You are on page 1of 5

HEKASI VI

Date:

I- Nabibigyang konklusyon na ang isang bansang Malaya ay may soberanya


II- Katangian ng Isang Bansang Malaya at may Soberanya
Kagamitan: tsart, sagisag ng pagiging Malaya ng Pilipinas
Sanggunian: BEC/PELC Handbook
Yaman ng Pilipinas 6, pp. 127-128
III- A. 1. Pagtsek ng takdang-aralin
2. Balik-aral:
- Anu-ano ang mga kahalagahan ng pagtamasa ng kalayaan at karapatan?
Magbigay ng mga halimbawa.
3. Pagtingin sa isang larawan na may nakaguhit na isang larawan ng logo o
sagisag.
Sabihin: Pagmasdang mabuti ang simbolo ng kalayaan ng bansang Pilipinas.
- Anu-ano ang mga bagay na makikita sa logo?
- Alam mo ba na may kahulugan ang bawat isa nito?
- Ano ang inilalarawan ng leon? Araw at mga bituin?
- Ano naman ang kahulugan ng Republika ng Pilipinas?
B. 1. Punan ang tsart na ito. Gamitin ang aklat bilang sanggunian.

KATANGIAN NG BANSANG MAY HALIMBAWA


SOBERANYA
Kapangyarihang Pamahalaan ang Bansa

Kapangyarihang Makapagsarili

2. Pagtalakay:
a. Ano ang soberanya? Ang Pilipinas ba ay nagtataglay ng soberanya? Bakit?
b. Ano ang dalawang katangian ng pagiging Malaya ng Pilipinas o bansang
may soberanya?
3. Sabihin:
Ang logong ipinakita kanina ay nagpapakilala ng isang pagiging Malaya.
May pamahalaan at kapangyarihan na ang Pilipinas katulad ng ibang bansang
Malaya sa buong mundo. Ang sobrranya ay ang pangunahing sangkap na
nagpapakilala ng pagiging Malaya ng isang bansa. Ito ang katas-taasang
kapangyarihang umiiral sa bansa.
C. Paglalahat:
-Ano ang kahalagahan ng soberanya? Ano ang katangian ng pagiging Malaya ng
bansang may soberanya?
D. Paglalapat:
- Masasabi bang swerte ang mga tao sa henerasyon ngayon sapagkat tayo ay nasa
isang bansang Malaya na nagtataglay ng soberanya? Ano ang magandang naidudulot
ng isang bansang Malaya?
IV- Pagtataya:
Isulat ang hinihinging sagot sa bawat bilang.
1. Ito ang kapangyarihang kaya ng isang bansa na tumayo sa sariling mga paa na
hindi kailangan ang tulong ng mga dayuhan.
2. Ito ay nagpapakilala ng pagiging Malaya ng isang bansa.
3. Ito ay kapangyarihang mag-aangat at magsusulong sa buong bansa tungo sa
kaunlaran, kapayapaan at kalusugan.
4. Ito ang sumasagisag sa pagsakop ng Pilipinas ng mga Kastila sa loob ng mahigit
na 300 taon.
5. Ito ang salita na nangangahulugan na ang Pilipinas ay mayroong kalayaan at
soberanya o kapangyarihan na iginagalang ng ibang bansa.
V- Takdang-aralin:
Magsaliksik kung paano nakamit ng bansang Pilipinas ang ganap na kalayaan.
Isulat ito sa isang buong papel.
HEKASI VI
Date:

