You are on page 1of 8

Araling Panlipunan 9

Ika-Apat na Markahan Modyul 3


Sektor ng Agrikultura
Alamin
a. Natutukoy ang kahulugan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat,
b. Naiisa-isa ang mga bahaging ginagampanan ng Agrikultura, pangingisdaat
paggugubat sa ekonomiya, at
c. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng Agrikultura,
pangingisda at paggugubat sa pag-unlad ng ekonomiya.
Balikan
Panuto: Sa Modyul 2, iyong natutunan ang tungkol sa Pambansang Kaunlaran. Gamit
ang iyong sariling salita, kailan mo masasabing ang isang lugar ay may nagaganap na
KAUNLARAN?
Para sa akin, may nagaganap na kaunlaran sa isang lugar kung
____________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mahihinuha mong mensahe mula sa awitin?

2. Bakit kaya tila walang kasaganahan ang nararanasan ng mga


magsasaka saawitin?

3. Ano ang ginagampanan ng pagtatanim sa kanilang


pamumuhay?

Suriin
ANG SEKTOR AGRIKULTURAL

Ang agrikultura ay nagmula sa salitang Latin na ager cultura noong


6000 B.C. Ito ay nangangahulugang “kultibasyon ng mga bukirin.” Isa sa
mga pinakamahalagang kontribusyon ng panahong Neolithic ang
pagkakadiskubre ng agrikultura. Mula sa nomadikong pamumuhay ng
mga tao noong panahong Paleolithic at Mesolithic kung saan ang mga
sinaunang tao ay pawang mga hunters and gatherers o mga umaasa
lamang sa mga ipinagkaloob na biyaya ng kalikasan. Sa tulong ng
agrikultura, ang mga tao noong panahong Neolithic ay nagsimulang
manirahan sa isang lugar. Sa unang pagkakataon, naranasan ng mga tao
ang pagkakaroon ng siguradong suplay ng pagkain sa pamamagitan ng
pagkalinga sa mga lupain sa kapaligiran.
Dahil sa agrikultura, nagawa ng mga tao na mag-imbak ng mga butil
na maaaring kainin sa ibang araw. Ito ang nagbibigay sa kanila ng
pagkakataon na magkaroon ng oras para sa iba pang mga gawain, tulad
ng mga craft at likhang sining. Ang iba naman ay siyang nangangasiwa
sa grupo at nag-organisa ng kanilang mga komunidad, na siyang unang
uri ng pamahalaan o gobyerno.
Ang agrikultura sa kasalukuyan ay hindi lamang isang mahalagang
industriya. Ito rin ang nagpasimula ng mga lipunan at komunidad ng
sangkatauhan. Ang pagsasaka ang nagsilbing ugat ng pagsulong ng
daigdig na alam natin sakasalukuyan.
Ang agrikultura ay isang agham na may direktang kaugnayan sa
pagkatas ng mga hilaw na materyal mula sa likas na yaman. Ito ay
binubuo ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat. Ang sektor na ito ay
kasing halaga rin ng iba pang sektor pang-ekonomiya ng bansa. Ang mga
gawaing agrikultural ay mayroong mahalagang papel sa pagsulong ng
ekonomiya at pag-unlad ng bansa, at ito ay bahagi na ng patuloy na pag-
unlad ng Pilipinas simula pa noong unang panahon.
Nagluluwas ang Pilipinas ng mga produktong agrikultural sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Nagpapapasok ito ng malaking halaga ng dolyar
sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng isang masiglang sektor ng agrikultura
ay humihikayat ng mas mataas na produktibidad sa lahat ng may
kaugnayan dito.
Ang masiglang sektor na ito ay nakaeengganyo ng maraming
namumuhunan na pumasok sa sektor na ito na siyang lalong
nakapagpapasigla rito at maraming trabaho ang nabuksan para sa mga
mamamayan. Subalit ang mga suliranin na
kinakaharap ng sektor tulad ng pagmamay-ari ng lupa, global warming,
kawalan ng teknolohiya, irigasyon at paglisan ng mga manggagawa
patungong ibang sektor ng ekonomiya ay nakakaapekto sa katayuan ng
sektor ng agrikultura. Ang pamahalaan ay maraming mga programa at
ahensya na naglalayong pasiglahin ang produksyon ng sektor ng
agrikultura. Ang Department of Agriculture ang pangunahing ahensya na
nangangasiwa sa sektor ng agrikultura.

Ang Sektor ng Pagsasaka


Ang pagsasaka bilang isang industriya ay napakahalaga dahil sa ito
ang nagkakaloob sa atin ng pagkain, at maging ng pananamit at tahanan.
Bukod dito, higit na kalahati ng mga manggagawa sa daigdig ay
nagtatrabaho sa agrikultura at mga gawaing agrikultural. Kung wala ang
pagsasaka bilang isang industriya, nahihirapan makagawa ng pagkain
para sa malalaking populasyon sa daigdig.

Ang Sektor ng Pangingisda


Ang sektor ng pangisdaan ay isang napakahalagang industriya
sa ekonomiya. Ito ang pinagkukunan ng pagkain ng maraming tao, at
nagbibigay pa ng hanapbuhay sa maraming Pilipino. Ang lahat ng
proseso at pamamaraan sa produksyon ng isda at produktong isda ay
itinuturing na bahagi industriya ng pangisdaan, kabilang na ang
pangingisda, pagpoproseso at pagbebenta ng mga produktong ito.

