You are on page 1of 6

PROGRAMA: KAAKBAY 2022

Bago ang programa:

Erwin: Magandang gabi po sa ating lahat. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang
ating programa. Kaya’t maging handa sa pagbubukas ng ating programang KAAKBAY 2022
na may temang "PAGLALAYAG, SIGASIG AT TATAG: Koleksyon-Serye ng Pagdalisay ng
mga Produktibong Susunod na Guro”.

Jedel: Pauna na po ang pasasalamat para sa mga dumalo sa sesyong ito. Ngunit, bago po
ang pagsisimula ng ating pormal na programa, kumusta po ang bawat isa sa atin? Ah bago po
magsimula ay nais ko munang tiyakin o kumustahin ang aking audio. Maayos po ba? Ayan,
maraming salamat sa pagtugon. Isang mapagpalang gabi po sa inyong lahat. Tunay ngang
napakaganda talaga ng talakayan kanina. Napakarami kong matutuhan. Ahh pagbati po muli
sa mahusay na talakay kay G. Christian Paul Pagal at syempre sa ating unang naging
tagapagpadaloy na si Bb. Kris Anjeline Acub at G. Lloyd Llaneta. Sa kabilang banda sa ilang
sandali na lamang po ay inaasahan ng magsimula ang Ikalawang Bahagi ng ating talakayan.
At katunayan nga, sobrang nasasabik na ako na mapakinggan ang ating tagapagsalita sa
gabing ito. Ikaw ba sir B?

Erwin: Aba! Oo naman yes na yes! Mula sa natunghayan nating Unang bahagi ng programang
ito, ay lalo rin akong nasasabik na makarinig pa ng pagtalakay na tiyak kong makatutulong sa
ating lahat ma'am G pero bago ang lahat nais ko munang ipaabot ang ating pasasalamat sa
lahat ng dumalo at patuloy na sumusubaybay sa ating programa. Hanggang sa ilang sandali
pa nito ay nakagagalak sapagkat sa pamamagitan ng pananatili nyo sa programang ito ay
talaga nga namang kitang kita na sabik na sabik na rin kayong makinig at matuto.

Jedel: Tumpak ka dyan Sir B! Sumasang-ayon po ako sayo. Ahm sa mga gantong usapin
talaga ay kinakailangan na ihanda natin ang ating tenga at lalong lalo na ang ating isipan
sapagkat siguradong sigurado ako na pagkatapos po ng gabing ito ay napakarami nating
makukuhang aral, kaalaman at syempre ang kasiyahan sapagkat tiyak kong ang talakayan ay
impormatibo at talagang bubusugin tayo sa kaalaman.
Kaya hinihikayat ko po ang lahat ng naririto sa ating platform at maging ang manonood natin
sa FB live ay sabihan nyo na rin po ang mga kakilala nyo na dumalo dahil tiyak akong
magiging makubuluhan at produktibo ang gabing ito.

Erwin: Ayan sa kabilang banda ma'am G ay halina't batiin na rin natin ang mga panauhin at
mga kasaping faculty na naririto ngayong gabi upang magpakita ng kanilang pagsuporta. Ah
bukod pa po sa mga kasaping faculty, binabati ko rin po ang lahat ng matitiyaga at kapwa PST
natin na talaga nga namang kanina pa nakatutok at sumusubaybay na hanggang ngayon ay
sabik na sabik pa rin matuto. Muli po magandang gabi at maraming salamat sa pagdalo.

Jedel: Bago po nating tuluyang pormal na simulan ang ating programa ay gusto ko lang
malaman kung talagang handa na ba ang ating masisigasig at matatag na manlalayag na
matunghayan ang ating talakayan ngayong gabing ito. Kaya naman kung nais na talagang
matuto, maaari nyo bang itipa sa comment box ang emoji na nagpapakita na talagang kayo ay
handang handa na.

