You are on page 1of 29

Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF ICE

4
MARIK IN A CIT Y

FILIPINO
Unang Markahan- Modyul 4:
Pagtukoy sa Bahagi ng Kuwento

May-akda: Evangeline Mae Monderin-Resultay


Tagaguhit: Reynaldo C. Celestial, Jr.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


 Aralin – Pagtukoy sa Bahagi ng Kuwento

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo


ang sumusunod:
A. nasasagot ang mga tanong sa lunsaran;
B. nakikilala ang mga bahagi ng ng kuwento (simula,
kasukdulan at wakas); at
C. natutukoy ang mga bahagi ng kuwento sa binasa

Subukin

Bago ka magpatuloy, isagawa ang mga gawaing ito.

A. Ibigay ang tatlong bahagi ng kuwento.


1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________

B. Lagyan ng tsek (/) ang masasabing halimbawa ng bahagi


ng kuwento at ekis (X) naman ang hindi.

_____ 1. Noong unang panahon, may isang pamilyang


nakatira sa ikapitong bundok ng tralala.
_____ 2. At naging masaya ang mag-anak at namuhay nang
mapayapa sa tulong ng Poong Maykapal.
_____ 3. Pagtukoy sa elemento ng kuwento
_____4. “Ang paksang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol
sa mga “Pabula,” wika ng guro.
_____5. Kinilabutan ang lahat ng miyembro ng pamilya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE 1
Hindi nila alam kung buhay pa ang kanilang ama
hanggang sa unti-unti, nahahawi na ang usok,
bigla na lang may lumabas na kamay sa hukay.
Kitang-kita ni Mel. Hindi siya maaaring magkamali.
Kamay iyon ng kaniyang tatay dahil sa relos na
suot nito.

Aralin Pagtukoy sa Bahagi ng Kuwento

Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagtukoy sa mga


bahagi ng kuwento. Upang ito ay malinang, kailangan mong
gawin nang matapat ang mga gawain.

Balikan

Magbalik-aral ka tungkol sa mga elemento ng kuwento.

1. Ibigay ang tatlong elemento ng kuwento:

2. Sabihin kung tauhan, tagpuan o banghay ang mga


sumusunod:

______________ a. Karen
______________ b. Kagubatan ng Madrid
______________ c. Biboy
______________ d. Umakyat sila sa bundok, nag-camping,
at namitas ng mga prutas.
______________ e. Bulubundukin ng Bohol

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Tuklasin
A. Panimula
Pamilyar ka ba sa nasa larawan? Ano-ano ang katangian
ng isang iskawt na kagaya niya?

B. Pagbasa
Handa ka na ba na magpatuloy? Umpisahan na ang
pagbasa sa akda at pagkaraan ay sagutin nang pasalita ang
mga tanong.

Laging Handa
ni Evangeline Mae Monderin-Resultay

Isang umaga nang papasok na si Jun-jun papuntang


paaralan, siya’y hinarang ng tatlong batang lalaki. Ang mga ito ay
naghahanap ng away. Pinatigil nila si Jun-jun sa paglalakad at
pinagsalitaan ng isa sa mga bata.
“Kung talagang matapang ka ay lumaban ka. Pumili ka
ng isa sa amin na kasinlaki mo,” ang matapang na pahayag nito.
Malumanay na sumagot si Jun-jun, “Ayaw ko ng away.
Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman tayo magkakagalit at
wala naman akong kasalanan sa inyo. Isa ako sa mga batang
iskawt sa ating paaralan. Isa sa itinuturo sa amin ay ang
disiplina sa sarili.”

