You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Division of Davao Occidental


Mariano Peralta National High School
Malita, Davao Occidental

BANGHAY - ARALIN SA FILIPINO


Baitang 7
I. MGA LAYUNIN:
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F7PB-IIId-e-15: Napaghahambing ang mga katangian ng mito/alamat/kuwentong-
bayan batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspetong
pangkultura
F7PD-IIId-e-14: Naipaliliwanag ang tema at ibang pang elemento ng
mito/alamat/kuwentong-bayan batay sa napanood na mga halimbawa
nito
F7WG-IIId-e-14: Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula,
gitna at wakas ng isang akda

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) natutukoy ang kahulugan ng mito at ang paraan sa paggamit ng mga salitang
hudyat ng panimula, gitna, at wakas;
b) nabibigyan ng kahalagahan ng panitikan ng Luzon sa pamamagitan ng
pagbabasa ng isang halimbawa ng mito tungkol sa Ang Hukuman ni Mariang
Sinukuan; at
c) nakabubuo ng mga pahayag gamit ang mga salitang hudyat.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas
Sanggunian: Panitikang Rehiyonal (Kagamitan ng Mag-aaral)
Kagamitan: Handouts, Pantulong na Visuals,
Time Frame: 50 minuto
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtatala ng liban at hindi liban

B. Pagganyak
“WORD HUNT”
Sa larong ito, hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Pipili ang bawat
grupo ng isang lider upang mamuno at isang sekretarya na magtatala ng kanilang mga
sagot. May ipapakitang tsart ang guro na naglalaman ng mga kahon na mayroong
nakalagay na iba’t-ibang letra sa loob nito. Bibigayan din ang bawat grupo ng kopya ng
tsart na nakalagay sa isang bond paper. Hahanapin ng bawat grupo sa loob ng kahon ang
mga salitang kukumpleto sa pahayag na nakasulat sa ibaba ng tsart na inilahad. Bibilugan
nila ang bawat salita na makikita nila at ang mga salitang ito’y kanilang ipupuna sa mga
patlang sa nakasulat na pahayag. Bibigyan lamang sila ng tatlong (3) minuto para sa
gawaing ito. *tingnan ang appendix A
C. Paglalahad
Pagkatapos ng aktibiti, magbibigay ng mga katanungan ang guro sa mga mag-aaral:
 Ano-ano ang mga salitang nakita niyo sa loob ng ipinakitang tsart?
 Mula sa ginawang aktibi, ipaliwanag ang nabuong pahayag ukol sa kahulugan ng
mito.

D. Pagtatalakay
(Pagbabasa) *tingnan ang appendix B
Maayroong ibibigay na handouts ang guro sa mga mag-aaral na tungkol sa buod ng mito
ng Pampanga na may pamagat na “Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan”. Hahayaan ng
guro na basahin nga mag-aaral ang kuwento ng tahimik at pagkatapos nito ay sabaysabay
nilang babasahin at tatalakayin ang tungkol sa nabanggit na kuwento.

(Diskusyon)
Mito – tinatawag rin na mulamat; mula sa salitang Latin na mythos at mula naman
sa muthos ng Greece na nag kahulugan ay “kuwento”. Ito ay isa sa pitong uri ng
matatandang kuwentong-bayan tulad ng alamat, pabula, parabula, atbp. na
naglalayong magbigay ng pagtatalakay tungkol sa mga bathla, mga diyos at
diyosa, mga hindi-hinding kapanipaniwalang nilalang, paglikha ng daigdig, at
maaring ituring sagrado at paniniwalang totoong naganap para sa mga taong
naniniwala dito.
.
MGA SALITANG HUDYAT NG PANIMULA, GITNA AT WAKAS:
 Panimula – simula ng akda na pumupukaw sa interes ng mga mambabasa kung
kaya’t kinakailangang epetibo ito. Maaaring simulan ito sa mga salitang noon,
una, sa simula pa lamang, atbp.
HALIMBAWA:
Sa simula pa lamang, maraming akdang pampanitikan na namayani noong
unang panahon ng mga katutubo.

