You are on page 1of 4

SCHOOL: GRADE V

LEVEL:
TEACHER: LEARNING FILIPINO
AREA:
TEACHING HUNYO 24, 2022 QUARTER 4TH QUARTER
DATE AND
TIME: 9:00 – 9:50 AM

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng
Pangnilalaman pangungusap sa pagsali sa isang
usapan (Chat). F5WG-IVf-j.13.6
B. Pamantayan ng Pagganap 1. Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng
pangungusap sa pagsali sa isang
usapan. (Chat)
C. Mga Kasanayan sa Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap.
Pagkatuto
II. NILALAMAN
Uri ng pangungusap
III. KAGAMITANG SSLM- FILIPINO 5
PANTURO Alab Filipino 5 Batayang Aklat
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Filipino 5, Ikaapat na Markahan, Ikaapat na
Guro lingo.
2. Mga Pahina sa Gabay ng
pang mag-aaral
3. Mga Pahina ng Teksbuk Alab Filipino 5 Batayang Aklat
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang PPT
Panturo Youtube:
https://www.youtube.com/results?
search_query=ibat+ibang+uri+ng+pagungusap
IV. PAMAMARAAN
A. Balik -aral sa Ang guro ay magtatanong tungkol sa
nakaraang aralin / o nakaraang aralin ng mga mag-aaral.
pagsisimula ng
bagong aralin
Ang guro ay magpapabasa sa mga mag-aaral
B. Paghahabi ng ng iba’ ibang pangungusap.
Layunin
Panuto: Basahin ang mga halimbawang
pangungusap. Pansinin ang mga bantas ayon
sa gamit.

1.Kinikilala taon-taon ang pamilyang


matagumpay. na nakasunod sa
pangangailangan ng 4Ps.
2. Kailan makakamit ng bayan ang kaunlaran?
3. Saklolo! Tulungan ninyo ako.
4. Kunin mo nga Ana ang aklat sa mesa.
5. Pakitapon mo ang mga basura Clara.

Itanong:
1. Sa mga pangungusap na binasa, anu-
anong mga bantas ang ginamit?
2. Ano ang napansin ninyo sa mga
pangungusap?

Sabihin:
- Batay sa ating binasang mga
pangugusap, ano kaya ang ating
tatalakayin gayong araw?

C. Pag-uugnay ng mga Sabihin:


halimbawa sa - Bago natin simulan ang ating aralin ay
bagong aralin sagutan muna natin ang mga
sumusunod na katanungan.

Panuto: Basahin nang may damdamin ang


iba’t ibang uri ng pangungusap.
Panuto: Ilagay ang ekis (x) sa pangungusap
na patanong, lagyan ng tsek (/) ang
pangungusap na paturol, bituin ( ) naman sa
pangungusap na padamdam, ilagay ang hugis
puso ( ) sa pangungusap na pakiusap, ,at
lagyan ng hugis tatsulok ( ) kung pasalaysay.