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
“Lumaban ka!” sabay dura kay Jun-jun ng isang
batang mas maliit pa sa kaniya.
“Kaibigan ako ng sinoman. Ang sabi ng guro ko, dapat
akong magpakumbaba sa lahat ng oras at unawain ang mga
taong mahirap makaunawa,” mahinahong sagot ni Jun-jun.
“Marami kang dahilan! Duwag ka lang ‘ata. Puro ka
satsat!” tukso ng isa sa mga bata.
Nakiusap si Jun-jun, “Aalis na ako, mahuhuli na ako
sa klase,” pagpapaliwanag ni Jun-jun.
Pagkasabi ay agad umalis si Jun-jun. Dahil dito,
sinundan si Jun-jun ng tatlong bata. Ilang sandali pa ay malapit
na sila sa tulay.
“Tu-tulong!!!!” isang boses ng bata sa ilog sa ilalim ng
tulay.
Natigilan si Jun-jun maging ang tatlong batang
sumusunod sa kaniya. Isang bata ang nalulunod at humihingi
ng tulong. Hindi nagdalawang isip si Jun-jun. Kinuha niya ang
lubid sa kaniyang bag at inihagis ito sa batang nalulunod.
Nahawakan ito ng bata saka hinila ni Jun-jun ang lubid
hanggang sa makarating sa pampang ang bata.
Natulala ang mga batang naghahamon ng away. Hindi
sila makapaniwala sa ginawa ni Jun-jun. Lalo na ng malaman ng
isang bata na ang batang sinagip ni Jun-jun ay kaniyang kapatid.
Hiyang-hiya ito kay Jun-jun at nagpasalamat. Humingi rin ito ng
paumanhin sa kaniyang nagawa.
“Astig ka boy. Paano ba maging iskawt?”
B. Pag-unawa sa Binasa

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Saan ito nangyari?
3. Paano nagsimula ang kuwento?
4. Ano ang pinakasuliranin sa kuwento?
5. Alin ang bahaging kapana-panabik sa kuwento?

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
6. Paano nagkaroon ng solusyon ang kuwento?
7. Paano nagwakas ang kuwento?

Suriin

Ang maikling kuwento ay isang akda na may


iisang kakintalan at nag-iiwan ng isang mensahe sa
mga mambabasa. Bukod sa elemento, ang maikling
kuwento ay may mga bahagi--simula, kasukdulan at
wakas.
Ang simula ay ang kadalasang bahagi na
nagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at
pagpapakita ng suliranin o problema.
Ang kasukdulan ay ang bahaging kapana-
panabik sa akda. Makikita dito ang tunggalian at kung
paano lutasin ang suliranin.
Ang wakas naman ay kinapapalooban ng
kakalasan o pagbaba ng damdamin at katapusan ng
akda.
Mahalagang batid ng mambabasa ang mga
bahaging ito. Sa pamamagitan nito ay higit na
madaling tandaan ang kabuuan ng kuwento.

Pagyamanin
Palawakin ang iyong kaalaman sa pagtukoy ng mga
bahagi ng kuwento. Basahin ang akda sa susunod na
phina at pagkaraan ay salungguhitan ang mga bahagi ng
simula, bilugan ang mga bahagi ng kasukdulan at ikahon
ang mga bahagi ng wakas.
City of Good Character 5
DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Pasya ni Ariel
ni G.C. Alburo