 Gitna – dito kinakailangang mapanatili ang interes ng mambabasa sa kawing-


kawing na mga ideya. Maaaring gamitin ang mga salitang samantala, saka,
mayamaya, hanggang kasunod, walang anu-ano, atbp.
HALIMBAWA:
Kasunod ng palabas ng mga akdang pampanitikan ay ang pagpapahalaga sa
kultura ng lahi.

 Wakas – napakahalaga ng huling bahagi ng akda dahil dito naiiwan sa


mambabasa ang mahahalagang kaisipan. Dito nakapaloob ang isahan at
pangkalahatang mensahe. Maaaring gumamit ng pagkatapos, sa huli, sa wakas,
o iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
HALIMBAWA:
Sa huli, hindi maaaring paghiwalayin ang panitikan at kultura.

E. Paglalapat
Panuto: Gamit ang nabuong grupo, bubuo sila ng isang maliit na kuwento gamit ang mga
sumusunod na mga salita/pahayag na kanilang ilalagay sa kanilang mabubuo na mga
pangugusap na naghuhudyat ng panimula, gitna, at wakas. Pipili ang bawat grupo ng
representante na syang maglalahad ng kanilang kuwento sa harap. Bigbigyan lamang ang
bawat grupo ng limang (5) minuto para sa gawaing ito. Bawat paglalahad ay bibigyan ng
puntos gamit ang criteria na ibibigay ng guro.
PAMANTAYAN PARA SA PAGSASADULA:
• Kaangkupan ng mga salitang ginamit - 20 puntos
• Pagkakasunod-sunod ng pangyayari - 20 puntos
• Paglalahad ng ideya - 5 puntos
• Pagkamalikhain ng binuong kuwento - 5 puntos
KABUUAN = 50 puntos

1. Noon ______________________________________________________________
2. Mayamaya _________________________________________________________
3. Hanggang __________________________________________________________
4. Sa huli _____________________________________________________________
5. Pagkatapos__________________________________________________________

F. Pagtataya
Panuto: Sa isang buong papel, gayahin ang tsart sa ibaba at isulat sa loob ng mga bilog
ang mga salitang may kaugnayan sa mito. (aytems 1 hanggang 5)

MITO

(Para sa bilang 6-10)


Punuan ng akop na pahayag o salita ang panimula, gitna at wakas ng talata. Pumili sa
loob ng kahon sa ibaba ng mga salitang gagamitin para rito.

Kasunod sa simula pa lamang una sa huli pagkatapos


1) _______________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Jerry at Chris.
2) _______________ nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat, kayumanggi si Chris at
maputi naman si Jerry. 3) _______________ nilang pagkakaiba ay ang kanilang ugali. Si
Jerry ay masipag mag-aral at masunurin sa magulang, samantalang si Chris ay ubod nang
tamad mag-aral at bulagsak sa mga gamit. Magkaiba rin sila sa mga bagay na nais gawin. Si
Jerry ay madalas tumulong sa kaniyang ina sa gawaing-bahay samantalang si Chris ay mas
gustong maglaro ng kompyuter. 4) _______________ ay nakita kung sino sa dalawa ang
tunay na may magandang ugali at karapat-dapat tumanggap ng parangal.
G. Paglalahat
Mula sa kuwento na ating natalakay kanina, makikita nating ang epekto ng pagtatanim ng
galit sa ating kapwa. Maaaring ito ay magdulot ng kapahamakan sa iba nang dahil sa mga
masasamang intension natin tungo sa ating kagalit gaya ng pagkagulo ng mga hayop sa
kaharian ni Mariang Sinukuan. Dapat matuto tayong magpatawad sa ating kapwa kung
sila man ay may pagkakasala sa atin. Ang Diyos natin ang mayroong napakamahabaging
puso na kahit tayong mga nilalang sa mundong ibabaw ay nagagawa niyang patawarin
dahil mahal niya ang kanyang mga anak. Naway mapagtanto natin ang mahalagang aral
na ito nang magkaroon ng kapayapaan ang bawat tao.

