You are on page 1of 10

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: Four Level ____ Markahan __2_ Week 3_

MELC Hamon at Oportunidad sa Mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

Competency Code: (MELC AP4LKE-IId-5)

Pangalan: _________________________________Seksyon ________ Petsa _________

Paaralan __________________________________ Distrito _________________________

A. Talakayan:

Ano-ano ang hamon sa mga

gawaing pangabuhayan ng bansa?

Ano-ano ang oportunidad?

Hamon at Oportunidad sa Mga


Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

Agrikultura
Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Kung kaya, ang isa
sa nangungunang gawaing pangkabuhayan sa bansa ay pagsasaka. Sadyang
malawak ang taniman dito. Tinatayang nasa 35 bahagdan ang sinasakang lupain
sa Pilipinas.
Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa ang mga
produkto na pangunahing pangangailangan ng tao para patuloy na mabuhay.
Kung liliit ang produksyon, maaapektuhan ang taong bayan at ang bansa. Ayon sa
maraming magsasaka, ang uri ng kanilang pamumuhay ay isang tuloy-tuloy na
pakikipaglaban sa mga hamong kaakibat ng kanilang hanapbuhay.

Mga Hamong Kaakibat ng Hanapbuhay na Pagsasaka


 lalong lumalaking bilang ng mga angkat na produktong agrikultural
 kahirapan dulot ng mababang kita ng mga magsasaka
 limitadong pondo na pinagkakaloob ng pamahalaan bilang tulong sa maliit
na magsasaka
 suliranin sa irigasyon, at kawalan ng control sa presyo
 Higit sa lahat ay ang mga suliranin sa kalikasan, at pagbabago ng panahon
tulad ng El Niño phenomenon o mahabang panahon ng tag-init.

Mga Oportunidad sa Mga Magsasaka


 impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang gumanda ang ani
at dumami ang produksiyon;
 paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis ang
produksiyon;
 paghikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga
lupain sa kani-kanilang mga probinsya

Pangingisda
Bilang isang kapuluan, ang Pilipinas ay napapalibutan ng tubig kung kaya’t
napakayaman nito sa mga pagkaing dagat at halamang dagat. Itinuturing ang
Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.
Upang mapalakas ang gawaing pangkabuhayan na ito, narito ang ilan sa
mga maituturing na oportunidad sa pangingisda:
 pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) sa industriya
ng pagbili ng isda sa pamamagitan ng pagtatayo ng karagdagang daungan
o pantalan sa mga estratehikong lugar upang mapalago ang kita at
produksiyon;
 paglulunsad ng mga programang makakatulong sa pagpapaunlad ng
industriya ng pangingisda tulad ng Blue Revolution at Biyayang Dagat;
 pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong masuportahan ang maliliit
na mangingisda;
 paglalaan ng mga sasakyang pangisda;
 pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda;
 paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine at fishing;
 pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng underwater
sonars at radars.
Kagubatan
Ito ang pinagkukunan ng iba’t-ibang uri ng kahoy na ginagamit sa paggawa
ng mga bahay, gusali, tindahan, impraestruktura, papel, kagamitan sa pagkain at
pag-inom at iba pa.

Hamon sa Gawaing nagmula sa Kagubatan


 maraming illegal loggers ang namumutol ng mga endemic, natural grown at
pati na rin ang mga tinatanim na mga kahoy na naging dahilan ng mga
baha sa kapatagan mula sa bundok

Oportunidad sa Gawaing nagmula sa Kagubatan
 madali lamang ang pangkabuhayang ito sapagkat itinatanim lamang ang
mga puno at pinalalaki.
Hamon sa Gawaing Pagmimina
 pagkakaroon ng polusyon sa lupa
 panganib sa kinakaharap sa pagpasok sa mga kuweba o minahan

Oportunidad sa Gawaing Pagmimina


 pagpapaunlad ng pagpapanatili sa mga pook minahan sa bansa
Samantala, ang maituturing na pinakamalaking hamon sa pangingisda ay
ang climate change o pagbabago ng klima ng mundo at likas na mga pangyayari
tulad ng mga kalamidad.
Kabilang din sa mga hamon sa gawaing pangkabuhayang ito ay ang mga
kalsada, tulay, at iba pang impraestrukturang nakababagal sa transportasyon ng
mga produktong dagat kung kaya’t hindi mapaabot sa merkado ang mga sariwang
isda. Hamon ding maituturing ang pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa
ilalim ng dagat at hindi epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa
mga protektadong lugar.

