You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS

Pagsasanay na Pagsusulit (Pauna/Panapos)


Ikalawang Semestre
FILIPINO-Baitang 9

Pangkalahatang Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

I. Pag-unawa sa Napakinggan

Panuto: Pakinggang mabuti ang akdang babasahin ng guro na may pamagat na


“Ang Talinhagatungkol sa May-ari ng Ubasan.” Pagkatapos sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.

1. Anong kaugalian ang masusuri ayon sa usapan ng mga tauhan sa parabula?


A. Tao vs. Diyos
B. Tao vs. Kapaligiran
C. Tao vs Sarili
D. Tao vs Tao

2. “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang


maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw. Bakit
pinare-pareho ninyo ang aming upa?” Anong mabuting asal ang nawawala sa
pangkat ng mga manggagawang may sabi ng pahayag na ito?
A. Kahinahunan
B. Kakuntentuhan
C. Paggalang
D. Pagpapakumbaba

3. Batay sa mga pangyayari sa parabula, ano sa iyong palagay ang magiging


tugon ng mga
manggagawa sa may – ari ng ubasan?
A. Aalis ng may galit sa may–ari ng ubasan.
B. Hihingi ng tawad at makikiusap na muli silang tanggapin sa araw ng
bukas.
C. Magiging marahas at pipiliting makakuha ng sapat na bayad sa
kanilang pagtatrabaho.
D. Magpapakumbaba at mauunawan ang kasunduan nila bago sila
magtrabaho sa ubasan.

4. “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng


karampatang upa.”Ano ang mahihinuha sa nabanggit na pahayag?
A. Hindi babayaran ang mga huling nagtrabaho.
B. Ubas ang upa sa mga nagtrabaho sa ubasan.
C. Babayaran ng pantay-pantay ang mga nagtrabaho.
D. Ang upa ay ayon sa oras ng naipagtrabaho sa ubasan.
5. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang mga pangyayari sa kwento?
A. Makatotohanan, dahil kung hindi magtatrabaho ay walang upang
matatanggap.
B. Makakatotohanan, dahil marami pa rin sa mga tao ngayon ang tambay
at walang trabaho.
C. Makatotohanan, dahil ang isang kasunduan ay hindi maaaring
mabago lalo na kung ito ay sinang-ayunan ng magkabilang panig.
D. Makatotohanan , dahil marami pa rin sa mga manggagawa ngayon ay
walang kakuntentuhan sa mga bagay na kanilang nakukuha mula sa
kanilang trabaho.

B. Panuto: Pakinggang mabuti ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me


Tangere.” Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

6. Kanino inialay ni Jose Rizal ang akdang “Noli Me Tangere?”


A. GOMBURZA C. Leonor Rivera
B. Inang Bayan D. Maria Clara

7. Ano ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang ito?


A. Ebony and Ivory C. The Roots
B. Iliad and Odyssey D. Uncle Tom’s Cabin

8. Sino ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobela?
A. Ferdinand Blumentrit C. Paciano Rizal
B. Maximo Viola D. Valentin Ventura

9. Anong sakit ng lipunan ang tinutukoy ni Rizal sa nobela?


A. Dengue C. Kanser
B. HIV D. Tuberkulosis

10. Ano ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino?


A. Erehe C. Mangmang
B. Indiyo D. Tamad

II. Pag-unawa sa Binasa

A. Panuto: Basahin ang elehiya. Pagkatapos, suriin ang mga elemento nito.
Sagutin ang mga tanong.
Elehiya sa Anak Pawis
Kay ka Lando Olalia

Himlay, aming kapatid


Sa init ng aming dibdib
Sa oyayi ng aming bisig
At latag ng pananalig

Kasama, sa paghimlay
Tatayo ang maiiwan
Na sa oras ng paglisan
Kakambal ng aming buhay
Aawitan ka kasama
Sa gabi ng aming dusa
Tagulaylay ng pag-asa
Na hihimig sa umaga

Isasabog ka ng araw
Isisinag ka ng buwan
Iaawit ka ng linang
Isusuob ng kamanyang

