You are on page 1of 3

Sangay ng Rizal

Purok ng San Mateo


PAARALANG ELEMENTARYA NG GUITNANGBAYAN

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V


Week 1

Pangalan: _______________________________Baitang at Pangkat: ______


Petsa:______________________________ Guro: ______________________

A. Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Ang Aming Bakasyon
Sina Tatay, Nanay, Kuya, Ate at ako ay nagbakasyon noong Pasko. Ako at ang buong pamilya ay
masayang nagtampisaw sa napakalinis na Tubig sa dagat. Si Kuya at Ate ay nag-ihaw ng mais na
kinakain naming Habang naglalakad sa dalampasigan. Naligo pala siya at marunong lumangoy.
Napakasaya ng aming buong pamilya sa magandang isla ng Caramoan. Kami ay babalik sa susunod
na taon.

1. Ano ang maaring pamagat ng kuwento? ________________


2. Sinu-sino ang nagbakasyon noong nakaraang Pasko? _______________
3. Saang lugar ang kanilang pinuntahan? _______________
4. Nakapagbakasyon ka na rin ba sa probinsya? ___________
5. Sa iyong pagbabakasyon, ano ang iyong karanasan ang hindi mo makalilimutan? Bakit?
___________________________________________________________________________

B. May mga pangngalan na ginamit sa loob ng talata. Kaya mo bang ibigay ang mga ito. Isulat ang 3
panghalip na iyong nakita at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Pangngalan Panghalip
1. _______ 1.________
2. _______ 2.________
3. _______ 3. _______

C. Panuto: Ikahon ang pangngalan at sa bilugan ang panghalip na ginamit sa bawat bilang.

1. Ang bag ni Ana ay regalo sa kanya. Ito ay bago.

2. Ikaw ba ang umiyak Rose?

3. Malawak ang bukirin. Tahimik tumira dito.

4. Si Noel ay pasaway kya wala siyang kaibigan.

5. Masarap pumunta doon sa probinsya

D.Sumulat ng isang talata na binubuo ng apat hanggang 5 na pangungusap tungkol sa inyong naging
karanasan. Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng talata.

A. Pista sa Inyong Barangay


B. Nanalo ka sa Isang Paligsahan
E. Panuto: Salungguhitan ang wastong panghalip sa panaklong.

1. Ang damit ( mo, iyo ) ay bagay sa iyo.

2. Hindi (ko, ako) makita ang hinahanap mo.

3. Bigyan (mo, iyo ) pa siya ng kaunting panahon para makapag-isip.

4. Aalis na si Maine. Gusto mo bang pasyalan ( siya, nila ) ?

5. Noong ako’y bata pa, madalas daw ( ako, kami ) mahulog sa hagdan.

F. Basahin ang “ Di Malilimutang Karanasan” at punan nang tamang salita ang patlang.

Di Malilimutang Karanasan

Naranasan 1. _____ na bang lumangoy sa dagat? 2. _____ ay may nakakatuwa ngunit nakakatakot na
karanasa sa dagat. Namasyal 3. ____ sa dinarayong Beach sa Palawan. 4.____ ang isa sa pinakamalaking
pasyalan sa Pilipinas. Malinis at malamig ang tubig 5. ____ kaya naman sulit ang pagpunta kung 6.____
kaganda ang dadatnan mo. 7.____ at ang 8.____ mga kapatid ay masayang nagtatampisaw sa pampang
nang isang malaking alon ang dumating at pagbalik sa dagat, bigla akong natangay sa kalaliman. Gayon na
lamang ang takot 9._____. Mabuti na lamang at nakita 10. ____ ng isa kong kuya kaya pahilang dinala
11._____ patungo sa pampang. Ito ang karanasan na talagang hindi 12. ____ makalimutan.

Pirma ng Magulang

_________________________
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Rizal
Purok ng San Mateo
PAARALANG ELEMENTARYA NG GUITNANGBAYAN

MAIKLING PAGSUSULIT SA FILIPINO V

Week 2

Pangalan: _______________________ _____________Baitang at Pangkat: ________


Petsa:_______________________________________ Guro: _______________________

A. Panuto: Basahin ang seleksyon. Matapos nito kilalanin ang mga pangngalan at panghalip na ginamit
dito. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Kaibigan Tayo Ha !
Tuwing araw ng Linggo pagkagaling sa simbahan, dumideretso si Leo sa isang puno sa loob ng
kanilang bakuran. Palibhasa’y solong anak. Nakasanayan na niya ang maglarong mag-isa sa ilalim ng
puno ng mangga. Nakasanayan na rin ng kaniyang ina at ama na marinig ang kaniyang awit kahit nga
ang kanilang mga kapitbahay ay nakasanayan siya rito sa bakuran tuwing Linggo ng umaga. Sinuman
ay napapangiti ng kanyang munting tinig.
1. 4,
2. 5.
3.

B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan.

1. mag-aaral

2. guro

3. ama

4. kalusugan

5. puno

C. Piliin ang angkop na pangngalan na bubuo sa bawat pangungusap.

1. Mabait ang aking _______ na si Gng Austria.

2. Nagsisimba ako tuwing araw ng _________.

3. Masarap mamasyal sa _________________.

4. Ang __________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno.

5. Ang gamit kong lapis ay _____________.

B. Piliin ang wastong panghalip na nagsasabi tungkol sa bagay. Isulat Ito sa inyong sagutang papel.
1. Bibili ako ng bagong damit. ( nito, noon ) .
2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan ko na ang mga ( ito, iyan )
3. ( Ito, Nito ) ang sapatos na ibibigay ko sa kapatid ko.
4. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit ( ito,, iyan, iyon)?
5. ( Iyan, Diyan, Hayan ) ang damit na gusto niyang isuot.

Pirma ng Magulang
_________________________

You might also like