You are on page 1of 30

Republic of the Philippines

Region IV-A CALABARZON


Department of Education
Division of Rizal
KASIGLAHAN VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
San Jose, Rodriguez, Rizal
FILIPINO 7 LAS
(LEARNING ACTIVITY SHEET)
UNANG LINGGO
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ang isang editoryal na
nanghihikayat kaugnay ng paksa
Nilalaman: a. Naipaliliwanag ang mahalaang detalye, mensahe at kaisipang
nais iparating ng napakinggang bulong, awiting bayan, alamat, bahagi ng
akda at teksto tungkol sa epic ng kabisayaan.
b. Nabubuo ang sariling paghatol pa pagmamatuwid sa ideyang
napapalood sa akda na sumasalamin ng tradisyon ng mga Bisaya.
c. Natutukoy ang kahulugan/katangian ng mga salita sa bawat antas
ng wika batay sa pormalidad.
d. Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa
pagsula ng awiting bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal).
e. Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang
ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang digri o antas ng
kahulugan, mga di pamilyar na salita mula sa akda at mga salitang
nagpapahayag ng damdamin.
Panuto: Basahin at unuwaing Mabuti ang aralin para masagutan ang mga tanong
ng wasto. Isulat ang sagot papel sa YELLOW PAD.

ARALIN BILANG 1: AWITING-BAYAN AT BULONG


Awiting-Bayan
Ang awiting-bayan (tinatawag ding kantahing-bayan) ay isang
tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga táong naninirahan sa
isang pook.
 Ang mga awiting-bayan ay isa sa mga matatandang uri ng
panitikang Filipino na lumitaw bago dumating ang mga Kastila.
Ito’y naglalarawan ng mga kalinangan ng ating tinalikdang
panahon.
 Karamihan sa mga ito ay may labindalawang pantig. Ito ay may
tugma at indayog. Sinasabing ito ay tula muna bago naging awit.

1
 Ang mga titik ng mga awiting-bayan ay naglalarawan ng ugali ng
mga Pilipino na may bakas ng bagong kalinangan at
kabihasnang dala rito ng mga Kastila.

 Sa panahong ito, ang awiting-bayan lámang ang


nakapagpapanatili sa ating moral. Nanatiling paksa ng ating mga
awiting-bayan ang ating katutubong kultura, damdamin, at iba’t
iba pang mga paksain.
Mga Uri ng Awiting-Bayan
1. Oyayi o ayayi. Ito ay awiting panghele o pampatulog sa bata.
2. Soliranin. Ito ay awit sa paggagaod.
3. Diyona. Ito ay awiting tungkol sa kasal.
4. Tikam. Ito ay pandigmang awit na pang-akit sa pakikihamok
5. Kundiman. Ito ay awit ng pag-ibig.
6. Talindaw. Ito ay awit sa pamamangka.
7 Kumintang. Ito ay awit ng pandigma.
8. Kutang-kutang. Ito ay awiting panlansangan
9. Maluway. Ito ay awit sa sama-samang paggawa
10.Pananapatan. Ito ay panghaharana sa Tagalog.
11.Sambotani. Ito ay awit ng pagtatagumpay.
12.Balitaw. Ito ay awit sa paghaharana ng
13.Dalit. Ito ay awit na panrelihiyon.
14.Pangangaluwa. Ito ay awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog
15.Dung-aw. Ito ay awit sa patay ng mga Ilokano.
HALIMBAWA NG AWITING-BAYAN

2
Ang Bulong
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao
sa Pilipinas.

 Ang bulong ay isang panalangin na ginagamit upang makamtan ang isang


kanais-nais na pangyayari sa hinaharap.
 Binubuo ng iláng taludtod at ginamit upang hingan ng paumanhin ang
mga lamang-lupa, tulad ng duwende at espiritung hindi nakikita.
 Ito ay ginagamit bílang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay
o pook tulad ng punong balete, sapa at ilog, punso at iba pang
pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at iba pang
makapangyarihang espiritu upang hindi sila magalit at manakit.
 Bukambibig ng matatanda ang nasabing bulong lalo na sa mga lalawigan.
 Itinuturo nila ito sa kanilang mga anak upang hindi mapahamak o bigyan ng
sakit o paglaruan ng mga maligno.
Halimbawa ng bulong:

(Mula sa Hiligaynon) (Salin sa Tagalog)


“Tabi, tabi... Tabi, tabi
Maagi lang kami Nuno, makikiraan lang
Kami patawaron Kon kamo Patawarin mo kami Kung
masalapay namon.” kayo’y matapakan

Gawaing Pasulat 1: Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin letra ng
tumpak na sagot.
1. Ito ay tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong nainirahan sa isang pook
a.Bulong c.Awiting Bayan
b.Tula d.Oyayi
2. Ang awiting bayan na nagpapahayag ng pakikidigma.
a.Soliranin c.Dalit
b.Kumintang d.Kundiman
3. Matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.
a.Bulong c.Tula
b. Awiting Bayan d.Dung-aw
4. Ang mga awiting-Bayan ng Kabisayaan ang naglalahad na ang lokasyon ng lugar
na ito ay___________________.
a.ang mga kapuluan ay napapaligiran ng karagatan
b.nasa maunlad na kabihasnan ang lugar
3
c.may likas na pagkamaasikaso ang mga taga-Bisaya
d.maingat sa pagkain ang mga taga-rito

5. Kilala rin ito sa katawagan na orasyon


a.Tula c.Bulong
b.Alamat d.Awiting-bayan

UGNAY-WIKA
Ang mga salita ay ginagamit nang ayon sa tiyak na sitwasyon at layunin.
Upang magamit ang mga salita sa epektibong paraan, dapat itong magamit
batay sa antas nito. Narito ang mga antas ng wika:
1. Balbal. Ito ay wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang
pinakamababang antas ng wika.
Mga Halimbawa: lespu, ermat, erpat, boga, puga, toma.
1. Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad
at tumabi ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang
cellphone sa pagte-text.
2. Ang gurangers ay nakikiuso ring manood ng pelikula nina Piolo
at Sarah.
Pansinin ang salitang lespu ay mula sa salitáng pulis na binaligtad
lámang samantalang ang “gurangers” ay mula sa salitáng gurang na ang
ibig sabihin ay matatanda.
2. Kolokyal. Ito ang antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Karaniwang may palit-
koda (code switching) o halong-koda ( mixed switching) na ibig sabihin
pinaghahalo sa pagsasalita o pagsusulat ang Filipino at Ingles.
Mga Halimbawa: pinoy, titser, p’re, te’na
1. Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasá sa
wattpad
2. Maaga pa ay nása lobby na ako ng sinehan.
3. Lalawiganin o Diyalektal. Ito ay wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang
lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang salitáng
lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mga Halimbawa:
Mga Salita sa Luzon na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar Mga Salita sa Bisaya na
Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar
 kaunin (sunduin) – Batangas • bana-
asawang lalaki
 mabanas (mainit ang panahon) – Laguna • sugba - ihaw
 abyarin (asikasuhin) – Quezon • kadyot -
sandalli lang
Mga Salitang Ginagamit ng may kaugnayan sa ICT
 Information technology, Internet
4
 Mouse, Windows, Facebook
 Google, Basher, Instagram, Chat, Yahoo
Iláng Salitáng Ginagamit sa Bangko Kaugnay ng Sitwasyong Pag-iipon
 Account Savings ATM
 Current Checking Withdrawal
4. Pampanitikan. Ito ang pinakamataas na antas ng wika na
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan.
Kabílang dito ang matatalinghagang salita at pahayag na
nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
Halimbawa:
a. mahal na tao