IV. TAKDANG ARALIN


Panuto: Suriin ang ginamit na pahyag sa panimula, gitna at wakas sa binasang“Ang
Hukuman ni Mariang Sinukuan”. Isulat sa bawat kahon ang sagot. Gawin ito sa
isang buong papel. (15 puntos)

ANG HUKUMAN NI MARIANG SINUKUAN


Panimula Gitna Wakas

Inihanda ni:

WINZLET KATE G. DIVINAGRACIA


Guro sa Filipino

Iprenesenta kay:
MARITES A. INOCENTES
Gurong Tagapagsanay

APPENDIX A

M E R F T U J I K N K I O O O K
N I L A L A N G D D D D G T T A
A V T K A P A N G Y A R I H A N
E D I O K I O I D F H K I O P Y
E E I I L J J K U I G O E E A T
T W D I Y O S A L K N I I L M U
H A U Y O H H M T A L I A E A O
J A T A E H D I Y O S H I E L A
U A P E E H E A Y K T U U Q H R
K A P U E F G H Y A I I U A A I

“Ang mitolohiya ay karaniwang tumatalakay sa mga kuwentong may


kinalaman sa mga diyos, diyosa, at mga kakaibang nilalang na may
kapangyarihan.”
APPENDIX B
“Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan”
(buod)
Sa Bundok ng Arayat mayroong naninirahang magandang diwata. Si
MAriang Sinukuan. Siya ay isang mabait at makatwirang diwata. Siya ay
mayroong hukuman na naging sagisag ng katarungan at pag-ibig.
Isang araw, narining ni Mariang Sinukuan ang taghoy ni Ibong Martines.
Kanya itong tinanong kung bakit gayon na lamang ang iyak nito. Sumagot si
Ibong Martines sa diwata. Kanyang sinabi ang nangyari sa kanyang pugad. Ang
kanyang mga itlog ay basag. Nalaman ni Maria kung bakit nabasag ito. Sinabi
nito na kaya nabasag ang kanyang mga itlog ay dahil sa pagdamba ni Kabayo.
Kung kaya ipanatawag ng diwata si Kabayo at kanya itong tinanong kung bakit
ito nagdadamba. Sinabi nito na nagulat ito sa malakas na pagkokak ni Palaka
kaya ito ay nagdadamba. Kanyang pinatawag si Palaka at kanya itong tinanong.
Sumagot si Palaka sa diwata. Sinabi nito na kaya sya kumokak ng malakas
sapagkat nakita niya daw na dala ni Pagong ang bahay nito. Si Pagong naman
ay pinatawag ng diwata at kanyang tinanong kung bakit nito dala ang bahay
nito. Sinabi ni Pagong kung bakit niya dala-dala ang kanyang bahay sapagkat
natakot siya kay Alitaptap na may dalang apoy. Ipinatawag naman ng diwata si
Alitaptap at kanya itong tinanong. Sumagot si Alitaptap na kailangan daw
niyang magdala ng apoy sapagkat si Lamok ay palipad-lipad na may dalang
itak. Agad pinatawag ni Mariang Sinukuan si Lamok at kanya itong tinanong.
Sumagot ang Lamok. Sinabi nito na kaya siya palipad-lipad at may dalang itak
ay dahil sa kagustuhan niyang gumanti kay Alimango at dahil sa galit niya,
dumulas ang itak at nagkaroon ng kaguluhan sa hukuman. Si Lamok ay
pinarusahan dahil siya ay naging marahas. Sa simpleng pagkakaipit niya, ang
lahat ng mga hayop ay naligalig dahil sa kanyang ginawa. Siya ay pinatawan ng
parusang pagkakakulong ng tatlong araw.

You might also like