You are on page 1of 14

Aralin 2.

5: Modyul 9
IKALAWANG MARKAHAN
Panitikan: Maikling Kwento
Teksto: Ang Kalupi
Wika: Mga Pang-ugnay

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Paglinang sa Talasalitaan (F7PT-Iii-II)


 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa kwento batay sa
a.) kontekstwal na pahiwatig at b.) denotasyon at konotasyon

Kagamitan: Video clip mula sa youtube, Larawang Biswal


Sanggunian: Rex Supplemental Lessons
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Ano kaya ang kaugnayan nila sa isa’t-
isa?

AMOR O. MARGIN
Guro III
Alaminos Integrated National High School
Distrito ng Alaminos

Ikalawang Markahan| 1
Paunang Pagtataya :
T U K L A S I N natin!

Klasmeyt,
Magandang araw! Bago tayo magsimula,
subukan mo munang sagutin ang mga tanong
sa ibaba! Galingan mo!

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Bukas-palad kaming tutulong sa kahit kaninong nangangailangan.


a. mapagbigay c. maalalahanin
b. madamot d. masinop

2. May pusong bato ang akin gaming kamag-anak na mayayaman.


a. mapagpasensya c. matigas ang kalooban
b. mapagkawang-gawa d. masipag

3. Lalaki rin syang magnanakaw, kung ano ang puno, siya ang bunga.
a. mapagpasensya c. matigas ang kalooban
b. mapagkawang-gawa d. masipag

4. Mag-aral ka ng mabuti, dahil kung ano ang iyong itinanim ay siya mong aanihin.
a. kapag gumawa ka ng tama, magbubunga ito ng kabutihan
b. kung gumawa ka ng tama, hindi ka makikinabang
c. kapag nagsipag ka, iba palagi ang nakikinabang
d. kung ikaw ay masinop, maaring magbago ang iyong buhay

5. Kailangan mong magsunog ng kilay upang makuha mo ang scholarship ng ating


Gobernador.
a. maglinis lagi ng bahay c. mag-aral nang mabuti
b. magsikap sa buhay d. mag-alaga ng mga kapatid

Panimulang Gawain :
Ikalawang Markahan | 5
L I N A N G I N natin!
Ang galing mo!
Ngayon naman ay magbasa muna tayo!
Mangako ka na tatapusin natin..

ANG KALUPI ANG KALUPI

Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran


ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa
kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinagdilim ng kanyang
malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang
umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa
pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan.
Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon at
tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat
na taong inilagi sa mataas na paaralan.
Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang
panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang
anak na nagtapos sa high school ay hindi na isang maliit na gaya niya.
Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang
anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang libro at
nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang
makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana.
Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamaniganging may
sinasabi rin naman. Nasa daan na siya, para pa niyang naririnig ang
matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot
nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting
damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang


Ikalawang Markahan| 1
pang nyang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan,
samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tondo, ay mataman
niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi
Natawa| 5
Ikalawang Markahan si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng
kanyang bestido upang magbayad.
“Bakit ho?” anito.
“A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot
Ikalawang Markahan| 1
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda,
lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawk
sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa kababaihan.
“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e
“O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad,
Ikalawang Markahan | 5
isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, Mamang Pulis,
e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at
magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito
“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis.
Ikalawang Markahan| 1
“Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati
kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin ang gusto
n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”
Inakbayan nito ang bata at inilakad patungo sa outpost,
Hindi niya
Ikalawang Markahan | 5 gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko
at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling
Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta
at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi
ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawakIkalawang
na namanMarkahan| 1
ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?”
tanong ni Aling Marta.
Ililingid din niya ang nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng
Ikalawang Markahan | 5
kanyang asawa ng iskandalo at anuman pangangatwirang gawin niya
ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating
ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam,
mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang
Mga gabay na tanong:

Ikalawang Markahan| 1
1. Isa-isahin ang mga tauhan. Ipakilala ang bawat isa.
2. Ilarawan ang tagpuan ng kwento.
3. Ano ang mensahe na nais iparating ng akdang iyong binasa?

Paksang Aralin :
P A U N L A R I N natin!

Ang galing mo klasmeyt!


Napakagandang kwento ang ating binasa. Ngayon
naman ay pag-aralan natin ito.

MAIKLING KWENTO
Ang maikling kuwento ay isang anyo ng tuluyang panitikan na
may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang
umiikot sa isang suliranin.

Banghay ng Maikling Kuwento:


a. Simula – Paglalahad o paglalarawan sa tauhan, tagpuan, o maaaring
mailahad agad ang suliranin.
b. Suliranin – Ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang
nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya.
c. Papataas na Aksyon – Dito nagaganap ang pag-usbong ng suliranin.
Isinasaad ang mga nagiging reaksyon o hakbang ng mga tauhan sa
inilahad na suliranin.
d. Kasukdulan – Pinakamataas na bahagi ng kuwento. Masasabing dito
sa bahaging ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento.
May mga kuwentong ang kasukdulan ang nagiging wakas ng
kuwento.
e. Pababang Aksyon – Dito makikita ang \ kakalasan. Sa kakalasan, sa
mga kumbensyunal o tradisyonal na kuwento, madalas maglagay ng
ganito ang mga manunulat. Dito binibigyang kasagutan ang suliraning
inilahad sa kuwento. Maaaring masagot sa bahaging ito ang lahat ng
tanong na nasa isip ng mga mambabasa.
f. Wakas – Maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o nagbubukas
sa iba pang ideya o tinatawag na open-ended.

Ikalawang Markahan | 5
Denotasyon at Konotasyon

May mga nais ipahayag ang mga manunulat sa mambabasa


nang hindi lantad. Ito ang nagbibigay ganda sa pagpapahayag dahil
Ikalawang Markahan| 1
Pangwakas na Pagtataya :
I L I P A T natin!

Klasmeyt,
Oh, ayan! Malapit mo nang matapos ang
araling ito. Kaya gawin muna natin ito!

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling


Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng
diyaryo.

2. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan


ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid;

3. Di-mahulugang karayom ang mga taong namimili sa palengke.

4. Tila siya ay pinagsakluban ng langit at lupa nang malaman niyang naiwan sa


bahay ang kanyang kalupi.

5. Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit
na barung-barong.

Klasmeyt,
Nakakatuwang matiyaga mong tinapos
ang aralin na ito. Sa susunod muli!

Ikalawang Markahan | 5

You might also like