You are on page 1of 10

Isaisip Blg.

1
Mga Karunungang-Bayan
1. Salawikain - Ito ay
patalinghagang may
nakatagong kahulugan.
Karaniwan itong naisusulat
ng may sukat at tugma kaya
masarap
pakinggan kapag
binibigkas.
Mga Halimbawa:
 Ang sakit ng
kalingkingan, damdam ng
buong katawan.
 Ang taong matiyaga,
natutupad ang ninanasa.
2. Sawikain - Ito ay
isang paraan ng
pagsasalita na hindi
gumagamit ng mararahas
na salita upang maiwasan
ang makasakit ng loob. Ito
ay masasabing mga
salitang eupemistiko,
patayutay o idyomatiko na
ginagamit upang maging
maganda ang
paraan ng pagpapahayag.
Mga Halimbawa:
mahaba ang kamay -
magnanakaw
parang natuka ng ahas -
natulala
3. Kasabihan - Ito ay
hindi gumagamit ng mga
talinghaga. Payak ang
kahulugan. Ang kilos
,ugali, at gawi ng isang tao
ay masasalamin sa mga
kasabihan.
Mga Halimbawa:
 Ubos-ubos biyaya,
bukas nakatunganga
 Tulak ng bibig, kabig ng
dibdib.
4. Bugtong – Ito ay
nagpapalawak hindi lamang
ng talasalitaan kundi ng
pag-unawa rin.
Mga Halimbawa:
 Pagsipot sa maliwanag,
kulubot na ang balat. -
ampalaya
Munting puso-pusuan,
nakabitin sa tabi ng daan.
– mangga

You might also like