Lagpas treinta anyos na si Ariel Mandapat. Labis siyang


nag-aalala dahil tumatanda na siya ngunit wala pa rin siyang
permanenteng trabaho. Hiyang-hiya na siya na laging umaasa sa
kaniyang mga magulang. Minsan ay naging mitsa pa nga ito ng
alitang magkakapatid.
Isang araw, naglalakad siya sa kahabaan ng Shoe Avenue
sa Marikina na halos wala sa kaniyang sarili. Ayaw niyang
umuwi hanggat wala siyang naiisip na paraan para kumita. Nasa
ganoong sitwasyon si Ariel nang bigla siyang nahagip ng isang
rumaragasang van. Mabuti na lang agad nakapreno ang drayber
kaya hindi gaanong nasaktan si Ariel.
Dali-daling bumaba ang drayber at inalalayan si Ariel.
“Ok ka lang ba pare? Anong masakit sa’yo? Dadalhin kita sa
ospital.” Wika ng drayber.
“Ok naman ako pare. Masakit lang ang balakang ko, wag
mo na akong dalhin sa ospital,” sabi ni Ariel.
“Sigurado ka? “ anang drayber.
“Oo, ok lang ako walang problema,” nakangiting wika ni
Ariel
“Sige, ikaw ang bahala. Heto pala ang calling card ko. Kapag
kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako,” sabi ng drayber.
“Oo, pare. Salamat,” wika ni Ariel sabay abot ng calling card
mula sa drayber.
Nagpaalam ang dryaber saka bumalik sa van at humarurot
na ito ng takbo. Huli na nang malaman ni Ariel na isa palang
may-ari ng rent-a-car ang nakabundol sa kaniya.
“Alam ko na!” masayang wika ni Ariel at nagmamading
umuwi sa kanila. Tila may pag-asang sumisila’y sa kaniyang mga
labi.
Sa bahay, kinagabihan. Titig na titig si Ariel sa telepono.
Buo na ang kaniyang desisyon. Tatawagan n’ya ang nakabundol
sa kaniya.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isaisip

Kung tutuusin, ang mga bahagi ng maikling kuwento ay


bahagi ng elementong banghay. Ang mga bahaging ito ay
makikita sa pamamagitan ng ilustrasyon sa ibaba.

Kasukdulan

Simula Wakas

Ang simula ay ang kadalasang pagpapakilala ng mga


tauhan, tagpuan at pagpapakita ng suliranin o problema.
Ang kasukdulan ay ang bahaging kapana-panabik sa akda.
Makikita dito ang tunggalian at kung paano lutasin ang suliranin.
Ang wakas naman ay kinapapalooban ng kakalasan o
pagbaba ng damdamin at katapusan ng akda.

Isagawa
Tukuyin sa kuwento sa susunod na pahina ang mga bahagi
nito. Kulayan ng berde ang mga bahagi ng simula. Kulayan ng
dilaw ang mga bahagi ng kasukdulan at kulayan ng pula ang
mga bahagi ng wakas.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Si Mang Linong Magtotroso
ni Marilyn V. Peralta

Isang hapon, nagtungo sina Mang Lino at ang anak nitong


si Doni sa kagubatan upang pumutol ng puno na gagawing
panggatong.
“Doni, iabot mo ang aking palakol at puputulin ko
ang punong ito.”
“Itay,maliit pa po ang punong iyan. Sayang naman kung
puputulin agad. Humanap po tayo ng malaki na.”
“Bakit pa? Pare-pareho namang puno ang mga ito.”
“Pinag-aralan po kasi namin kanina na ang mga puno ay
nakatutulong sa pagpigil sa baha. Sinisipsip ng mga ugat ang
tubig-ulan na umaagos sa kagubatan papunta sa kabahayan.
Sabi ng aming guro ay huwag putulin ang maliliit na puno
upang ang mga ito ay lumaki pa. At kapag pinutol daw po ang
mga ito ay kailangang palitan ng bago. Para may puno pa rin
tayo maaasahan.”
“Ganun ba anak? Pasensyan ka na. Sige maghanap pa tayo
ng iba.”

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para
sukatin ang iyong natutuhan. Basahin ang akda at pagkaraan ay
tukuyin ang mga bahagi ng kuwento. Isulat sa kahon ang mga
bahaging ito.

