You are on page 1of 14

1. Assalamualaikum! Pagbati ng kapayapaan sa lahat.

Bagong

linggo, bagong kaalaman na naman ang aking ibabahagi sa

inyo mga mag-aaral sa ikapitong antas. Ako si Bb. Jedel B.

Gonzaga, ang inyong guro sa Filipino na makakasama nyo sa

pagtuklas ng kwentong bumabalot sa pulo ng Mindanao.

(Pagsasa-ayos ng silid-aralan)

2. Bago umupo ay siguraduhin na kayo ay nasa komportableng

upuan at kung mayroon kayong makitang kalat sa tapat ay

pakipulot ang mga ito.

(Pagtsetsek ng liban at hindi liban)

3. Ngayon, nais kong malaman kung sinu-sino ang mga lumiban

sa araw na ito. Tinatawagan ko ng pansin ang sekretarya at

iulat kung sinu-sino ang mga lumiban.

4. Magaling! Nakagagalak naman at walang lumiban sa araw na

ito.

5. At para sa ating mga layunin para sa araw na ito

1. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa alamat

2. Nailalahad ang mga elemento ng alamat


3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katutubong panitikan

tulad ng alamat.

Nasasabik ka na bang malaman ang alamat tungkol sa

Mindanao? Kung gayon, simulan na natin ang paglalakbay.

(Magpapakita ang guro ng mga larawan at sasagutin ng

mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan.)

Matanong ko lang, naranasan nyo na bang magkaroon ng

isang relasyon?

Alam kong ang sagot ng karamihan sa inyo ay hmm…

“Bata pa po ako ma’am at hindi ko pa naiiisip ang mga bagay

na iyan.”

Tama! Nawa’y wag nyo munang atupagin ang mga bagay na

iyan sapagkat may tamang oras para sa mga bagay tulad ng

pakikipagrelasyon.

Nakita niyo ba ang mga larawan?

Ano ang ipinapakita nito?

Tama! Ito ay nagpapakita ng pagmamahal. Marahil,

nakaranas ka na rin ng ganito, (may ipapakitang larawan)

ngunit ang iba rin ay nakaranas na ng ganito (muli ay may

ipapakitang larawan).
Pagmamahal na nagmumula sa isang pamilya.

Tungkol sa pagmamahal ang alamat na pag-uusapan natin

ngayon.

May Inihanda akong gawain na susukat sa inyong kaalaman

hinggil sa tamang paraan ng panliligaw noon at ngayon.

Tukuyin mo kung ang larawan ay nagpapakita ng sinaunang

paraan ng panliligaw. Tsek ang iyong magiging sagot kung

“Oo” at ekis naman kung hindi.

Subukan mo ngang tukuyin ang mga sumusunod na larawan.

Unang larawan

Ikalawang larawan

Ikatlong larawan

Ika-apat na larawan

Ikalimang larawan

Mahusay! Natukoy niyo ang tamang sagot sa lahat ng mga

larawan.

Dumako naman tayo sa panlinang na gawain na

pinamagatang Game Ka Na Ba? Bibigyan ko lamang kayo ng


tatlong segundo sa bawat katanungan at piliin ang tamang

sagot.

Ano ang nasa unang larawan?

A. Prinsipe

B. Kawal

C. Prinsesa

D. Tauhan

Tama!

Ano naman ang nasa ikalawang larawan?

A. Reyna

B. Prinsipe

C. Kawal

D. Prinsesa

Magaling!

Panghuli, ano ang nasa ikatlong larawan?

A. Dula

B. Maikling kwento

C. Kwentong bayan

D. Alamat
Dumako naman tayo sa isa pang aktibidad na pinamagatang

TALASALITAAN.

Panuto: Punan ang mga nawawalang letra upang matukoy ang

kasingkahulugan ng salitang nakahilig.

1. Maraming pagsubok ang inihanda ni Sultan Kumpit sa mga

manliligaw ni Prinsesa Minda.

H_m_n

TAMA!

2. Ang magiting na Prinsipe ay nakipagsapalaran upang

mapakasalan ang magandang prinsesa.

N_p_gl_b_n

MAGALING!

3. Naipakita ni Prinsipe Lanao ang kanyang kagitingan sa mga

hamon ibinigay ni Sultan Kumpit.

_at_p_n_a

TUMPAK!
4. Nakita ni Prinsesa Minda ang kakisigan ni Prinsipe Lanao

sa unang pagkikita.

Pag_am_g_la_g

TAMA!

5. Mula sa maharlikang pamilya so Prinsesa Minda.

_a_am_n

MAHUSAY!

