You are on page 1of 22

PANG-

PANGATNIG
ANGKOP
Ano ang pang-angkop?
Ang pang-angkop ay ginagamit upang pag-ugnayin
ang mga salitang naglalarawan at inilalarawan. Nagiging
madulas ang bigkas ng dalawang salita sa pang-angkop.
May tatlong uri ng pang-angkop: -ng, na at –g.
Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang
salita ay nagtatapos sa patinig. Ang -ng ay idinudugtong
sa unang salita.
Mga halimbawa:
batang gusgusin lalaking matangkad
munting binibini malagong halaman
mabuting kaibigan mapagpalayang samahan
mapaghusgang hukuman makataong prinsipyo
Ang pang-angkop na na ay inilalagay sa pagitan ng salitang
naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna’y nagtatapos sa katinig
maliban sa n.

Mga Halimbawa:

hilaw na manga ilog na malinis


magalang na bata makulay na baghari
mabigat na bag mataas na puno
Ang pang-angkop na -g ay ginagamit kung nagtatapos
ang salitang durugtungan sa katinig na n.

Mga Halimbawa:
makakalikasang gawain makabuluhang pagdiriwang
laruang luma bubungang yero
naiwang nag-iisa hanging sariwa
PAGSASANAY
AT PAGTATAYA
BAITANG 2
Gamitan ng pang-angkop ang mga salita. Isulat na muli
sa patlang ang mga salitang ginamitan ng pang-angkop.

1. lata butas 6. santol maasim


2. bilang lima 7. gata malapot

3. papayan malaki 8. sawsawan suka

4. krayola pula 9. tula mahaba


A. Isulat na muli ang bawat pangungusap. Lagyan ng wastong pang-angkop ang
bawat salitang nangangailangan ng pang-angkop.
 
1. Ang bote plastik ay itinapon ko na.
___________________________________________
2. Marami tao sa harap ng paaralan natin.
___________________________________________
3. Bakit nasira ang computer ito?
____________________________________________
4. Isa bata babae ang kasama ng matanda.
______________________________________
5. Nagdala ng sisidlan basket ang masipag tindera.
_______________________________________
BAITANG 3
A. Lagyan ng ng, g o na ang awat pares ng salita.
1. malaki ibon 6. malusog sanggol
2. mangga hilaw 7. pakwan matamis
3. tahanan malinis 8. pagkain masustansya
4. buhay tahimik 9. bata magalang
5. kaibigan matalik 10. labis panggasta

 
A. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung wasto ang ginamit na pang-angkop. Kung
mali, isulat ang wastong pang-angkop sa patlang.

1. Ang magalang na bata ay hinahangaan.


2. Si Dr. Jose Rizal ay isang dakila na bayani ng lahi.
3. Dapat tularan ang mga taong may ugaling maganda.
4. Ang bayan na Pilipinas ay maraming magandang
tanawin.
5. Ang kayamanang bigay ng Panginoon ay dapat
mahalin at alagaan.
6. Ang ating pambansa na bulaklak ay sampaguita.
7. Ang bahay na sira ay ginagawan ng mga
karpintero.
8. Maraming bulaklak sa kanilang malawak na
halamanan.
9. Mahal ni Mang Alex ang kanyang anak na
masunurin.
10. Ipinagmamalaki ni Allan ang kanyang ama na
maunawain.
A. Lagyan ng pang-angkop ang salitang nangangailangan ng
pang-angkop. Isulat na muli ang pangungusap.
1. Si Romel ay isang matalino bata.

2. Ang tahimik ayan ay hinahangaan.

3. Ang aking kaklase mabait ay dumating.

4. Ang matulin sasakyan ay nabangga sa poste.

5. Ang mayaman matanda ay tumutulong sa mga mahihirap.


BAITANG 4
A.Bilugan ang pang-angkop na ginamit sa bawat
pangungusap.
1. Bumili ako ng maraming bulaklak.
2. Masarap humiga sa malambot na kama.
3. Pinagmasdan ko ang mga bituing marikit.
4. Nakita ko ang nawawalang aklat.
5. Binigkas ko ang maikling tula.
B. Punan ng tamang pang-angkop ang bawat patlang
upang mabuo ang pangungusap.
1. Nagtanim siya ng marami ___ halaman sa hardin.
2. Nabuhat niya ang mabigat __bag.
3. Namasyal sila sa hardin maliit.
4. Pinagmasdan naming ang lumulutang lobo.
5. Paulit-ulit kong binasa ang mahabakuwento.
C. Punan ng pang-angkop ang bawat patlang upang mabuo ang parirala:
pagkatapos, gamitan ang nabuong parirala sa sariling pangungusap.
1. maliit regalo

2. mahaba tali

3. tahanan tahimik

4. sasakyan mabilis

5. mataas puno
 BAITANG 5
A. Pumili ng mga salita sa kahong at pag-ugnayin ang mga ito gamit
ang pang-angkop na na. isulat ang iyong sagot sa mga patlang.
A. Dugtungan ang pariralang ginamitan ng pang-angkop na na upang
makabuo ng pangungusap.
1. Tunay na usapin_______________________________________
2. Mapagmahal na Maykapal_______________________________
3. Daigdig na wasak_______________________________________
4. Nakakatakot na kalagayan________________________________
5. Nakakainis na gawi______________________________________
C. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na mga salita ang
angkop na gamitan ng pang- angkop na -ng. Isulat ang
mga ito sa mga patlang at lagyan ng pang-angkop na -ng.
BAITANG 6
A. Sipiin ang salungguhitan ang dalawang salitang pinag-uugnay ng
Png-angkop. Bilugan ang ginamit na pang-angkop.
1. Ang kulturang Pilipino ay dapat pagyamanin.
2. Masasalamin ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa tradisyong
bayanihan.
3. Ang pagmamano sa mga matatanda ay isang ugaling maganda na dapat
panatilihin.
4. Ang aking kakanyahan ng mga Pilipino ay natatangi sa mundo.
5. Taas noo nating ipagmalaki sa mundo ang kadakilaan ng lahing Pilipino.
6. Huwag nating kalimutan ang kabayanihan n gating magigiting
na ninuno.
7. Ipagbunyi natin at patuloy na pangalagaan ang dakilang
pamana ng kalayaan.
8. Mahalin at tangkilikin natin ang sariling atin.
9. Ikuwento natin an gating magiting na kasaysayan ngayon at sa
mga susunod pang salinlahi.
10. Ang pagsasalo ng mga kasapi ng pamilya kung may okasyon ay
isang katutubong tradisyon.
B. Pag-ugnayin ang dalawang salita sa bawat bilang sa pamamagitan ng pang-angkop.
1. Paa-malinis
2. Lason-mabagsik
3. Kapiraso-tela
4. Mainit-araw
5. Ulam-masarap
6. Isda-sariwa
7. Tulay-kawayan
8. Paruparo-bukid
9. Sabon-mabango
10. Puti-panyo
 
C. Punan ng tamang pang-angkop ang mga sumusunod na mga
salita.
1. Malinis_____hangin 6. Luntian_____dahon
2. Kapaligiran_____maganda 7. Malalago_____puno
3. Mabaho_____basura 8. Marumi______ tubig
4. Sariwa____gulay 9. Asul______dagat
5. Masarap_____ pagkain 10. Malago____puno

You might also like