Pangalawang Buhay ni Juanito


ni G.C. Alburo

Nagkaroon si Juanito ng tuyong ubo at sipon na sobrang


sakit sa ulo ang dulot. Hirap na hirap siya sa paghinga.
Pagkaraan ay matinding lagnat naman ang kaniyang naranasan.
Sa edad na sampu ay hirap na hirap siya sa kaniyang
nararamdaman.
“Inay, itay, tulungan po ninyo ako,” nahihirapang wika ni
Juanito.
“Hingi tayo ng tulong sa baranggay, kailangan natin ng
sasakyan na magdadala kay Juanito sa ospital,” natatarantang
wika ng ina ni Juanito.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Ilang saglit lang at dumating ang ambulansya sa bahay
nina Juanito. Dinala siya sa pinakamalapit na ospital sa
kanilang lungsod.
Iba’t ibang laboratory test ang isinagawa kay Juanito. Hindi
kayang ipaliwanag ng mga doktor ang resulta ng laboratory tests.
Kailangan pa nilang humingi ng opinyon sa ibang mga eksperto.
“Misis, hindi maipaliwanag ang sakit ng iyong anak.
Kailangan natin ang opinyon ng mga eksperto. Baka abutin pa
ng isang linggo bago natin malaman ang totoong sakit ni
Juanito,” paliwanag ng doktor.
“Dok, gawin po ninyo ang lahat parang awa na po ninyo,”
pakiusap ng ina n Juanito.
“Sa ngayon misis ay tanging dasal ang pinakamabisa nating
asahan para sa inyong anak.”
Iniwan ng doktor ang mag-ina sa kanilang kama sa ospital.
Walang nagawa ang ina kundi ang humagulgol at magdasal sa
Panginoon. Ibinuhos niya sa dasal ang lahat ng kaniyang
nararamdaman.
Maging ang ama’t mga kapatid ni Juanito ay walang ginawa
kundi ang magdasal ng halos limang beses sa loob ng isang araw.
Hiniling nila sa Diyos na pagalingin si Juanito.
Sumailalim pa rin si Juanito sa iba’t ibang pagsusuri ng
mga doktor. Sumapit ang ikapitong araw. Halos magkandarapa
ang doktor sa paglapit sa ina ni Juanito.
“Misis! Misis! Maraming salamat sa Diyos! Ligtas na ang
anak ninyo. Tingnan ninyo ito, nawala ang lahat ng karamdaman
ng inyong anak. Dininig ng Diyos ang inyong panalangin,”
Masayang paliwanag ng doktor.
“Salamat po sa Diyos doktor! Huhuhuhu pangalawang
buhay ito ng aking anak. Salamat sa Diyos! Salamat po!”

Simula:

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Kasukdulan:

Wakas:

Karagdagang Gawain

Lalo pang linangin ang iyong kakayahan. Magkakaroon


ka ng karagdagang marka kung magagawa mo ang isa sa
sumusunod:

1. Magbasa ng isang maikling kuwento. Tukuyin sa


binasa ang mga bahagi ng kuwento (simula, kasukdulan
at wakas). Isalaysay ang mga bahaging ito sa
pamamagitan ng nakarekord sa video at ibahagi sa klase
online.

2. Makinig/manood ng isang kuwento sa Youtube.


Pagkaraan ay tukuyin ang mga bahagi ng kuwento at
isulat sa ibaba.

Simula:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Kasukdulan:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Wakas:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-


aaral. Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Evangeline Mae Monderin-Resultay (Guro, SRES)


Mga Editor: Inee A. Martinez (Guro, SRES)
Lucila M. Morete (Guro, MALES)
Wilfredo Padua (School Head)
Zenaida S. Munar (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Reynaldo C. Celestial, Jr. (Guro, FES)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
4
FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 16:
Pagbibigay ng Kahulugan sa Salita
(Kasalungat, Kasingkahulugan,
Gamit ng Pahiwatig at Diksyonaryo)

May May-akda: Mercedita A. Bernardino


Tagaguhit: Reynaldo C. Celestial Jr.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang aralin:
 Aralin 1 – Pagbibigay Kahulugan sa Salita
(Kasalungat at Kasingkahulugan)
 Aralin 2 - Pagbibigay Kahulugan sa Salita
(Pahiwatig at Diksyonaryong Kahulugan)

