You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
IkatatlongMarkahan- Modyul 6:
Kontemporaryong Panitikan :Programang
Pantelebisyon

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sharen B. Gahuman


Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: Adela S. Luang
July G. Saguin
Maricel B. Jarapan

Tagaguhit/TagakuhangLarawan: Edgardo Jamilar Jr.


Tagalapat:Peter Alavanza,
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed. D.
Ella Grace M. Tagupa, Ed.D.
Jephone P. Yorong, Ed. D
Lindo O. Adasa Jr
Alamin
Pagkatapos mong isagawaangmodyulnaito, ikaw ay inaasahang:
❖ Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa
itinakdang mga pamantayan (F8PD-IIIe-F-31)
❖ Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at
katuwiran(F8PS-IIIe-F-32)
❖ Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta) (F8WG-IIIe-F-32)

Balikan

Panuto:Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang letrang


T kung ang pahayag ay tama at letrang M naman kung ito’y mali. Ilagay
ang sagot sa patlang bago ang bilang. 1 puntos bawat bilang )

______ 1.Ang dokumentaryong pantelebisyon ay naglalayong maghaha-


tid at tumatalakay sa katotohanan ng buhay.
______ 2.Sumasalamin sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan ang
hatid ng mga dokumentaryong pantelebisyon.
______3.“Nag-aaral siyang mabuti kaya natuto siya nang husto.” Ang
pangungusap ay nagpapahayag ng bunga at resulta.
______ 4.“Kung magsikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.”
Ang pahayag ay nagsasaad ng sanhi at bunga.
______ 5. Ang paggamit ng mga pangatnig ay mahalaga upang ipakita
ang kaugnayang lohikal at wastong pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari.

Kontemporaryong Panitikan:
Aralin Dokumentaryong Pantelebisyon
7
Tuklasin
“KIslap ng Bituin “
( Jeystine Elilizbeth L. Francia )

Panganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni mommy


ang aking isipan sa tunay na takbo ng buhay. Tinulungan niya akong
buksan ang isip sa mga bagay na nagaganap sa labas ng aming tahanan.
Ginagabayan niya ako habang inuunawa ang mga ito. Bukod sa mga
panonood ni mommy ng mga palabas nina Howie Severino isa ang
dokumentaryo ni Kara David na “Gamu-gamo sa Dilim” ang nagbukas sa
mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong
dapat ito’y pinatatatag.

Malaki ang iniiukit sa aking puso ng mga kaganapan sa Little Baguio


isang lugar kung saan may mga guro at batang hindi alam ang salitang
pagsuko sa kabila ng kanilang sitwasyon sa buhay. Bagama’t kulong sila sa
rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy
silang nagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas
maliwanag ang kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,


at sa paggabay ni mommy upang unawain ko ang mga ito, lalo kong
pinatatag ang matagal nang pangarap na maging sa hinaharap.

Mula noon hanggang ngayon, pinangarap ko na maging isang


tagapaglingkod ng mamamayan. Sumulat at maipakita sa lahat ang tunay
na kaganapan sa buhay ng tao. Pangarap na makatulong sa ibang tao at
maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng
higit na atensiyon.

Hawak ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng


dokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,” at ang pagiging guro ni mommy,
tutuparin ko ang makapaglingkod sa aking bayan at sa mamamayan.

Susulat ako ng mahahalagang impormasyong kakailanganin upang


mamulat ang mundo sa katotohanan ng buhay. Ipasisilip ko ang lente ng
camera upang baka sakali ay makita nila ang mga bagay na dapat nilang
makita, ang sakit ng lipunang aking ginagalawan ay higit kong madama at
maipadama sa buong mundo. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali,
sa mga letrang isusulat ko sa papel ay higit na maunawaan at makikilala ng
mga tao ang kanilang mga sarili gayundin ang mga tao sa kanilang paligid.
Hangad kong dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan,
sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng
paligid ay pilit na nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at
liwanag, naging isang makislap na bituin na magsisilbing gabay ng mga
taong naglalakbay sa gitna ng dilim.

Mga Tanong:(5 puntos bawat bilang)


1. Bilang estudyante o kabataan, ano ang iyong saloobin habang
pinanonood ang dokumentaryo?
2. Anong konsepto ang nasa isip mo sa mga pangyayaring ito sa
iyong lipunan?

Suriin
A. Pampanitikan

Ang telebisyon ay isa mga itinuturing midyum sa larangan ng


broadcasting. Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay
maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising
sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga dahil malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan lalong lalo na sa kaisipan,
ugali, kabuluhan, at pananaw ng isang nilalang.

Ang dokumentaryong pantelebisyon ay mga palabas na naglalayong


maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang
lipunan.

