You are on page 1of 1

SAN PEDRO NATIONAL HIGH SCHOOL

San Pedro, Hagonoy, Bulacan


T.P. 2020-2021
IKATLONG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


Pangalan: _________________________________ Marka: _____________
Baitang/Seksyon: ___________________________ Petsa: _______________

I.Panuto: Tukuyin sa hanay B ang mga kahulugan ng mga bagong terminolohiya na ginagamit sa
multimedia na nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
_____ 1. No cap a. tumutukoy sa kaibigan, malapit na tao o maging sa
_____ 2. Leg8 nakatatanda ngunit nasa malapit na edad
_____ 3. Omsim b. Mismo
_____ 4. Mamshie c. Malakas
_____ 5. Sakalam d. Legit
e. nangangahulugang walang halong biro

II.Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag ay naglalahadng ng KATOTOHANAN at O naman kung
ito ay naglalahad ng OPINYON. . Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 6. Kung ako ang tatanungin, dapat na mag-ingat din ang mga tao sa pandemya hindi puro sa
gobyerno sila aasa.
_____ 7. Sa tingin ko, bumaba ang bilang ng krimen ngayong 2020 dahil sa matagal na namalagi ang
mga tao sa kanilang tahanan.
_____ 8. Sinabi ni Pangulong Duterte na karamihan sa mga nabakunahan kontra COVID-19 ay halos
lahat ng mga miyembro ng militar at mula sa mga miyembro ng Philippine National Police
(PNP).
_____ 9. Umasa ang may 50% ng mga Pilipino ng masayang Pasko kahit may COVID-19 pandemic,
batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations noong nakaraang Kapaskuhan.
_____10. Para sa akin, marami pa ring dapat ipagpasalamat sa kabila ng mga suliraning naganap sa
nagdaang taong 2020.

III. Panuto: Tukuyin sa loob ng kahon ang hinihingi ng mga pahayag sa bawat bilang. . Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
BIZ Iskrip Dulaang panradyo
Dokumentaryong panradyo SOM

_____ 11. Isang klase ng pagtatanghal na ginagamit lamang ang boses at iba’t ibang tunog katulad ng
yabag ng mga tauhan, kalansing o tunog ng mga kagamitang kanilang hinahawakan, at iba pa.
_____ 12. Ito ay ang maikling musika na nag-uugnay sa putol-putol na bahagi ng iskrip sa radyo
_____ 13. Ito ang dahilan kung bakit organisado ang pagpapahayag ng balita.
_____ 14. Ito ay ang pambungad na tunog sa pagkakakilanlan ng programa.
_____ 15. Isang programang naglalahad ng katotohanan at impormasyon, maaaring isyu tungkol sa
lipunan, politikal o historikal.

IV. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.
______ 16. Tinatawag na infotainment ang isang uri media na nagbibigay ng mga impormasyon at
kasiyahan sa mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pantelebisyon.
______ 17. Ang tono ay tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.
______ 18. Ang KATOTOHANAN ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang
bagay o sitwasyong naganap.
______ 19. Ang layon ay ang intensiyong tinutukoy sa isang akda.
______ 20.Ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing
libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao
Inihanda nina:

VICTORIA P. DE GUZMAN
BERNARDITA S. CRUZ
ALICIA N. DEL ROSARIO
JENIELYN SA. AQUINO
Mga Guro sa Filipino 8

You might also like