You are on page 1of 1

Church So Blessed

Bulihan, Malolos, Bulacan

PANGANGALAP NG PONDO
(Fundraising)

Mahal Naming Kaibigan,

Ang kapanahunan po ng Pasko ay isang magandang pagkakataon para maipalaganap ang


pagmamahal ng Dios lalo na sa mga bata. Sa ganitong pagkakataon kami po ay gumawa ng isang
Christmas program para sa mga bata ng Plaridel, Malolos, at Paombong, Bulacan. Kami po ay mag
bibigay saya, mag papakain, at mag aabot ng mga regalo sa mga bata na ito na lubos ng mahal ng
Dios.

Ukol dito kami po ay lumalapit sa inyong personal na kapasidad o sa inyong mga business na
supportahan ang aming aktibidad para po sa mga bata. Ang aming pong bilang ay mahigit kumulang
mga 200 po na mga batang bibigyan ng masustansyang pagkain, mga regalo, at paunlakan ng mga
palaro, kantahan, at programmang pambata sa kahit magkanong halaga ng kontribusyon o donasyon
na galing po sa inyong masaya at maaliwalas na pagbibigay.

Ngayong pasko kami po ay lumalapit sa inyo sapagkat naniniwala kami na kayo ay tutugon sa
pagtulong at pag papasaya sa mga bata na ito ayon po sa inspirasyon na galing sa Salita ng Dios:

“Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na
lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay
tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama,
Pangulo ng Kapayapaan”. - Isaias 9:6

Pasalamat po sa inyo ng marami at patnubayan kayo ng Dios,

Ptr. Alvin Monsod Apple Monsod Ralph Posadas Lovely Posadas


Gina Altamerano Gracie Carlos Raquel Sumeracruz Rachel Sumera

You might also like