Ang isda ang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng protina,


isang mahalagang bahagi ng nutrisyon, at isa rin sa pinaka paboritong
pagkain, bukod sa karne at gulay. Dahil dito, sa paglaki ng populasyon
ay lumalaki rin angpangangailangan sa isda at mga produktong kauri
nito.
Ngunit hindi lamang bilang pagkain ginagamit ang isda.
Ginagamit din ang mga ito sa iba pang paraan, tulad ng produksyon ng
mga pagkain sa hayop at mga palaisdaan.
Bagama’t ang teknolohiya ay nagbigay sa maraming bansa ng
kakayahang mangisda sa mga karagatan o kaya’y pumasok sa mga
teritoryong pandagat ng ibang bansa, higit pa ring madali ang paunlarin
na lamang ang sariling sektor ng pangisdaan ng isang bansa, sa sarili
nitong katubigan.
Dahil sa ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan, ito ay may
malawak na katubigan, na pumapaligid sa mga isla nito, at sa pagitan ng
mga pulo. Nagkaloob ito sa bansa ng mayamang pinagkukunang-isda at
mga kauri nito: tuna, mackerel, sardinas, alimasag, hipon, dilis, oyster,
at mga kauri nito.
Ang Sektor ng Paggugubat
Ang paggugubat, ay kinabibilangan hindi lamang ng pamamahala
sa mga gubat para sa kapakanan ng mga tao, kundi ng tamang paggamit
ng tubig, konserbasyon ng mga hayop at halaman, at ang pagtatayo ng
mga lugar-pasyalan o recreation areas.
Bilang isang industriya ang mga gubat ay nagkakaloob sa mga tao
ng tubig, pagkain, tirahan at mga lugar-pasyalan, at iba’t ibang uri at
dami ng hanapbuhay. Ang mga bansang may kagubatan ay nagkakaroon
ng malaking pakinabang sa mga yamang ito.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong Neolithic?
Bakit?

2. Paano nabago ng pagka diskubre ng agrikultura ang buhay ng tao?


Pamprosesong tanong:

1. Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng 7gricu


agricultural sap ag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na may
kaugnayan sa pagsasaka, pangingisda at paggugubat. Isulat ang titik na
tumutugon sa tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Nagmula sa salitang Latin na ager cultura
noong 6000 B.C. Ano ang kahulugan nito?
A. kultibasyon ng mga bukirin
B. pangangalaga ng mga pananim
C. pamimitas ng mga prutas
D. pagtatanim
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa sector agricultural?
A. Pagsasaka B. pangingisda C. paggugubat D. pagmimina
3. Alin ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng sektor ng
agrikultura sa ekonomiya?
A. Suplay ng pagkain
B. Nagpapasok ng dolyar
C. Raw materials para sa sektor ng industriya
D. Pagbili ng sakahan ng mga dayuhan
4. Anong pangunahing ahensya ang nangangasiwa sa sektor ng
agrikultura?
A. Department of Agrarian Reform
B. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
C. Department of Agriculture
D. Bureau of Soils and Water Management
5. Ano ang tinutukoy na isang industriya na napakahalaga
dahil sa ito angnagkakaloob sa atin ng pagkain, at maging
ng pananamit at tahanan?
A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paggugubat D. Paghahayupan
6. Dahil ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan, ito ay may
malawak na katubigan, na pumapaligid sa mga isla nito, at
sa pagitan ng mga pulo. Ano ang isa sa mahalagang
industriya ang kaugnay nito?

A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paggugubat D. Paghahayupan
7. Alin ang kinabibilangan hindi lamang ng pamamahala sa mga
gubat para sa kapakanan ng mga tao, kundi ng tamang
paggamit ng tubig, konserbasyon ng mga hayop at halaman, at
ang pagtatayo ng mga lugar-pasyalan o recreation areas?
A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paggugubat D. Paghahayupan
8. Bakit itinuturing na isang agham ang agrikultura?
A. dahil ito ay may direktang kaugnayan sa pagkatas ng
mga hilaw namateryal mula sa likas na yaman
B. dahil ito ay binubuo ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat
C. dahil ang sektor na ito ay kasing halaga rin ng iba pang sektor
D. dahil ng mga gawaing agrikultural ay mayroong
mahalagang papel sa pagsulong ng ekonomiya at pag-
unlad ng bansa
9. Alin ang pinakamahalagang ginagampanan ng sektor
agrikultural saekonomiya ng bansa?
A. Ito ang nagpasimula ng mga lipunan at komunidad ng
sangkatauhan.
B. Ito ang nagsilbing ugat ng pagsulong ng daigdig na alam natin
sa kasalukuyan.
C. Dahil sa agrikultura, nagawa ng mga tao na mag-imbak ng
mga butil na maaaring kainin sa ibang araw.
D. Ang masiglang sektor na ito ay nakaeengganyo ng maraming
namumuhunan na pumasok sa sektor na ito na siyang
lalong nakapagpapasigla rito at maraming trabaho ang
nabuksan para sa mga mamamayan.
10. Bilang isang mag-aaral, alin ang HINDI mo kayang gawin
upang maipakita ang pagpapahalaga sa sektor ng
agrikultura?
A. Kumuha ng kursong pang-agrikultura upang
makatulong sapagpapaunlad nito
B. Magpantay ng mga batas upang mapaunlad ang sektor ng
agrikultura
C. Magtanim ng mga gulay sa likod bahay upang may
mapagkukunan
D. Ugaliing magtapon ng basura sa tamang lalagyan

You might also like