You are on page 1of 2

WORKSHEET SA FILIPINO 4

IKALAWANG MARKAHAN
WEEK 2

Pangalan: ______________________________ Petsa ____________


Seksyon: ______________ Iskor ____________

Kasanayan: Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa


napakinggan/nabasang teksto. F4-PN-IIb-12

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel

1. Ibinilad ni Rona ang mga basang damit sa sampayang alambre. Nakita mo na ang
isang dulo ng alambre ay unti-unting nakakalas. Ano ang maaaring mangyari?

A. Natuyo ang mga sinampay. B. Bumagsak sa lupa ang mga sinampay.


C. Nabuwal ang tukod. D. Naalis ni Rona ang sinampay.

2. Nag-aalis nang maraming damo sa halaman si Sofia. Nilagyan niya ng pataba ang
halaman. Noong isang taon hindi siya naglagay ng pataba, kaunti lamang ang
nakuha niyang bunga. Ano ang maaaring mangyari?

A. Namatay ang mga halaman niya. B. Natuyo ang mga halaman niya.
C. Dadami ang mga damo sa halaman. D Dadami ang makukuha niyang bunga.

3. Maraming uod sa puno ng bayabas. Ang uod ay ayaw ng usok.Pinapausukan ni


Mang Tonyo ang punong bayabas. Ano ang maaaring mangyari?

A. Dadami ang uod sa puno ng bayabas.


B. Mabubuhay na muli ang mga uod.
C. Mamamatay ang puno ng bayabas.
D. Maaalis ang mga uod sa puno ng bayabas.

4. Nagpaalam si Juan na pupunta sa kaniyang kaibigan. Gabi na ay wala pa siya.


Nag-alala ang kaniyang nanay kaya siya’y sinundo nito, ngunit wala siya sa bahay
ng kaibigan. Nang dumating siya, hindi siya kinibo ng ina. Bakit kaya?

A. Nagagalit ang Nanay ni Juan. B. Nasisiyahan ang Nanay ni Juan


C. Natutuwa ang Nanay ni Juan D. Pinagalitan ni Juan ang ina.

5. Magkakaroon ng pagsusulit sina Brian kinabukasan. Nag-aaral na siya nang


dumating ang kaniyang mga kalaro. Sumama siya sa mga ito at pagod na pagod
siyang dumating ng gabing iyon. Kinabukasan, kakamot-kamot sa ulo si Brian
habang sumasagot sa pagsusulit.

A. Nakapasa siya sa pagsusulit.


B. Kumopya siya sa kaniyang katabi.
C. Wala halos siyang nasagutan sa pagsusulit.
D. Marami siyang nasagot sa mga tanong sa pagsusulit.
B. Isulat kung ano ang iyong hinuha sa mga sumusunod

A. Hindi nagsuot ng mask si Jamar nang lumabas ng bahay.


_____________________________________________
B. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng maramihan pagtitipon.
_______________________________________
C. Ipinatupad ang Enhance Community Quarantine sa buong bansa.
_________________________________________________
D. Palaging naghuhugas ng kamay si Kara. _______________________
E. Nagsagawa nang malawakang pagbabantay sa bawat boundary ng mga lugar
____________________________________________

Tandaan:

Ang pagbibigay nang wastong hinuha sa kalalabasan ng mga


pangyayari ay saloobing pamdamdamin sa binasa o pagbubuo ng
sariling palagay, pasiya o kalalabasan ng pangyayari ay nababatay
sa mga detalyeng inilalahad sa kuwento o seleksyong binasa upang
maibigay ang tamang pagpapahayag ng pasiya o desisyon .

Inihanda ni: Laila D. Hilig

You might also like