You are on page 1of 6

Bb. Mary Anne L. Baricaua at G.

Roy Jaudalso
MGA TAGAPAGDALOY

ISKRIP PARA SA PAMPINID NA PALATUNTUNAN NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA


2019-2020

Bb. MARY ANNE: Ayon kay G. Virgilio Almario, Ama ng Komisyon sa wikang Filipino
ang bawat wika ay may sariling buhay, at nakapaloob sa buhay nito ang tradisyon ng
maraming henerasyon ng mga Pilipino.

G. ROY: Tama Binibini, ika pa niya kung hindi natin ito aalagaan, manganganib ito; at
kung pababayaan, maaari pang maglaho nang tuluyan. Kapag naglalaho ang isang wika,
tila may isang tahanan o kamalig ng ating alaala at tradisyon ang mawawala at di
mababawi kailanman.

Bb. MARY ANNE: Sa araw ring ito, hindi lamang pagmamahal ng wika ang ating
ipinagdiriwang kundi maging sa pagmamahal ng ating kasaysayan. Kaakibat ng
pagdiriwang na ito ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng ating bansa. Ika nga “walang
saysay kung walang kasaysayan.”

G. ROY: Kaya ngayong umaga ating muling saksikan ang isang palatuntunan ng ating
paaralan bilang pag-alala ng ating Wikang Filipino at ng ating Kasaysayan na may
temang:

Bb. MARY ANNE AT G. ROY WIKANG KATUTUBO: Tungo sa Isang Bansang


Filipino

KASAYSAYAN: Bahagi Ng Ating Nakaraan,


Gabay Sa Kinabukasan.

Bb. MARY ANNE AT G. ROY: Ako si Ginoong Roy Jaudalso at ako naman si Bb. Mary
Anne L. Baricaua at kami ang inyong mga tagapagdaloy ng palatuntunan.

A. PARA SA BAYAN
B. PARA SA DIYOS

Bb. MARY ANNE: Sa pagsisimula ng ating programa, mangyaring magsitayo ang lahat
para sa pambungad na awiting para sa bayan na pangungunahan ng mag-aaral sa baitang
siyam seksyon Einstein na si Jesine Kadisha Montes na susundan din ng awiting para sa
Diyos.

(MAGSIUPO NA ANG LAHAT)


C. PAMBUNGAD NA PANANALITA

Bb. MARY ANNE: Sa ating minamahal na punong-guro G. Gigi G. Bullanday, sa ating


mga tagapangasiwa, sa kapwa naming mga guro, mga panauhin, mga nagsasanay na guro
at sa mga butihing mag-aaral, Naimbag-a bigat, Marahay na aga!, Maayong Buntag!,
Nakasta nga Mataruk, at Maganda, Maganda, Magandang umaga sa ating lahat.

G. ROY: Upang bigyan tayo ng isang pambungad na pananalita, malugod ko pong


tinatawagan sa entablado ang pinagpala ng salitang may “MA”. MA-talino, MA-sayahin,
at MA-ganda nating Punong guro, walang iba kundi si Ginang Gigi. G. Bulanday.

Bb. MARY ANNE: Maraming salamat Ginang Gigi. G. Bullanday sa iyong MA-giliw at
MA-husay na pananalita.

D. PAMPASIGLANG BILANG

Bb. MARY ANNE: Ngayon, upang bigyan tayo ng isang pampasiglang bilang, narito ang
mga mag-aaral sa baitang pito na sina Ralph Trillana at Cindy Maqui-ona Division Finalist
sa Timpalak na Dalawahang awit. (PALAKPAKAN)

E. PAGPAPAKILALA NG MGA HURADO

G.ROY: Sa pag-uumpisa ng ating mga patimpalak, nais ko munang ipakilala sa inyo ang
ating mga kapita-pitagan, at naggagandahan at naggagwapuhang mga hurado na sina:
Pagpapakilala ng Unang hurado:

Pagpapakilala ng Ikalawang Hurado:

Pagpapakilala ng Ikatlong Hurado:

F. PAGPAPAKILALA SA MGA KALAHOK


(natatanging kasuotan mula sa baitang 1-3)

Bb. MARY ANNE: Upang kilalanin ang mga kalahok sa natatanging kasuotan,
ipinakikilala sa entablado ang mga mag-aaral mula sa unang baitang na si
_______________________________, baitang ikalawa na si ___________________________
at huli ay mula sa ikatlong baitang na si ______________________________.
G.ROY: Maraming salamat mga magigiliw naming mga mag-aaral sa pagpapakita ng
inyong mga kakaibang kasuotan na talaga namang nakakapukaw pansin dahil sa katangi-
tangi nitong mga kulay.
Bb. MARY ANNE: Tama ka Ginoo, nawa’y manatali hanggang sa mga susunod na
henerasyon ang mga ganitong natatanging kasuotan na mayroon ang ating bansa ng sa
ganoon ay hindi ito matulad sa isang bula na naglalaho na lamang bigla.

