You are on page 1of 14

 

FILIPINO VI

Magandang
Umaga!!!
 

“Mahiwaga ang balong iyan,” wika ni Eddie. “Iyan daw ay nagbibigay ng


magagandang kapalaran sa mga humihiling.”
“Siyanga? Paano ang paghiling? Maaari rin ba kaming humiling?” usisa ni
Charito.
” Aba, siyempre naman.” sagot ni Eddie. ”Kumuha kayo ng tigatlong maliliit na
bato. Pumikit kayo, ihulog ang maliliit na bato kasabay ng inyong paghiling.
Nagsikuha sila ng maliliit na bato.
”Ako ang unang hihiling,” sabi ni Annie.  
Balong mahiwaga! Balong malalim! Pakinggan mo aking hiling;
Sana sa paglaki ko, maging doktorang ubod-galing upang lahat ng may sakit ay
gumaling.” 
Palakpakan ang magkakaibigan.
“Ako naman ang hihiling,” sabi ni Edward.  
Balong mahiwaga! Balong malalim! Pakinggan din sana ang aking hiling;
Sana magkaroon din ako ng ganitong looban. Malawak, luntian, at sagana sa
halaman.” 
Natanaw ni Eddie ang lola niya. Dala na ang kanilang tanghalian.
Matagal pang mangyari ang mga hiling ninyo.
Ako naman ang inyong pakinggan,sabi ni Eddie. Balong malalim, tubig na
malinaw!
Ang aking hiling ay iyong pakinggan;
Sana kami’y pakalooban ng mainit-init at masarap na masarap na
pananghalian.” 
At narinig nila si lola. “O, mga bata, halina kayo,” anyaya ni lola sa mga bata.  
“Nakita na ninyo. Ibinigay agad ang hiling ko,” natatawag sabi ni Eddie.
Masayang nagsalu – salo ang lahat sa payak ngunit masarap na pagkain.
 

Pansinin ang mga salitang ginamit sa usapan. Paano binuo


ang mga salita?
sagana mahiwaga
payak malalim
mainit-init hugis-puso
ubod-galing masarap na masarap
Ang mga salitang ito ay naglalarawan din. Basahin ang mga parirala na
ginamit ang mga salitang naglalarawan
sagana sa halaman
payak na pagkain
mainit – init na pagkain
masarap na masarap na pagkain
mahiwagang balon
malalim na balon
hugis-pusong balon
ubod – galing na doktor
 

Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita? Narito ang iba


pang halimbawa.

A  B  C  D 
 
hinog makatao manipis-nipis hubog-kandila
likas luntian maliit-liit lakad-pagong
berde mahirap tuwang-tuwa ngiting-aso
bihira palatawa putol-putol boses-ipis
sariwa kaysaya  tambak-tambak   batang-lansangan 

Ang mga salita sa hanay A ay nabibilang sa mga pang-uring


payak. Ito ay binubuo lamang ng salitang-ugat.

Ang mga salita sa hanay B ay maylapi. Binubuo ang mga ito ng


salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa:
maka tao lunti an
 

Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita? Narito ang iba


pang halimbawa.

A  B  C  D 
 
hinog makatao manipis-nipis hubog-kandila
likas luntian maliit-liit lakad-pagong
berde mahirap tuwang-tuwa ngiting-aso
bihira palatawa putol-putol boses-ipis
sariwa kaysaya  tambak-tambak   batang-lansangan 

Ang mga salita sa hanay C binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit


ng salitang-ugat o buong salita. Ang mga ito ay pang-uring
inuulit.
Halimbawa: malayu-layo ang buti-buti
Ang mga salita sa hanay ay binubuo ng pinagsamang dalawang
salita. Ang mga ito ay pang-uring tambalan.
Halimbawa: halik Hudas dilang-anghel
patay-gutom buong-puso
 

Tandaan

Ang mga pang-uring panlarawan ay may apat na


kayarian o pagbubuo. Ang mga ito ay:
1. Payak- binubuo ng salitang  –  ugat
2. Maylapi-nilalagyan ng panlapi ang
salitang -ugat
3. Inuulit-inuulit ang salitang  –  ugat o
buong salita
4. Tambalan  –  binubuo ng dalawang salita
 

Gawin:
Tingnan ang sumusunod na mga salitang naglalarawan. Sabihin
kung ano ang kayarian ng mga ito. Pagkatapos ay gamitin sa
pangungusap ang mga salita.

Halimbawa
malawak maylapi
Si Gng. Fuentabella ay may malawak na hardin.
1.mayaman
2.payapa
3.masarap sarap
4.luntian
5.sagana
6.kawali wili
7.sirang plaka
8.hinog
9.sariwang sariwa
10.napakarami
 

 B. Basahin ang talata. Itala ang mga pang uri ayon sa kayarian.

Nangunguna ang Palawan sa mga lalawigan sa bansa


sa pagkakaroon ng pinakamalaking hayop sa Pilipinas.
Sa Palawan matatagpuan ang ibong tabon. Napakalaki
ng itlog nito na mahuhukay sa mga dalampasigan. Higit
na malaki ito sa itlog ng manok at pato. Dito rin
makikita ang mga hayop na walang katulad gaya ng
pilandok, tapiloc, at tandikan.

C. Bumuo ng mga pang uring maylapi o inuulit mula sa mga


salitang ugat.
1. laki 6. sobra
2. puno 7. linis
3. isa 8. bilog
4. itim 9. lungkot
5. payat 10. iba
 

Paunlarin

A. Isulat sa sagutang papel ang kayarian ng pang-


uring nakasaungguhit sa pangungusap.
Maylapi
______________ 1. Masisipag ang kabataan sa kabilang
ngayon .
Inuulit
______________ 2. Madami-dami din ang dumalo sa
aking kaarawan.
Payak
______________ 3. Sagana sa pagkain ang mga bukirin .
Tambalan
______________ 4. Nagkalat ang mga batang-lansangan
sa kalye ngayon.
Payak
______________ 5. Payapang pamumuhay ang nais ko.
______________
Tambalan 6. Usad-pagong ang sasakyan dahil sa
masikip na daloy ng trapiko.
Maylapi
______________ 7. Isang masarap na tanghalian ang
iniluto ni Nanay.
Inuulit
______________ 8. Tuwang  –  tuwa ang mga bata.
______________
Payak 9. Busog silang lahat.
______________
Maylapi 10. Masaya silang lahat.
 

B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pang uri :

6.buong buo
1.malusog 7.puti
2.malaki laki 8.sagana
3.tulog manok 9.sama sama
4.sari sari 10.napakarami 
5.buong puso

C. Isalaysay ang isang pangyayari o naging karanasan mo na may


kaugnayan sa sumusunod. Gamitin ang mga pang uri

1.pagkaligaw sa isang lugar


2.pagsakay sa eroplano o tren
3.pagkawala ng bag o gamit
4.pagkakita sa isang aksidente sa daan
5.pagkapahiya sa isang handaan
 

Takdang-Aralin

Sumulat ng 5 pang-uring
magkasingkahulugan at 5 pang-
uring magkasalungat
 

  Salamat po

You might also like