You are on page 1of 8

SEMI-DETAILED LESSON PLAN in Filipino 6

Quarter 3 Week 5

I. LAYUNIN Ang mga mag-aaral ay…


A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa
Pangnilalaman pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at
B. Pamantayan sa pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang
Pagganap makaambag sa pag-unlad ng bansa.
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri
Pagkakatuto ng pangungusap. F6WG-IVa-j-13
Isulat ang code ng
bawat kasanayan
Paggamit sa Usapan at Iba’t ibang Sitwasyon ng mga Uri
ng Panungusap

Mga Layunin:
1. Makikilala ang mga uri ng pangungusap
2. Makasusulat ng mga uri ng pangungusap na may
wastong bantas
3. Magagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang
II. NILALAMAN mga uri ng pangungusap

Integrasyon: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO,


MATEMATIKA ARTS, MUSIKA, LITERARY ARTS,
VALUING - CURRENT EVENTS/PANDEMYA

Pagpapahalaga: PAGKAKAISA AT KOOPERASYON

Mga Istratehiya: DISCOVERY LEARNING, GAME-BASED


LEARNING, EXPLICIT TEACHING

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) p. 167
Gabay ng guro

2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Edtech Tools/Apps:
Panturo Kahoot, Jamboard

EdTech Devices:
Interactive Projector, desktop, laptop, Document Camera
IV. PAMAMARAAN
Paggamit ng Laro “Parirala” o “Pangungusap”
Panuto: Pumili ng bilang sa mga tala. Tukuyin kung ito ay
parirala o pangungusap.
1. Ako ay
labis na nagpapasalamat sa
mga biyaya na aking
tinatanggap.
A. Balik-aral sa
2. Kailan kaya
nakaraang aralin
matatapos ang
at/o pagsisimula ng
pandemya?
bagong aralin
3. Sa susunod na taon

4. Nais ko nang
pumasok sa paaralan.

5. Pupunta kami sa
ilog sa Linggo.
Paghahanda at Paalaala
ni Maricel P. Ceynas,Villaflor E/S

(Isang araw nag-uusap ang magkaibigang si Pedro at si


Juan)

Juan: Napanood mo ba ang balita kahapon tungkol sa


virus?

Pedro: Oo, naku! Mukhang malala ang epekto ng virus sa


ating mga baga. Kaya mahirap ito sa mga matatanda at
mga may sakit sa paghinga.

Juan: Kaya nga eh, kailangan nating mag-ingat. Sundin


natin ang mga babala na ipinatutupad, tulad ng bawal ang
B. Paghahabi sa layunin mga handaan at pagdiriwang ng maramihan.
ng aralin
Pedro: Dumistansiya ng anim na talampakan sa bawat isa ,
magsuot ng face mask at maghugas ng kamay.

Juan: Madali lang ang gagawin para tayo ay ligtas. Kaya


gawin natin para maganda ang kapupuntahan.

Pedro: Tama, para sa pamilya natin at para sa ibang tao.

21st Century Skills: Critical Thinking


(Pagsagot ng HOTS questions)

TANONG:
1. Tungkol saan ang diyalogo?
2. Bakit kailangang sundin ang mga nabanggit na
babala?
3. Paano natin maililigtas ang ating pamilya mula sa
virus

C. Pag-uugnay ng mga Pagtalakay sa napapanahong issue/Current Events


halimbawa sa Valuing
bagong aralin Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang
na hango sa binasang usapan.

1. Napanood mo ba
‘yong balita kahapon
tungkol sa virus?

2. Naku! Mukhang
malala ang epekto
ng virus sa ating mga
baga.
3. Sundin natin ang
mga babala na
pinatutupad.
4. Madali lang ang
gagawin para tayo
ay ligtas.

Panuto: Sagutin ang mga sumsunod na katanungan.


1. Sa mga nakatalang pangungusap sa bawat bilang sa
itaas, alin-alin dito ang mga pangungusap na
nagsasalaysay? Nagtatanong? Nag-uutos? Nagpapahayag
ng damdamin?