Aming kapatid humimlay


Kasama sa paglisan
Kasama, aawitan,
Isasabog ka ng araw

11. Ano ang tema ng tulang binasa?


A. Kamatayan C. Pagtanggap sa Katotohanan
B. Paglisan D. Pananalig sa Diyos

12. Saan ito naganap?


A. Bahay C. Kalangitan
B. Kabukiran D. Kalikasan

13. Ano ang kaugaliang masasalamin sa tula?


A. Pagdadamayan C. Pagmamahalan
B. Pagkakaisa D. Pakikiramay

B.1. Panuto: Basahing mabuti ang buod ng kabanata 3 ng nobelang Noli Me


Tangere. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Hapunan

Nagsilapitan ang mga panauhin sa hapag-kainan. Galit na galit pa rin pa rin si


Padre Damaso at sinipa niya ang bawat silyang madaanan at sinisiko din niya ang
mga kadete na nakaharang sa kanyang daan.
Sa paggigitgitan, nagalit ng lubos si Donya Victorina nang may makaapak sa
laylayan ng kanyang bestida. Ito ay si tenyente Guevarra. Humingi siya ng
kapatawaran at hindi ito pinansin ni Donya Victorina.
Sa hapag-kainan, nag-agawan naman sa kabisera ang dalawang pari na sina
Padre Damaso at Padre Sibyla. Nagbolahan sila at inalok pa si Tinyente Guevarra
ngunit tinanggihan lamang sila. Sa huli, napunta kay Crisostomo Ibarra ang
kabisera.
Dumating na ang pagkain sa lamesa. Tinola , ang paboritong ulam ni Ibarra.
Natuwa ang mga panauhin dahil sas natanggap nilang laman bukod kay Padre
Damaso. Leeg at pakpak ng manok lamang ang napatapat sa kanya. Wala siyang
nagawa kundi kunin ang sabaw at lapirutin ang mga sahog nito.
Dahil na rin sa galit ni Padre Damaso, nilait niya si Ibarra. Pinapahiwatig nito
ang pagtutol niya sa pag-aaral ni Ibarra sa ibang bansa. Sa inis ni Ibarra , umalis na
siya at nagpaalam na pupunta siyang San Diego.
14. Anong kanser ng lipunan ang malinaw na makikita sa tagpong ito ng nobela?
A. Kahalayan C. Kurapsyon
B. Kasakiman D. Pagmamataas

Aytem 15-17

15. Batay sa buod ng “Ang Hapunan”,piliin ang tatlong makatotohanang


pangyayari sa mga sumusunod .
A. Sa matinding galit, sinisipa ni Padre Damaso ang bawat silyang
madaanan.
B. Humingi ng kapatawaran si Tinyente Guevarra kay Donya Victorina.
C. Sa hapag-kainan, nag-agawan sa kabisera si Padre Damaso at
Crisostomo Ibarra.
D. Nilait ni Padre Damaso si Crisostomo Ibarra.

16. Sino sa mga tauhan sa nobela ang nagpakita ng kapakumbabaan sa halip na


paglaban sa panlalait sa kanya ?
A. Crisostomo Ibarra C. Padre Sibyla
B. Donya Victorina D. Tinyente Guevarra

17. Sino naman sa mga tauhan ang salamin ng pagmamataas?


A. Crisostomo Ibarra C. Padre Sibyla
B. Donya Victorina D. Tinyente Guevarra

Aytem Bilang 18-21

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga kaisipan/ pahayag na nasa kahon.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

“Mamamatay ako na hindi nakikita ang pagbubukang liwayway sa aking


bayan. Kayong makamamalas sa kanya , batiin ninyo siya at huwag ninyong
kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”

18. Anong katotohanan ang nais bigyang pansin sa pahayag ?


A. Kaingatan C. Kaligtasan
B. Kainggitan D. Kataksilan

19. Ano ang binibigyang-diin sa pahayag na binasa?


A. Inaasahang kalayaan C. Mga bayani
B. Kaliwanagan D. Naghihingalo

“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may


pakitang giliw, lalong pagingata’t kaaway na lihim.”

20. Anong ideya/kaisipan ang lumutang sa pahayag?


A. Pampamahalaan C. Panlipunan
B. Pampamilya D. Pansimbahan
21. Ano ang binigyang-diin sa pahayag?
A. Ang tao’y laging may kaaway.
B. Ang tao’y di dapat magtiwala.
C. Ang tao’y laging may pasalubong.
D. Ang tao’y pinagpapakitaan ng giliw.

III. Paglinang ng Talasalitaan

A. Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat


bilang.

22. Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian.


A. Akala C. Maltrato
B. Bintang D. Palagay

23. Nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilog ng higante.


A. Nadaplisan C. Nasugatan
B. Nasagasaan D. Natamaan

24. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umiisip sila ng ibang paraan.


A. Napaniwala C. Napasubaybay
B. Napapayag D. Nasunod

B. Panuto: Piliin ang titik ng kontekstwal na kahulugan ng salitang may salungguhit.

25. “Gumawa ng maraming ingay ang libro ko.”


