan ang kulay ng kanyang ginuhit dahil hindi ito akma.
3. Natuwa si Liza dahil sa magandang puna ng kanyang mga magulang tungkol sa kanyang binigkas na tula.
4. Hindi matanggap ni Rolly ang mga sinabi ng mga hurado ukol sa kanyang pagsayaw.
5. Sinunod ni Marina ang kanyang guro ng sabihan siya nito na ulitin ang kanyang sinulat na talata.

B. Lagyan ng tsek ( / ) kung tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap ng puna at ekis
( X ) kung hindi.

_____6. Salamat sa pagpuna mo, mabuti at mababago ko.

_____7. Mabuti at napansin mong medyo masikip sa akin ang pantalon ko.

_____8. Sus! Naiinggit lang yan sa akin. Kunwari tutulong.

_____9. Huwag kang makialam!

_____10. Maraming salamat. Susundin ko ang iyong mga payo.

You might also like