2. Ano ang bantas na ginamit sa pangungusap na


nagsasalaysay? Nagtatanong? Nag-uutos? Nagpapahayag
ng matinding damdamin?

3. Ano-ano ang mga uri ng pangungusap na ginamit sa


usapan?

D. =Pagtalakay ng 21st Century Skills:


bagong konsepto at Communication, information, and media literacy
paglalahad ng
bagong kasanayan Numeracy/Discovery Learning
#1 Paggamit ng laro “HANAP SALITA”
Malayang Talakayan
Iba-iba ang mga uri ng pangungusap na maaaring gamitin
sa usapan at sa iba’t ibang sitwasyon. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay pangungusap na ginagamit sa paglalarawan,
pagkukuwento, pagsasabi at pagsasalaysay ng isang
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking letra at nagtatapos
sa bantas na tuldok. (.)

Halimbawa: Madali lang ang ating gagawin para tayo ay


maligtas.

2. Patanong
Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong.
Nangangailangan ito ng kasagutan. Nagsisimula ito sa
malaking letra at nagtatapos sa bantas na tandang
pananong. (?)
Halimbawa: Napanood mo ba ang balita tungkol sa virus?

3. Padamdam
Ito ang tawag sa uri ng pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin tulad ng takot, tuwa, gulat at iba pa.
Nagsisimula sa malaking letra at ginagamitan ng tandang
pandamdam (!) ang pangungusap na ito. Ito ay maaaring
isang salita lamang o ekspresyon na maaaring maunawaan
agad.

Halimbawa: Naku! Mukhang malala ang epekto ng virus sa


ating baga.

4. Pautos
Ito ay pangungusap na nag-uutos. Nagsisimula sa malaking
letra at nagtatapos din sa bantas na tuldok. (.)
Halimbawa: Sundin natin ang mga babala na pinatutupad

5. Paki-usap
Ito ay pangungusap na nagpapakita ng paghingi ng pabor
mula sa iba nang magulang. Gumagamit ito ng ekspresyon
na paki, pwde, maaari. Nagsisimula sa malaking letra at
nagtatapos din sa bantas na tuldok (.) Minsan ito ito
nagtatapos din sa tandang pananong.

Halimbawa:
Puwede ba akong humingi ng pagkain sa iyo?

E. Pagtalakay ng Paggamit ng laro gamit ang Kahoot


bagong konsepto at Panuto: Piliin ang gusto mong pagkain o inumin. Basahin
paglalahad ng ang mga sumusunod na pangungusap na katumbas nito.
bagong kasanayan Kilalanin ang uri ayon sa gamit kung ito ay pasalaysay,
#2 pautos, pakiusap, patanong o padamdam.

1. Ilang jeepney driver ang piniling bumiyahe na ngayong


ikalawang araw ng transport strike.
2. Naku! Napakamahal naman ng halaman na iyan.
3. Saan mo nabili ang matabang lupa na ginamit mo sa
pagtatanim?
4. Maaari ba ninyo kaming tulungang magdilig ng mga
halaman
gamitsa ating gulayan?
6. Aray! Natusok ako ng tinik ng rosas.

Paggamit ng Laro “I-wasto Mo!”


Panuto: Isulat nang wasto ng may tamang bantas at
paggamit ng malaking letra ang mga sumusunod na
pahayag.
1. aking pinakahihintay ang nalalapit na bakasyon
2. yehey maliligo kami sa dagat ngayong kaarawan ng ate
ko
3. sino-sino kaya sa mga kaibigan ko ang aking
makakasama sa pamamasyal
4. mag-ihaw ka ng isang matabang bangus para kay tatay
5. masarap mag picnic sa bukid kasama ang pamilya

21st Century Skills: Collaboration

Paglalapat ng Differentiated Instruction/Activities


Pangkatang Gawain

PANGKAT 1 DIYALOGO
Panuto: Gumawa ng isang diyalogo gamit ang mga uri ng
pangungusap sa skrip (script) nito.