A. Di kanais-nais C. Kagulat-gulat na kaisipan
B. Di katanggap-tanggap D. Mapanghamon na kaisipan

26. Parang nalagutan ng isang bagting ang puso ni Sisa.


A. Himaymay C. Kuwerdas
B. Kalamnan D. Ugat

C. Panuto: Piliin ang kahulugan ng matatalinhagang salitang may salungguhit sa


bawat pangungusap.

27. Nagpanting ang tenga ni Crisostomo Ibarra ng marinig ang kwento tungkol sa
pagkamatay ng kanyang ama.
A. Nagalit C. Nalito
B. Natakot D. Natuwa

28. Nagkadaupang palad sa unang pagkakataon sina tinyente Guevarra at


Ibarra.
A. Nagkausap C. Nagkumustahan
B. Nagkamayan D. Nakita
IV. Wika at Gramatika
A. Panuto: Piliin mula sa kahon ang angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng
damdamin ng bawat taludtod ng tula.

A. Kapighatian B. Maligaya C. Matuwa


D. Nagtutumangis E. Taghoy

29. “Ang mga kampana sa tuwing orasyon


Nagpapahiwatig sa akin ng _______________.”

30. “Organong sa loob ng isang simbahan


Ang nananalangin sa _______________.”

31. “Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo’t magdamag na _______________.”

32. “Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga


Ni ibon, ni tao’y di na _______________”.

Aytem Bilang 33-35

B. Panuto: Gamitin ang mga tamang pang-uri upang maibigay ang mga katangian
na tinutukoy sa mga pangungusap.

33. Bumalik si Crisostomo kay Maria Clara pagkatapos niyang tumakas sa piitan
upang patawarin si Maria Clara. Si Ibarra ay naging ______________ upang
lumigaya ang babaeng labis na iniibig.
A. Maalalahanin C. Mapagmahal
B. Mabait D. Mapagparaya

34. Si Kapitan Tiyago ay isa sa mga _______________ sa Binundok. Siya ay


isang asendero. Marami siyang bahay at lupa.
A. Matipid C. Maunlad
B. Mayaman D. Pinakamayaman

35. Naging _______________ si Elias nang tumalon siya sa tubig upang


makipaglaban sa buwaya.
A. Mapusok C. Matulungin
B. Matapang D. Palaban

C. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pang-abay upang maging ganap ang
kaisipan ng bawat
pahayag.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mabilis Kaagad

Kamakalawa Linggo

Plaza Silid aralan


36. Punan mo _____________ ang lahat ng lalagyan dahil tiyak na mawawalan
ng kuryente dahil sa bagyo.

37. Sa tuwing nalulungkot si Joan ay mas nais niyang tumigil sa ____________


dahil naaaliw siya sa mga bata roon.

38. Hindi ako makapaniwalang wala na si Ambo, _____________ay dumalaw pa


siya sa akin.

39. _________ na lumilipas ang mga araw, kailangan mong magmadali upang
ikaw ay makahabol.

V. Pagsulat
Aytem Bilang 40-45

A. Panuto: Sumulat ng sarili mong elehiya para sa isang mahal sa buhay.


Gawing patnubay ang
pamantayan sa pagsulat.

Pamantayan Puntos
Nilalaman 4
Kaangkupan ng mga Salitang 2
Ginamit
KABUUAN 6

Aytem Bilang 46-50

B. Panuto: Maraming magagandang pangarap an gating mga magulang para sa


ating mga anak. Dapat tayo ring mga anak ay mangarap para sa kanilang
kaligayahan. Sa ganitong paraan, tayo ay makapagbibigay ng pagpapahalaga
sa kanilang kadakilaan.

Upang maipakita mo ang pagmamahal, sumulat ka ng isang “Scenario


Building” tungkol sa iyong ina na nasa kalagayan ni Sisa. Baguhin mo upang
gumanda ang sitwasyon ng pamumuhay niya. Gawin ito batay sa
pamantayan.

Pamantayan Puntos
Nilalaman 3
Napapanahon 2
KABUUAN 5
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D
2. D
3. C
4. C
5. C
6. B
7. D
8. B
9. C
10. B
11. B
12. B
13. A
14. D
15. D
16. A
17. B
18. C
19. D
20. D
21. B
22. B
23. A
24. A
25. A
26. B
27. A
28. D
29. A
30. E
31. D
32. C
33. D
34. D
35. A
36. Kaagad
37. Silid-aralan
38. Kamakalawa
39. Mabilis
40.50 Batay sa pamantayan

You might also like