Gawaing Pasulat 2: Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin letra ng tumpak na
sagot.
6.Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa salitang
balbal?
a.sinisinta c.dalawin
b.naghihintay d.erpat

7.Ang wikang ito ay ginagamit sa isang rehiyon o


lalawigan.

a.Kolokyal c.Pampanitikan
b.balbal d.Lalawiganin
8-9 Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kolokyal?
8.Nakikinig akong mabuti sa paliwanag ng
titser
. a.nakikinig c.mabuti
b.paliwanag d.titser
9.Nakahiligan kong magbasa sa wattpad,
a.kong
c.nakahiligan
b.mabuti d.wattpad
10.Tong, tong, tong, tong pakitong-kitong alimango sa dagat.
Anong antas ng wika ang may salungguhit mula sa awitting bayan
ng Kabisayaan.

5
a.Balbal c.Lalawiganin
b.Kolokyal d.Pampanitikan
11.Tunay na mabanas ang buwan ng Mayo.
Ang salitang “mabanas” ay nasa antas na wika na .
a.Pampanaitikan c.Kolokyal
b.Balbal d.Lalawiganin

Gawaing Pasulat 3: Basahing mabuti ang pangungusap at tukuyin ang mga


ipinapahiwatig nito.
12.Dandansoy kung ako’y iyong “apason” kahit tubig huwag kang mahabaon.
Ang salitang “apason” ay kasingkahulugan sa wikang Filipino
a.Pagdating c.Paglisan
b.Sunduin d.Pagyao
13.Waray-waray hindi tatakas.
Ang salitang “hindi tatakas” ay nangangahulugan ng
a.matapang c.handang lumaban
b.kimi d.umiiwas

14.Waray-waray hindi tatakas


Waray-waray handing matodas
Waray-waray bahala bukas
Waray-waray Manigas

Ang saknong ng awiting Waraynon sa itaas ay nagpapahiwatig ng


kanilang kultura. Ang kaugalian na ipinapahayag ay .
a.Handang humarap sa anumang
hamon
b.Mapagnilay
c.Padalosdalos sa mga desisyon
d.Maingat sa bawat pasiya

15.Ang salitang “bana” sa wikang Cebuano ay nangangahulugan ng .


a.kamag-anak c.Asawang lalaki
b.Ina d.Ama

GAWAING PAGGANAP 1:

6
LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE
STANDARDS
Araling Panlipunan 7 Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Nakagagawa ng angkop na pagpapasya tungo
sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-
loob
Filipino 7 Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat
kaugnay ng paksa
Instruksyon/Sitwasyon:
Ang sinaunang kabihasnan at sibilisasyon ay mahalagang bahagi ng pagpaunlad ng
kamalayan at kasaysayan ng tao sa mundo. Habang umuunlad ang kanilang
pamumuhay, yumayabong din ang kanilang pilosopiya at relihiyon na nagbibigay daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya. Ngayon bilang isang mag- aaral, suriin
ang mga mahalagang konsepto at katangian ng isang kabihasnan at nakagagawa ng
pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan.
Gabay sa Paggawa:
 Gumawa ng isang collage na mahahalagang konsepto at mga katangian ng
kabihasnan ng kaisipang asyano, pilosopiya at relihiyon at angkop na pagpapasya ng
katotohana at kabutihan.
 Gumamit ng mga lumang larawan. Maaring magpatulong sa magulang o
nakakatandang kasama sa bahay.
 Sa pagbuo ng collage ay lalagyan mo ito ng paliwanag sa paraang editorial na
nanghihikayat base sa iyong nabuong collage.
 Nasa ibaba ang maikling paliwanag para sa editorial at mga salitang ginagamit sa
nanghihikayat.
 Pumili lamang ng isa sa Konsepto at mga katangian ng kabihasnan upang magsilbing
tuon o pokus ng iyong gagawing collage
A. Katangian ng Kabihasnan
B. Konsepto ng Kabihasnan

Ang Collage ay isa sa mga halimbawa ng visual arts. Ito ay naglalaman ng mga
pinagsamang materyales upang makabuo ng isang imahe. Maaaring gawa ito sa
magazine,dyaryo, at iba pa. Dinidikit, ginugupit at pinagsasama ang mga larawan mula
dito. Madalas na mayroon itong mensaheng nais ipahayag sa mga tao
Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-Tudling
Ang editoryal na tinatawag ding pangulong-tudling ay bahagi ng
pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan
tungkol sa isang isyu. Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito mababasa
ang paninindigan nila ukol sa isang napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong
magbigay-kaalaman,magpakahulugan, humihikayat, at kung minsa’y lumibang
7
sa mambabasa.
Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong-Tudling
May tatlong bahagi ang editoryal o pangulong-tudling. Ito ay ang sumusunod:
 Panimula - Dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.
 Katawan - Sa bahaging ito ipinapahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot.
Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro
(pagpanig) o con (pagsalungat) sa isyung tinalakay.
 Wakas - Dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.

Mga Salitang Nanghihikayat:


Totoo, Subalit, Kaya natin ito, Ngayon Na!
Tunay, Siguradong…, Siyempre, Naniniwala akong…, Ito na
Talaga, Tara, Kitang-kita mong…, Sama na…, Kaya mong maging bahagi ng…

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7 Ikalawang Edisyon, Alma M. Dayag et. al.


Pahina 205-206

Output/Product: MDL and ODL: Pagsusuri sa mahalagang konsepto at mga


katangiaan ng kabihasnan sa pamamagitan ng collage ng kaisipang asyano, pilisopiya at
relihiyon

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailang Hindi
(5 puntos) (4 puntos) a nakikitaan
n pa ng pag- ng
unlad Ebidensya
(3 puntos) (1)

Lubhang Maayos at Hindi malinaw at Hindi


FILIPIN WIKA AT
O
GRAMATIKA maayos at malinaw ang hindi maayos naipakita
ang ang
malinaw ang pagkakabuo pagkakabuo ng paggamit ng
pagkakabuo ng mga mga mga salitang
ng
mga pangungusap, pangungusap, nanghihikaya
pangungusap, pa ilan-ilan hindi gumagamit t sa editoyal
ang
Nagamit ng paggamit ng ng mga salitang at paggamit
husto ang mga mga salitang nanghihikayat at ng wastong
salitang nanghihikayat maraming mali bantas.
8
sa
nanghihikayat at may ilang bantas na
at ginamit.
may wastong maling gamit
bantas. ng bantas.