PANGKAT 2 MUSIKA
Panuto: Gumawa ng isang awitin gamit ang mga uri ng
pangungusap bilang lirika (lyrics) nito.

PANGKAT 3 LITERARY ARTS


Panuto: Gumawa ng isang tula gamit ang mga uri ng
pangungusap bilang nilalaman nito.

PANGKAT 4 PAGBABASA
F. Paglinang sa
Panuto: Basahin ang usapan. Kulayan ang mga
kabihasnan
pangungusap ayon sa uri nito. Sundan ang palatadaan sa
(Tungo sa Formative
ibaba.
Assessment)
Pasalaysay Patanong Padamdam Pautos Paki-usap

21st Century Skills: Critical Thinking


Paglalapat ng Higher Order Thinking Skills
Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Pagpapahalaga:
Itanong:
-Nagustuhan ninyo ba ang inyong ginawa?
-Madali ba ang inyong ginawa?
-Bakit kaya ito naging madali? *HOTS
Dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan

Integrasyon sa Matematika*
Katanungan:
- Ilang uri ng pangungusap ang pinag-aralan sa aralin
ngayong araw?

G. Pag-uugnay sa pang Paggamit ng Laro “Punan Mo!”


araw-araw na buhay (gamit ang Jamboard)

Panuto: Punan ang patlang batay sa iyong natutuhan sa


aralin. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
tandang pananong pasalaysay
usapan patanong
sitwasyon Pautos
tandang padamdam paki at maki
padamdam takot
Ang mga uri ng pangungusap ay maaring gamitin sa
(1)__________ at sa iba’t ibang (2)_______________.
(3)_______________ ang tawag sa pangungusap na
ginagamit sa paglalarawan, pagkukuwento at pagsasabi ng
isang pangyayari. Ginagamit sa pagtatanong ang
pangungusap na (4)______________.Ito ay nagsisimula sa
malaking letra at nagtatapos sa bantas na
(5)_________________. Ang (6)____________ ay tawag
sa uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin tulad ng (7)_______________, tuwa, gulat at iba
pa. Gumagamit ito ng (8)__________________.
(9)________________ang tawag sa uri ng pangungusap na
nag-uutos at nagtatapos sa tuldok. Gumagamit ng
ekspresyon ng (10)_____________ ang magalang na pag-
utos.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang iyong natutuhan ngayong araw?

Panuto: Gumamit ng angkop na pangungusap upang


mabuo ang usapan.
1. Ken : Trisha, pupunta kami ng Anawangin Cove sa
Linggo. ___________________________ (patanong)
Trisha : Hindi siguro, marami akong gagawin.

2. Aldrin :____________________________(padamdam)
Jimrey : Bakit siya nahulog sa puno?
I. Pagtataya ng Aralin
3. Carla : Nais ko nang pumasok sa paaralan.
Yanna :___________________________(pasalaysay)

4. Ed : Ron, malapit na ang aking kaarawan.


_____________________________________ (pautos)
Ron : Salamat sa imbitasyon.

5. Allen :____________________ (padamdam) Ganito pala


ang pakiramdam.
Niel: Binabati kita. Dahil sa sipag mo, nakamit mo ang
iyong minimithi.

Panuto: Gumawa ng tig-tatatlong (3) halimbawa ng


pangungusap na pasalaysay, patanong, padamdam, paki-
J. Karagdagang gawain usap at pautos. Isulat ito sa iyong kwaderno.
para sa takdang
aralin at remediation

Prepared:
RACHELLE ANN C. PAYABYAB
Teodoro P. Tinio Elementary School
Teacher III

Observers:

YVETTE ROSARIO ANNALI S. BATUL


Principal I

ANASTACIA NIMFA P. AQUNIO, EdD


Cluster 4 PSDS

ROCHELLA C. DAVID
EPS I - Filipino

You might also like