B.

Pagsasanay 1

Lagyan ng tsek () ang bilang kung ang paggamit sa likas na yaman ay may
kaugnayan sa pangangasiwa at pangangalaga ng bansa at ekis (X) naman kung
hindi.
1. Paggamit ng mga organikong pataba sa pananim.
2. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga impraestruktura at
gusali.
3. Pagbawas sa paggamit ng plastic.
4. Pagkakaroon ng mga fish sanctuary at pangangalaga sa mga bahay-
itlugan ng mga isda.
5. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid lalo na sa mga lugar na dinarayo ng
mga turista.
6. Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malalaking kompanya ng minahan.
7. Pagtitipid sa enerhiya tulad ng elektrisidad, tubig, at langis o krudo.
8. Pagsali sa mga larong pampalakasan.
9. Pagtatanim ng mga punongkahoy bilang kapalit sa mga pinutol.
10. Pagluluwas ng mga de-kalidad na prutas at gulay sa ibang bansa.

Pagsasanay 2

Gamitin ang larong Search the Area, alamin ang kaibahan ng hamon sa
oportunidad. Ilagay sa basket ang lahat ng oportunidad at sa balde ang lahat ng
mahahanap mong hamon. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

OPORTUNIDAD HAMON

Mga pagpipilian:

 mga sakuna sa dagat

 pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng underwater sonars


and radars

 suliranin sa irigasyon
 El Niño phenomenon

 pagpapatayo ng mga bagong pantalan

 makabagong teknolohiya sa pagsasaka

 pagdami sa mga angkat na produktong agrikultural

 bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani

 climate change

 programang Blue Revolution at Biyayang Dagat

C. Tayahin

Piliin kung anong gawaing pangkabuhayan ang makikita sa mga hamon at


oportunidad na nakatala. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Pagpapaunlad ng pagpapanatili sa mga pook minahan sa bansa.


a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing pagnenegosyo at komersiyo
2. Pagsasagawa ng industriyalisasyon sa ekonomiko.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing pagnenegosyo at komersiyo
3. Pagtatanim sa gilid ng bundok o burol upang maiwasan ang erosion.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing pagnenegosyo at komersiyo
4. Panganib na kinakaharap sa pagpasok sa mga kuweba o minahan
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing pagnenegosyo at komersiyo
5. Paghihikayat ng pamahalaan sa mga mamamayan na magtatag ng maliit
na negosyo.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing pagnenegosyo at komersiyo
6. Pagbaba ng produksiyon ng isda at yamang dagat.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing nagmula sa kagubatan
7. Pagbabawal sa pagkakaingin.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing nagmula sa kagubatan
8. Pagkakaroon ng polusyon sa lupa.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing nagmula sa kagubatan
9. Pagkaubos o pagkakalbo ng mga kagubatan sa bansa.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing nagmula sa kagubatan
10. Paglikha at pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa pagsira ng mga
coral reefs.
a. gawaing pagsasaka c. gawaing pangingisda
b. gawaing pagmimina d. gawaing nagmula sa kagubatan

D. Karagdagang Gawain

Gumawa ng bukas na liham na nagpapakita ng iyong opinyon ukol sa mungkahing


plano ng pagtanggap ng mga hamon at pagyakap sa mga oportunidad ng mga
gawaing pangkabuhayan ng ating bansa. Sundin ang modelo sa ibaba.

