You are on page 1of 3

PALATUNTUNAN

I. PAGPASOK

Sa ating pinagpipitagang mga panauhin, kagalang- galang na punong bayan ng Pilar, mga
magulang, mga guro, mga batang magsisipagtapos at sa lahat ng mga naririrto ngayon upang
makiisa at sumaksi sa ating palatuntunan, isang magandang hapon. Ngayon ay matutunghayan
natin ang ika- 56 na pagtatapos dito sa Paaralang Elementarya.
Bilang panimula, tunghayan po atin ang pagpasok ng mga batang magsispagtapos kasama
ang kanilang mga magulang, mga guro, at mga panauhin sa pangunguna ng ika-anim na baiting.

II. INBOKASYON/PAMBANSANG AWIT/ PANUNUMPA SA WATAWAT

Bago po tayo magpatuloy, atin po munang hingin ang gabay ng ating Dakilang lumikha
sa pamamagitan ng panalangin na pangungunahan ni __________, susundan ito ng pagbibigay
pugay sa ating watawat sa pamamagitan ng pagkanta ng ating pambansang awit na kukumpasan
ni Gng. Merdedes S. Sindayen guro sa ikalawang baitang at panunumpa ng katapatan sa watawat
na pamumunuan ni _______ batang may karangalan.
Maraming salamat po sa inyo. Maaari na po kayong maupo.

III. PAMBUNGAD NA PANANALITA

Atin naman po ngayong pakinggan ang pambungad na mensahe na magmumula po sa


ating butihin na punongguro, _________________________.
Ngayon naman po ay ating maririnig ang mensahe na magmumula sa ating masipag, n at
magandang punong bayan ng _____________Kagalang galang ___________________

IV. AWIT NG MGA BATANG MAGSISIPAGTAPOS

Kaugnay ng ating paksang “Mag –aaral ng K-12, Handa sa Hamon ng Buhay” ating
alamin ang pagdaraanan ng mga batang magsisispagtapos para sa kanilang paghahanda.
Tunghayan po natin ang kanilang awiting “PAHINA”.

Thank you graduates.

V. PAGBATI

Atin naman pong pakinggan ang mensahe ng pagbati na magmumula sa mga batang
magsisipagtapos na bibigkasin ni __________ batang may karangalan.

VI. PAGPAPAHAYAG SA MGA MAGSISIPAGTAPOS

Tayo po ay dadako na sa ating pinakahihintay na sandali, ang seremonya ng pagtatapos.


Narito po ating punungguro G. Joseph Ralph S. Dizon upang iphayag ang mga batang
magsisipagtapos. Patutunayan po ito ng ating tagamasid- pampurok Gng.__________________.
Ang pagpapatibay ay magmumula sa ating tagapag-ugnay ng distrito na si _________________.
Salamat po. Maaari na kayong maupo.
VII. PAMAMAHAGI NG KATIBAYAN

Ngayon naman po ay tatanggapin na ng mga batang ito ang katibayan ng kanilang


pagtatapos. Katibayan na maluwalhati nilang nalampasan ang anim na taong pagsisikap sa pag-
aaral upang makamit ang unang bahagdan ng karunungan na nakuha nila sa paaralan.
Tinatawagan po namin muli ang ating tagamasid pampurok Gng. _____________ ganun din po
ang ating tagapag- ugnay ng distrito na si ______________ upang ipamahagi ang mga katibayan
ng pagtatapos sa pangunguna nina _____________ang kanilang mga gurong tagapayo.

VIII. PASASALAMAT

Sa pagkakataong ito pakinggan naman po natin ang mensahe ng pasasalamat ng mga


batang nagsipagtapos na bibigkasin ni ____________ batang may karangalan.

IX. PAMAMAHAGI NG MEDALYA SA MGA BATANG NAGKAMIT NG


KARANGALAN

Bawat isa ay may kanya- kanyang pagkakataon. Bilang bunga ng inyong pagsusumikap
aanihin ngayon ng mga piling mag-aaral ang kanilang panimulang tagumpay.
Sila yung mga batang nagtiyaga at nagsumikap sa kanilang pag-aaral upang may
maihandog na karangalan sa kanilang mga magulang.
Ang pamamahagi ng medalya ng karangalan ay gagampanan ng ating butihing
_________ kasama ang ating masipag na
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
Salamat po.

X. GAWAD GOBERNADOR

Taon-taon ay may parangal na ibinibigay sa mga piling bata namagsisipagtapos mula sa


ating butihing Gobernador.
Narito po sina ____________________________________________________________
Para po sa pamamahagi ng Gawad Gobernador.

XI. AWIT NG MAGSISIPAGTAPOS

Ang pagkakaroon ng kaibigan ay patunay na may magandang pakikisama ang bwat isa.
Atin ngayong pakinggan ang awiting laging magpapaalala sa knila sa bawat isa as they sing the
song “ Whenever You Remember”.

XII. PANGAKO NG KATAPATAN

Pakinggan naman po natin ang pangako ng katapatan ng mga magsisispagtapos sa


pangunguna ni __________, batang may karangalan
Salamat. Maaari na kayong maupo.

XIII. AWIT NG MAGSISIPAGTAPOS


Ang nga batang ito ay naririto ngayon dahil sa mga iilang taong tumulong sa kanila at
nagsilbi nilang inspirasyon. Ito ang pagkakataon upang ipahag nila ang kanilang pasasalamat sa
pamamgitan ng kanilang pag-awit ng “SALAMAT”.
Thank you.

XIV. PANGWAKAS NA PANANALITA

Bago po natin tuluyang wakasan ang ating palatuntunan, pakinggan po muna natin ang
pangwakas na pananalita na magmumula sa ating mabait at maaasahang Pangulo ng Samahan ng
mga Guro at magulang na si ____________.

XV. PAGLABAS

Tapos na ang ating palatuntunan.


Paglabas ng mga bata, magulang,guro, at mga panauhin .

You might also like