Lubusang Naging Hindi naging Hindi


A.P. PAGKAMALIK-
E.S.P HAIN nagpamalas malikhain sa malikhain sa naipakikita
FILIPIN ng pagiging pag buo ng pagbuo ng ang pagiging
O
malikhain sa collage collage malikhain sa
pagbuo ng pagbuo ng
collage collage
A.P. KABUUANG Mahusay ang Organisado Hindi organisado Hindi
E.S.P. PRESENTASYO organisasyon ngunit hindi ang naipakikita
FILIPIN N at gaanong pagkakasunud- ang
O pagkakasunod mabisa ang sunod kabuuang
- pagkakasunud ng mga presentasyo
sunod ng mga - konsepto n
konsepto at sunod ng mga at ideya at sa pagbuo
ideya; konsepto at walang ng collage
Kahanga- ideya; angkop na
hanga Maayos ang panimula
ang pagkagawa ng at wakas;
pagkagawa ng
collage

IKALAWANG LINGGO
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat
kaugnay ng paksa
Nilalaman:
a. Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasng alamat ng Kabisayaan
b. Nagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higitmas, di gaano, di-
gasino at iba pa)
c. Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-
Bisaya sa kinagisnang kultura.

9
Panuto: Basahin at unuwaing Mabuti ang aralin para masagutan ang mga tanong
ng wasto. Isulat ang sagot papel sa YELLOW PAD.
ARALIN BILANG 2: PAGHIHINUHA
BUOD NGSA KALIGIRANG
ALAMAT PANGKASAYSAYAN SA
NG BOHOL

Ang mga tao noon ay naninirahan sa kabila ng ulap,isang araw,ang anak


ng babae ng datu ay nagkasakit. Agad na pinapunta ng datu ang manggagamot sa
kanilang bahay.Nagpatawag ng pulong ang datu sa kanyang nasasakupan. At
kinakailangannito ang tulong ng mga kalalakihan para sundin ang tagubilin ng
manggagamot upang maibalik ang dating lakas ng kanyang anak. Dinala ng mga lalaki
ang may sakit sa puno ng baliteat hinukay ang lupa ng nakapaligid sa mga ugat. Ang
tanging makakagaling sa ka nya ay ang mga ugat ng malaking puno ng balite . Nakita
ng dalawang bibe ang pagkahulog ng babae. Nagmadali sa paglangoy ang bibe at
mabilis na bumagsak sa likod ang katawan ng babae. Sinunod ng palaka na dalhin ang
dumi ng puno sa ibaba. Ngunit hindi siya nagtagumpay. Inutusan ng malaking pagong
ang daga ngunit siya rin ay nabigo.Ang lahat ng hayop ay nagsigawanat
naghalakhakan, maliban sa malaking pagong . Huminga ng malalim ang matandang
palaka at nanaog. Sa kanyang bibig, nagdala siya ng ilang butil ng buhangin na
kanyang isinaboy sa paligid ng malaking pagong.At isang pulo ang lumitaw.Ito ang
naging pulo ng Bohol. Dito nanirahan ang babae.Umakyat sa ulap si pagong upang
makakuha ng kidlat at makagawa ng liwanag.Nabuo ang araw at buwan na nagbigay
ng liwanag at init sa babae.
Nanirahan ang babae sa piling ng matandang lalaki. Sila’y nagkaanak ng
kambal, si mabuti at si masama. Si mabuti ay gumawa ng kapatagan,kagubatan,ilog at
maraminghayop at isdang walang kaliskis. Ngunit ito’y tinakpan ni masamang anak na
makapal na kaliskis. Samantalang ang mabuting anak ay napatuloy sa pagpapaunlad
ng Bohol at inalis ang masamang ispiritu. Ang Boholano ay hinulma sa pamamagitan
ng dalawang lupa at kanya itong dinuraan Ito’y naging lalaki at babae. Hindi nagtagal
ikinasal ang dalawa at nagsama.Ibinigay ni mabuting anak ang iba’t ibang buto sa
mag-asawa upang maging sariwa at gawing magandang tirahan ang lugar na iyon.Ang
mabuting anak ay lumikha ng igat,ahas at alimango. Sila’y humayo sa iba’t ibang lugar.
Hindi nagtagal ang alimango ay sinipit ang igat kung kaya’t ang dalawa ay
nagkislutan.Ito ang dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol, maging sa lupa o
sa dagat at ang igat na kaunaunahang nilikha ng mabuting anak.

Gawaing Pasulat 1: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Lamang dagat na kinagigiliwan ng mga taga-Bohol ahil ito di-umano ang
kaunahang nilikha ng mabutig anak na nakasaad sa kanilang alamat.
a. Alimango c. pagong
b. Palaka d. isda
2. Ang alamat na tinalakay ay tungkol sa .
a. Bohol c. mabuting anak
b. lamang-dagat d. Datu
e. lahat ng binanggit. 10
3. Alin ang kayang gawin ng isang ama sa ngalan ng buhay ng anak?
a. pagmalasakitan ang anak na may karamdaman
b. kalingain ito sa ubod ng makakaya
c. gagawin lahat ng paraan sa ikabubuti na anak
4. Sila ang mga mga pangunahing pantulong sa iba pang mga tauhan.
a. Mga tauhan c. Mamamayan
b. May-akda d. Mga pangyayari
5. Ang Alamat ng Bohol ay nagpapahiwatig na ang lokasyon ng lugar ay .
a.Napapalibutan ng karagatan c.bulubundukin
b.Maunlad na kabihasnan d.Papawirin

UGNAY –WIKA: MGA PAHAYAG NA PAHAMBING


PANG-URI ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o
panghalip.Isa sa kaantasan ng pang-uri ay Pahambing
PANG-URING PAHAMBING- ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
DALAWANG URI NG PANG-URING PAHAMBING
1. PAHAMBING NA PASAHOL O PALAMANG- Nagsasaad ng nakahihigit o
nakakalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na
pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga katagang higit,mas,lalong ,di gasino, di hamak,di gaano,di
lubha,labis,di totoo at iba pa.
Halimbawa:
a. Di- hamak na busilak ang puso ni Ric kaysa sa kaniyang kapatid.
b. Labis ang kaniyang pagsisisi ng iniwan nya ang kaniyang kasintahan sa ere.
2. c. Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa sa pagbababad sa harap ng
telebisyon
3. d. Mas mahirap ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa noon.
2. PAHAMBING NA PATULAD- Nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na
katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito
ng mga panlaping tulad ng sing/ sin/sim,magsing,kasing o ng mga salitang kapwa,
pareho.
Halimbawa:
a. Magkasimputi sina Azela at Madonna.
b. Singputi siya ng kaniyang bunsong kapatid
c. Ang telebisyon at internet ay parehong masama kapag nasorbahan
d. Ang impluwensyang dulot ng mga ito sa isipan ay magsindami

11
Gawaing Pasulat 2: Buoin ang pangungusap ayon sa wastong ayos gamit ang
mga pang-uring pahambing:

6. Si Manix ay kaysa kay Joey.


(galang)
7. ang magkapatid (kisig)
8. Ang puno ng manga ay ng puno ng bayabas.
(yabong) 9. Angel kay Jilo. (bait)
10. ang loob ni John kaysa kay Chazel. (malakas)
Gawaing Pasulat 3: Maglahad ng limang pangungusap na kakikitaan ng
pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kanilang kultura.

