You are on page 1of 21

Ano ang Parabula?

Sa mahabang panahon, ang panitikan ay ginagamit na


kasangkapan sa pagtuturo ng áral.
* Kasangkapan ito sa paghubog ng mabuting kaasalan sa mga batà,
sa pagpapaalala ng tama at mali sa matatanda, at maging sa
pagsasanay sa mga tao.
* Ang parabula ay isang panitikang isinulat para sa naturang
layunin.
* Nakilála ang parabula bílang paraan ni Hesus sa pangangaral ng
kaligtasan, pag-ibig sa kapuwa, tamang pag-uugali, at iba pa.
Mga Kahulugan
• Tumutukoy ang parabula sa isang akdang pampanitikan
na nagsasalaysay ng mga pangyayari o kilos na
pinagbabatayan ng tamang gawi. Maaaring ang mga
pangyayari sa akda ay nagsisilbing halimbawa para gayahin
o huwag gayahin ang naturang pangyayari (T.W. Manson).
• Ito ay natural na ekspresyon ng kaisipan na naghahanap ng
katotohanan mulâ sa tiyak na pangyayari (C. H. Dodd).
• Ito ay ugnayan ng anyong pasalaysay at metaporikal na
proseso (Paul Ricoeur).
• Ito ay mga kuwentong hango sa Banal na Kasulatan upang
kapulutan ng áral.
Mga Uri ng Parabula
Ayon kay Klyne R. Snodgrass sa kaniyang aklat na
Parables with Intent:
A Comprehensive Guide to the Parables of Jesus (2008),
mauuri ang parabula sa mga sumusunod:
1. Similitudes
Kung ang pagtutulad sa parabula ay tahasang
naghahalintulad gaya ng paggamit ng mga eskpresyong gaya
ng, tulad ng, at parang. Ang tanda ng similitudes ay pagbibigay
ng analohiya ng tuwiran.
Halimbawa:
a. Silá ay parang mga tupa na walang nagpapastol. (Mateo 9:36)
b. Katulad silá ng mga batàng nakaupo sa plasa na sinasabi sa
kanilang kalaro. (Mateo 11:17)
2. Interrogative Parable
Ang uri ng parabulang ito ay nasa anyong
pagtatanong. Malimit sa mga nakasulat sa Banal na Aklat
ang pagtatanong upang tayain ang sarili sa kaniyang gawi.
Halimbawa:
a. Sa anong bagay ko maihahambing ang henerasyong ito?
(Mateo 11:16)
b. Ano sa tingin mo? (Parabula ng Nawawalang Tupa,
Mateo 18:12-14)
3. Double Indirect Narrative
Parable
Ito ay mga parabulang nagsasalaysay ng kuwento. Ang
mga pangyayari sa kuwento ay karaniwang nagpapakíta ng
suliranin at posibilidad.
Halimbawa:
- Parabula ng Alibughang Anak (Lucas 15:11-32)
4. Juridical Parable.
Ang uri ng parabulang ito ay may kinalaman sa mga
paglilitis o mga batas.
Halimbawa:
a. Parabula ng Dalawang Anak (Mateo 21:28-32)
b. Parabula ng Masasamâng Nangungupahan (Mateo 21:33-
35)
5. “How Much More” Parable
Nauuri ang parabulang ito batay sa gámit.
Maaaring ang uri ng parabulang ito ay kabílang
din sa mga naunang uri. Karamihan sa mga
halimbawa ng parabulang ito ay pagsalungat sa
kilos ng tao sa pamamagitan ng pagpalit sa kilos
ng Diyos.
5. “How Much More” Parable
Halimbawa:
- Kung kayóng masasamâ ay marunong magbigay
ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano
pa kayâ ang inyong Amang nasa langit? (Mateo
7:11).
Ano ang idyoma?
Idyoma o Matatalinhagang Pahayag
Ang idyoma ay salita o pariralang ang kahulugan ay iba o
taliwas sa tunay na ibig sabihin nito. Kung susuriin, ang
kahulugan ng bawat idyoma ay naiiba, di-tuwiran, o di sadyang
nauukol sa literal na kahulugan nito. Tinatawag din itong
matalinhagang pahayag.
Ang salitang “talinghaga” ay mulâ sa mga salitang
“talino” at “hiwaga” na ang ibig sabihin ay “isang pahayag na
hindi tahasang ibinibigay ang kahulugan—nakatago o hindi
lantad” (Adaya, et al., 2012). Kung gayon, ang talinghaga ay
naglalaman ng lalim ng salita at matalinong gámit ng mga
salita. Ang kasunod na mga pilìng matalinhagang pananalita ay
ilan lámang sa napakaraming matalinhagang pananalita o
idyoma.
1. Naglubid ng buhangin
Kahulugan: nagsisinungaling
Halimbawa:
a. Wala kang makakatas na kahit na maliit na impormasyon
mulâ sa táong naglulubid ng buhangin.
b. Hindi nakatutulong ang saksi sa paglutas ng krimen dahil
karamihan ng kaniyang sinabi ay nilubid sa buhangin.
2. Anghel ng tahanan
Kahulugan: anak, supling, nag-iisang anak
Halimbawa:
1. Anghel ng tahanan ang iniluwal ni Marta mulâ sa
napakatagal niláng pagsasáma ng kaniyang asawa.
2. Malápit na ang Pasko kayâ tuwang-tuwa ang anghel ng
tahanan sa naiisip niyang regalo mulâ sa mga ninong at ninang.
3. Nagmumurang kamatis
Kahulugan: nagpapabatà
Halimbawa:
1. Sa suot ni Marvin ay tíla siyá magmumuràng kamatis.
2. Nagmumuràng kamatis siyá upang magkaroon ng
kasintahan.
4. Hilong-talilong
Kahulugan: nalilito
Halimbawa:
1. Hilong-talilong siyá nang ibinigay ang pagsusulit sa
Filipino.
2. Nang mapadpad si Oscar sa Maynila ay hilong-talilong
siyá sa paghahanap ng lugar na kaniyang tutuluyan
5. Inalat
Kahulugan: minalas o hindi sinuwerte
Halimbawa:
1. Inalat ang kaniyang kapalaran nang binalewala niya ang
bilin ng kaniyang magulang.
2. Mukhang inalat siyá nang araw na iyon simula nang matalo
sa sabungan ang alaga niyang manok na pulá.
6. Bahag ang buntot
Kahulugan: duwag
Halimbawa:
1. Nabahag ang kaniyang buntot nang makíta niya ang kaniyang
katunggali sa bunong-braso.
2. Inakala ng lahat na bahag ang kaniyang buntot dahil hindi siyá
lumaban, ngunit ang totoo’y matapang siyá at umiiwas lámang talaga sa
gulo dahil ito ang kabilin-bilinan ng kaniyang mga magulang at mga
nakatatandang kapatid.
Narito ang ilan pang mga idyoma at ang
kahulugan ng bawat isa.

1. magdilang anghel - mangyari ang sinasabi 9. basâ na ang papel - di-maganda ang reputasyon o
rekord
2. bombo - buntis
10. balitang-kutsero - hindi totoong balita
3. bulang-gugo - galante
11. maamong kordero - mabait na tao
4. matalas ang ulo - matalino
12. mababaw ang luha - iyakin
5. naglalako ng asin - nagyayabang
13. di-madapuang langaw - maganda ang bihis
6. likaw ng bituka - mga lihim
14. amoy-lupa - matanda na
7. laki sa luho - lumaking nasusunod ang gusto
15. naghalo ang balat sa tinalupan - nagkagulo
8. nagbibiláng ng poste - naghahanap ng
trabaho

You might also like