You are on page 1of 2

PAGBASA NG TEKSTO SA FILIPINO BAITANG 8

EDUKASYON

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo
ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi
lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman,
kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na
edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral
tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay
ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na
maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga
mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa
buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang
kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon
ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa
kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at
malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang
karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang
maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa,
nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang
mga pangarap na nais nilang matupad.

Tanong:
1. Ano ang paksa ng teksto?
A. Kapayapaan B. Nasyonalismo C. Wika D. Edukasyon
2. Sino ang tinutukoy na kanila sa ikatlong pangungusap sa ikalawang talata?
A. Mag-aaral B. Guro C. Pricipal D. Pamahalaan
3. Sino ang kinakausap ng may akda sa teksto?
A. Mag-aaral B. Guro C. Magulang D. Principal
4. Ano ang pangunahing layunin ng edukasyon?
A. magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon
B. magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa
kinabukasan
C. ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan
D. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang
magiging kinabukasan
5. Ano ang layunin ng may akda ng teksto?
A. Manghikayat B. Magbigay ng impormasyon C. Tumuligsa D.Magbigay aliw

You might also like