11.
12.
13.
14.
15.
GAWAING PAGGANAP 2:

LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD


Araling Panlipunan Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog
ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
Edukasyon sa Pagpapakatao Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng
wastong paraan upang itama ang mga maling pasya
o kilos bilang kabataan sa tamang konsensya.
Filipino Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat
kaugnay ng paksa
Instruksyon/Sitwasyon

Ang mga paniniwala, kaugalian at pagkakakilanlan ng mga Asyano sa


makabagong panahon ay masasabing nahubog nang pinagsama-samang kaisipan ng
sinaunang kabihasnan sa Asya. Higit sa aspetong panrelihiyon at pilosopiya. Ngayon
bilang mag-aaral, suriin kung ano-ano sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
panrelihiyon ang malinaw na nagpapakita ng tamang paraan ng pagpapasya batay sa
tamang konsensya.

12
HANDA KA NA BA SA HAMON?

Gumawa ng isang KOMIK STRIPS na nagpapakita at nanghihikayat sa mga


kabataang tulad mo na pahalagahan at isabuhay ang mga sinaunang kaisipang
Asyano, pilosopiya at panrelihiyon. Bigyang tuon ang mga aspetong gumagabay sa
tao upang makagawa ng angkop na pagpapasya batay sa tamang konsensya.
Gumamit ng isang buong papel o short bond paper para dito.
KOMIK ISTRIP – Ito ay isang pagkakasunud-sunod ng mga guhit na
inayos sa magkakaugnay na mga panel upang ipakita ang pag-uusap
ng dalawang panig at bumuo ng isang salaysay, madalas na
serialized, na may teksto sa mga balloon at mga caption.
Halimbawa ng Komik Istrip :

Gamiting gabay ang mga sumusunod:

 Mula sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at panrelihiyon ng


sinaunang kabihasnan, pumili lamang ng dalawang kaisipan
upang magsilbing tuon o pokus sa usapan o diskusyon sa
gagawing komik istrip.
Mga Kaisipang Asyano:
1. DivineOrigin
2. Devaraja
3. Sinocentrism
4 Cakravartin
 Gamitin ang mga salitang nanghihikayat at isulat ito sa loob ng balloon
tulad ng Totoo, Subalit, Kaya natin ito, Ngayon Na!,Tunay,
Siguradong…, Siyempre, Naniniwala akong…, Ito na,Talaga, Tara,
Kitang-kita mong…, Sama na…, Kaya mong maging bahagi ng…

Output/Product
 MDL and ODL: Gumawa ng isang Komik Istrip na nanghihikayat na
pahalagahan at isabuhay ang mga Kaisipang Asyano na nagpapakita
ng tamang paraan ng pagpapasya batay sa tamang konsensya.

13
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahus Mahus Nangangaila Hindi
ay (5 ay (4 ngan pa ng nakitaan
puntos) puntos) pag-unlad (3 ng
puntos) ebidensiya
(1 puntos)
Filipin Wika at Lubhang Maayos at Hindi malinaw Hindi
o maayos malinaw ang at naipakita ang
Gramatika At malinaw ang pagkakabuo hindi maayos Paggamit ng
pagkakabuo ng ng mga ang mga
mga pangungusap, pagkakabuo ng Salitang
pangungusap. pa ilan-ilan mga nanghihi-
Nagamit ng ang paggamit pangungusap, kayat sa
husto ang ng mga hindi editoryal at
mga salitang salitang gumagamit paggamit ng
nanghihikayat nanghihikayat ng mga salitang wastong
at at may ilang nanghihikayat at bantas.
may watong maling gamit maraming mali
bantas. ng bantas. sa
bantas na
ginamit.

AP/ Presentas Napakalinaw ng Malinaw ang Hindi malinaw Hindi


EsP/ Kabuoan kabuoang ang ilang naipakita ng
yon malinaw ang
Filipin g detalye detalye bahagi sa detalye ng
o ng ng detalye ng ginawang
ginawa ginawang ginawang komik istrip.
g Komik istrip. Komik istrip.
Komik istrip.
AP/EsP/ Kalinisan at Napakalinis at Naging Hindi gaanong Hindi
napakaayos ng malinis malinis at naipakita ang
Filipino Kaayusan pagkakabuo sa at maayos maayos ang kalinisan at
Komik istrip. ang pagkakabuo ng kaayusan
pagkakabuo Komik istrip. sa pagbuo ng
ng komik Komik istrip.
istrip.

IKATLONG LINGGO
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ang isang editoryal na
nanghihikayat kaugnay ng paksa
Nilalaman:
a. Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasailalim sa tradisyon ng mga taga-Bisaya.
b. Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng
mga tagaBisaya sa kinagisnang kultura.

14
Panuto: Basahin at unuwaing Mabuti ang aralin para masagutan ang mga
tanong ng wasto. Isulat ang sagot papel sa YELLOW PAD.
ARALIN BILANG 3:
Mga Tekstong Naglalahad Tungkol Sa Pagpapahalaga Ng Mga Taga-Bisaya Sa
Kinagisnang Kultura
Ang epikong tatalakayin ay mula sa Lambunao, Iloilo na pinamagatang Labaw
Donggon. Bahagi rin ng aralín ang pagtalakay sa mga pang-ugnay sa paglalahad at
pagsasalaysay na makatutulong upang masuri ang ugnayan ng mga pangyayari na
magiging gabay sa pagpapahalaga at pag-unawa sa inilarawang aspektong
pangkultura ng lugar na pinagmulan ng akda.
Ang epiko ay may kakaibang katangian ang pangunahing tauhan. Mauuri sa
alinman sa sumusunod ang kaniyang katangian: pisikal, sosyal, supernatural,
gayundin ang intelektuwal at moral na katangian. Katulad ng alamat at ibang uri ng
akdang pasalaysay, binubuo ng tauhan, tagpuan at banghay ang elemento ng epiko.
Ang isang tauhan ng epiko ay maaaring magtaglay ng kapangyarihang
supernatural o di-pangkaraniwang katangian. Kadalasan ang paksa ng epiko ay
umiikot sa tauhan kasama ang kaniyang pakikipaglaban sa mahihiwagang nilalang,
anting-anting, at ang kaniyang paghahanap sa magulang o sa kaniyang minamahal.
Mahalagang elemento ng epiko ang tagpuan sapagkat dito pinakikilos at pinag-
iisip ang mga tauhan. Inilalarawan din sa tagpuan ang suliraning kakaharapin ng
tauhan sa daloy ng mga pangyayari lalo na kung di-pangkaraniwang mga tauhan ang
ginagampanan nila. Isang magandang simula ng epiko ang paglalarawan sa tagpuan.
Ang banghay ay ang bahaging tumutukoy sa pangyayari sa epiko. Maingat na
inilalahad ang magkakasunod na pangyayari. Ang mga bahagi ng banghay ay simula,
gitna at wakas. Sa proseso ng paglalahad ng mga pangyayari ay pumapasok din ang
ibang elemento tulad ng tunggalian, suliranin, kasukdulan at kakalasan.
Ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay. Sa epiko, isinasalaysay ang isang
kuwento nang may tugma at sukat at nahahati sa saknong.
Ang Labaw Donggon ay inaawit na paraang pasyon sapagkat itinuturing ito na
isa sa pinakamatandang akdang pampanitikan ng mga Pilipino. Pasaknong ang
paraan ng pagkakasulat. Kapag ito ay binubuod, maaaring patalata na ang paraan ng
pagkakasulat.
LABAW DONGGON
(Epiko ng Lambunao, Iloilo)

Si Labaw Donggon ay isa sa tatlong anak nina Diwata Abyang Alunsina at


Buyung Paubari. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat kaagad siyang
lumaki pagkasilang pa lámang niya. Isa siyang matalinong batà, malakas, at natuto
kaagad magsalita.