A. Gramatika at Retorika
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-
ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng
relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at
paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.
1. Dahilan at Bunga/ Resulta
➢ Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari.
Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nto.
Halimbawa: 1.Nagtatrabaho siyang mabuti kaya tumaas ang kanyang
posisyon.
2. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan
➢ Sa ugnayang ito ipinakiitang maaaring maganap o sumalungat
ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang pang-ugnay
na kung, kapag sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na
ito.
Halimbawa: 1.Kung nag-eensayo kang mabuti hindi ka matatalo.
3.Paraan at Layunin
➢ Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang
layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan.
Halimbawa: 1.Upang/Para matuto nang husto, nag-aaral siyang
mabuti.
Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na
para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang
layunin.
4.Paraan at Resulta
➢ Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang
resulta.
Halimbawa: Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang
kurso.(paraan + resulta)
Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-
aaral.(resulta + paraan)
➢ Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito.
Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang
resulta.
(Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang, Filipino-Modyul para sa Mag-aaral, Unang
Edisyon, 2013)

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang maikling ulat tungkol sa isang


dokumentaryong pantelebisyon ng GMA 7, ang Reporter’s Notebook na ulat
nina Maki Pulido at Jiggy Manicad.Pagkatapos, Sagutin ang mga kasunod
na katanungan.Bilugan ang titik na kumakatawan ng tamang sagot.(1
puntos bawat bilang )
Ang Batang Magtatanso at Batang Magbabayuko

Sina Joanna Marie, 10 taong gulang at Andrew, 6 na taong gulang ay


itinampok sa Reporter’s Notebook na ini-ere noong Marso 2013. Sila ay mga
batang sa halip na nag-aaral ay naghahanapabuhay sa pamamagitan ng
paghahanap ng piraso ng kableng sa basurahan bunga ng kahirapan. Ang
mga ito ay kanilang sinunog upang makuha ang tanso. Bagama’t pumutok
ang kableng kanilang sinunog ay hindi kinakitaan ng takot ang batang si
Joanna dahil ayon sa kanya ay gagawin niya ang lahat upang maibigay ang
pangangailangan ng kanyang inang biyuda. Ang ganitong gawain ay
tinatawag na extreme risk o isang uri ng mapanganib na childlabor sa
buong mundo ayon sa Maplecroft.
Samantalang noong buwan ng Agosto ng nasabi ring taon ay isa pang
dokumentaryong kahawig ng mga batang magtatanso ang ipinalabas sa
Reporter’s Notebook, ito ay ang mga batang magbabayuko. Sila ay mga
batang naghahanap ng malaking susong tinatawag na bayuko sa
kabundukan sa halip na nag-aaral o pumapasok sa paaralan. Sila ay sina
John Paul, Ronald, Gaspar at Enteng mga batang taga-Daraitan, Tanay,
Rizal. Halos maghapon silang naghahanap ng bayuko sa bundok kaya’t
pinagbabaon na sila ng pagkain ng kanilang magulang. Ito ay kanilang
ibinibenta ng tatlong piso hanggang limang piso bawat isa kung saan ay
kumikita sila ng tatlumpung piso hanggang isang daang piso isang araw.
(Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang, Filipino-Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013)

TANONG:

1.Ang batang magtatanso at batang magbabayuko ay magkakatulad ang


kalagayan MALIBAN SA ______________.
A. Naghahanapbuhay sa murang edad.
B. Mahirap ang kalagayan sa buhay .
C. Pasaway at pabigat sa mga magulang ang mahirap na kabataan
D. Sa halip na nag –aaral ay nagsusumikap na makatulong sa
pangangailangan ng pamilya.

2.Ano ang nasa isip mo sa pangyayaring ito sa lipunan?


A. Maraming mga kabataan ang nalihis ang landas.
B. Sapilitan ang pagpapaaral ng mga kabataan sa Pilipinas.
C. Dahil sa kahirapan ng buhay,ang mga kabataan sa murang edad
ay nagtrabaho upang makatulong sa paghahanabuhay.
D. Maraming kabataan ang nagkasakit dahil sa maagang pagtatra-
baho sa murang edad.
3.Ano ang maaring maging resulta sa mga batang maagang
nagtrabaho o sangkot sa child labor ?
A. Mapanganib ang kanilang buhay dahil sa gawaing pinasukan.
B. Kulang sa pinag –aralan dahil sa halip na pumunta sa paaralan
Pinagkikitaan ang pinagkabalahan.
C. Maaring magkaroon ng malnutisyon dahil sa kakulangan ng
pag-aalaga ng mga magulang at kahirapan.
D. Lahat ng nabanggit
4. Ano ang isyung panlipunan ang tinalakay ng dokumentaryong ito ?
A. kalagayan ng kabataan sa Pilipinas
B. kalagayan ng mga kabataan sa child labor
C. Kalagayan ng edukasyon sa mga kabataan ng bansa
D. Kalagayan ng mga kabataan sa darating na panahon

Gawain

Panuto: Piliin mula sa loob ng panaklong ang angkop na pang –ugnay


upang ipakita ang ugnayang lohikal ng sumusunod na
pangungusap.Salungguhitan ang tamang sagot.
1. Hindi nakapag-aral ang mga batang magtatanso ( dahil sa,kaya, kung
,bunga ) maagang pagtatrabaho.