* Babatiin ang mga manonood/panauhin sa loob ng zoom, lalo na ang mga propesor
na sasabihin ng monitoring team, banggitin din ang mga nanood sa fb live.

Erwin: Muli, magandang gabi po sa ating lahat higit lalo sa mga dumalo sa programang
KAAKBAY 2022!

Jedel: Gayundin, magandang gabi sa mga naggagandahan at naggagwapuhang panauhing


nagpaunlak sa atin, mga kasaping fakulti, at ang mga fresh na fresh na mga mag-aaral mula
sa iba’t ibang medyor sa kagawaran ng edukasyon.

Erwin: Ang shala naman fresh na fresh. Muli po, ilang minuto na lamang tayo ay magsisimula
na.

(Paghihintay na Matapos ang Limang Minutong Timer)

Simula ng Programa:

Erwin: Inihahandog ng Rizal Technological University

Jedel: Kolehiyo ng Edukasyon

Erwin: Kagawaran ng Filipino

Jedel: At ng mga mag-aaral mula sa Ikaapat na Taon ng kampus ng Boni.


Erwin & Jedel: Ang KAAKBAY 2022! (i-practice ang timing nito, para magkasabay kayo)

Jedel: Isang magandang gabi po sa inyong lahat at maligayang pagdating sa programang


KAAKBAY 2022!

Erwin: Pagbati sa ating lahat! Isang produktibo at makabuluhang araw na naman ang
matutunghayan natin sa gabing ito, kung kaya’t hayaan niyo muna akong batiin kayong lahat,
muli mapagpalayang araw, mga mag-aaral ng Kagawaran ng Filipino at sa mga kasaping
fakulti. Narito sa ating platform sina Prop. (mga dumalo gayundin ang mga nakikitang
pumapasok pa lamang sa zoom) ang ina at puno ng kagawaran, Prop. Aira F. Mitra, gayundin,
batiin natin ang ating mga bigating panauhin bilang tagapagsalita sa unang bahagi ng sesyon
na si G. Christian Paul Pagal at nawa’y antabayanan po natin hanggang sa matapos ang
programa dahil sa ikalawang bahagi ay mapapakinggan at matutunghayan naman po natin si G.
Rejoice Merelos.

Jedel: Hindi rin po magiging posible ang programang ito kung wala ang butihin at kagalang-
galang at napakafresh na instruktor ng kursong FS2: Field Study 2 na si Prop. Marygrace
Deleon - Pelaez. Magandang gabi po.

Erwin: Isang malaking pribilehiyo para sa amin ang maging Tagapagpadaloy ninyo ngayong
gabi. Ako po ang inyong lingkod, G. Erwin Christian Bernales, isang binatang mala-Derek
Ramsay at kasalukuyang nagsasanay na guro sa paaralan ng ______. Ako ay laging handang
humarap sa mga hamon na iniatas sa amin ng kagawaran upang kami ay maging isang
epektibong guro sa hinaharap. (dagdagan o palitan nalang kung may nais alisin sa
pagpapakilala sa sarili)

Jedel: At ako naman po si Bb. Jedel Gonzaga, na isang dilag na laging handa. Ako rin ay
kasalukuyang nagsasanay na guro sa paaralan ng Addition Hills Integrated School. Lagi kong
isinasapuso ang pagtuturo nang bukal sa loob para sa bata, para sa bayan at para sa
kagawaran. Huwag matakot tumindig para sa bayan. (dagdagan o palitan nalang kung may
nais alisin sa pagpapakilala sa sarili)

Erwin: At ngayon, hayaan po ninyong batiin namin kayo ng

Jedel: "Maligayang Pagdating sa Programang KAAKBAY 2022!”

Erwin: na may temang “PAGLALAYAG, SIGASIG AT TATAG: Koleksyon-Serye ng


Pagdalisay ng mga Produktibong Susunod na Guro”. Para naman po sa ikalawang bahagi ng
sesyon ng programa, ito po ay may temang "KALINGAP: Mga Estratehiya sa Pagtuturo sa
Paghalili sa Kahandaang Pisikal at Mental ng mga Mag-aaral sa Nalalapit na Pisikal na
Pagkaklase".