15
Minsan ay nagpaalam siya sa kaniyang ina upang hanapin ang isang babaeng
nagngangalang Anggoy Ginbitinan.
Kaagad niyang narating ang lugar ng babae at napasang-ayon niyang magpakasal
sa kanya. Hindi pa nagtatagal na sila ay nakasal, umalis na naman si Labaw upang
suyuin ang isa pang babaeng si Anggoy Doroonan. Ito ay naging asawa rin ni
Labaw.
May nabalitaan na naman siyang isang magandang babaeng nagngangalang
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata kaya’t pinuntahan na naman niya ito. Ngunit
si Nagmalitong Yawa ay may asawa na, si Buyong Saragnayan. Ayaw ibigay ni
Buyong Saragnayan ang asawa kay Labaw kaya’t sila ay naglaban.
Tumagal ng maraming taon ang paglalabanan dahil kapwa sila may taglay na
pambihirang lakas. Inilublob ni Labaw si Buyong sa tubig at ito’y tumagal ng pitong
taon sa ilalim ng tubig. Hinampas ni Labaw si Buyong ng matitigas na punò ngunit
nalasog lámang ang mga ito. Hinawakan ni Labaw si Buyong sa mga paa at inikot-
ikot ngunit buhay pa rin ito. Napagod si Labaw at siya naman ay itinali ni Buyong na
parang baboy. Siya ay nanatiling nakatali sa ilalim ng bahay nina Buyong.
Samantala, nagkaanak si Anggoy Doroonan, si Baranugun. Nagpaalam siya
sa ina upang hanapin ang kaniyang ama. Nagkaanak din si Anggoy Ginbitinan, si
Asu Mangga. Nagpaalam din sa ina si Asu Mangga upang hanapin ang ama.
Nagkita ang magkapatid at nagsama sila upang mapalaya ang ama sa mga kamay
ni Buyong sa isang labanan. Naglaban ang dalawa ngunit hindi nagapi ni Buyong si
Baranugan. Humingi ng túlong sa mga impakto si Buyong at isang kawan ang
dumating. Sa ganitong pagkakataon nagtulong ang magkapatid at nagtagumpay
sila. Ngunit hindi mamatay-matay si Buyong. Si Barunugan ay humingi ng túlong sa
kaniyang lolang si Abyang Alunsina. Ayon sa lola, kailangang pumatay siláng
magkapatid ng isang baboy-ramo upang mapatay nila si Buyong. Natagpuan naman
agad ng magkapatid ang baboy-ramo at ito ay kaagad nilang pinatay. Lumindol at
nagdilim nang mapatay ng magkapatid si Buyong.
Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang ama ngunit wala ito
sa silong ng bahay ni Buyong. Sina Humadapnon at Dumalapdap, mga kapatid ni
Labaw ay tumulong din sa paghahanap sa kaniya. Natagpuan nila si Labaw na hindi
na makarinig at hindi na magamit ang pag-iisip. Pinaliguan ni Abyang Ginbitinan at
Anggoy Doronoon si Labaw, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito nang mabuti.
Samantala si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap ay ikinasal kina
Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon.
Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa
na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
“Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki!” sabi ni Labaw Donggon.

16
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at
dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito.
Masayang-masaya si Labaw nang naibalik ang kaniyang lakas at sigla ng isip at
ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

Gawaing Pasulat bilang 1: Panuto: Bumuo ng sariling paghahatol o


pagmamatuwid base sa ideyang nakapaloob sa pangungusap. (5 puntos)
1. Ang pag-papaalam ni Labaw Donggon sa kanyang ina upang hanapin si
Anggoy Ginbitinan.
 Ano ang pananaw sa kaugaliang ito? Ipaliwanag.

______________________________________________________________
2. Ang pag-aasawa ni Labaw Donggon kay Anggoy Ginbitinan at Anggoy
Doroonan.
 Ano ang pananaw sa kaugaliang ito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
____
3. Ang paghahanap ni Baranugun at Asu Mangga sa kanilang ama.
 Ano ang pananaw sa kaugaliang ito? Ipaliwanag.
____________________________________________________________
4. Ang paghingi ni Buyong ng tulong sa impakto.
 Ano ang pananaw sa kaugaliang ito? Ipaliwanag.
_______________________________________________________
___________
5. Natagpuan nila si Labaw Donngon na hindi na makarinig at hindi na magamit
ang pag-iisip. Inalagaan ni Anggoy Ginbitinan at Anggoy Doroonan si Labaw
Donggon.
 Ano ang pananaw sa kaugaliang ito? Ipaliwanag.
__________________________________________________________
____
Gawaing Pasulat bilang 2: Bumuo ng isang tekstong naglalahad sa
pagpapahalaga ng mga taga- Bisaya sa kinagisnang kultura. Sagutin ang
mga tanong sa ibaba upang maging gabay sa bubuoin na teksto. (10
puntos)
Gabay na tanong:
A. Ano ang Nakita nating kaugalian ng mga Bisaya at
paano nila ito pinapahalagahan?
B. Ano-anong paniniwala o ritwal mayroon ang kanilang kulturang
masasalamin sa kanilang panitikan?
C. Paano ipinapakita ng akda ang kalagayang panlipunana ng mga
Bisaya? 17
PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailang
an pa ng pag-
unlad
NILALAMAN Lubhang Bahagyang Kulang ang mga
makabuluhan ang makabuluhan ang impormasyong
mga impormasyon mga inilahad sa
nakalahad sa impormasyong nabuong teksto.
nabuong teksto. nakalahad sa
nabuong teksto. (2)
(5) (4
)
ORGANISASY Malinaw at wastong Kakikitaan ng Walang tiyak na
ON naipahayag ang pagiging estruktura na
pagkakasunod-sunod organisado ngunit nagreresulta sa
ng mga ideya at kulang ang ideya kalituhan ng
impormasyong nais at impormasyong ideya at
iparating. nais iparating. impormasyong
(3) (2 nais iparating.
) (1)
WIKA Lubhang maayos at Hindi gaanong Hindi malinaw at
AT malinaw ang maayos at hindi maayos ang
GRAMATI pagkakabuo ng mga malinaw ang pagkakabuo ng
KA pangungusap at may pagkakabuo ng mga pangungusap
wastong bantas. mga at maraming mali
pangungusap at sa bantas na
may ilang maling ginamit.
(2) gamit ng bantas.
(1 (1)
)
KABUOA
N (10
PUNTOS)