2. Halos maghapon silang naghahanap ng bayuko sa bundok ( upang ,


kaya’t , dahil sa, bunga) pinagbabaon na sila ng pagkain ng kanilang
magulang.

3. Ipinagbaon ang mga batang magbabayuko ( upang , sa, kasi,


dahil sa) hindi magugutom sa paghahanap ng bayuko sa bundok.

4. Ang mga pirasong kable ay kanilang sinunog (upang , dahil sa ,kasi,


kaya ) makuha ang tanso.

5 Maraming kabataan ang napabilang sa child labor ( kaya, dahil sa,kasi,


upang ) tumaas ang dami ng kabataang mababa ang pinag aralan.

Isaisip

Sa modyul na ito, natutuhan ko na ang dokumentong pantelebisyon ay


mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibong proyekto na
tumatalakay sa ___________ at pamumuhay sa isang lipunan.

Napag-alaman ko ring may mga konseptong higit na makahulugan pinag –


ugnay o pinagsama. Ang mga koseptong ito ay nagpapahayag ng relasyon o
kaugnayang ________________ tulad ng dahilan at bunga, layunin at bunga,
paraan at ________, kondisyon at bunga.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1.“Kung magsikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap.” Anong


kaugnayang lohikal ang ipinakita sa pahayag?

a. Dahilan at Bunga c. Paraan at Resulta


b. Paraan at Layunin d. Kondisyon at Resulta

2. Nagtuturo siyang mabuti________binigyan siya ng gantimpala.

a.kaya b.kasi c.sapagkat d.dahil

3. Ito ay isang midyum sa larangan ng broadcasting na pinanood ng mga


tao na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto
na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.

a.Radyo b. Telebisyon c.Telepono d.Cellphone

4. _________marunong kang magtiis sa trabaho maging maganda ang takbo


ng buhay mo.

a.Dahil b.Kaya c.Kung d.Pagkat

5. Bakit pangarap ng may-akda sa “Kislap ng Bituin” na maging isang


tagapaglingkod ng mamamayan?

a.Dahil pangarap niya na makatulong sa ibang tao at maging boses at


mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na
atensiyon.

b.Dahil gusto ng kanyang mommy na maimulat ang kanyang isipan


sa tunay na takbo ng buhay.

c.Upang maging tanyag siya sa mga mata ng mga tao.

d.Dahil gusto niyang magkaroon ng maraming pera.


Karagdagang Gawain
Panuto: Maghanap ng dokumentaryong pantelebisyon. Sumulat ng isang
talataan upang ipahayag ang katotohanan ng buhay ,kultura at
pamumuhay na tinatalakay .

PAMANTAYAN SA PAGSULAT

Pamantayan 5 3 1

Maayos at malinaw ang Hindi masyadong Lumihis sa


organisasyon ng mga malinaw ang ipinapagawao sa dapat
Organisasyon ideya. organisasyon ng mga ipapahayag na
ideya. mensahe ng gawain.

Gramatika: Nagagamit nang wasto May 1-5 mali sa paggamit May 6 o higit pang mali
ang mga pahayag ng sa paggamit ng mga
Paggamit ng ng mga pahayag ng
kaugnayang lohikal pahayag ng
mga pahayag kaugnayang lohikal
kaugnayang lohikal
ng kaugnayang
lohikal

Walang pagkakamali sa Kakikitaan ng 1-5 Kakikitaan ng 6 o higit


mga bantas at pagbaybay. pagkakamali ng bantas at pang pagkakamali sa
pagbaybay. mga bantas at
Mekaniks pagbaybay.
Susi sa Pagwawasto

Balikan Pagyamanin: Karagdagang Gawain:

1.)T 1. C 3. D Depende sa naging sagot ng


mag-aaral..
2.) T 2. C 4. B
Tayahin:
3.) T
1.d
4.) M Gawain:
2.a
5.) T 1. dahil sa 4.upang
3.b
Tuklasin 2. kaya 5. kaya
4.c
1.Depende sa naging sagot 3. upang
ng mag-aaral. 5.a
ISAISIP
2.Depende sa naging sagot
ng mag-aaral. Kultura

Lohikal

resulta

Sanggunian:
MELC’s Filipino8 p. 47

Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang, Filipino-Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013


Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like