G.ESPESYAL NA BILANG NG MGA PILING GURO AT


PANAUHIN(KOREAN TEACHER)

G.ROY: Ngayon naman, tunghayan natin ang isang espesyal na bilang ng mga guro sa
MAPEH at gurong panauhing mula sa Korea na sina Bb. Ma Yumi at Gng. Kim Jun young
sa pagpapakita ng kanilang natatanging talento pagdating sa___________________.
(PALAKPAKAN)

Bb. MARY ANNE: Maraming salamat mga guro, hindi namin makakaila na may mga
pinagmanahan talaga ang ating mga mag-aaral mula sa presentasyong inyong ipinakita.
Pinatunayan ninyo lamang na hindi lang tayo magaling sa pagtuturo, kundi magaling din
pagdating sa talento!

H. PAGGAWAD NG PARANGAL SA MGA NAGWAGI MULA SA


KAGAWARAN NG ARALING PANLIPUNAN ELEMENTARYA AT
SEKONDARYA (G. DALIT AT GNG. VEBAS)

G.ROY: Sa puntong ito, tinatawagan sa entablado ang tagapag-ugnay sa Araling


Panlipunan sa Sekondarya na si Ginoong Abraham O. Dalit, at ang tagapag-ugnay sa
Araling Panlipunan sa Elementarya na si Gng. Anthonett G. Vebas upang igawad ang mga
parangal sa mga nagwagi mula sa Kagawaran ng Araling Panlipunan Elementarya at
Sekondarya. (PALAKPAKAN)

Bb. MARY ANNE: Isang malugod na pagbati sa mga nagsipagwagi sa mga patimpalak
na ito. Manatili nawang inspirasyon ito sa inyo upang mas lalo pang pagbutihin at
ipagmalaki ang ating kasaysayan.

G. PATIMPALAK SA SABAYANG PAGBIGKAS MULA SA MGA MAG-AARAL


SA SENIOR HIGH SCHOOL

G.ROY: Kung kanina’y ipinakita ng mga mag-aaral sa elementarya ang kanilang mga
natatanging kasuotan na talagang nagpakita ng kagiliwan sa ating mukha, sa oras na ito,
atin namang tunghayan ang isang patimpalak sa sabayang pagbigkas mula sa mga mag-
aaral sa Senior High School. (PALAKPAKAN)
Bb. MARY ANNE: Upang ilahad ang pamantayan at mekaniks sa pag-uumpisa ng
paligsahan, marapat lamang na basahin ko ito sa inyong harapan.

(PAGBABASA NG PAMANTAYAN AT MEKANIKS NG SABAYANG


PAGBIGKAS)

G.ROY: Maraming salamat mga mag-aaral sa Senior High School sa matagumpay na


pagtanggap ng hamong ito na nagbigay ng buhay at aliw sa mga manonood.

H. ESPESYAL NA BILANG ( BAITANG ANIM)

Bb. MARY ANNE: Ngayon, upang hindi mapawi ang mga ngiti at galak sa ating mga
mukha, tinatawan sa entablado ang mag-aaral mula sa baitang anim sa si
____________________ upang bigyan tayo ng isang espesyal na bilang. (PALAKPAKAN)

G.ROY: Muli, maraming salamat ______________________________.

I. PAGPAPAKILALA NG MGA KALAHOK SA NATATANGING KASUOTAN


(GURO EDISYON)

G.ROY: Ito ang pinakahihintay ng lahat!!! Sapagkat sa puntong ito, ipinakikilala namin sa
inyo ang ating mga kalahok. Hindi ito mga mag-aaral, kundi ang mga kapwa naming mga
maginoo’t mga dalagang Pilipinang mga guro sa kanilang mga natatanging kasuotan.
(PALAKPAKAN)

-PAGPAPAKILALA NG MGA KALAHOK NA SINA:

1.
2.
3.
4.
5.
6
7.
8.
9.
10.