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo


ang sumusunod:
A. nabibigyang kahulugan ang mga salita ayon sa
kasingkahulugan at kasalungat; at
B. nabibigyang kahulugan ang mga salita ayon sa mga
pahiwatig o context clues at diksyonaryo

Subukin

Bago ka magpatuloy, subukang sagutin ang paunang


pagtataya. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga
salita. Ilagay sa talahanayan ang sagot.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


1. maliit
2. masaya
3. tamad
4. mabuti
5. katunggali

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Aralin Pagbibigay ng Kahulugan sa Salita
1 (Kasalungat at Kasingkahulugan)

Sa araling ito ay matututuhan mo kung paano ang


magbigay ng kahulugan ng salita ayon sa kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan. Malilinang ito kung matapat mong
maisasagawa ang mga gawain.

Balikan

Ngayon ay balikan mo ang natutuhan mo sa nakaraang


aralin. Bilugan sa loob ng panaklong ang tamang kahulugan ng
mga pamilyar at di-pamilyar na salita na may salungguhit na
ginamit sa pangungusap.
1. Lumisan ang ama ng tahanan upang magtrabaho sa
bayan. (nagtagal, umalis, natulog)
2. Madaling mahapo ang lola ko dahil siya ay matanda na.
(masigla, antukin, mapagod)
3. Ang mabuting katoto ay laging umuunawa.
(kaibigan, pinsan, kapatid)
4. Malaki ang salipawpaw na sinakyan namin papunta sa
Hongkong. (bapor, eroplano, bus)
5. Tinatanaw ni Rachel sa bintana ang papalapit na
sasakyan. (tinitingnan, di-pinapansin, tinatalikuran)

Tuklasin

A. Panimula
Bigyan mo ang sarili ng pagkakataon na tuklasin
naman ang pagbibigay kahulugan. Ano sa iyong palagay ang
kahulugan ng kasalungat at kasingkahulugan ng mga salita?
Gaano kahalaga ang malaman ito?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
B. Pagbabasa

Papalaot ka na sa paksang aralin. Handa ka na ba?


Upang maging handa sa pagsisimula sa ating aralin,
basahin mo ang kuwento sa susunod na pahina.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba ng kuwento.
Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot.

Bago pa dumating ang mga Español sa ating kapuluan,


sinasabing may naninirahan ng iba’t ibang lipi ng mga katutubo
rito. Ilan sa mga ito ay ang mga Ita, Negrito at ang mga Dumagat.
Kayumangging kaligatan at itim ang kanilang kulay, kulot ang
buhok, di matangos ang ilong, medyo makapal ang labi, mababa
kung ikukumpara sa karaniwang taas ng mga tao at nakadamit
nang ayon sa kanilang tribo. Karaniwan sa kanila ay sa
kagubatang malapit sa dagat at ilog naninirahan. Wala silang
palagiang tirahan. Nagpapalipat-lipat lamang sila sa paghahanap
ng pagkain. Ngayon, sila ay naninirahan sa isang pamayanan.
Nakadamit na rin sila ng karaniwang damit ng mga tao. Ang mga
babae ay nakapalda at blusa at ang mga lalaki ay mga nakasuot
ng dyaket. May naninirahan sa kanila sa Quezon, Rizal, Laguna,
Bulacan, Tarlac, Bataan at Zambales.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Sino ang mga unang tao?


2. Ano-ano ang kanilang katangian?
3. Paano naninirahan ang mga unang tao noon?
4. Ano-ano ang kaibahan ng kanilang pamumuhay noon
sa ngayon?
5. Paano ka makikitungo sa isang katutubo?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Suriin
Basahing mabuti at unawain.

Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang


salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibig
sabihin. Samantalang ang kasalungat na salita ay
naiiba o kabaligtaran ang kahulugan.
Halimbawa:
Salita Kasingkahulugan Kasalungat
mainit maalinsangan malamig
mataas matayog mababa

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kakayahan sa


pamamagitang ng pagsagot sa “Semantic Web.” Isulat ang mga
katangian ng unang tao sa loob ng bilog at ilgay sa labas ng bilog
ang kasingkahulugan at kasalungat na salita ng mga ito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Isaisip
Madaling maunawaan ang kahulugan ng isang pahayag o
kuwento kung alam mo ang kahulugan ng mga salita,
kasingkahulugan man ito o kasalungat. Isa rin itong paraan ng
pagpapaunlad ng talasalitaan at ng ating isipan.

Isagawa
Isipin mong mabuti ang kasingkahulugan ng salita na nasa
loob ng kahon. Isulat ito sa patlang. Pagtapat-tapatin naman
ang mga salitang magkasalungat ang kahulugan. Maaaring
magpatulong sa kasama sa bahay.

nagwagi
___________ 1. a. tahimik
marumi
___________ 2. b. mabagal
sumulpot
___________ 3. c. natalo

____________4. mabilis d. malinis


matabil
___________ 5. e. lumubog

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, panahon na para
sukatin ang iyong natutuhan. Isagawa ang sumusunod na
gawain.
A. Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
1. _______ Ano ang nais mong ulam sa hapunan?
2. _______ Si Elsa ay isang dalagang kaakit-akit?
3. _______ Ang unang grupo ang mahusay umawit.
4. _______ Masigla ang pagtanggap niya sa panauhin.
5. _______ Ang pagkakamali ay maaaring iwasto.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
B. Isulat sa patlang ang kasalungat ng salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap.

1. Si Jenny ay mataba ngunit si Ana ay ___________.


2. Marami ang baon kong tinapay. ______ naman ang
kanya.
3. Masarap magbakasyon sa probinsiya tuwing tag-araw.
Ngunit kapag _________ ay hindi.
4. Kapag sumigaw ako nang malakas, sasagot naman
ang kalaro ko nang ______.
5. Maluwag ang pantalon kong suot. ________ naman ang
aking blusa.

Karagdagang Gawain

Lalong palawakin ang iyong kakayahan. Magsagawa ng


isang panayam tungkol sa kahit anong paksa sa iyong mga
kasama sa bahay, kaibigan sa social media o mga kakilala na
maaaring makausap sa telepono o cellphone. Magtala ka ng 10
salitang sasabihin nila at bigyan mo ito ng kasingkahulugan at
kasalungat. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-


aaral. Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
7
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
SUBUKIN
salita kasingkahulugan kasalungat
1. maliit munti malaki
2. masaya maligaya malungkot
3. tamad batugan masipag
4. mabuti mabait masama
5. katunggali kalaban kakampi
BALIKAN ISAGAWA
1. umalis nanalo 1. c
2. mapagod madungis 2. d
3. kaibigan lumitaw 3. e
4. eroplano matulin 4. b
5. tinitingnan madaldal 5. a
TAYAHIN A TAYAHIN B
1. gusto 1. payat
2. maganda 2. kaunti
3. magaling 3. tag-ulan
4. masaya 4. mahina
5. itama 5. masikip
Susi ng Pagwawasto
Aralin Pagbibigay ng Kahulugan sa Salita
2 (Pahiwatig at Diksyonaryong Kahulugan)

Sa araling ito ay matututuhan mo kung paano maibibigay


ang kahulugan ng salita gamit ng pahiwatig (context clues) at
diksyonaryong kahulugan. Upang ito ay matupad, kailangan
mong maisagawa nang matapat ang mga gawain.