18
GAWAING PAGGANAP 3:
LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE
STANDARDS
Araling Panlipunan 7 Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang
Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at
sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga
hakbang upang baguhin o paunlarin ang kanyang
paggamit ng kalayaan
Filipino 7 Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat
kaugnay ng paksa
Instruksyon/Sitwasyon
Iba’t iba ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunang Asyano
mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Malaki ang impluwensiya
ng mga kaisipang Asyano, pilosopiya at paniniwalang panrelihiyon sa naging
gampanin ng mga kababaihan hindi lamang sa pagbuo ng tahanan kundi maging
sa pag-unlad ng isang kabihasnan at lipunan.
Bilang mag-aaral, ano ang iyong kaisipan at damdamin tungkol sa kalagayan,
tungkulin o gampanin ng mga kababaihan sa sinaunang lipunang Asyano? Paano
mo maipapakita at maipahahayag ang mga kaisipan at damdaming ito? Halika at
simulan mo na!
MDL: Paggawa ng Poster
 Sa isang short bond paper, gumawa/gumuhit ka ng poster na
nagpapakita ng kalagayan, tungkulin o gampanin ng mga kababaihan sa
sinaunang lipunang Asyano.
 Matapos iguhit ang poster, magtanong sa iyong ina, kapatid na babae o
tiyahin tungkol sa karaniwang tungkulin o gampanin ng kababaihan sa
pamilya at lipunan sa makabagong panahon. Ang mga kababaihan ba sa
panahon ngayon ay may gampanin lamang sa loob ng tahanan at
limitado ang pagkakaroon ng tungkuling panlipunan o sila ay aktibo na
ring nakikibahagi sa iba’t ibang gawain at larangan maging sa labas ng
tahanan?
 Sa likod na bahagi ng short bond paper, ipahayag mo ang iyong kaisipan
at damdamin tungkol sa iyong iginuhit. Sumulat ng repleksyon sa
paraang nanghihikayat, gamitin ang mga Totoo, Subalit, Kaya natin ito,
Ngayon Na!,Tunay, Siguradong…, Siyempre, Naniniwala akong…,
Ito na,Talaga, Tara, Kitang-kita mong…, Sama na…, Kaya mong
maging bahagi ng…

19
 Sagutin din ang gabay na tanong:
Sa iyong palagay, karapat- dapat bang bigyan ng karapatan ang
mga kababaihan na makibahagi sa iba’t ibang gawain at larangan
maging sa labas ng tahanan at kilalanin ang kanilang kahusayan
at
kontribusyon sa lipunan? Bakit oo? Bakit hindi? Gawing gabay
ang mga hakbang sa wastong paggamit ng Kalayaan.
ODL: Gumawa/bumuo ng isang video presentation na:
 nagpapakita ng kalagayan, tungkulin o gampanin ng mga kababaihan
sa sinaunang lipunang Asyano;
 nagpapahayag ng iyong kaisipan at damdamin tungkol sa kalagayan,
tungkulin o gampanin ng mga kababaihan sa sinaunang lipunang
Asyano; at
 naglalahad ng iyong kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:
1. Karapat-dapat bang bigyan ng karapatan ang mga kababaihan na
makibahagi sa iba’t ibang gawain at larangan maging sa labas ng
tahanan at kilalanin ang kanilang kahusayan at kontribusyon sa
lipunan?
2. Bakit oo? Bakit hindi? (Gawing gabay ang mga hakbang sa
wastong paggamit ng Kalayaan.)
Sumulat ng iskrip na gagamiting gabay sa pagsasalaysay sa video
presentation.
3. Kalakip ng video presentation, ipasa rin sa guro ang nabuong iskrip.
Output/Product:
 MDL: Gumawa/gumuhit ng poster na nagpapakita ng kalagayan, tungkulin
o gampanin ng mga kababaihan sa sinaunang lipunang Asyano at sumulat
ng repleksyon na nanghihikayat tungkol sa wastong paggamit ng Kalayaan
 ODL: Gumawa/bumuo ng isang video presentation na nagpapakita ng
kalagayan, tungkulin o gampanin ng mga kababaihan sa sinaunang
lipunang Asyano. Sumulat ng iskrip na ginagamitan ng salitang
nanghihikayat at ipahayag ang wastong paggamit ng kalayaan upang
maging gabay sa pagsasalaysay na gagawin sa video presentation.

20
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: PAGGAWA/PAGGUHIT NG
POSTER (MDL)
Napakahusay Mahusa Nangangailan Hindi
(5 puntos) y (4 gan pa ng nakitaan
puntos) pag-unlad (3 ng
puntos) ebidensiy
a (1
punto)
FILIPI Wika Lubhang maayos Maayos at Hindi malinaw at Hindi nakabuo
NO at at malinaw ang malinaw ang hindi maayos ng
Gramati pagkakabuo ng pagkakabuo ng ang pagkakabuo mga
ka mga mga ng pangungusap.
pangungusap, pangungusap, mga
Nagamit nang pa ilan-ilan ang pangungusap,
husto ang mga paggamit ng hindi gumagamit
salitang mga ng mga salitang
nanghihikayat at salitang nanghihikayat at
may wastong nanghihikayat at maraming mali
bantas. may ilang sa
maling bantas na
gamit ng ginamit.
bantas.
A.P. Pagkamalikha Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit Hindi
E.S.P. in maraming kulay kulay at ng kulay at naipakita
FILIPI at disenyo disenyo disenyo upang ang
NO upang upang maipahayag pagkamalikh
maipahayag ang maipahayag ang
nilalaman, nilalaman, ain.
konsepto at ang konsepto
mensahe; at mensahe;
nilalaman, Hindi
Nakapupukaw- konsepto at makatawag-
interes ang mensahe; pansin ang
ginawang poster Makatawag-
pansin ang ginawang
poster
ginawang
poster
A.P. Kabuuan Malinis, Malinis at Hindi Hindi
E.S.P. g maayos, at maayos ang gaanong naipakita
FILIPI Presentasy kahanga-hanga pagkagawa malinis at ang
NO on ang pagkagawa ng kabuuang hindi kalinisan at
ng kabuuang output gaanong kaayusan
output maayos ang sa
pagkagawa paggawa
ng kabuuang ng output.
output

21
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: PAGGAWA/PAGBUO NG VIDEO PRESENTATION
(ODL)
Napakahus Mahusa Nangangailang Hindi nakitaan
ay (5 y (4 an pa ng pag- ng ebidensiya
puntos) puntos) unlad (1 punto)
(3 puntos)
FILIPIN Wika at Lubhang Maayos at Hindi malinaw Hindi nakabuo
O Gramatika maayos malinaw at ng
at malinaw ang pagkakabuo hindi maayos mga
ang ng mga ang pangungus
pagkakabuo pangungusap, pagkakabuo ap.
ng ng
mga pa ilan-ilan ang mga
pangungusap, pangungusap,
Nagamit nang paggamit ng mga hindi gumagamit
ng
husto ang mga salitang mga salitang
salitang nanghihikayat at nanghihikayat at
may
nanghihikayat at ilang maling gamit maraming mali
ng sa
may bantas. bantas na
wastong
bantas. ginamit.
A.P. Boses o Napakalinaw Malinaw ang Hindi malinaw Hindi
ng boses o boses o tinig ng ang boses o naipakita ang
E.S.P. Tinig tinig ng tagapagsalaysay tinig ng pagsasalaysa
FILIPIN tagapagsalay at gumamit ng tagapagsalaysa y at
O say at higit sa y at iisa lang pagpapahaya
gumamit ng isang himig sa ang ginamit g.
iba’t ibang himig pagpapahayag ng na himig sa
sa damdamin
pagpapahayag pagpapahayag
ng ng
damdamin damdamin
A.P. Kabuuang Mahusay Organisado Hindi Hindi naipakita
E.S.P. Presentasyon ang ngunit hindi organisado ang ang mga
FILIPIN organisasyo gaanong pagkakasunud- konsepto at
O n at mabisa ang sunod ng mga ideya.
pagkakasun pagkakasunud- konsepto at
sunod ideya at
od-
sunod ng mga
konsepto at ng mga konsepto walang angkop
ideya; at na
Kahanga-hanga ideya; panimula at
wakas;
ang pagkagawa Maayos ang Hindi maayos
ang
ng video pagkagawa ng pagkagawa ng
video
presentation presentation video
presentation

