You are on page 1of 2

GRADE 6

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO


IKAAPAT MARKAHAN
Pangalan: _______________________________________________ Lagda ng Magulang: __________________
Guro: Jasmin M. Nietes
Panuto: Buoin ang talata sa pamamagitan ng pagpili sa kahon ng salitang aangkop sa bawat pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.

Ang patalastas at usapan ay mabubuo gamit ang iba’t ibang bahagi ng (1)________________________.
Ang (2)____________________ ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ang (3)_________________________ ay salitang pamalit sa pangngalan. Nagsasaad naman ng
kilos ang (4)_________________________. Ang (5)_________________________ ay salitang
naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Samantalang ang (6)_________________________ ay naglalarawan
sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Ito rin ay sumasagot sa tanong na paano, kailan at saan naganap ang isang
kilos.

(7)_________________________ naman ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa salitang


naglalarawan at inilalarawan gaya ng –g, na at –ng. Ang (8)________________________ay bahagi ng pananalita
na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay. Datapwat, bagaman, samantala, dahil at sapagkat ay ilan lamang sa
mga halimbawa nito. Ang mga katagang tungkol sa, ukol sa, ayon sa, alinsunod sa at hinggil kay ay mga halimbawa ng
(9)_________________________ na ginagamit din sa paggawa ng (10)_________________________
at usapan.

patalastas pang-uri pang-ukol pangngalan panghalip


pangatnig pang-angkop pang-abay pananalita pandiwa

Panuto: Gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita, punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang
patalastas. Piliin ang sagot sa loob ng bawat panaklong.

Nananawagan ang Samahang Kawanggawa sa lahat ng residente ng Barangay Mapagkalinga na (11)


____________________ (humingi, kumuha, magkaloob) ng boluntaryong tulong sa pamilya (12)
____________________ (-g, na, -ng) nasunugan sa kanilang lugar. Maaaring magbigay ng damit, pagkain o (13)
____________________ (anumang, saanmang, sinumang) pangunahing pangangailangan ang (14)
____________________ (anumang, saanmang, sinumang) may kakayahang tumulong. Dalhin lamang ito sa
opisina ng barangay sa Mayo 1, 2021. Layunin ng proyektong ito na lingapin ang pamilyang nasunugan (15)
____________________ (at, bagaman, sapagkat) maipalaganap ang diwa ng bayanihan o pagtutulungan sa
kanilang lugar.

Panuto: Bilugan ang wastong bahagi ng pananalita sa loob ng kahon na aangkop sa bawat pangungusap at bubuo
sa usapan.

Ervin: Nabalitaan mo ba ang proyektong ilulunsad ng ating paaralan, Marian?

Marian: Hindi pa, Ervin. Darwin: (16) (Ano, Alin, Saan) ba ang sinasabi mong proyekto, Ervin?

Kristel: Baka iyong (17) (alinsunod sa, ayon sa, ukol sa) pagtatanim ng puno ng mga batang iskawt.

Ervin: Oo, iyon nga ang (18) (ibabalita, isusulat, ikukuwento) ko sa inyo.

Kristel: Alam ko na iyon (19) (dahil, kaya, upang) nakita kong iyong nakapaskil sa Facebook page ng
ating paaralan.

Marian: Mabuti nga at may makabagong teknolohiyang nagagamit sa ngayon para mabilis
(20) (-g, -ng, na) maipakalat ang impormasyon.

Darwin: Oo nga, kaya dapat matiyak muna nating wasto ang impormasyon upang maiwasan nating
makapagbahagi ng di-wastong balita.

Panuto: Basahin ang patalastas at hanapin sa hanay B kung anong bahagi ng pananalita nabibilang ang bawat
salitang ginamit sa patalastas na nasa hanay A.
GRADE 6
Ipinagbibigay-alam sa lahat ng mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Malinawan na magkakaroon ng eleksiyon
ang pamunuan ng Supreme Pupil Government. Ito ay idaraos sa silid-aralan ng baitang anim sa Mayo 15, 2021 sa ganap
na ikawalo ng umaga hanggang ikatatlo ng hapon. Pinapaalala rin sa lahat na maging maaga sa pagboto at pumili ng
nararapat na kandidato upang maihalal ang mahuhusay na lider na mamumuno sa paaralan.

Hanay A Hanay B

_______21. eleksiyon a. pandiwa

_______22. lahat b. pang-uri

_______23. idaraos c. pangatnig

_______24. mahuhusay d. panghalip

_______25. upang e. pangngalan

f. pang-uri

You might also like