You are on page 1of 2

Nobyembre 5, 2019

Martes

I. Layunin
 Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
 Natutukoy ang pang-abay sa pangungusap.
 Nakagagawa ng pangungusap na may pang-abay

II. Paksa: Paggamit ng Pang-abay

Sanggunian: Gabay pangkurikulum, F5WG-IIIa-c-6


Mga Kagamitan: LM, metacards, laptop, manila paper

III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap.
1. Ang mga bata ay nagsasayaw sa entablado.
2. Naglakad sila patungong simbahan kaninang madaling araw.
3. Kami ay naglalaro ng basketbol nang biglang umulan.
4. Nagsusulat si Marlon ng mga liham para sa kaniyang mga kaibigan.
5. Sila ay nanood ng telebisyon sa kabilang bahay.
B. Pagganyak
Gamitin ang mga pandiwa sa balik-aral bilang susi sa panibagong aralin:

Ano ang pandiwa? Ibigay ang kahulugan.


Ano-ano ang mga pandiwa sa pangungusap?
- Nagsasayaw
- Naglakad
- Naglalaro
- Naglalaro
- Nagsusulat
- Nanood
Kung gagawin mo ang mga kilos na ito, PAANO mo ito gagawin?

Hikayatin ang ang mga bata sagutin kung paano isinasagawa ang mga kilos upang
madaling palutangin ang susunod na aralin.

Halimbawa:
Nagsasayaw (paano?)…….mahusay
*ipasagot ang iba sa bata.

C. Pagtalakay

Basahin ang maikling teksto. Hanapin ang pandiwa at ang salitang naglalarawan sa pandiwa
(pang-abay). Sa pamamatnubay ng guro

Dumalo ang mga bisita ni Mary sa kaniyang kaarawan. Maagang umalis ng bahay
ang ito upang makarating sa kanilang pupuntahan. Pagdating sa lugar na pagdarausan, maraming tao
ang mahuhusay na sumasayaw sa gitna. Lahat ng nanonood ay masayang nagpapalakpakan sa
kanilang presentasyon.
Pang-abay ang tawag sa salitang naglalarawan sa pandiwa/kilos. Tandaan na ang pang-abay
ay maaaring makita sa unahan, gitna o huling bahagi ng pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na paano.

Mahusay magluto ng kare-kare ang nanay ko.


masarap pandiwa

pang-abay

D. Pinatnubayang pagsasanay
Bilugan ang pang-abay at tukuyin ang salitang kilos/pandiwang inilalarawan.
1. Bakit siya umalis na umiiyak?
2. Kinamayan ko siya nang mahigpit bago siya sumakay ng dyip.
3. Pataligid siyang natulog sa aking higaan.
4. Ang mga bata ay masiglang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang.
5. Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan upang hindi madulas.

E. Paglalahat
Ano ang pang-abay?
Ano ang inilalarawan nito?

IV. Pagtataya
Hanapin ang pang-abay sa pangungusap. Bilugan ito at salungguhitan naman ang pandiwa.

1. Mabagal na naglakad ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.


2. Ang mga tao sa Divisoria ay malakas na nagsisigawan upang ibenta ang paninda.
3. Si Alfred ay maganang kumain ng isda at gulay.
4. Padabog na naghugas ng pinggan ang bata kaya napagalitan ng ina.
5. Si Alexon ay masayang sumunod sa bilin ng kaniyang ama kanina.

V. Takdang Aralin/Pansuportang Gawain

Bumuo ng isang maikling talata na may pang-abay na naglalarawan sa pandiwa.

You might also like