You are on page 1of 5

Search

Download
Read books, audiobooks, and more
Scribd, Inc
INSTALL
TALAMBUHAY
More info

TALAMBUHAY NIGENOVEVA EDROZA MATUTE


Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni
Genoveva EdrozaMatute
. Karaniwang magtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruinniya ang
banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasakapasiyahan nito,
at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpayniyang kuwento, ang
mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita saguniguni, at ang mga kataga
ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabaydin ang mga kuwento ni Aling
Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari nakung minsan ay nakalulugod at
kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito samambabasay mauugat sa lalim ng
pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na sinulat
ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso salabindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B.
Edrosa at Maria Magdalena K. Dizon.Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan
ay wala pang isang taon ang itinagalsanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta,
malapit sa karerahan ng kabayo saSan Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang alena
kapatid ng kaniyang amadoonsa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya.
Nag-aral siya sa Santa ClaraPrimary School (na magiging Gomez Elementary School) at
Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High
School ngayon), nagkolehiyo saPhilippine Normal School (na Philippine Normal University
ngayon), hanggang matapos angmasterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad
ng Santo Tomas.Kontrobersiyal ang buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang kaniyang
paninindigan sa pagsusulong wikang pambansa. Ang ganitong tindig ay maaaring sanhi ng
kaniyang masaklap nakaranasan noong nasa elementarya, na inilakip ni Borlaza sa talambuhay ni
Aling Bebang:Mabuti naman at mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang,
bagaman angguro niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal
noon ang pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa saya (barot saya
pa ang

kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling labuyo. Kapag may nahuli
siyangmag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa
pobreng nagkasala. Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat:
I was caughtspeaking the dialect
.Ang palakad na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat
ngwikang pansarili ng ibat ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging
malayana ang Pilipinas. Mabuti ang hangarinupang matulungan ang mga mag-aaral na
madalingmatuto ng Inglessubalit masama ang naging epekto sa damdaming makabansa ng
mgaPilipino. Maliit pa siyay naiisip na: Biglang naipit sa
desk
ang paa ko. Siyempre, masasabi koang
Aray
! Ang lagay ba, iisipin ko muna ang tawag doon sa Ingles, at pagkatapos ngmahahabang sandali ay
saka pa ako dadaing ng
Ouch
!Hindi rin batid ng nakararami na may mga pinaaral na iskolar si Aling Bebang (na
ginagawayaon bilang pagpupugay sa kaniyang inang si Maria Magdalena), at ang dalawa sa mga
ito aynagpasalamat sa kaniya noong kaniyang burol. Malimit sabihin ni Aling Bebang sa
kaniyangmga iskolar: Mag-aral kayo at magsumikap. At kapag kayoy nakatapos ay tumulong
din kayosa ibang tao upang mabawasan ang kanilang paghihirap. Akala ng ibay sadyang
masungit atmahigpit si Aling Bebang, yamang walang anak at maagang nabalo nang yumao ang
manunulatna si Epifanio G. Matute. Malambot din pala ang kaniyang puso sa mga kabataang
masikapngunit dukha.Hindi kataka-taka ang pagmamalasakit ni Aling Bebang sa kaniyang mga
kabataang iskolar. Ang pagnanais na umangat sa pamamagitan ng edukasyon ay matutunghayan
kahit sa kaniyangkuwentong Bughaw pa sa likod ng ulap na tungkol sa magkapatid na naghirap
at natutongmabuhay sa pangangalap ng basura nang maulila sa ama pagkaraan ng digmaan, ngunit
sa kabilang lagim ay mangangarap pa rin ang isang bata na makatapos ng pag-aaral.Sa isang
kuwentong pinamagatang Lola, inilahad ni Aling Bebang ang isang pangyayari sa pananaw ng
isang inang dukha na may sandosenang anak. Nakatagpo ng babae sa ospital angisang matandang
mayaman, na sa unang malas ay pasyente ngunit ang totoo palay doon lamangtumitira sa ospital
kahit walang sakit yamang walang nag-aalaga sa kaniyang kaanak. Inalok ngmatanda ang babae
na ampunin na lamang niya ang isang anak, at tutumbasan niya ng salapiiyon para sa ikaaangat ng
buhay ng pamilya ng babae. Sa dulo ng kuwento, lumayo ang babae athumabol naman ang
matanda. Walang sinabi ang babae ngunit nakintal sa kaniyang gunita angmatandang bihis na bihis
at nahihiyasan, iniaabot ang supot ng pasalubong, at ang kanang kamayay nakalahad na umaabot
sa patalilis na kausap.Ipinamalas lamang ni Genoveva Edroza Matute na kahit sa kuwento ay hindi
dapat sabihin anglahat, at mabisa ang pahiwatig ng mga larawan o tagpo. At kahit sa tunay na
buhay, may mga bagay na mabuting ilihim, kahit tapat na pagtulong at pagmamahal sa kapuwa at
kababayan

