You are on page 1of 6

GRADE 6 Paaralan LUCENA WEST IV ELEMENTARY SCHOOL Antas IKAANIM

DETAILED LESSON Guro MILDRED C. ARANAS Asignatura FILIPINO


PLAN Petsa at Oras JUNE Markahan UNA

Bilang ng Linggo WEEK 4


Bilang ng Araw DAY 3

I. LAYUNIN Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. F6PT-Id-1.14
A . Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kaalaman at pang-unawa sa paggamit nang wasto ng mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t iba
Pangnilalaman
B . Pamanatayan sa Naipakikita ng mga mag-aaral ang kakayahan sa paggamit nang wasto ng mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
Pagganap

II. PAKSANG - ARALIN Wastong Gamit ng mga Pangngalan at Panghalip sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon

A. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2.Mga pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk Pluma 6, pp. 152-155 /Supling sa Wika 6, pp. 66-71 /Pagdiriwang ng Wikang Pilipino
Landas sa Wika 6, pp. 51, 92
4.Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B.Iba pang Kagamitang PPT, plaskards, tsart, aktibiti kards, mga larawan
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Balik-aral: (Laro – Pass the Ball)
Panuto: Ipasa ang bola habang tumutugtog na nakasulat ang mga tanong tungkol sa nakaraang aralin. Ang nag-aaral na hintuan ng bola ay s
B. Pagganyak .Laro: Hulaan Mo Ako!
1.
2.

Tanong: Ano ang


nakikita ninyo sa unang
larawan?
Saan makikita ang
Kapitolyo?
Ano naman ang inilalarawan ng ikalawang larawan? Ang
ikatlong larawan? Ang ikaapat na larawan?

Basahin ang sumusunod:


Kapitolyo
Gng. Josephine Natividad
Niyugyugan
kalabaw

Tanong: Ano ang tawag sa mga salitang ito?


Alin ang tumutukoy sa tao? sa lugar? sa pangyayari? sa bagay?
Ano ang tinatawag na pangngalan? Ano ang pangngalang pantangi? Pangngalang pambalana?
C. Paglalahad at Basahin at ating suriin ang mga pangungusap.
Pagtalakay
1. Sina Marta at Julia ay makapatid.
2. Si Jessie Robredo, kalihim at ama, ay buong tapang na nanguna sa pagbuwag ng katiwalian sa pamahalaan.
3. Tatay salamat po sa inyong pagtatrabaho para sa amin.
4. Nagdulot ng pagbabago ang pamumuno ng pangulo.

Tanong: Ano ang tawag sa mga may salungguhit na mga salita?


Ano ang gamit ng mga pangngalang may salungguhit sa pangungusap?
Alin ang ginamit na paksa o simuno sa pangungusap?
Aling pangngala ang tumutukoy sa paksa o simuno?
Ano naman ang pangngalang ipinuno sa paksa o simuno?

Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap.


1. Si Mang Ambo ay masipag na tsuper.
Siya ay masipag na tsuper.
2. Ang mga mag-aaral, tindera at maggagawa ang kanyang mga pasahero.
Sila ang kanyang mga pasahero.
3. Minamaneho ni Mang Ambo ang dyipni.
Minamaneho niya ang dyipni.

Tanong: Sa unang pangungusap, alin ang pangngalan?


Anong salita ang ipinalit o inihalili sa pangngalan?
Sa ikalawang pangungusap, Alina ng pangngalan?
Anong salita ang ipinalit o inihalili sa pangngalan?
Ano ang tawag sa mga salitang siya, sila at niya?
Ano ang panghalip?
Anu-ano ang gamit ng panghalip?
D. Pinatnubayang Kooperatibong Gawain: ( 5 minuto)
Pagsasanay
Pangkatin ang klase sa 3 pangkat.
Pagbibigay ng pamantayan sa pangkatang Gawain.
Pangkat 1- Bumuo ng isang sitwasyon gamit ang mga pangngalan at panghalip. Bilugan ang mga pangngalan at guhitan ang mga panghalip na ginam
Pangkat 2 –Magpakita ng isang diyalogo gamit ang mga pangngalan at panghalip.
Pangkat 3 – Magpakita ng isang talata. Bilugan ang mga pangngalang ginamit at ikahon ang mga panghalip na ginamit.
E. Isahang Pagsasanay Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat muli ang pangungusap at palitan ng wastong panghalip.
1. Nawawala ang baong pera ni Jasmin.
__________________________________.
2. Nakakatuwa si Ana, dahil matalunging bata.
___________________________________’
3. Si Mando ay mahusay sa chess kaya nagwagi sa laro.
________________________________________.
4. Si Mildred, Reyce at Adora ay kasapi ng LCPSTA.
_________________________________________
5. Pinahahalagahan ni Gng. Permalino ang programa ng DepEd.
________________________________________________.

F. Paglalapat Pangkatang Gawain: (5 minuto)


Pagbibigay ng pamantayan sa Gawain.

Pangkat 1 – Bumuo ng isang tula na ang pamagat ay “Ako ay Pilipino”. Sabihin sa klase ang mga pangngalan at panghalip na ginamit sa tula.
Pangkat 2 - Gumawa ng isang sitwasyon; gamitin ang mga pangngalan at panghalip.
Pangkat 3 – Magpakita ng isang sitwasyon gamit ang mga pangngalan at panghalip. Isadula ito.
G. Paglalahat
Ano ang pangngalan?
Anu-ano ang gamit ng pangngalan?
Ano ang Panghalip?
Anu-ano ang gamit ng panghalip?

H. Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Bilugan ang mga pangngalan at panghalip na ginamit sa bawat sitwasyon.

1. Papunta ng paaralan si Anne at napansin niyang maitim na ang kalangitan.

2. Darating na si Mirasol na iyong kaklase upang gumawa kayo ng inyong proyekto ng utusan ka
ng nanay mo na bumili muna sa palengke.
3. Magdadala sana siya ng pagkain sa Iyam ng biglang umulan ng malakas kaya hindi siya
nakalabas ng bahay nila.
4.Nagmamadali sila sa paglalakad ng biglang may umagaw ng bag na kaniyang nanay.
5. Nalalapit na ang kasal nina Myra at Toby. Nang maaksidente sa motor na kanyang sinsakyan.
I. Takdang-Aralin Bumasa at gumupit ng isang sitwasyon sa mga babasahin. Idikit ito sa inyong kwaderno. Bilugan ang mga pngangalan at kahunan naman ang mga pan

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos ?
Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punong guro
at suberbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Isinulat ni: MILDRED C. ARANAS


Master Teacher I

You might also like