Bb. MARY ANNE: Grabe, nakabibighani talaga ang ganda ng ating mga dalagang
Pilipinang mga guro at talaga namang makikita rin sa ating mga ginoo ang kanilang
maskulado at mapitagan nilang itsura!
J. ESPESYAL NA BILANG MULA SA MGA NAGSASANAY NA GURO SA
KAGAWARAN NG FILIPINO

G.ROY: Sa pagkakataong ito, isang espesyal na bilang na naman ang ipapakita sa atin
mula sa mga nagsasanay na guro sa kagawaran ng Filipino na magpapakita ng kanilang
angking talento sa _________________________________________.

Bb. MARY ANNE: Tunay ngang hindi lamang sa apat na sulok ng silid ipinakikita ng
mga mahuhusay nating mga nagsasanay na guro ang kanilang talento, kundi maging sa
pag-indak sa harap ng entablado!

K. PAGGAWAD NG PARANGAL SA MGA NAGSIPAGWAGI SA PATIMPALAK


(KAGAWARAN NG FILIPINO)

G.ROY: Sa puntong ito, tinatawagan sa entablado ang tagapag-ugnay sa Filipino sa


Sekondarya na si Gng. Jenalyn C. De Los Santos, at ang tagapag-ugnay sa Filipino sa
Elementarya na si Gng. Gina A. Guianan upang igawad ang mga parangal sa mga
nagwagi mula sa Kagawaran ng Filipino Elementarya at Sekondarya. (PALAKPAKAN)

Bb. MARY ANNE: Muli, isang siksik, liglig at nag-uumapaw na pagbati sa mga
nagsipagwagi sa mga patimpalak! Saksi kaming mga guro sa dugo’t pawis na inyong
ibinigay para sa kagawaran at para IBIS!

G.ROY: Ngayon, ating tunghayan ang isang pambihirang presentasyon mula sa baitang
walo at baitang sampu na nagpanalo sa kanilang grupo, ang BIGSAYWIT at
Interpretatibong pagsayaw. (PALAKPAKAN)

Bb. MARY ANNE: Malugod na pagbati mga mag-aaral! Isa puso’t isip na hindi lamang
sa pamamagitan ng dahas ipinakikita ang pagmamahal sa wika’t ating kultura, kundi
maging sa pamamagitan din ng ipinakita ninyong presentasyon na sana’y maging hudyat
ng kamalayan ng bawat isa.
L. PAGPAPAKILALA SA MGA KALAHOK (MS. UNITED NATION 2019)
G.ROY: Sa pagkakataong ito, aking tinatawagan sa entablado ang mga naggagandahang
mga mag-aaral na kalahok sa darating na Ms. United Nation 2019.
(Pagpapakilala ng bawat kalahok)

Bb. MARY ANNE: Sa puntong ito’y nakikita na ang talaga ang kahandaan ng mga mag-
aaral na ito at sadyang nabiyayaan talaga ng kagandahan hindi lamang sa mukha kundi
maging lalo sa puso’t diwa. Ngayon pa lamang ay binabati na namin ang bawat isa.

Bb. MARY ANNE: Para ganap na wakasan ang programang ito, tinatawagan ang
______________________________ na si Bb. Helen N. Vibar para sa kanyang pampinid na
pananalita.

G.ROY: Ating yakapin ang wikang pambansa upang matupad ang ating hangarin na
makabuo ng isang wikang pambansa na tunay na ingklusibo. Sapagkat sa pamamagitan ng
pag-ambag ng ating mga katutubong wika ay nais din nating tiyakin na mananatili itong
masigla at ginagamit nang masigasig sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga
kababayan.
Bb. MARY ANNE: Tulad ng ginawa nating “maagang” pagsisimula ng Buwan ng Wika
at Buwan ng Kasaysayan, nawa’y mahigitan natin ang buwan ng Agosto sa pagpapamalas
ng ating pag-ibig sa sariling wika at kasaysayan. Dahil wala nang hihigit pa sa
pagkadalisay at pagkadakila sa pag-ibig sa sariling katutubong wika’t nakaraan.

Bb. MARY ANNE AT G. ROY: Muli, maligayang Buwan ng Wika at Kasaysayan sa


inyong lahat.

You might also like