___ 1. Maria: Oo naman! . Ano po ba ang nais


ninyong malaman?
___ 2. Ana: Mayroon po kasi akong kaibigan
na dito sa lugar ninyo nakatira noong
nakaraang taon. May kilala po ba kayong
Sarah Rodriguez?
___ 3.Maria: Bakit mo siya hinahanap? Ang
tinutukoy mo bang Sarah ay matangkadat
balingkinitan ang pangangatawan?
___ 4. Ana: Opo. Siya nga po. Maari n’yo po
bang ituro kung alin sa mga ito ang
bahayniya?
___ 5. Maria: Lumakad ka patungo sa kaliwa
at bumilang ng tatlo. Ang ikatlong
bahaynamakikita mo ay ang tirahan nina
Sarah.
___ 6. Ana: Naku! . Maraming salamat po. Sa
wakas ay magkikita na kami ng kaibigankong
si Sarah.
___ 7. Maria: Walang anuman po. Mag - ingat
po kayo sa daan.
D. Pagtalakay ng Ang pag-aaralan natin ngayong umaga ay
bagong konsepto at tungkol sa iba’t ibang uri ng pangungusap.
paglalahad ng
bagong kasanayan
#1
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Pagsasanay 1: Gamitin ang iba’t-ibang uri ng
paglalahad ng pangungusap sa pamamagitan ng
bagong kasanayan pagtukoy kung anong uri ng pangungusap ang
sumusunod. Isulat sa patlang kung ito ay
#2
Paturol, Patanong, Pautos,Pakiusap o Padamdam.
____________1. Maari po bang magtanong?
____________2. Ang tinutukoy mo bang Sarah ay
matangkad at balingkinitan
ang pangangatawan?
____________3. Hala! Nanganak sa sasakyan ang
babae!
____________4. Walang anuman po. Mag-ingat po
kayo sa daan.
____________5. Oo naman, ‘yan ang sinasabi ko
kumain ng masustansiyang
pagkain at mag-ehersisyo tuwing umaga upang lumusog
ang
katawan.
F. Paglinang sa Itanong:
kabihasnan Ano ng aba ang pangungusap?
(Tungo sa Formative Ano-anu ang mga uri nito?
Assessment) Paano natin malalaman kung anong uri ito?

Tawagin ang mga mag-aara upang sumagot


sa mga katanungan.
G. Paglalapat ng aralin Mga Uri ng Pangungusap
sa pang-araw -araw 1. Paturol o Pasalaysay- ay isang uri ng
na buhay pangungusap na nagkukwento o
nagsasalaysay na may kumpletong
ideya, binubuo ito ng simuno at panaguri
at ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
2. Patanong- ito ay pangungusap na
nagtatanong, nagsisiyasat o naghahanap
ng sagot at nagtatapos sa tandang
pananong (?). 
3. Pautos - ay nagpapahayag ng
obligasyong dapat gawin. Ang
pangungusap na ito ay nag-uutos at
nakikiusap. Nagtatapos din ito sa tuldok
(.)
4. Pakiusap - ito ay ang pangungusap na
maaring nagsasaad ng paghingi ng
pabor. Ginagamitan ng magagalang na
salita upang makiusap. Maaring
nagtatapos sa tuldok o tandang
pananong (./?)  
5. Padamdam - ito ay nagsasaad ng
matinding nararamdaman at emosyon
katulad ng tuwa, takot, lungkot at
pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!)
H. Paglalahat ng aralin Tandaan na mayroon tayong limang (5)
mga uri ng pangungusap. Ito ay ang paturol o
pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap
at padamdam.
Ang mga pangungusap na ito ay araw araw
nating ginagamit kapag tayo ay nakikipag-
usap sa mga taong nakapaligid sa atin.

I. Pagtataya ng aralin A. Gamitin ang iba’t-ibang uri ng pangungusap


sa pamamagitan ng pagtukoy kung anong
uri ng pangungusap ang sumusunod.

________1. Maari po bang magtanong


________2. Ang tinutukoy mo bang Sarah ay
matangkad at balingkinitan ang
pangangatawan
________3. Hala Nanganak sa sasakyan ang
babae
________4. Walang anuman po. Mag-ingat po
kayo sa daan
________5. Oo naman, ‘yan ang sinasabi ko
kumain ng masustansiyang pagkain at mag-
ehersisyo tuwing umaga upang lumusog ang
katawan

J. Karagdagang Gawain Maging Malikhain!

Panuto:
 -Gumawa ng isang (1) kuwento o
usapan tungkol sa iyong matalik na
kaibigan. Ang kuwentong ito ay dapat
may nakapaloob na iba’t ibang uri ng
pngungusap.
 E send ang iyong awtput sa messenger
account ng guro.

Inihanda ni:
VANESSA C. ABEDIN
TEACHER I

Iniwasto ni:
ELENA Q. PERIA
MASTER TEACHER I

You might also like