You are on page 1of 2

Graduating Class

MGA SIMBOLO AT SAGISAG NITO

1. SIMBOLO NG PAARALAN (LOGO) –

Narito, tanggapin ninyo ang simbolo ng paaralan. Lagi ninyong tatandaan ang mga
itinuro at tulong na ibinigay sa inyo habang kayo ay nag-aaral.

Sa aming paglisan ang simbolong ito ay huwag kalimutan at palaging igalang upang
kayo’y maging huwarang mag-aaral.

BATANG TATANGGAP –

Buong katapatan at inyong asahan na ang simbolong ito ay aming pagkaka-ingatan sa


pamamagitan ng aming pagiging huwarang mag-aaral.

2. AKLAT

Basahin ang aklat at unawain ang mga salitang huhubog sa inyong kaisipan tungo sa
tamang direksyon. Laging tatandaan ang aklat na ito ay humuhubog sa ating pagkatao bilang
mag-aaral.

BATANG TATANGGAP –

Inyong aasahan na ang aklat na ito ay aming papahalagahan. Babasahin at uunawain upang
lalong umuunlad ang aming kssaalaman.

3. WATAWAT –

Tanggapin niyo ang watawat na ito simbolo ng pagiging batang Pilipino. Sumasagisag sa
kadalisayan, pagkakapantay-pantay, pagkamakabayan, kagitingan at namumuhay sa
katotohanan at katarungan.

BATANG TATANGGAP –

Buong katapatan na tatanggapin naming ang simbolong ito na siyang magpapa-alala sa


aming pagiging huwarang batang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.
4. PANULAT –

Ang panulat na ito ay simbolo na gagamitin sa pagsusulat sa katotohanan at pag-unlad


tungo sa magandang kinabukasan. Panulat na siyang gagamitin sa paglinang ng mabuting
kaisipan.

BATANG TATANGGAP –

Lagi naming tatandaan na ang panulat na ito ay gagamitin naming mga mag-aaral upang
malinang ang aming mga kakayahan na makapagpapahayag ng malikhaing kaisipan sa
pamamagitan ng pagsusulat.

5. SULO –

Tanggapin mo ang sulong ito na nagbibigay liwanag sa anumang dako. Maging mabuting
halimbawa sa pagkilos at pananalita. Laging tandaan, “Si Hesus ang liwanag ng buong
sanlibutan.”

BATANG TATANGGAP –

Ang kaliwanagan na tinataglay ng sulong ito ay aming tinatanggap. Papanatilihing


nagniningas at magbibigay ng liwanag sa mga kapwa ko mag-aaral at sinumang aming
makakasalamuha.

6. SUSI –

Narito ang susi, simbolo ng pagbubukas ng kaisipan sa pagtanggap ng mabubuting asal at


bukas na pagtanggap sa hamon ng buhay tungo sa katagumpayan.

BATANG TATANGGAP –

Buong katapatan naming tinatanggap ang susing ito upang magpaalala na bukas ang aming
kaisapan tungo sa makabuluhang pag-aaral at maayos na pamumuhay.

LAHAT:

Ang mga simbolong ito na inyong iiwan ay aming pagkakaingatan at bibigyang halaga sa
lahat ng oras ng ating pag-aaral. Igagalang at gagamitin ng tama tungi sa ikuunlad ng bawat isa.

You might also like