Bukas na Liham

Petsa: _______________

Minamahal naming mga magsasaka at mangingisda,

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________.

Lubos na gumagalang,

_____________________
SUSI NG PAGWAWASTO
Sanggunian:

Aklat

Araling Panlipunan 4, Kagamitan ng Mag-aaral,


ph. 164 – 170.

Web Page
https://www.google.com.ph/search?
q=farmers+planting+rice+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJ07_KtMrrAhVO25QKHYS
eCtYQ2-
cCegQIABAA&oq=farmers+planting+rice+black+and+white&gs_lcp=CgNpbWcQA1D3kgJY95ICY
IaVAmgAcAB4AIABowGIAaMBkgEDMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient
=img&ei=w4dPX4nmAs620wSEvaqwDQ&bih=657&biw=1349&safe=active&tbs=il
%3Acl&hl=en&hl=en#imgrc=-1Tz2ojcbI3t3M
https://www.google.com.ph/search?q=boy+face+thinking+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjti-
r5j8_rAhUNCpQKHfpSAHYQ2-
cCegQIABAA&oq=boy+face+thinking+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEEM6BggAEAc
QHjoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46CAgAEAgQBxAeUPrMAVjskAJg6ZUCaAFwAHgAgAH2AogB6x
qSAQgwLjE2LjIuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=cABSX-
2TNo2U0AT6pYGwBw&bih=657&biw=1349&safe=active&tbs=il
%3Acl&hl=en&hl=en#imgrc=iCsl8BrlNayDkM
https://www.google.com.ph/search?q=fishermen
%20fishing&tbm=isch&hl=en&hl=en&safe=active&safe=active&tbs=il
%3Acl&sa=X&ved=0CAAQ1vwEahcKEwjg-
Ift1MrrAhUAAAAAHQAAAAAQAg&biw=1349&bih=657#imgrc=hvonHx9uNK-LJM
https://www.slideshare.net/edithahonradez/hamon-at-oportunidad-sa-mga-gawaing-pangkabuhayan-ng-
bansa-66152957
https://www.google.com.ph/search?
q=transparent+venn+diagram+png&tbm=isch&hl=en&safe=active&safe=active&hl=en&sa=X&ved=2ah
UKEwjy8cD7w8rrAhUXBaYKHbJPBsIQrNwCKAF6BQgBEKIC&biw=1349&bih=657#imgrc=6oltQ3Z
rqjZalM
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.maxpixel.net%2Fstatic%2Fphoto
%2F1x%2FEmpty-Shopping-Basket-160441.png&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.maxpixel.net
%2FEmpty-Shopping-Basket-160441&tbnid=GjxjEj93wzKEaM&vet=10CCAQMyi_AmoXChMI-
OSl1efK6wIVAAAAAB0AAAAAEAQ..i&docid=N0e2ch5Qrr4w2M&w=736&h=720&itg=1&q=basket
%20black%20and%20white%20clipart&hl=en&safe=active&ved=0CCAQMyi_AmoXChMI-
OSl1efK6wIVAAAAAB0AAAAAEAQ
https://www.google.com.ph/search?
q=pail&tbm=isch&ved=2ahUKEwjZqs66ysrrAhULhZQKHcCMBL8Q2-
cCegQIABAA&oq=pail&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzIECAAQQzIECAAQQzIFCAAQsQMy
BAgAEEMyBAgAEEMyAggAMgQIABBDMgQIABBDMgIIAFCiZVjzZmDIaGgAcAB4AIABkw
GIAaICkgEDMC4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=s55PX5mFE4uK
0gTAmZL4Cw&bih=657&biw=1349&safe=active&tbs=il%3Acl&hl=en&hl=en#imgrc=CdV-
ipYpQj-iSM
Prepared by: Edited by:

ANA MERT B. ALOLOD IRENITA QUINTANILLA NAVARRO


Teacher 1 Principal 3

Reviewed by:

ROSEMARY OLIVERIO

You might also like