Angng kuwento ni Aling Bebang


By Tomas U. Santos - March 25, 201014019
ANG PAGSUSULAT ay kukuha ka ng kapiraso sa karanasan mo, kapiraso sa nakita mo,
kapirasong gawa-gawa moat kung saan-saan.

Ito ang tinuran ni Genoveva Edroza-Matute (1915-2009), ang kinikilalang Ina ng Makabagong
Maikling Kuwentong Filipino. Ito rin marahil ang pormula kung bakit nananatili ang pagtimo ng
kaniyang mga akda sa pusot isipan ng kaniyang mga mambabasa isang taon mula ng kaniyang
pagpanaw.

Isinilang noong Enero 3, 1915 sa isang dampa sa Tayuman, Sta. Cruz, Maynila, kilala si Matute o
Aling Bebang sa kaniyang mabisang paggamit ng wikang Tagalog. Nagtapos siya ng kursong
Bachelor of Secondary Education major in English sa UST College of Education habang
nagtuturo siya sa Paaralang Elementarya ng Burgos sa Sta. Mesa, Maynila. Sa UST din niya
tinapos ang kaniyang masters at doctorate degree. Ilan sa kaniyang mga naging guro sa
Unibersidad ay sina Jose Villa Panganiban, ang ama ng Varsitarian; Paz Latorena, kilala bilang isa
sa mga unang Filipinong manunulat sa wikang Ingles, at ang mamamahayag na si Mauro Mendez.

Asawa ni Aling Bebang ang yumaong Epifanio G. Matute na isa ring manunulat at kilala sa
kaniyang kathang Kuwentong Kutsero na isinalin sa seryeng pang-telebisyon at pang-radyo mula
noong dekada 50 hanggang 60.

Ayon kay Eros Atalia, kuwentista at propesor sa Faculty of Arts and Letters, si Matute ang isa sa
mga pinakamaimpluwensiyang manunulat ng kaniyang panahon.

Naimpluwensiyahan ni Genoveva Edroza-Matute ang mga batang manunulat at mga kasabayan


niyang manunulat. Hindi lang iyon, naging bukambibig si Matute ng mga guro na nagtuturo ng
panitikan lalung-lalo na iyong mga nasa liblib na eskuwelahan ng ating bansa, aniya.

Para sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario, bihasa si Matute sa


pagtatanghal ng mumunting kibot ng damdamin, sa pamamagitan ng pagtitimpi na kaniyang
pangunahing tatak sa mga akda.

Pinatitibok ni Matute ang damdamin nang buong lumanay sa pamamagitan ng mga


mapagpahiwatig na kilos at pangungusap ng tauhan, tinudling sa mga piling larawan, at binubuo
nang hindi tahasang tinutukoy, ani Almario.

Sinang-ayunan naman ito ni Roberto Aonuevo, makata at Don Carlos Palanca Award Hall of
Famer. Aniya, ang mga tauhan ni Matute ay pumupukol ng mabibilis na salitaan o nagsasalita sa
guni-guni, at ang mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa.

