You are on page 1of 2

Pangalan: ____________________________________________ Taon at Pangkat: _______

Guro sa Filipino: __________________________________ HaMsFil 1 - Ikatlong Markahan

PAANO MAGSURI NG MAIKLING KUWENTO?

LITERAL NA PAGSUSURI

• halos iisa lamang ang sagot

• kadalasang nasa akda ang lahat ng sagot

• pormularyo: literal = akda

TAUHAN – siya/sila ang kumikilos (sinadya man o hindi) na nagdudulot ng


pangyayari sa kuwento
Pangunahing Tauhan sa kaniya/kanila umiikot ang kuwento; kadalasang
(PT) kumikilos sa pagsagot ng problema
Iba Pang Tauhan siya/sila ang katuwang o katunggali ng PT sa pag-indayog /
(IPT) pagtakbo ng kuwento

TAGPUAN – dito naganap ang kuwento


Lugar Saan nangyari ang kuwento?
Panahon Kailan nangyari ang kuwento?

PROBLEMA – ito ang pinakadahilan / pinanggalingan ng lahat ng mga pagkilos ng


mga tauhan / pangyayari
*pinakaproblema, “nanay” ng lahat ng iba pang mga
Pangunahing Problema problemang napapaloob sa kuwento
*taglay, dinadala ng pangunahing tauhan
(kaya magagamit itong patunay / palatandaan upang
malaman kung sino ang pangunahing tauhan)

PANGYAYARI – pagtakbo / pag-usad ng kuwento


Pasakalye/ Simula mula sa pinakaumpisa hanggang sa ipakilala/ilahad ang
problema
Simula ng Problema pinag-ugatan ng mga pagkilos ng tauhan;
kadalasan dala ng Pangunahing tauhan
Pananabik/Pataas na lahat ng mga pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na
aksyon magaganap upang masolusyunan ang problemang
iniikutan ng kuwento maliban sa pinakahuli
pinakahuling pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na
Kasukdulan/karurukan magaganap upang masolusyunan masolusyunan ang
problemang iniikutan ng kuwento
Wakas Kinalabasan, kinahinatnan ng kuwento (matapos maganap
ang pinakahuling pagkilos ng PT upang solusyunan ang
problema)

PUNTO-DE-BISTA – Ano ang panauhang ginamit ng may-akda sa pagkukuwento?


“AKO”
Kasali Hal. Ako ay naglalakad nang bigla akong nadapa
(Unang Panauhan) at napaluha ako sa sakit.
“SIYA” /” SILA” / “SI”
Limitado / Nagmamasid lang Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang
(Ikatlong Panauhan) nadapa at napaiyak.
*isinasalaysay lamang ang bagay/pangyayaring
nakita
“SIYA” /” SILA” / “SI”
Mala-Diyos Hal. Siya ay naglalakad nang bigla siyang
(Ikatlong Panauhan) nadapa, at naalala niyang bigla ang mga dating
kahihiyang naranasan niya.
*isinasalaysay hindi lamang ang nakita kundi
pati ang nararamdaman o naiisip ng mga tauhan
ESTILO NG PAGSASALASAY – ito ang daloy kung paano isinalasaysay ang kuwento
Kronolohikal (A, B, C,…Z)
Pabalik-tanaw (Z-A, B, C, -…)
Daloy ng Kamalayan (P, X, N)

DETALYENG FILIPINO – Ano ang nagpapa-Filipino sa akdang isinalaysay sa akda


bukod sa wika?
- tayo lang o isa lang tayo sa iilang mayroon
- bahagi ng kulturang Filipino na ipinakita o binanggit sa akda
(maaaring bagay, lugar, pangyayari o okasyon, kaugalian, kaisipan)

MALALIM NA PAGSUSURI

• maaaring higit sa isa ang tamang sagot bagama’t may maituturing pa ring mali

• ang mga paliwanag o patunay sa sagot ay nagmula pa rin sa akda

• bunga ito ng pinagsamang talino ng may-akda at mambabasa

• pormularyo: MALALIM = AKDA + IKAW (mambabasa)

PAHIWATIG – detalye sa likod ng mga detalye


- mga nais sabihin ng may-akda ngunit hindi niya direktang sinabi

SIMBOLISMO – mga detalyeng ginamit ng may-akda na kumakatawan sa isang mas


malaking kaisipan o ideyang napapaloob sa akda
- pormularyo: A ~ B dahil ang katangian ng/nangyari sa A ay katangian
ng/nangyari rin sa B

PAGLALAPAT – mga kaisipan o pangyayari sa akda na maihahalintulad mo sa totoong


buhay
- may mga pangyayari ba sa akdang katulad ng nangyari sa iyo/sa ating
lipunan/sa ibang akda/sa iba pang larangan?
- Pormularyo: A=B pero ang A ay mula sa akda, ang B ay mula sa labas ng akda

ESTILO/KASININGAN – mga teknik na nakatulong sa bisa/pagkaepektibo ng akda


- Anu-ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa kaniyang pagsulat upang
maging makatotohanan, may talab, masining, malikhain, at akma ang
kaniyang akda (bukod sa paggamit niya ng simbolismo at pahiwatig?)

PINAKATEMA – pinakasinasabi ng akda


- Sa isang pangungusap, anong katotohanan sa buhay ang ibinabahagi ng
kabuuan ng akda?

You might also like