You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin
a. Pamantayang Pangnilalaman
- Nagagmiot ng wasto ang pang angkop sa pag-uugnay ng dalawang salita
b. Pamantayang Pangganap
- Nakabubuo ng pangungusap gamit ang pang-angkop nan g at na
c. Mga kasanayan sa Pagkatuto
- Nauunawaan na ang pang-angkop ay katagang nag-uugnay sa salita at mga
salitang panuring o naglalarawan tulad ng pang-uri at pang-abay.

II. Nilalaman
Paksa: Pang-angkop
Kagamitang Panturo
Sanggunian:
- Alab Filipino 5 pahina 146
- Manwal ng Guro- pahina 134-136
Kagamitan:
Lapyop, tsart, mga larawan
C. Integrasyon
 ESP- Paggalang at pagmamalasakit sa mga magulang
 Health- Panggangalaga sa kalusugan
 Pagpapahalaga- Pagiging Maka Diyos
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral
mga bata maaaring kayo ay tumayo at
tayo ay manalangin.

Adreal, pangunahin mo ang panalangin (Pangungunahan ni Adreal ang


panalangin)
2. Pagbati
Magandang Umaga mga bata! Magandang umaga din po, Ma’am

Kamusta kayong lahat? Mabuti po Ma’am

Lahat ba kayo ay masaya sa araw na ito?


3. Pagtataya ng lumiban sa klase
4. Pagpasa ng mga takdang aralin.
Bi ba’t binigyan ko kayo ng Takdang-aralin (Opo Ma’am)
kahapon?
Pakipasa ito ng tahimik. (ang mga mag-aaral ay pinasa ang
kanilang takdang aralin)
B. Paglinang na Gawain
1. Balik Aral
Mga bata may ipapakita akong mga
larawan saiyo gusto kong ilarawan ninyo
ang bawat isa
Ano ang masasabi ninyo tungkol sa unang Ang bahay ay malaki.
larawan?

Ilarawan niyo ang batang ito. Ang bata ay payat.

Ano ito? Ilarawan. Ang mansanas ay masarap

Ano naman ang salitang naglalarawan sa Ang babae ay maganda.


babaeng ito mga bata?

2. Paghahabi ng layunin sa aralin

Paglalahad ng larawan tungkol sa


babasahing kuwento.

Masdan ninyo mga bata ang mga larawan


na nasa pisara.

Kinakain niyo ba ang mga ito? Opo Ma’am

Ano ang paborito mong kainin? Gulay po Ma’am!

Daniel bakit gulay ang gusto mong kainin? Dahil masustansya at nagbibigay sigla sa
katawan Ma’am
Tama! Kailangan nating kumain ng mga
gulay dahil nagbibigay ito ng maraming
enerhiya para maging malakas an gating
katawan.

Ikaw naman Samuel, ano ang gusto mong Hipon po Ma’am


kainin sa mga pagkain sa larawan?

Bakit naman Hipon ang iyong nagustuhan? Dahil masustansya poi to at masarap po
Ma’am
Tama! Ito ay masustansya rin at mayaman
ito sa Vitamin E. at ang vitamin E ay
mahalaga dahil nagpapalakas ng
resistensya ng katawan at nagpapasigla
rin ito ng balat at mata.

Ikaw naman Azel? Ano ang nais mong Mansanas po Ma’am


kainin sa mga yan?

Bakit mansanas ang gusto mo Azel? Kasi po masarap at mayaman sa bitamina

Tama, isa sa pinakamasustansyang prutas


ang mansanas. At mahalaga na kainin
natin ang balat ng mansanas mga bata
dahil may taglay itong pectin na
nagtatanggal ng dumi at toxins sa
katawan natin. Gaya ng magga
masustansiya rin ito dahil nakakatulong
ang mga ito para makaiwas sa sakit.

Kaya mga bata dapat ba nating kainin ang Opo


mga ito?

Bakit? Para malusog at maging malakas po ang


ating pangangatawan at makaiwas sa
sakit.
Magaling mga bata.

3. Paglalahad sa Aralin

Ano ang napansin niyo sa mga larawan


mga bata?

4. Pagtalakay sa Aralin

(Pagbasa sa kwento)
“Nakakatuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni
Inay ang mga pinamili ni Itay, ang
malalaking hipon, mabeberdeng gulay,
mapupulang mansanas, manggang hilaw. .
.hay!!! Kaya lang. . .” biglang nalungkot na
wika ni Sophie.
“Bakit ka biglang nalungkot, Sophie? Hindi
ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo
na naman ang paborito mong manggang
hilaw?” wika ni Kule.
“Kasi naman kuya, hindi ba maraming
masasamang tao ngayon sa lansangan at
sa palengke sabi ni Itay. May mga jologs
na magnanakaw, at mga buraot.
Nalulungkot ako, ayokong mapahamak
sina Inay at Itay sa kanilang pag-uwi,”
matamlay na sabi ni Sophie.