Subukin
Bago ka magpatuloy, subukang sagutin ang paunang
pagtataya. Hanapin sa loob ng puzzle ang kahulugan ng salitang
initiman sa pangungusap at isulat sa patlang ang sagot.
I A J M I S P Y S W

H B N T A L I T G A

I K R C P E N K Y X

P F W Z H U I L T I

O L N A P A G O D L

S U P O R T A Q J N

1. Maluwag ang bigkis ng sanggol.


2. Kinatas ni Romel ang gata ng niyog.
3. Nahapo ang katawan ni tatay sa paggawa.
4. Malamig ang simoy ng hangin.
5. Matibay ang suhay ng bahay nina Rowena.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Balikan

Magbalik-aral ka tungkol sa pagbibigay kahulugan sa mga


salita ayon sa kasingkahulugan at kasalungat. Kulayan mo ng
dilaw ang dalawang magkasing-kahulugan na salita at berde ang
kasalungat nito.
1. tamad masipag batugan
2. mabagal makupad mabilis
3. matalas mapurol matalim
4. mahirap maralita mayaman
5. labis kulang sobra

Tuklasin

A. Panimula
Ngayon naman ay bibigyang kahulugan mo ang mga salita
gamit ang mga pahiwatig o context clues at diksyonaryo.
Naranasan mo na bang gamitin ang context clue sa pagbibigay-
kahulugan ng salita? Ginagamit mo ba ang diksyonaryo sa
pagbibigay ng kahulugan sa salita?

B. Pagbasa

Papalaot ka na sa paksang aralin. Handa ka na ba? Upang


maging handa sa pagsisimula sa ating aralin, basahin mo ang
diyalogo sa ibaba upang masagot ang mga tanong pagkatapos.
Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot.
Precy: Kharmi, napansin mo ba ang kalungkutan ni Teresa dahil
sa pagpanaw ng kanyang ama?
Kharmi: Oo Precy! Sabi nga niya butas ang bulsa ng pamilya nila
sa laki ng ginastos mula sa ospital hanggang sa mailibing ang
tatay niya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Precy: Halika, lapitan natin si Teresa baka mabawasan ang
nararamdaman niya kung may kakausap sa kanya.
Kharmi: Teresa, huwag ka nang malungkot. Isipin mo na lang na
nakapagpahinga na ang tatay mo sa hirap na
naranasan niya sa sakit niya.
Precy: Hayaan mo Teresa, marami tayong mga kaibigan at mga
kakilala na bukas ang palad at handang tumulong sa mga
nangangailangan na tulad mo.
Teresa: Maraming salamat sa inyong dalawa Precy at Kharmi.
Gumaan ang pakiramdam ko.Tunay kayong mga
kaibigan!

C. Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang napansin ng magkaibigan kay Teresa?
2. Bakit malungkot si Teresa?
3. Bilang mabuting mga kaibigan, paano nina Precy at
Kharmi nabawasan ang kalumbayan ni Teresa?
4. Kung ikaw ang kaibigan ni Teresa, ano ang
mararamdaman mo at paano mo siya matutulungan?
5. Kung ikaw naman ang nasa kalagayan ni Teresa, paano
mo haharapin ang iyong kalungkutan?

D. Paglinang ng Talasalitaan

Suriin mo ngayon ang mga salitang ginamit sa usapan at


ang kahulugan nito batay sa context clue at diksyunaryo.

Salitang Kahulugan
bibigyang Context Clue sa
kahulugan Diksyunaryo

1. pagpanaw namahinga na namatay

2. butas ang malaki ang may puwang


bulsa ginastos

3. bukas ang handang nakalatag


palad tumulong

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Suriin

Ang paggamit ng pahiwatig o context clue sa


pagbibigay kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon
sa pagkakagamit sa pangungusap.
Halimbawa:
Mababait ang mga anak na galing sa mabuting puno.
(tatay o ama ng pamilya)

Ang paggamit naman ng diksyonaryo ay


nagpapaunlad ng bokabularyo o gabay sa pagkuha ng
kahulugan na mga salita. Ito ang nagsisilbing gabay sa
paggamit ng salita. Makikita mo ang kahulugang ito sa
pamamagitan ng pagkonsulta o pagtingin sa
diksyonaryo. Halimbawa:
Ang basket ay puno ng gulay at prutas. (maraming
laman)

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kakakayahan


sa pagsagot sa gawain sa ibaba.

