You are on page 1of 3

Davao Wisdom Academy Inc.

F. Torres St. Davao City


Basic Education Department
Elementary Unit

Asignatura: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 Guro: Bb. MAY ANNE T. RODRIGUEZ


Pagsusulit: UNANG BUWANANG PAGSUSULIT
PANGALAN: ______________________________________BAITANG/SEKSYON: _____________

I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang dapat isaalang-alang kapag kailangan gumawa ng isang desisyon o pagpapasya?
a. Makakabuti sa iba
b. Pansariling kapakaran lamang
c. Makakabuti s aiyo at sa lahat
d. Sasabihin ng iba
2. Kung ikaw ay gagawa ng pagpapasya sa isang sitwasyon na kinakaharap. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Huwag ng makialam sa pagbibigay ng pasya.
b. Suriin ang mga impormasyon na kinakailangan bago magpasko
c. Madaliin ang pagpapasya
d. Ipaubaya ang pagpapasya sa iba
3. Bakit kailangan na suriin muna ang mga bagay bagay at mga pangyayari bago magdesisyon?
a. Upang masabing nag-iisip muna
b. Upang hangaan ng iba
c. Upang makapagbigay ng tamang pasya
d. Upang maging mananaliksik
4. Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa
magulang?
a. ang pagkawalang bahala sa kanyang gawain
b. ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain
c. ang pagkamainisin sa kanyang gawain
d. ang pagkamatiyaga sa kanyang gawain.
5. Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok. Alin ang nararapat na gawin?
a. Ipagwalang bahala ito
b. Ipaayos ang makina ng kotse
c. Ipadala sa junkshop
d. Ibenta dahil luma na
6. Kung ang tao ay may kakayahan, meron din siyang kahinaan. Ano ang maaari mong gawin sa
pagkakataon ng iyong nahinaan?
a. Hintayin ang magiging epekto ng ginawa
b. Sundin ang sariling kagustuhan
c. Huwag pansinin ang sasabihin ng iba
d. Humingi ng tamang gabay.
7. May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga
nito, nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang dapat mong gawin?
a. Masigasig na lumahok sa kilusang ito
b. Balewalain ang masamang epekto
c. Tumangging sumali agad
d. Tumangging sumali sa kilusan
8. Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Pabayaan lang siya mag tapon ng basura
b. Pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito
c. Awayin mo siya dahil sa pagtatapon niya ng basura sa kanal
d. Isumbong sa kapitan ng barangay upang bumango ang inyong pangalan.
9. Nagpasiya ang mag-anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami
ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
a. Balewalain ang pumupuna
b. Hindi, dahil sa masamang epekto nito
ESP 6 – UNANG BUWANANG PAGSUSULIT / AGOSTO 30-31 Parent/Guardian: __________
c. Bahala na ang mga apektado nito
d. Oo, sayang ang kikitain nito
10. Paano mo maipapakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral?
a. gawin ang mga gawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro
b. gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin
c. pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin
d. pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera
11. Gusto mong mapaunlad nang maayos ang ating bansa. Ano ang tungkulin ng mamamayan na
dapat nating sundin?
a. walang pakialam sa mga tungkulin ng gobyerno
b. sumunod lamang kung sinasabi ng gobyerno
c. pagbayad ng buwis sa takdang panahon
d. pagbabawas ng halaga sa dapat bayaran
12. Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan.
Paano mo igagalang ang karapatang ito?
a. kumain ng junk foods araw-araw
b. uminom ng softdrinks araw-araw
c. uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw
d. iwasan ang pagkain ng gulay at prutas
13. Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
a. tumulong upang solusyonan ang problema
b. ipagwalang-bahala ang problema
c. tawanan ang problema
d. gawin nang wasto at angkop na solusyon sa problema
14. Paano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa Panginoon?
a. Sundin ang kanyang mga utos.
b. Mamimili ng mga kaibiganin.
c. Maglaro araw-araw.
d. Suwayin ang utos ng mga magulang.
15. Bakit kailangang mag-aaral ng mabuti?
a. Upang magkapagtapos at makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.
b. Upang mapatunayan sa lahat na magaling ka.
c. Upang maipagmalaki ang sarili.
d. Upang matalbugan mo ang iyong mga kapatid.
16. Hinikayat ng inyong guro na mag-aambag ng mga lumang damit para sa nasalanta ng bagyo.
Ano ang gagawin mo?
a. Ibigay ang mga punit mong damit.
b. Sabihin sa Nanay na magbigay ng mga damit.
c. Baliwalain ang sinabi ng guro.
d. Magpabili sa Nanay ng mga magagandang damit upang purihin ng guro.
17. Paano ka makakatulong sa iyong kaklaseng mabagal bumasa?
a. Kutyain sila.
b. Ipaalam sa buong paaralan ang kanilang kahinaan.
c. Hikayating magbasa ang iyong kaklase at tulungan sa kanilang kahinaan.
d. Hikayatin silang lumipat sa ibang paaralan.
18. Ano ang pinakamabuting gawin sa bilang pasasalamat sa Panginoon na ibinigay niyang buhay sa
iyo?
a. Alagaan ang sarili at maging mabuting bata.
b. Magsimba araw araw.
c. Kumain ng marami.
d. Mamigay ng regalo araw araw.
19. Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?
a. magbigay agad ng pasya
b. iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya
c. magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
d. pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya
20. Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa
Diyos?
a. pagmamahal sa kapwa
b. pagdarasal sa buong araw
c. pagbibigay ng pagkain
d. pagbabale-wala sa kapwa
ESP 6 – UNANG BUWANANG PAGSUSULIT / AGOSTO 30-31 Parent/Guardian: __________
II. Tukuyin kung Tama o Mali
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ang pahayag
ay mali.

_____ 21. Niyaya ka ng iyong kaibigan. Sumama ka pero hindi ka nagpaalam sa iyong mga
magulang.
_____ 22. Ipinaaalam sa magulang ang pag – uwi mula sa paaralan.
_____ 23. Nagsasabi kang kasama ka sa lakad ng tito mo pero hindi naman ito totoo.
_____ 24. Sabihin ang totoong halaga ng pinababayaran ng guro sa magulang.
_____ 25. Sa pagdedesisyon, dapat ito ay naayon sa ikabubuti ng lahat sa anumang pagkakataon.

III. Punan ang patlang


Panuto: Punan ng salita ang patlang.

Bibliya gawa paroroonan

matapat mayaman totoo

26. Lahat tayo ay anak Diyos. Sa mata ng Diyos, ang mahirap at _______________ ay pantay-
pantay.
27. Ang pagbabasa ng ______________ o salita ng Diyos ay nakapagpapalakas ng loob.
28. Ang taong di-marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa _______________.
29. Nasa Dios ang awa,nasa tao ang ______________.
30. Ang batang matapat ay nagsasabi ng ________________.

IV. Pagpapaliwanag.
Panuto:Ipaliwanag ang iyong kasagutan base sa katanungan na ibininigay.

Pamantayan

Wastong gamit ng gramatika -3 puntos


Kaangkupan ng kasagutan -2 puntos

Kabuuan -5 puntos

31-35. Paano nakatutulong ang mga pangangailangan ng tao upang higit mong maintindihan ang
responsibilidad mo sa iyong sarili?

36-40. Nakita mong gumagamit ng bawal na gamot ang anak ng iyong kapitbahay. Ano kaya ang
magagawa mo para matulungan siya?

ESP 6 – UNANG BUWANANG PAGSUSULIT / AGOSTO 30-31 Parent/Guardian: __________

You might also like