You are on page 1of 5

AP 4 2ND PERIODIC TEST (PART 2)

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Cruz. Napansin nila na malapit sa dagat ang kanilang lugar at ang
mga tao doon ay halos lahat ay may bangka. Ano ang posibleng maging hanapbuhay ng mag-anak doon?
pagsasaka
paghahabi
pangingisda
pangangaso

2. Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?


paghahabi ng tela
pilak at ginto
palay, mais at gulay
perlas at kabibe

3. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na __________.


pangingisda
pagkakaingin
pangangaso
paglililok

4. Ang magkakaibigang Rhea, Ronell, Sandra, Wilma, at Arnel ay nakatira malapit sa malawak na taniman ng
palay. Anong uri ng hanapbuhay ang naaangkop sa kanilang lugar?
Pangingisda
Pagmimina
Pagsasaka
Pangangaso

5.
Ito ay mga lugar na kilala at angkop sa pagtatanim ng mga gulay, prutas, at mga bulaklak.
Tagaytay at Baguio
Paracale at Davao
Batangas at Mindoro
Quezon at Batanes

6.
Ang mga taga-Marikina ay kilala sa pagiging mahusay sa mga gawaing pangnegosyo. Anong uri ng mga
produkto ang kanilang nililikha o ginagawa?
Damit at pantalon
Alak at de lata
Alahas at palamuti
Bag at sapatos
7.
Anong produkto o kalakal ang matatagpuan o makukuha sa mga lugar na malapit sa baybaying-dagat?
palay, abaka, at mais
hipon, mani at saging
perlas, isda, at alimasag
manok, baboy, at kalabaw

8.
Ang tawag sa pag-iiba-iba ng klima ng mundo .
Global Warming
Polusyon
Climate Change
Pagkakaingin

9.
Ano ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga yamang tubig?
Paghuli ng isda sa dagat
Pagtatapon ng mga basura at langis sa katubigan
Paliligo sa dagat
Pagbebenta ng mga yamang dagat

10.
Ano ang mangyayari kung hindi natin pangangalagaan nang maayos ang ating likas na yaman?
Masisira ang ating paligid at mawawalan ng yaman ang susunod na salinlahi.
Magiging maayos pa ang kabuhayan ng mga tao
Mapapakinabangan pa natin ang ating likas na yaman.
Magiging mas maunlad ang ekonomiya.

11.
Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong maaari pang gamiting muli. Ano ang
gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid mo?
Isusumbong ko siya sa aming mga magulang.
Sasabihin ko sa guro niya na turuan ang kapatid ko tungkol sa 3Rs (reduce, reuse at recycle).
Kukunin ko ang mga itinatapon niya na pwede ko pang mapakinabangan.
Tuturuan ko siya kung paano muling mapakinabangan ang mga bagay na akala niya ay basura na.

12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
Pagsusunog ng basura
Paggamit ng dinamita sa pangingisda
Bio-intensive gardening
Pagtatayo ng pabrika malapit sa ilog o dagat

13. Anong uri ng kapakinabangan ang makukuha sa Bangui Windmill.


Kalakal at Produkto
Turismo
Enerhiya

14. Anong uri ng kapakinabangan ang makukuha sa ginto, pilak, at tanso.


Kalakal at Produkto
Turismo
Enerhiya

15. Saan makukuha ang yamang mineral na platinum?


Bulacan
Cebu
Pangasinan
Abra

16. Aling pangungusap ang hindi nagsasaad ng wastong paggamit sa likas na yaman.
Paggamit ng mga organikong pataba sa pananim
Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga impraestruktura at gusali
Pagbawas sa paggamit ng plastik
Pagkakaroon ng mga fish sanctuary at pangangalaga sa mga bahay-itlugan ng mga isda

17. Aling pangungusap ang walang kaugnayan sa wastong paggamit sa likas na yaman.
Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista
Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malalaking kompanya ng minahan
Pagtitipid sa enerhiya tulad ng elektrisidad, tubig, at langis o krudo
Pagtatanim ng mga punongkahoy bilang kapalit sa mga pinutol

18. Aling pangungusap ang nagpapakita ng kaisipan ukol sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman?
Pagsusunog ng mga basura
Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga impraestruktura at gusali
Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista
Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malalaking kompanya ng minahan

19. Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay isang isyung pangkapaligiran sa bansa. Ano ang sanhi nito?
Walang habas na pagpuputol ng mga puno
Kaingin
Labis na pagbubuga ng usok at chloro-fluorocarbons
Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan

20. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo. Bakit ito nangyayari?
Walang habas na pagpuputol ng mga puno
Kaingin
Labis na pagbubuga ng usok at chloro-fluorocarbons
Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan

21. Anong uri ng kapakinabangan ang makukuha sa Puerto Princesa Underground River.
Kalakal at Produkto
Turismo
Enerhiya

22. Anong uri ng kapakinabangan ang makukuha sa Taniman ng strawberry sa Baguio.


Kalakal at Produkto
Turismo
Enerhiya

23. Ano ang pangunahing produktong -pang-agrikultura sa Central Luzon?


palay
mais
tubo
niyog

24. Sa aling kalakal at produkto kilala ang Pangsinan?


nililok na kagamitan, gulay
banig at sumbrero
bagoong, isda
bag at sapatos

25. Nais ng aking ina na bumili ng perlas para sa aming magkakapatid. Kanino sa mga sumusunod kong tiyahin kami
lalapit para magpabili ng perlas?
Sa aking Tiya Maria na taga-Bicol
Sa aking Tiya Lucia na taga-Davao
Sa aking Tiya Arsenia na taga-Sulu
Sa aking Tiya Soledad na taga-Cagayan

26. Sa lalawigan ng Zambales makikita ang maraming ginto. Ano ang maaaring pagkakitaan dito?
pagsasaka
pangingisda
panggugubat
pagmimina

27. Anong isyung pangkapaligiran ang nagmula sa maruming usok na sumisira sa kalawakan?
Polusyon sa Hangin
Polusyon sa Lupa
Polusyon sa Tubig
Pagkasira ng Kagubatan

28. Dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas, isa ito sa pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino?
pagsasaka
pangingisda
panggugubat
pagmimina

29. Anong uri polusyon ang nalilikha ng mga basurang kadalasang ginagamit ng tao, gaya ng plastic, papel at iba pa?
Polusyon sa Hangin
Polusyon sa Lupa
Polusyon sa Tubig
Pagkasira ng Kagubatan

30. Ano ang posibleng maging bunga nang ibinabaon ng mga mamamayan sa lupa ang mga basurang nabubulok?
Magiging mas mataba ang lupa sa kanilang bakuran
Matatakot ang mga mangingisdang gumamit ng lambat sa pangingisda
Magkakaraon ng erosion at malimit na pagbaha
Mawawalan ng tirahan ang mga hayop gubat at halaman

You might also like