A. Gamit ang diksyonaryo, ibigay ang kasingkahulugan at


kasalungat na kahulugan ng sumusunod na mga salita:

Salita Kahulugan Kasalungat

kayamanan

kasukdulan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
maharlika

masigasig

pananaw

B. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa


pakahulugan nito gamit ang mga pahiwatig o context clues
sa pangungusap.
1. Klaro ang sinabi ng guro kaya naintindihan
namin.
2. Ang aming pamilya ay bukas sa bawat isa dahil
sinasabi namin sa kanila ang lahat ng aming
nararamdaman.
3. Bukas na ang aming pagsusulit kaya dapat
maghanda na tayo.
4. Ang asukal ay nagmumula o galing sa tubo.
5. Malaki ang tubo ng aming tindahan kaya
maraming pera na pumasok sa aming ipon.

Isaisip
Mahalaga ang paggamit ng mga pahiwatig o context clues at
diksyonaryo sa pagkuha ng kahulugan ng mga salita na
maaaring magamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay at
sa pag-aaral. Malaki ang maitutulong nito sa iyo upang mas
madali mong maunawaan ang pahayag, kuwentong binabasa o
naririnig.

Isagawa

Humingi sa mga kasama sa bahay ng sampung mahihirap


na salita at itala ito sa kuwaderno. Hanapin sa diksyonaro ang
kahulugan nito at gamitin sa pangungusap.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12
Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, panahon na para
sukatin ang iyong natutuhan. Ibigay ang mga context clue na
ginamit sa pangungusap at isulat ang mga ito sa patlang.
Hanapin sa diksyonaryo ang kahulugan ng mga may salungguhit.
(10 puntos). Isulat sa hiwalay na papel ang mga kahulugan.

___________ 1. Pakitang-tao ang lahat ng ipinangako ng politiko.


___________ 2. Ang matanda ay sumapit na sa dapit-hapon ng
kaniyang buhay.
___________ 3. Si Bela ang nag-iisang bulaklak ng kanilang
pamilya.
___________ 4. Nagsunog ng kilay si Juan kaya siya ay nakatapos
ng pag-aaral.
___________ 5. Bukas ng umaga ay makikita mo uli ang bukang-
liwayway.

Karagdagang Gawain

Lalong palawakin ang iyong kakayahan. Magbasa ng iba


pang kuwento upang palawakin ang iyong kakayahan sa
paggamit ng context clues at diksyonaro upang mapalawak ang
iyong talasalitaan. Isulat sa kuwaderno ang 5 pangungusap na
ginamitan ng context clues at bigyan ito ng kahulugan gamit ang
diksyonaryo.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-


aaral. Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi ng Pagwawasto
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13
14
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
Sanggunian
SUBUKIN BALIKAN
1. TALI 1. tamad masipag batugan
2. PINIGA 2. mabagal makupad mabilis
3. NAPAGOD 3. matalas mapurol matalim
4. IHIP 4. mahirap maralita mayaman
5. SUPORTA 5. labis kulang sobra
TAYAHIN
1. Pakitang- tao – politiko = hindi totoo
2. Dapit hapon – matanda = palubog na ang araw
3. Bulaklak – pamilya = halaman na makulay
4. Nagsunog ng kilay – pag-aaral = nag-aral mabuti
5. Bukang-liwayway-umaga = unang pagpapakita ng
liwanag bago sumikat ang araw
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mercedita A. Barnardino (Guro, SRES)


Mga Editor: Joseph M. Reyes (Guro, SMES)
Wilfredo A. Santos Jr. (Guro, FES)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagsuri Panlabas:
Tagaguhit: Reynaldo C. Celestial Jr. (Guro, FES)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like