Jedel: Ngayong gabi ay matutunghayan natin ang pagbabahagi ng mga bagong ideya sa
estratehiya ng pagtuturo tungo sa tamang paggabay sa mga mag-aaral sa nalalapit sa pisikal
na pagkaklase nang may pagsasaalang-alang sa pisikal at mental na aspekto ng mga mag-
aaral na makatutulong sa mga guro sa hinaharap o Pre-Service Teachers (PST’s) ngayong
panahon ng bagong kadawyan. Kaya sa ating mga manonood at tagapakinig isang
oportunidad ang pagdalo natin ngayon sa programang ito dahil magkakaroon na naman tayo
ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa atin bilang mga bagong guro sa hinaharap.

Erwin: Tumpak ka riyan Ma’am G! Isang maganda't makabuluhang programa ito para sa ating
mga narito upang higit na mahasa ang ating kasanayan sa pagtuturo sa kasalukuyan at sa
hinaharap.

Jedel: Mismo, Sir B! Kahit ako ay hindi na rin talaga makapaghintay na marinig at
makapagbahagi ang ating bigatin at ginigiliw na tagapagsalita ngayong gabi.
Erwin: Ano pang hinihintay natin Ma’am G at mga ka-marites, huwag na tayong magpatumpik-
tumpik pa karaka-raka na! Huwag na nating patagalin pa. Para simulan ang ating programa ay
narito ang inihandang bidyo ng ating kapatid na mula sa Ikaapat na taon ng Boni Campus, G.
Justine Flores.

Pampasiglang Bilang

Jedel: Ayan, maraming salamat G. Justine Flores noh? Ah alaga nga namang
kahanga-hanga ang iyong talento at simula pa man noon hanggang ngayon ay
saksi kami sa iyong ipinapakitang kahusayan sa lahat ng bagay.

Erwin: Tunay nga namang nakaka-excite ang magiging pasabog ng ating programa sa gabing
ito. Ang programa pong ito ay bahagi ng pinal na kahingian sa kursong FS2: Field Study 2 na
pinamumunuan ni Prop. Marygrace Deleon – Pelaez.

Jedel: Mismo Sir B! Ngayon naman, halina’t tawagin na natin ang isa pa sa pinakamahusay,
masipag at cutiepie ng CED-03-701A na isang nagsasanay na guro walang iba kundi si Bb.
Daphine Sheila Tayag upang ipakilala ang tagapagsalita sa gabing ito.

Pagpapakilala sa Tagapagsalita

PANAYAM

PAG-USAPAN KUNG SINO ANG UNANG MAGBIBIGAY NG INSIGHTS O NATUTUHAN SA


TINALAKAY NG TAGAPAGSALITA

ERWIN INSIGHTS
JEDEL INSIGHTS

Jedel: Maraming salamat po G. Rejoice Merelos. Hindi ba't tunay na napakamakabuluhan ng


ginawang pagbabahagi ng ating napakagiliw na tagapagsalita, Sir B?

Erwin: Siyang tunay, Ma’am G! Hinding- hindi natin maikakailala kung bakit naging kabahagi
natin ngayong gabi si G. Merelos sa sesyong ito. Mapapasabi ka nalang talaga na wow na
wow!!

Jedel: Tama ka riyan Sir B! Lagi't lagi talagang nagpapamalas ng galing ang ating mga
nakukuhang tagapagsalita sa mga ganitong klase ng panayam o webinar hindi nila tayo
binibigo at sinisikap talaga na makapupulot tayo ng panibagong kaalam na magagamit natin
sa ating propesyon o kahit saan pa man. Kaya pagbati po!

