You are on page 1of 4

7TH Moving-Up Ceremony

PAKSA:“Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga


Pagsubok

Emcee: Matindi ang hamon ng panahon, kaakibat nito ang pangangailangan ng bawat isa na
maging masigasig at matatag sa bawat unos na dumarating at bilang isang institusyon ng Calegu
Integrated School tayong lahat ay nagagalak sa araw na ito dahil masasabi nating tayo ay
nagtatagumpay at sumusulong.

Emcee: Mga Gradweyt ng K to 12, isang bagay na ating maipagmamalaki bilang mga
magulang, mga guro, kaibigan, kapamilya at higit sa lahat bilang isang mag-aaral. Sa araw na
ito, ating masasaksihan ang bunga ng pagtatagumpay ng bawat isa; ang bunga ng pagsusumikap
at bunga ng pagpupunyagi; isang patunay sa ating katatagan sa bawat pagsubok na dumarating.

Emcee: Kaya naman mga minamahal kong mga magulang, mga kapwa guro, sa mga batang
magsisipag-akyat sa antas ng kanilang pag-aaral, mga kaibigan, pasalubungan natin ang
pagdiriwang na ito ng isang masigabong palakpakan.

1. PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS

Emcee: Bilang pagbubukas ng programa, inaanyayahan po ang lahat na tumayo at ilagay natin
ang ating presensya sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng isang audio-biswal na
panalangin. Gayundin ay susundan ito ng pag-wait ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ang ating
awit pang rehiyon uno, ang himig ng ating probinsyang Pangasinan, ang awit ng ating siyudad
na Urdaneta at ang himig ng ating Dibisyon. Manatili pong nakatayo ang lahat.

Second Part:
Emcee: Sa pagkakataong ito ay ating matamang pakingan ang pambungad na pananalita ng ating
butihing ulong guro na si Maam Narie Narie P. Bana, PhD. pasalubungan po natin sya ng
masigabong palakpakan. _______________________.
(Pagkatapos ng Pambungad na Pananalita)

2. PAGBASA SA MENSAHE NG KALIHIM NG EDUKASYON


Emcee: Salamat Maam Narie sa iyong napakagandang mensahe. Ngayon naman po ating
pakinggan ang mensahe ng Kalahim sa Kagawaran ng Edukasyon, Kagalang-galang Leonor M.
Briones na babasahin sa atin ni Maam Diana Marie Z. De Vera, Gurong Una.
(Pagkatapos ng pagbasa sa mensahe ng kalihim ng edukasyon)
Emcee: Salamat sa napakamakabuluhang mensahe mula sa Kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kagalang-galang Lenor M. Briones at kay Maam Diane na siyang bumasa sa
naturang mensahe.
Emcee:Ngayong naman ay ating papakinggan ang pananalita ng pamunuan ng ating Samahan ng
mga Magulang at Guro dito sa ating paaralan. Atin pong palakpakan si Ginang Nancy
Mamayson.
Emcee: Salamat Maam/Sir sa inyo pong mensahe at salamat po sa patuloy na pagsuporta sa mga
programa at proyekto ng ating paaralan.
(and so on and so forth….Pagkatapos ng mga mensahe)

3. PAGTANGGAP AT PAGPAPATUNAY SA MGA MAGSISIPAGAKYAT-PUNONG


GURO
Emcee: Sa dako pong ito ay atin pong tinatawagan ang ina ng ating paaralan, Maam Narie P. ,
Punongguro Dalawa para sa presentasyon ng mga magsisipag-akyat na mga estudyante tungo sa
mas mataas na antas ng pag-aaral.
(Pagkatapos ng presentasyon sa mga magaaral bilang ganap na nakapagtapos ng Junior
Hayskul)

4. PAGPAPATIBAY SA MGA BATANG MAGSISIPAGAKYAT-SARAH S. SAGUIN,


OIC-PAMPUROK TAGAMASID
Emcee: At sa puntong ito ay nais kong tawagin ang ating iginagalang at minamahal na
pangdistritong tagamasid Dr. Romel De Dios, EdD para sa pagpapatunay at pagpapatibay sa mga
mag-aaral na magsisipag-akyat. Palakpakan po natin ang ating pangdistritong tagamasid.
(Pagkatapos ng pagpapatunay at pagpapatibay sa mga mag-aaral na magsisipag-akyat)

5. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA/GUEST SPEAKER–

Emcee: At upang ipakilala sa atin ang ating Panauhing Tagapagsalita para sa araw na ito, atin
pong tinatawagan si Maam Mary Joy Quinto, Gurong Ikatlo upang ipakilala sa atin ang ating
Panauhing Pandangal para sa pagdiriwang na ito.
6. PAGGAGAWAD NG KATIBAYAN SA MGA BATANG MAGSISIPAGAKYAT-
OIC,PUNONGGURO

Emcee: Maraming salamat po, ito na nga ang pinakahihintay na sandali ang inyong pagtatapos
ng Junior Hayskul. Muli binabati naming kayong lahat! Ngayon ay nakompirma at napagtibay na
ang inyong pag-akyat tungo sa mas mataas na antas ng inyong pag-aaral. Sa pagkakataong ito ay
maari nang maghanda ang lahat para sa pagtangap ng inyong sertipiko. Tinatawagang muli ang
ating punongguro, _____________________________ at ang ating pangdistritong tagamasid
____________f

(Maam ibyong ibang parts adlib nalang po)

III. Resesyunal-

Tunay ngang napakamakabuluhan ng araw na ito hindi lamang para sa aming mga guro
at mga magsisipag-akyat sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral, ngunit lalong lalo na para
sa mga magulang na hindi tumigil magsumikap at magsipag para lamang matustusan ang
pangangailangan ng kanilang mga anak.
Sa mga batang nagsipagtapos ngayong araw sa kanilang pag-aaral sa Junior hayskul,
binabati namin kayo at nawa huwag kayong makakalimot sa mga bagay na naituro namin sa
inyo lalong-lalo na ang pagmamahal at paggalang na dapat baunin ng bawat isa sa pagtahak
nya sa mapanghamong munodng ito.
Sabi ng isang tanyag na pilosopo, “Ang tao ay isang napakalaking posibilidad,” Bawat
isa ay isang malaking pag-asa. Balang may mangyayari sa atin ngunit tayo lang ang may
kakayahanag magdesisyon at baguhin ang takbo ng ating buhay depende sa ating paggalaw.
Nais po naming ipabatid ang buong pusong pasasalamat sa lahat ng panauhin, mga
magulang, at sa lahat ng nagkaloob ng kanilang tulong kooperasyon upang mabigyang katuparan
at tagumpay ang palatuntunang ito. Higit sa lahat ang papuri at pasasalamat ay ating ibinabalik sa
POONG MAY KAPAL.

Muli ako si __________________________ ang inyong tagapagpadaloy sa okasyong


ito. Magandang umaga/hapon sa inyong lahat at Mabuhay!
 

You might also like