22
IKAAPAT NA LINGGO
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat
kaugnay ng paksa
Nilalaman:
a. Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na
ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan, mga
dipamilyar na salita mula sa akda, at mga salitang nagpapahayag ng damdamin.
Panuto: Basahin at unuwaing Mabuti ang aralin para masagutan ang mga tanong
ng wasto. Isulat ang sagot papel sa YELLOW PAD.
ARALIN BILANG 4: PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN AT SARILING
INTERPRETASYON SA MGA SALITANG PAULIT-ULIT, MGA SALITANG IBA-
IBANG DIGRI O ANTAS NG KAHULUGAN
Miguelito
Sharon A. Villaverde
Natagpuan ako ng isang nagmalasakit na militar, basa, pagala-gala sa
dalampasigan ng Basey sa Samar. Hindi ko matandaan ang naganap sa akin. Gusto
ko nang kalimutan ang mga gabíng iyon. Ang gabíng dinala ang tahanan ko kasama
ang aking pamilya ng daluyong ni Yolanda.
Tinanong ako ng sundalo na nakakuha sa akin at inalok niya ako ng tinapay.
Pagod na pagod ako sa iláng araw na palutang-lutang sa baha. Pinahid ko ang sipon at
luha sa hirap at sakit na nadarama ko. Nasaan na ang inay ko? Mga kapatid ko? Si
Lola? Naalimpungatan ako sa pagtulog nang hapong iyon dahil sa napakaingay na
sigawan at tawanan ng mga bata sa lansangan. Naliligo sila sa ulan. Napilitan akong
bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Nais ko ring makilaro sa aking
mga kaibigan. Nakita ko rin ang ilang kapit-bahay na unti-unti nang nagsisilikas. May
paparating daw na malakas na bagyo. Yolanda ang pangalan.
“Hoy, Miguel,” sigaw ng isang bátang nakasando nang maluwag at shorts na
jersey, “Lilikas ba kayo? Paalis na kami, sabi nga ni Mama kailangan na raw naming
umalis.” “Hindi na raw kami aalis nina Mama,” sagot naman ni Miguel habang
nakadungaw sa bintana. “Eh, paano kung lumakas ang bagyo?” pabiglang sagot ng
kaibigan sabay buhat sa balutan dala ang ilang damit. “Sige, mauna na kami,”
nakangising sabat ng isa pa niyang kaibigan. Malago ang buhok. Nakita niya ang ilang
kaibigan na nag-uumpisa nang umalis sa lugar. Hindi ko napigilan ang pagluha.
Maraming tao at mga sundalo ang nagtatanong sa akin kung anong pangalan ko. Di ko
matandaan? Paano ka naming ihahatid sa pamilya mo? Mariin ko pa ring hawak ang
trak-trakan na laruan ko at kasama sa baha sa loob ng iláng araw at tanging kasama
kong nakaligtas. “O sige, hindi na nila kukunin, iyan. Huwag ka nang umiyak.” Nginitian
niya ako.

23
. Sumigaw ang nanay ko “Miguelito, asan ka?” Inay... Nasaan ka?” “Inay, Lola,
nasaan kayo? Ang lamig, Inay! Lola! Hu-hu-hu-hu!” Hindi ko na alam kung gaano
ako katagal umiyak sa paghahanap sa aking ina, lola, at mga kapatid. Lulubog-
lilitaw ako sa tubig, may nakita akong kahoy at may nakasakay na isang matanda.
Isinakay niya ako sa kahoy. Huwag daw akong bibitaw, ang bilin nito. Bumitaw ang
matanda sa pagkakapit sa kahoy, malulunod daw kami pareho kung pareho kaming
nakakapit sa kahoy. Malakas ang agos ng tubig, dinala ako sa malayo, wala akong
makitang lupa o pampang. Nilalamig na ako, gutom at pagod. Nagdasal ako na
sana makaligtas ako. Halos wala ng gumagalaw. Mistulang mga kahoy na
nakasalansan ang katawan nila. Nanghihina ang aking katawan sa pagod. Sa
gutom.
Ang haba ng biyahe namin mula sa bahay patungo sa lungsod ng Tacloban.
Nakita ko na ang pamilyar na lugar, sa may airport kami nakatira, likod lang nito,
ngunit iba na ang itsura ng aming masayang lugar, mga guhong bahay. Mabuti na
lámang at nanatiling nakatayo ang Tacloban airport na naging marka ni Miguelito
patungo sa kanilang bahay na nása likod ng paliparan at malapit lang sa dagat.
Hindi lumikas ang pamilya nina Miguelito nang manalasa ang bagyo. Dagdag pa
nito, nakaligtas sa delubyo ang ama ni Miguelito pero sumuko na umano ito sa
paghahanap sa pag-aakalang nasawi na ang anak. Kabilang sa hindi pa nakikita ay
ang kapatid ni Miguelito, ang kaniyang lola at ang kaniyang ina. Tanging alaala na
lang ni Miguelito ang wasak na tahanan tulad ng kaniyang pangarap at pamilya.
Hindi alam kung paano pupulutin ang piraso ng mundong kahaharapin ni Miguelito.

Mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag


Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin.
Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak
nakahulugan, magkakaiba naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri
o tindi ng naisiparating nito, lalo na kapag ginamit na sa pangungusap.
Ang Klino ay isang paraan ng paglinang ng kasanayan sa talasalitaan.
Ang Klino ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay pinasiding antas ng
simpleng salita.
Ang Klino ay tumutukoy sa pag-aayos ng mga salita. Ito ay ang pag-uuri ng
mga
kasingkahulugan batay sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahiwatig ng
salita.
Sa paraang ito,Makakaisip ng mga salitang may kakawing sa simpleng salita at
masusuri ang antas ng kadiinan ng mga ito.

