You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY

Filipino 6
“Pagsunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento sa tulong ng nakalarawang
balangkas ”
Kwarter 1, Linggo 4, Araw 3
NUMERO MO ‘YAN!!
Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa
maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.

_____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago.


_____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang
nagbubuga ng mga usok, unti-unting namayat ang mga
halaman.
______Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.
_____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.
_____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.
NUMERO MO ‘YAN!!
Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa
maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.

_____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye.


_____ Dati-rati’y maruming-marumi ang aming barangay.
_____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na
barangay sa aming bayan.
_____ Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan.
_____ Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling
sumigla ang mga tao.
AGHAMTASTIK!
Sundin ang mga sumusunod na panuto.
Alin kaya ang mauunang mahulog ang bato o ang bulak?
1. Ihanda ang sumusunod na bagay:
a. Bulak c. Chalk
b. Bato na kasinliit ng bulak d. Ruler o meter stick
2. Magsukat ng isang metro mula sa sahig pataas sa mula
dingding.
3. Kunin ang kapirasong bulak at bato.
4. Sabay na bitawan ang bulak at bato sa taas na isang
metro mula sa sahig.
LAYUNIN

Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng


mga pangyayari bago, habang at matapos ang
pagbasa.
F6PN-Id-e-12, F6PB- IIIf-24
BASAHIN MO NA!
Basahin at unawain ang teksto. Ihanda ang
inyong mga hinuha sa maaring mangyari at
kinalalabasan ng kuwento.

Iligtas ang Mundo


Sinipi mula Filipino MISOSA,
PAGBIBIGAY NG HINUHA
ANONG NASA ISIP MO?
1. Ano ang iyong napapansin sa lagay ng panahon?
Kanino kaya dapat isisi ang pagbabago nito?
2. Bakit nagkakaroon ng red tide?
3. Ano-ano ang nagiging bunga ng polusyon sa
hangin?
4. Ano ang dahilan at unti-unting nakakalbo ang
mga gubat?
5. Papaano napipigil ng mga tanim at punung-kahoy
ang pagguho ng mga lupa?
1.Pagdaan ng kotse sa ilalim ng punong
niyog nalaglag ang mga bungang magugulang
na.
Ano ngayon ang magiging sariling palagay o
kuru-kuro mo?
• Nabagsakan ng bunga ng niyog ang bubong
ng kotse. May bahagi ng bubong na nayupi.
• Hindi man lang nayupi ang anumang bahagi
ng kotse nang mabagsakan. Matigas at
matibay ang pagkakayari ng kotse.
2.Hindi tumitingin sa tawiran si Pedro.
May dala siyang tungkod.

Ano ang magiging sariling palagay o kuru-kuro


mo?
• Si Pedro ay nabangga ng ibang tumatawid o
kaya ay nadapa.
• Si Pedro ay bulag at ang tungkod niya ang
nangangapa ng dadaanan niya. Nakatawid
siya nang maayos.
Paghihinuha o inferring ay isang prediksyon o
hula sa maaaring mangyari batay sa mga
naunang impormasyon o pangyayari.
Nagtataglay ng mga pahiwatig o clues, tanda o
bakas. Narito ang ilang halimbawa ng mga
salitang ginagamit sa paghihinuha: baka, tila,
wari, marahil, siguro.
Ang paghihinuha ay magagawa lamang
ng mambabasa kung tunay na naintindihan
ang nabasang kuwento.
PAINT ME A PICTURE!
Pangkatang Gawain

Ibigay ang hinuha sa kalalabasan ng mga


pangyayaring babangitin ng guro sa
pamamagitan ng pagpapakita ng larawan nito
gamit ang inyong mga katawan. Ang pangkat
na makapagpapakita ng mas angkop na
hinuha ang makakakuha ng puntos.
Think- Pair- Share
Panuto: Ibigay ang hinuha sa kalalabasan ng mga
pangyayari bago, habang at matapos ang pagbasa.
1. Magdadalawang linggo na ang tatay mo sa
ospital. Malubha ang karamdaman.Ilang araw na
ring hindi umuuwi ang nanay na nagbabantay sa
kanya.
Isang hapong umuwi ka, nag-iiyakan ang iyong
mga kapatid.Tinatanong mo kung bakit hindi sila
sumasagot. Dumating ang nanay mo at
namumula ang mga mata.
Think- Pair- Share
Panuto: Ibigay ang hinuha sa kalalabasan ng mga
pangyayari bago, habang at matapos ang pagbasa.