Sa bahaging ito ay ating matutunghayan ang isang halimbawa

ng alamat. Kung saan susubok sa inyong kaalaman sa

pagsagot sa mga katanungang …..

Malalaman natin ang mga sagot sa katanungang iyan sa

pamamagitan ng pagbabasa sa teksto o di naman kaya sa

pamamagitan ng panood ng video clip.

Ano pang hinihintay natin? Atin ng tunghayan ang kwento na

pinamagatang “Ang Alamat ng Mindanao”

Nagustuhan mo ba ang natunghayan nyong alamat? Sadyang

napakagandang basahin nito dahil ito ay nagbibigay

impormasyon hinggil sa pinagmulan ng Alamat ng Mindanao.


Pagpapalawak ng kaalaman

Ang salitang Alamat o legends sa Ingles mula sa salitang latin

na legendus, na nangangahulugang “upang mabasa”. Isang

mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat.

MGA ELEMENTO NG ALAMAT

Ito ay may pitong elemento.

1. Tauhan – Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano

ang papel na ginagampanan ng bawat isa.

2. Tagpuan – Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng

mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung

kalian ito nangyari.

3. Saglit na kasiglahan – Ito ay naglalahad ng panandaliang

pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

4. Tunggalian – Ito naman ang bahagoing nagsasaad sa

pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing

tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay

sa sarili, sa kapwa o sa kalikasan.


5. Kasukdulan – Ito ang pinakamadalinng bahagi kung saan

maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang

katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan – Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting

pagbaba ng takbo ng kwento mula sa magitin na

pangyayari sa kasukdulan.

7. Katapusan – Ito ang bahaging maglalahad ng magiging

resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot,

pagtatalo o pagkapanalo.

Paglalahat

Pagpapahalaga

Ang alamat ay nakapahalaga hindi lang dito sa Pilipinas

pati na rin sa ibang bansa dahil maraming tao ang

naniniwala na ang alamat ay ang pinagmulan ng mga

bagay-bagay.Ang alamat ay may malaking naiambag sa atin

dahil ang alamat ay tumutulong upang mas lalong

lumawak ang ating imahinasyon at lumalim ang pag-iisip

sa mga bagay-bagay. Hindi man mapatutunayan o wala


man pinagbasihan ang alamat nag bibigay pa rin ito ng aral

at leksyon sa mga mambabasa . Hindi natin maiiwasan na

maapektuhan tayo sa alamat na ating binabasa dahil

paminsan-minsan ay nakikita natin ang ating sarili sa

kwento. Ang pagbabasa ng alamat ay hindi maiaalis sa

ating kultura dahil kahit ano pang uri ng babasahin ang

mauso sa ating panahon ang alamat ay mananatiling

babasahin na nagbibigay aliw at ara sa atin.

IV. PAGTATAYA

At para naman sa ating pagtataya, tukuyin ang elemento ng

alamat na ginamit akdang pinanood.

TUKUYIN NATIN!

(Magbibigay ang guro ng isang gawain upang matukoy kung

nauunawaan ba ng mga mag-aaral ang natunghayan nilang

alamat.)

Susubukan ng mga mag-aaral na tukuyin ang elemento ng

alamat na ginamit sa akdang binasa o pinanood.


___ 1. Saan ang tagpuan ng kwento?

___ 2. Paano nagsimula ang kwento?

___ 3. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan?

___ 4. Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin ng

pangunahing tauhan?

___ 5. Ipaliwanag paano natapos ang kwento?

Ngayon na alam nyo naman na kung ano ang ALAMAT,

para sa inyong takdang aralin

Punan ng tamang bilang ang pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari sa nabasang kwento.

V. TAKDANG-ARALIN

PAGSUNOD-SUNURIN MO!

Panuto: Punan ng tamang bilang ang pagkakasunod-sunod

ng mga pangyayari sa nabasang kwento.

____ Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa

lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap.


____ Inutusan ni Prinsesa Minda ang kanyang mga

katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid.

____ Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kanyang lahi

ngunnit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin.

____ Isang matalinong Prinsipe ang nais sumubok.

____ Si Sultan Kumpit ay isa sa nagging pinuno ng isang

malaking pulo.

Binabati ko kayong lahat sapagkat napakahusay nyo.

Natapos at napagtagumpayan nyo ang aralin. Sana ay nag

iwan sa inyong isipan ang lahat ng mga pinagaralan natin

sa araw na ito. Muli, ako si Bb. Gonzaga, nagsasabing

“upang malaman ang patutunguhan mo sa hinaharap,

pahalagahan mo ang panitikan ng nakaraan”.


Inihanda ni:

Jedel B. Gonzaga

You might also like