You are on page 1of 2

Aurora A.

Quezon Elementary School


Grade 4 - ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 - WEEK 1 – WORKSHEET
Pangalan:____________________________________ Petsa: _______________
Pangkat: _____________________________________Marka: _______________

MGA PAKINABANG PANG-EKONOMIKO NG LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Ang salitang ekonomiko ay mas kilala sa salitang “ekonomika” (sa wikang


Pilipino) o “economics” (sa wikang Ingles. Ito ay bahagi ng agham panlipunan na
tumutukoy sa pamamahala upang magamit nang mabisa ang mga pinagkukunang-
yaman at matugunan ang sari-saring pangangailangan ng bawat tahanan, bahay-
kalakalan o pagawaan at maging ng pamahalaan.

MGA IBAT’IBANG PAKINABANG NA PANG-EKONOMIKO NG MGA LIKAS NA


YAMAN

1) PAKINABANG SA KALAKAL AT PRODUKTO - ang likas na yaman ng


bansa ay nakakatulong sa pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa sapagkat
maraming produkto at iba pang lamang dagat at tubig; mga prutas at gulay at mga
pang-agrikulturang produkto; mga troso; mga mineral, ginto, pilak at tanso at marami
pang iba.

2) PAKINABANG SA TURISMO – Maituturing na likas na yaman ang


maraming lugar at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksiyon sa mga turista, buhat
sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa gaya ng dalampasigan, talon,
ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan at maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo din ng
mga turista ang mga makasaysayang lugar sa bansa na malaki ang naiaambag ng
turismo sa pag-unlad ng ekonomiya.

3) PAKINABANG SA ENERHIYA- ang mga likas na yaman ng bansa ay


pinagkukunan din ng enerhiya na malaking tulong ito sa ating ekonomiya dahil hindi
na natin kailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis. Pinatatakbo ang mga
planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa Talon ng Maria
Cristina, lawa ng Caliraya at lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos Norte sa
pamamagitan ng windmill. Nariyan rin ang Geothermal Power Plant sa Tiwi, Albay
na nagbibigay sa atin ng enerhiyang pang-elektrisidad.

PANUTO: Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa patlang.
_____1. Ano-ano ang mga likas na yaman ng bansa?
A. Yamang lupa C. Yamang Tubig
B. Yamang Mineral D. Lahat ng nabanggit
_____2. Ano-ano ang mga pakinabang na pang-ekonomiko ng mga likas na yaman
ng bansa?
A. Pakinabang sa kalakal at produkto C. Pakinabang sa turismo
B. Pakinabang sa enerhiya D. Lahat ng nabanggit
_____3. Ang mga magagandang lugar at tanawin sa bansa ay may malakas na
atraksyon sa mga turista. Ano ang pakinabang pang-ekonomiko ang
ipinapakita dito?
A. Pakinabang sa turismo C. Pakinabang sa enerhiya
B. Pakinabang sa produkto D. Pakinabang sa tirahan
_____4. Ang Pilipinas ay sagana sa mga produkto gaya ng mga lamang-dagat,
prutas, at mineral na iniluluwas sa ibang bansa. Ano ang ipinahihiwatig nito
sa ating ekonomiya?
A. Nagpapahirap ito sa mga mamamayan
B. Nakadaragdag sa pag-angat ng ating ekonomiya
C. Nakapagpipigil ng kabuhayan ng mga mamamayan
D. Nakatutulong sa paghina ng ekonomiya ng bansa
_____5. Anong pakinabang pang-ekonomiko ang nakukuha sa mga talon ng Maria
Cristina at lakas ng hangin sa Bangui Windmill sa Ilocos Norte?
A. Pakinabang sa turismo C. Pakinabang sa enerhiya
B. Pakinabang sa produkto D. Pakinabang sa mineral
_____ 6. Ano ang tawag sa mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa,
kabundukan, kagubatan, mga ilog at lawa?
A. Kayamanan C. Likas na yaman
B. Yamang tao D. Yamang lupa
_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang yamang lupa?
A. Perlas at kabibe C. Langis
B. Palay, gulay at mga prutas D. Marmol at ginto
_____ 8 Ang masaganang ani ng mga magsasaka ay nakapagdudulot ng sapat na
mapagkukunan ng makakain ng sambayanang Pilipino kahit may
pandemya. Anong pakinabang pang-ekonomiko ang ipinakikita nito?
A. Pakinabang sa enerhiya C. Pakinabang sa turismo
B. Pakinabang sa produkto at kalakal D. Pakinabang sa pamahalaan
_____9. Paano nakakatulong sa ating ekonomiya ang mga magagandang tanawin
sa bansa?
A. Maraming turista ang dumarayo dito
B. Nakaaakit ng mga mamumuhunan sa negosyo
C. Nakapagpapadami ng tao
D. Wala sa nabanggit
_____10. Sa panahon ng pandemya, ipinagbabawal ang pagpunta sa mga pook-
pasyalan tulad ng Boracay. Anong pakinabang pang-ekonomiko ang
naaapektuhan?
A. Produkto B Likas na yaman C. Enerhiya D. Turismo

Panuto: Ibigay ang kapakinabangang pang-ekonomiko ng iba’t ibang likas na


yamang matatagpuan sa bansa. Ilagay ang sagot sa ikalawang hanay.
(Sundan ang halimbawa na nasa unang bilang).

Likas na Yaman Kapakinabangang Pang-ekonomiko


1. Bulkang Mayon Turismo
2. Isda
3. Chocolate Hills
4. Bangui Windmill
5. Abaka
6. Palay at gulay
7. Tanso
8. Isla ng Boracay
9. Talon ng Maria Cristina
10. Niyog
11. Puerto Princesa Underground River

You might also like