2. Lunes, hindi ka pumasok sa eskwela dahil


masama ang iyong pakiramdam. Kinabukasan,
pumasok ka. Halos malapit na ang parangal sa
watawat nang ikaw ay dumating. Pagpasok mo sa
tarangkahan ng paaaralan, napansin mong
walang tao maliban sa gwardiya.
1.Ano ang isa sa mga paraan na isinasagawa
upang mapa-unlad ang pag-unawa sa ating
binabasa bago, habang at matapos ang
pagbabasa?
Ibigay ang hinuha ninyo sa mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng wastong
sagot.

_____1. Gabi na ng natulog si Kryvenn dahil sa


kalalaro ng Mobile legends gamit ang kanyang
selpon. Ano kaya ang magiging hinuha mo sa
kanyang ginawa?
a. Maaga siyang nakagising kinaumagahan
b. Nahuli siya sa pagpasok sa paaralan
c. Lumaki ang kanyang mata sa katutulog
d. Hindi na siya nakatulog buong gabi
Ibigay ang hinuha ninyo sa mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng wastong sagot.

_____2. Hindi gumawa ng proyekto si Anna para


sa kanyang asignaturang Filipino. Ano kaya ang
kahihinatnan ng kanyang asal?
a. Papasa siya sa kanyang asignatura.
b. Sasaya ang kanyang mga magulang.
c. Hindi siya papasa sa kanyang asignatura.
d. Hahangaan siya ng kanyang mga kaklase.
Ibigay ang hinuha ninyo sa mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng wastong sagot.

_____3. Ilegal na pinutol ang mga punongkahoy sa


bukid. Dumaan ang ilang araw, isang malakas na
bagyo ang dumaan sa lungsod. Ano ang magiging
hinuha mo?
a. Sasaya ang mga tao sa mainit na panahon.
b. Maaliwalas ang panahon at masaya ang mga tao.
c. Tutubo ang mga dahoon ng mga naputol na
puno.
d. Babaha at magdudulot ng malaking pinsala sa
kabahayan.
Ibigay ang hinuha ninyo sa mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng wastong sagot.

_____4. Patuloy ang pagtapon ng basura sa dagat ng mga tao. Ano


ang iyong hinuha?
a. Sasaya ang mga tao sa basurang natatanaw.
b. Lilinis ang mga tabi ng dagat at dadami ang isda nito.
c. Dudumi ang dagat at magdudulot sa pagkakasakit ng mga tao.
d. Liligaya ang mga tao dahil mayroon na silang tatapunan ng
basura.
_____5. Pagdumi ng tubig na iniinom. Ano ang iyong hinuha dito?
a. Lulusog ang taong makakainom nito.
b. Lalakas ang taong makakainom nito
c. Tataba ang taong makakainom nito.
d. Magkakasakit ang taong makakainom nito.
KARAGDAGANG GAWAIN
Magbigay ng mga hinuha sa mga sumusunod na pangyayari:
1. Hindi kumakain ng almusal si Symon bago pumasok sa
paaralan.
_________________________________________________________
2. Madalas na pagliban ni Rockie sa pagpasok sa
paaralan
_________________________________________________________
3. Patuloy na pagtatapon ng basura kahit saan sa loob ng
paaralan
_________________________________________________________
Development Team

Writer/s: Cherry Jane M. Geronimo


Content Editor: Sheila Joy P. Alcalen
LR Evaluator: Mylene S. Arzadon
Virgilina L. Cabaylo
LR Illustrator:

Executive Management

NORMA E. PASCUA AILEEN A. JAMERO JULIET F. LASTIMOSA


EPS-FILIPINO EPS-LRMS CID-CHIEF

CARLOS G. SUSARNO, PhD., CESE ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V


ASDS SDS

You might also like