You are on page 1of 4

Intro

Isang kaaya-aya at mapagpalang araw po sa inyong lahat!


Ang unang araw ng Abril ay isa sa pinakaaabangang sandali ng ating mga batang mag-aaral mula sa
ikaanim na baitang gayundin ang mga magulang na masasaksihan ang isa sa pinakamahalagang
bahagi sa kanilang buhay, ang pagmartsa ng kanilang minamahal na anak tungo sa tagumpay.
Sa araw pong ito’y ating masasaksihan ang Taunang Pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng
Dayapan, taong panuruan dalawang libo’t labingwalo-dalawang libo’t labinsiyam, na may temang
“Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba, Kalidad ng Edukasyon Para sa Lahat”.

1. Simulan po natin ang palatuntunan sa pagpasok ng mga magsisipagtapos, mga magulang, mga
guro, punongguro, mga panauhin, mga opisyal ng Sangay at Rehiyon.

Masasaksihan po natin ang pagpasok ng mga batang nagkamit ng karangalan kasama ang
kanilang mga magulang, kasunod ang mga batang magsisipagtapos sa ikaanim na baitang sa
ilalim ng pamamatnubay ng kanilang butihing gurong tagapayo na si Gng. Daria Mortel
Carurucan.

2. Pinakikiusapan po ang lahat na tumayo at magbigay pugay sa ating watawat sa pag-awit ng


Pambansang Awit ng Pilipinas na kukumpasan ni ______________________________, gurong tagapayo
ng Baitang IV.

3. - - - - - - - -
4. - - - - - - - -
5. Manatili po tayong nakatayo para sa panalangin sa pangunguna ni ______________________________,
Batang nagkamit ng karangalan, susundan po ito ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas na
gagampanan ni __________________________________, Batang nagkamit ng Karangalan, , kasunod ang
pag-awit ng CALABARZON MARCH, Himno ng Batangan, Himno ng Lemery na kukumpasan pa
rin ni ____________________________________.

(Maaari na pong maupo ang lahat.)

6. Pambungad na Pananalita
Ngayon po ay dadako tayo sa pambungad na pananalita na manggagaling kay
________________________, Batang nagkamit ng Karangalan.

(Maraming salamat sa iyong pambungad na pananalita __________________________)

7. Mensahe ng Pagtanggap
Upang maibahagi ang kaniyang kasiyahan sa araw na ito, atin pong salubungin ng masigabong
palakpakan si Gng. Shiela Dela Luna, para sa kanyang bating pagtanggap!

(Maraming salamat po sa inyong napakagandang pagbati.)


8. Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal
Isang karangalang maituturing na siya ay ating makapiling ngayong araw upang bigyan ng
malugod na pagbati at mapanghamong mensahe ang ating mga batang magsisipagtapos. Ngunit
bago ang lahat, hayaan muna po nating ipakilala ni ___________________________________, gurong
tagapayo ng baitang ___, ang ating panauhing pandangal.

(Maraming salamat po ____________ sa kumpletong impormasyon na inyong naipabatid!)

9. Pananalita ng Panauhing Pandangal


Huwag na po nating patagalin pa, atin pong salubungin ng masigabong palakpakan ang ating
napakakisig panauhing pandangal, _________________________________________________!

(Maraming salamat po sa inspirasyong inyong hatid sa bawat mag-aaral na naririto! Tunay na


kahanga-hanga po kayo!)

10.Pagpapakilala ng mga Magsisipagtapos


Ngayon naman po ay matutunghayan natin ang pinakaaabangan at pinakatampok sa araw na
ito, ang pagpapakilala sa mga batang magsisipagtapos. Tinatawagan ko po ang gurong
tagapayo ng ika-anim na baitang, Gng. Daria M. Carurucan para sa pagpapakilala ng mga batang
magsisipagtapos.

11. Pagsusulit sa mga Magsisipagtapos

12. Pagtanggap at Pagpapatunay sa mga magsisipagtapos

13. Pagpapatibay ng Pagtatapos

14. Paggagawad ng Katibayan sa mga Batang Magsisipagtapos


Para pasimulan ang seremonya ng Paggagawad ng Katibayan sa mga Batang Magsisipagtapos
tinatawagan ko po muli si Gng. Daria M. Carurucan, Gng. Shiela G. Dela Luna at ang ating
panauhing pandangal upang igawad ang sertipiko ng kanilang tagumpay!

15. Mensahe
Sa pagkakataon pong ito, atin pong isaisip at isapuso ang mensaheng hatid ng kalihim ng
Kagawaran ng edukasyon, ___________________________________.
Manatili po sana sa ating puso’t isipan ang bawat salitang bibitawan sa mensaheng hatid ni Dr.
Francis Cesar B. Bringas, Regional Director, Region IV-A CALABARZON

Atin pong isaisip, isapuso at isagawa ang mensaheng hatid ni Dr. Merthel M. Evardome,
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan.
Limiin po nating mabuti ang bawat aral sa mensaheng hatid ng ating butihing pampurok na
tagamasid, G.Avelino C. Mortel.

Isang mahalagang mensahe ang nais ipabatid ng ama ng ating bayan, kaya’t ating pakinggan
ang masigasig na Alkalde ng Bayan ng Lemery, Ian Kenneth M. Alilio.

Isang karangalan din ang marinig ang payo at mensahe ng mabait na Pangulo ng Panlalawigang
Samahan ng mga Guro at amgulang, Kgg. Geraldine C. Ornales.

16. Paggagawad ng Medalya ng mga Batang nagkamit ng Karangalan


Para igawad ang medalya para sa mga batang nagkamit ng karangalan tinatawagan ko po muli
sina Gng. Daria M. Carurucan, Gng. Shiela G. Dela Luna at _______________________________________.

17. Pananalita ng Batang may pinakamataas na Karangalan


Atin pong samahan si Cyril Ashiana R. Formeloza, batang nagkamit ng may pinakamataas na
karangalan, para sa isang pananalita.

18. Panunumpa ng mga Nagsipagtapos


Isa sa napakahalagang parte ng palatuntunan ng taunang pagtatapos ang panunumpa ng mga
nagsipagtapos. Inaaanyayahan ko po ang lahat ng nagsipagtapos na tumayo at bigkasin mula sa
puso ang panunumpa ng mg nagsipagtapos.

19. Pangwakas na Awit


Ngayon ay mapapakinggan natin ang isang awit na pinamagatang _____________________________,
mula sa mga batang nagsipagtapos. Minsan sinasabing ang Pangarap ay mananatiling pangarap
na lamang, subalit marami rin ang nagsasabi na ang pangarap kapag patuloy mong
pinapangarap ay pasasaan ba at matutupad din sa hinaharap.

20. Pangwakas na Pananalita


Hayaan nyo po akong tawagan ang ating napakaganda at napakabait na Faculty
President/Guidance Coucelor ng Dayapan Elementary School, ____________________________,
Punungguro 1, para sa pangwakas na pananalita.

Outro
Kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng panauhin, mga magulang ng mga
batang nagsipagtapos, sa lahat ng mga nagkaloob ng kanilang mahalagang tulong upang
mabigyang katuparan at tagumpay ang palatuntunang ito at higit sa lahat sa ating POONG
MAYKAPAL. Muli po, Congratulations Graduates!!!
Ako po ang inyong Guro ng Palatuntunan, Analiza R. Serwelas na nag-iiwan ng mga
salitang “Anuman ang ating pagkakaiba-iba ngunit nagkakaisa, walang imposible sa tagumpay
na matatamasa!”. Magandang araw sa inyong lahat!

You might also like