Dagdag ni Atalia, madadama ng mambabasa ang sensibilidad at sinseridad ni Matute bilang


kuwentista dahil laging may kurot sa dulo ang kaniyang mga kuwento.

Halimbawa nito ang kaniyang mga akda na Yumayapos sa Takipsilim at Pagbabago na


tumatalakay sa nararamdaman ng mga matatanda kabilang na ang kawalan ng seguridad at
pagiging pabigat sa kamag-anak. Nasa hulma naman ng love triangle ang Parusa na tungkol sa
katiwaliang nagaganap sa pagpapasahod sa mga manggagawa, habang ang Pagbabalik ay tungkol
sa isang lalaking nagpatiwakal matapos makonsensiya sa pagkakanulo niya sa isang matalik na
kaibigan.

Bilang maestra

Bukod sa pagiging tanyag na manunulat, si Matute ay kilala rin bilang isang guro sa loob ng 46 na
taon.

Ang laging paksain ni Aling Bebang ay ang pagiging guro, pagiging babae, pagiging nanay.
Kitang-kita rito ang kaniyang pagmamahal sa mga bata at sa estudyante, ani Atalia. Ang
kaniyang akdang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata na tumatampok sa isang ulilang batang lalaki
na nagturo sa kaniyang guro kung paano maging mapagpakumbaba at mapagpatawad, ay base sa
katauhan ng isang estudyante niya dati.

Alam mo bang hanggang ngayon, nakatago pa iyong class picture namin noong bata sa
kuwentong iyan? ani Matute sa isang panayam sa kaniya ng Varsitarian noong 1998 nang igawad
sa kaniya ang Parangal Hagbong bilang pagkilala sa kaniyang kontribusyon sa pagyabong ng
panitikang Filipino.

Isa pa sa mga hindi malilimutang akda ni Matute ang Ang Kuwento ni Mabuti na tumatalakay sa
isang butihing guro sa pagsasalaysay ng kaniyang mag-aaral. Nagwagi ito sa unang Palanca noong
1950 at nagtanghal kay Matute bilang kauna-unahang babae na nakapag-uwi ng parangal.

Naging tanyag mula sa kuwentong ito ang linyang: Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na
kalukungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Ayon kay Atalia,
nagpapakita ito ng katimpian ni Aling Bebang sa pag-develop ng mga character, sa haba ng
pasensiya, at iyong diplomasya sa talinghaga ni Aling Bebang.

Ang Kuwento ni Mabuti rin ang pinakamadalas gamitin ng mga estudyante bilang halimbawa ng
maikling kuwento sa mataas na paaralan sa asignaturang Filipino.

Maraming karangalan pang natanggap si Matute gaya na lamang ng Gawad Cultural Center of the
Philippines para sa Sining (Panitikan), Republic Literary Awards ng National Commission for
Culture and the Arts, Lifetime Achievement Award para sa Panitikan na ginawad ng Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo at St. Hildegarde of Bingen Award for Women-pioneers of Philippine
Media ng St. Scholasticas College.

Ang pamamaalam ni Aling Bebang

Matapos pumanaw si Matute noong Marso 21, 2009 ay maraming naghimok na gawin siyang
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Mayroon ngang lumabas na fan page sa social
networking website na Facebook para lamang dito.
Ngunit ayon kay Atalia, kahit hindi maging Pambansang Alagad ng Sining si Matute, patuloy
siyang magiging buhay sa tuwing may magbabasa ng kaniyang mga akda.

Tumugon siya sa hamon ng kaniyang panahon. Kaya dakila siyang manunulat kasi tumalima siya
sa tawag ng tadhana, sa hamon ng kaniyang panahon. Tinugon niya ang pangangailangan ng
kaniyang bayan sa kaniyang panulat, ani Atalia.

Hanggat may bata, hanggat may guro, may manunulat na nagbubulatlat ng mga sinulat ni Aling
Bebangmuling binabasa, itinuturo at muling itinuturo, sinusuri at muling sinusuri [at]
binabahagi, laging buhay si Aling Bebang, dagdag niya. Danalyn T. Lubang

You might also like