Sa ating nabasa mga bata, ano-ano ang Malalaking hipon


mga pinamalengke ni Itay? Mabeberdeng gulay
Mapupulang mansanas
Manggang hilaw
Basahin ang mga parirala mga bata. Malalaking hipon
Mabeberdeng gulay
Mapupulang mansanas
Manggang hilaw

Ano ang katagang nasalungguhitan? Ang nasalungguhitang kataga po ay ng


Ma’am

Bakit idinagdag sa naunang salita ang ng? Ginagamit ito sa pag-uugnay ng dalawang
salita.

Ngayon mga bata ano ang tawag sa Pang-angkop po Ma’am


katagang ng?

Tama, ito ay isang pang-angkop na ng at


ginagamit kapag ang salitang iuugnay ay
nagtatapos sa patinig.

Kalian ulit ginagamit ang pang-angkop na Kapag ang salitang iuugnay po ay


ng? nagtatapos sa patinig.

Ano-ano ang titik na patinig mga bata? a, e, i, o, u

Halimbawa:

Magandang Prinsesa

Sa halimbawang ito mga bata ano ang Maganda po Ma’am


salitang ginamitan ng pang-angkop?

Tama, dahil ang salitang maganda ay


nagtatapos sa sa patinig na a.

Ang na ay isa ring uri ng pang-angkop.


Basahin:
Mabait na anak
Mahal na magulang
Halimbawa:

Mataas at maayos na simbahan.

Ang na ay ginagamit kapag ang unang


salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa
katinig na n.

Ano ulit ang mga titik na katinig mga b, c, d, f, g, h, I, j, k, l, m, n, p, q, r, s, t,


bata? v, w, x, y, z.

Magbigay ng mga halimbawa ng dalawang


salita na pinag-ugnay ng pang-angkop na
na.

Ashley? Malinis na bahay Ma’am

Tama!

Isa pang halimbawa Jillian? Makipot na daan Ma’am

Magaling mga bata.

Tandaan: ang pang-angkop ay ginagamit


sa pag-uugnay ng dalawang salita.
Iniuugnay nito ang mga salita at mga
salitang panuring o naglalarawan, tulad ng
pang-uri at pang-abay.
Ito ang mga katagang ng at na.

5. Paglalahat
Pangkatang Gawain

Ngayon mga bata, hahatiin ko kayo sa


apat na grupo.

Nais kong punan ninyo ng tamang pang-


angkop ang mga parirala. Ang unang
grupong matatapos at ang grupong may
pinakamataas na makukuha ay siyang
panalo at bibigyan ko ng premyo.
Naintindihan mga bata? Opo Ma’am

Masaya__ pamilya

Kutsa__ makintab

Sampu__ bata

Mataas __ pader

C. Pangwakas na Gawain
6. Paglalapat
A. Tukuyinan mga ginamit na
pang-angkop sa bawat
pangungusap. Isulat ang
tamang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Matalik na magkaibigan ang
dalawang mag-aaral .
2. Masayang bumalik ang tatay
sa kanilang mahal na
pamilya.
3. Probinsyang mutya ang
tawag niya sa lugar na
pinagmulan .
4. Ang babaeng maganda ay
bituing marikit para sa
kaniya.
5. Mahusay na guro ang
inilagay sa klaseng maingay.

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng angkop na pang-angkop ang sumusunod na pares ng mga salita sa bawat
bilang . Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Makisig______ lalaki
2. Buhay ______ pangarap
3. Makapal______ aklat
4. Bansa______ maunlad
5. Lugar______ payapa
6. Lalaki ______ makisig
7. Minimithi ______ kalayaan
8. Aklat ______ makapal
9. Maunlad ______ bansa
10. Mabulaklak ______ hardin

V. Takdang Aralin
Sumulat ng limang pangungusap gamit ang pang-angkop na ng at na. bilugan ang
pang-ankop na ginamit.

Inhanda ni:

JUNALYN F. MARCOS
Stuent Teacher

Iwinasto ni:

STEPHANE F. PAMINTUAN
Teacher III

Binigyang-diin ni:

NELDA S. RABANG
Principal IV

You might also like