Erwin: Ngayon naman ay bukas na ang ating platform para sa mga katanungan at
pagbabahagi ng inyong mga napulot na kaalaman sa gabing ito. Ano-ano nga ba ang inyong
mga mahahalagang kaalaman o kaisipang inyong natutuhan mula sa mga ibinahagi ng ating
tagapagsalita? Malaya kayong mag-raise hand/magkomento. Kaya ngayon po ay maaari ng
magkomento sa ating chatbox o maging dyan sa comment section sa ating FB Live.

*PORUM *

Jedel at Monitoring Team: Magbabasa ng mga tanong at komento sa chatbox.

Erwin: Magpapasalamat sa isinagot ng tagapagsalita at magbibigay ng


kaunting insights.
Jedel: Ayan, maraming salamat sa ating mga manonood sa pagiging bukas sa pagbabahagi
sa ating platform higit lalo sa ating butihin at ginigiliw na tagapagsalita na si G. Merelos. Muli,
bigyan po natin ng umuulan na puso at naglalakasang birtwal na palakpak ang ating chatbox
sa loob ng zoom at sa comment section naman sa ating FB live.

Erwin: Kaya naman, upang kilalanin ang pagpapaunlak at pagbibigay ng malaking ambag sa
ating programa, akin pong tinatawagan ang masipag at mahusay na propesora ng kursong
Field Study 2 na si Prop. Marygrace Deleon – Pelaez upang igawad ang sertipiko.

Paggawad ng Sertipiko

Jedel: Maraming salamat po, Prop. Marygrace Deleon – Pelaez at sa lahat ng mga
manonood na patuloy pa ring nanonood at nakaantabay sa ating programa. Malinaw na
parating hangarin ng ating Kagawarang makapagprodyus ng mga produkto at awtput sa klase
na makatutulong sa patuloy pang pagpapaunlad at pagpapanday o paghahanda sa kakayahan
ng mga mag-aaral ng kagawaran at disiplina ng Filipino, at ito ang hindi mapuputol na
akademikong tradisyon at panata nating mga nagmemedyor sa Filipino. At upang bahaginan
tayo ng kaniyang mensahe, tinatawagan po namin ang isa sa mahuhusay na instruktor at ang
puno ng kagawaran. Bigyan po natin ng umaatikabong birtwal na palakpakan, Prop. Aira F.
Mitra!

Pampinid na Pananalita

Erwin: Maraming salamat po, Prop. Aira F. Mitra sa isang espesyal, at makabuluhang
mensahe na inyong ibinahagi. At syempre maraming salamat din po sa lahat ng dumalo sa
ikalawang bahagi ng ating programa. Bago po sana tayo magpaalam kay G. Rejoice Merelos
ay inaanyayahan po ang lahat na magkaroon muna tayo ng photo opp, kaya naman maaari po
ba tayong magbukas ng ating mga kamera nang makita naman natin ang naggagandahan,
naggagwapuhan at fresh na fresh na ating mga tagapanood na kasama natin ngayon.

* PHOTO OPP *

Jedel: Muli po, nagpapasalamat kami sa inyong pakikibahagi sa ating programa at mula po sa
aming kagawaran buong puso din po kaming nagpapasalamat sa ating naging tagapagsalita
G. Rejoice Merelos sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon na makapanayam kayo sa
gabing ito. At dito na nga po nagtatapos ang ikatlong sesyon ng KAAKBAY 2022 na may
temang “PAGLALAYAG, SIGASIG AT TATAG: Koleksyon-Serye ng Pagdalisay ng mga
Produktibong Susunod na Guro”. Kami pong muli ang inyong mga fresh na tagapagdaloy mula
sa Ikaapat na taon, Jedel Gonzaga.

Erwin: At Erwin Christian Bernales. Hanggang sa muli pa nating pagkikita sa mga susunod
pang sesyon.

Erwin at Jedel: Maraming salamat po sa lahat ng dumalo. PAALAM!

You might also like