24
25
Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang.
Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na
magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.
Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol
Gawaing Pasulat 1: Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang
paullit-ulit na ginamit sa akda na mula sa Hanay A. Batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang letra ng iyong sagot.
Hanay A Hanay B
1-2. Pagod na pagod ako sa ilang araw na A. Napatakan ng anumang likido
palutang-lutang sa baha.
❖ pagod na pagod _____________________
❖ palutang-lutang ______________________
3. Nagsigawan ang mga bata habang B. Lumalakad ng walang layunin
pasayaw-sayaw na naliligo sa ulan.
❖ Pasayaw-sayaw ______________________
4. Natagpuan ako ng isang nagmamalasakit C. Panghihina ng katawan
na militar, basa, pagala-gala sa dalampasigan
ng Basey sa Samar.
❖ Pagala-gala _________________________
5. Unang nalipad ang aming bubong. Basang-basa kami. D. Pag-indak ng katawan
❖ Basang-basa ________________________
6. Nakita ko rin ang ilang kapit-bahay na unti-unti E. Hindi nakalubog
nang nagsisilikas.
❖ Unti-unti _____________________________ F. Dahan-dahan

Gawaing Pasulat 2: Iaantas ang mga salita ayon sa tindi ng pagpapakahulugan nito.
Mula sa pinakamababang antas ng kahulugan hanggang sa pinakamatindi na
pagpapakahulugan. Isulat sa patlang ang letra ng sagot.
______7. BAHAGI, PUTOL, PIRASO
A. Putol, bahagi, piraso B. Bahagi,putol, piraso
C. Piraso, putol, bahagi D. Piraso, bahagi, putol

26
______8. NAGSALITA, BUMULONG, SUMIGAW
A. Sumigaw, bumulong, nagsalita B. Bumulong, nagsalita,
sumigaw
C.Nagsalita, bumulong, sumigaw D. Bumulong, sumigaw,
nagsalita
______ 9. WASAK, GUHO, SIRA
A. Sira,wasak,guho B. Sira,wasak, guho
C. Guho,sira,wasak D. Wasak, guho, sira
_______10. POOT, INIS, GALIT
A. Galit, poot, inis B. poot, inis, galit
C. Inis, galit, poot D. Inis, galit, poot
______11. LUNGKOT, LUMBAY, HINAGPIS
A. Lumbay, hinagpis, lungkot B. Hinagpis, lumbay,
lungkot
C. lungkot, hinagpis, lumbay D. lumbay, lungkot, hinagpis
______ 12. HIKBI, HAGULGOL, IYAK
A.Iyak, hikbi, hagulgol B. Hagulgol, iyak, hikbi
C.Hikbi, iyak, hagulgol D. Hikbi, hagugol, iyak
_______ 13. KABA, TAKOT, PANGAMBA
A. Takot, kaba, pangamba B. takot, pangamba, Kaba
C.Pangamba, takot, kaba D. Kaba, takot, pangamba
_______ 14. MATANGGAL, MATUKLAP, MAALIS
A. Maalis, matanggal, matuklap B. Maalis, matuklap,
matanggal
C. Matuklap, matanggal, maalis D. Matanggal, maalis, matuklap
_______ 15. NAKAPANGINGILABOT, NAKAGUGULAT, NAKASISINDAK
A. Nakasisindak, nakapangingilabot, nakagugulat
B. Nakapangingilabot, nakagugulat, Nakasisindak
C. Nakagugulat, Nakasisindak, nakapangingilabot
D. Nakapangingilabot, Nakasisindak, nakagugulat

27
GAWAING PAGGANAP 4:
LEARNING AREA COMPETENCIES/PERFORMANCE
STANDARDS
Araling Panlipunan 7 Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang
Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at
sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga konkretong
paraan upang ipakita ang paggalang at
pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit
na nangangailangan
Filipino 7 Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat
kaugnay ng paksa
Instruksyon/Sitwasyon
Isa ka sa naatasan ng iyong guro ng bumuo ng editorial photography bilang
pagkilala sa mga naiambag ng sinaunang kabihasnan Asya.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay may malalim na ambag sa iba’t
ibang salik ng pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Sa inyong
tahanan o kapaligiran, maghanap ng tatlong bagay na maiuugnay sa mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya.
Ang editorial photography ay tutumukoy sa mga larawan na kasama ang
isang teksto sa mga publication upang makatulong na makuwento o turuan ang
mga mambabasa.
 Sa pagbuo ng editorial photography ito ay maaring mga ginupit na
larawan o kaya’y idrowing mo. Tukuyin kung anong kabihasnan ang
may ambag sa napiling bagay at talakayin ang kahalagahan nito.
 Sa pagtalakay ihahad ito sa paraang editorial na nanghihikayat na
kakikitaan ng angkop na pagpapasya tungo paggalang at
pagmamalasakit sa kapwa o sa kapus-palad.

HALIMBAWA :

(Larawan)

Bagay Gilong ng bisekleta ni Kuya


Kabihasnan Sumer
Kahalagahan Ginagamit sa transportasyon (Ipaliwanag pa)

 Ilagay ang editorial photography sa isang short bond paper.


Nasa ibaba ang maikling paliwanag sa tungkol sa editorial at mga
ginagamit na salita sa panghihikayat.

28
Mga Salitang Nanghihikayat:
Totoo, Subalit, Kaya natin ito, Ngayon Na!
Tunay, Siguradong…, Siyempre, Naniniwala akong…, Ito na
Talaga, Tara, Kitang-kita mong…, Sama na…, Kaya mong maging bahagi ng…
Output/Product:
MDL/ODL: Bumuo ng isang editorial photography base sa ibinigay na lalamanin
ng gawain. Maaring mamili kung ang editorial photography na iyong gagawin ay
printable o sarili mong drowing upang makabuo ng ipapasang output.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Nangangailan Hindi
gan
(5 puntos) (4 puntos) pa ng pag- nakitaan
unlad (3 ng
puntos) ebidensiya
(1 puntos)
FILIPINO WIKA AT Lubhang Maayos at Hindi malinaw Hindi
GRAMATIK maayos at malinaw ang at hindi naipakita
A malinaw ang pagkakabuo maayos ang ang
pagkakabuo ng ng mga pagkakabuo ng paggamit
mga pangungusa mga ng
pangungusap, p, pangungusap, mga
Nagamit ng pa ilan-ilan hindi salitang
husto ang gumagamit nanghihikay
ang mga paggamit ng mga at
salitang ng mga salitang sa editoyal
nanghihikayat salitang nanghihikayat at
at nanghihikay at paggamit
may wastong at maraming mali ng
bantas. at may ilang sa wastong
maling gamit bantas na bantas.
ng bantas. ginamit.
AP/ESP/ PRESENTA Lubusang Naging Hindi nagging Hindi
FILIPINO SYON malinaw malinaw ang malinaw ang naipakita
ang intensiyon intensiyon o intensiyon o ang
o detalyeng detalyeng malinaw na
detalyeng ipinahahaya ipinahahayag intensiyon
ipinapahayag g ng ng
ng ng editorial editorial mga detalye
editorial photograph photography ng editorial
photography y photograp
hy

29
AP/ESP/ KALINISA Lubusang Naging Hindi Hindi
napakalinis malinis at gaanong naipakita
FILIPINO N AT at maayos malinis at ng
KAAYUS napaka-ayos ang maayos kalinisan
ang pagkakabu ang at
AN pagkakabuo o pagkakabuo kaayusan
sa ng ng sa
editorial editorial editorial pagbuo
photograph photograp photograph ng
hy. y. editori
y.
al
photogr
aphy
KABUOA
N
(15PUNT
OS)

Isinaayos ng mga Guro sa Filipino 7 :


Bb. Irma Bermejo Bb. Judy Ann Cuso
Gng. Mary Jane Belen Bb. Rapunzel Esquilon
Gng. Rosiebel Briones Gng. Ma. Clarissa Hipolito
Gng. Claire Cruz Bb. Jennifer Reynado
G. Edwin Caparal

30

You might also like