You are on page 1of 2

Pagsusulit

Ikalawang Markahan

I. Suriin ang bawat pangusap. Piliin ang antas ng wikang ginamit sa salitang may
salungguhit sa loob ng pangungusap.
1. “Ang ganda ng tsekot mo Pre, magkano bili mo dito?”
a. Pambansa b. pampanitikan c. kolokyal d. balbal
2. Maswerte sya dahil may gintong kutsara na siya sa bibig simula nang pinanganak.
a. Pambansa b. pampanitikan c. kolokyal d. balbal
3. Kailangan ipaglaban natin ang ating karapatan kung hindi ay aabusuhin tayo.
a. pambansa b. pampanitikan c. kolokyal d. balbal
4. “Kelan ba ng iyong kasal? At kami ay iimbitahin mo.”
a. pambansa b. pampanitikan c. kolokyal d. lalawiganin
5. “Ang laki na ng batang ari, mag-aaral kang mabuti hane?”
a. pambansa b. pampanitikan c. kolokyal d. lalawiganin

II. Punan ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


6. ______ (tahimik) ang buhay sa bukid kaysa sa lungsod.
a. kapwa tahimik c. mas tahimik
b. ang tatahimik d. pinakatahimik
7. ______ (bilis) ang dalawa kong giya sap ag-akyat ng bundok.
a. singbilis c. magsimbilis
b. simbilis d. ang bibilis
8. ______ na (tamis) ang mga mangga ko sa buslo kaya sa dalandan mo.
a. magsingtamis c. higit na matatamis
b. di-gasinong matamis d. di-gaanong matamis
9. ______ (linis) ang mga aso kaysa pusa.
a. mas malinis c. di-gasinong malinis
b. kapwa malinis d. ubod ng linis
10. ______ (pansin) ang mga munting bonsai sa hardin.
a. higit na pansinin c. di-gaanong pansinin
b. magkasingpansin d. di-halatang pansinin

III. Pagsunod-sunurin ang antas ng kahulugan batay sa nais ipahiwatig nito.


11. a. iyak-hikbi-hagulhol c. hagulhol-galit-iyak
b.hagulhol-iyak-hikbi d. hikbi-iyak-hagulhol
12. a. dumi-dilim-dagim c. dumi-itim-dilim
b. dilim-dagim-dumi d. dumi-dagim-dilim
13. a. galit-poot-inis c. suklam-poot-galit
b. inis-poot-suklam d. inis-galit-poot
14. a. yupi-wasak-sira c. sira-pisngot-yupi
b. sira-wasak-yupi d. yupi-sira-wasak
15. a. hapdi-aray-sakit c. sakit-kirot-hapdi
b. hapdi-sakit-aray d. hapdi-kirot-sakit

IV. Tukuyin ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


16. Maganda ang bestidang suot mo subalit hindi bagay ang sapatos na iyan sa bestida.
a. Maganda c. subalit
b. bestida d. bagay
17. Gigising ako nang maaga bukas para maumpisahan ko na ang labada..
Ikalawang Markahan| 1
a. Gigising c. para
b. maaga d. maumpisahan
18. Dinala namin si Tricia sa klinika at pinatingin namin siya sa doktor.
a. Dinala c. at
b. klinika d. namin
19. Nagluluto ng adobong baboy si Ate Rowena habang nagsasaing si Nanay.
a. Nagluluto c. habang
b. adobong baboy d. Nanay
20. Hindi matutuloy ang lakbay-aral natin sa Biyernes sapagka’t may parating na malakas na
bagyo sa ating lalawigan.
a. matutuloy c. Biyerne
b. lakbay-aral d. sapagkat

V. Piliin ang lugar kung saan nagmula ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
21. Ang ekonomiya ng bansa ay unti-unting umuunlad.
a. Ingles b. Lastila c. Malay d. Tsino
22. Masarap magluto ng siomai ang aking ate.
a. Ingles b. Lastila c. Malay d. Tsino
23. Napakaraming dyipni sa Pilipinas kung kaya naman nagiging mabigat din ang trapiko.
a. Ingles b. Lastila c. Malay d. Tsino
24. Hindi maiwasan ang pagdami ng mga maling balitang kumakalat sa social media ngayon.
a. Ingles b. Lastila c. Malay d. Tsino
25. Sikat na sikat ngayon ang mga lapis na maarig itanim.
a. Ingles b. Lastila c. Malay d. Tsino

VI. Suriing mabuti ang pangungusap. Piliin ang angkop na kahulugan ng mga salitang may
salungguhit.

26. Hindi dapat tayo mag-alaga ng ahas sa grupo.


a. kakampi c. kapatid
b. traydor d. kaway
27. Parang siyang anghel na hulog ng langit.
a. maganda c. maputi
b. mabait d. mayaman
28. si Almira ay di-makabasag pinggan kung dalawin ng kanyang kasintahan.
a. mainipin c. matamlay
b. mahinhin d. masaya
29. Masyado nang malalim ang sugat na inukit ng nakaraan kaya hindi agad ako makalilimot.
a. nagkapeklat c. iyakin
b. may galit sa puso d. nagtatampo
30. madaling mapaniwala ng mga pulitiko ang mga mamayan sa mabubulaklak na salita.
a. mahusay bumigkas c. magaling kumanta
b. magagandang pananalita d. malakas magsalita

Ikalawang Markahan | 5

You might also like