I- Naipapaliwanag ang kahalagahan ng panloob na soberanya (internal sovereignity) ng


bansa
II- Kahalagahan ng Panloob na Soberanya
Kagamitan: cartolina at pentel pen
Sanggunian: BEC/PELC Handbook
Yaman ng Pilipinas 6, pp. 128-129
III- A. 1.Pagtsek ng takdang-aralin.
2. Balik-aral:
- Ano ang soberanya? Ano ang dalawang katangian ng pagiging Malaya ng
bansang may soberanya? Ilarawan at magbigay ng halimbawa sa bawat isa.
Ano ang kahalagahan ng soberanya?
3. Sabihin: Natalaky natin ang kahulugan at katangian ng soberanya. Alam nyo
bang may dalawang uri ng soberanya?
B. 1. Pagtingin sa nakapaskil sa pisara.
SOBERANYANG PANLOOB
- Kapangyarihang mamuno at magpatupad ng mga kautusan at mga batas sa
lahat ng mga mamamayan o nasasakupan sa loob ng Pilipinas.
2. Pagbasa ng ilang bata. Pagtanong kung ano ang pagkakaintindi nila ditto.
Pagbibigay ng ilang karagdagang impormasyon tungkol dito.
3. Pagtalakay:
a. Ano ang kapangyarihang taglay ng Soberanyang Panloob?
b. Ano ang kahalagahan ng Soberanyang Panloob?
c. May alam ka bang halimbawa o pangyayari sa ating bansa kaugnay dito?
C. Paglalahat:
- Ano ang kahalagahan ng Soberanyang Panloob?
D. Paglalapat:
- Sa loob ng 3 minuto, bumuo ng isang maikling talata na nagsasaad ng
kahalagahan ng Panloob na Soberanya.
IV- Pagtataya:
Sagutin kung TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat
bilang.
_____1. Sa Mindanao matatagpuan ang huling islang inangkin sa Pilipinas.
_____2. Ang soberanyang panloob ay ang kapangyarihang mamuno at magpatupad
ng mga kautusan at mga batas sa labas ng Pilipinas.
_____3. Ang pangulo ay may karapatan na linangin at gamitin o isaayos ang lahat
na pinagkukunan ng yaman sa loob ng teritoryo.
_____4. Maaaring pakialaman ng ibang bansa ang yaman sa loob ng teritoryo ng
Pilipinas.
_____5. Ang Spratlys Island ay mga mumunting islang karatig ng Tawi-tawi sa
Mindanao na inaangkin ng China, Taiwan, Malaysia, Brunei at Vietnam.
V- Takdang-aralin:
Sagutin at gawin ito sa kalahating bahagi ng papel. Humanda sa paglalahad nito sa
klase.
-Ano ang mangyayari kung maaaring mangialam ang ibang bansa sa mga yaman
na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas?
HEKASI VI
Date:

I- Naipapaliwanag ang kahalagahan ng panlabas na soberanya (external sovereignity)


ng bansa.
II- Panlabas na Soberanya
Kagamitan: Tsart, cartolina, pentel pen
Sanggunian: BEC/PELC Handbook
Yaman ng Pilipinas 6, pp. 128-129.
III- A. 1. Pagtsek ng takdang-aralin.
2. Balik-aral:
- Ano ang panloob na soberanya? Ano ang kapangyarihan nito? Ano ang
kahalagahan ng panloob na soberanya?
3. Pagpaskil sa pangalawang uri ng soberanya?
B. 1. Pagbasa ng nakapaskil sa pisara.
SOBERANYANG PANLABAS
- Ito ang kapangyarihang maging Malaya sa pagsupil o panghihimasok ng mga
dayuhan. Hindi maaaring saklawin o panghimasukan ng ibang bansa ang
pamamahala sa Pilipinas.
2. Pagtalakay:
a. Ano ang soberanyang panlabas?
b. Ano ang kapangyarihan ang tinataglay ng soberanyang panlabas?
c. Ano ang kahalagahan nito?
3. Magbigay ng karagdagang kaalaman o impormasyon sa soberanyang panlabas.
Magbigay ng pangyayari kaugnay dito sa ating bansa.
C. Paglalahat:
- Ano ang kahalagahan ng Soberanyang Panlabas?
(nakapagsasarili, may karapatan at mga pribilehiyo sa ilalim ng pandaigdig na
mga batas, nakikipag-ugnayan sa ibang bansa).
D. Paglalapat:
-Sumulat sa papel ng kahalagahan ng Soberanyang Panlabas. Magbigay ng
ilang pangyayari kung mayroon. Ilahad ito sa klase.
IV- Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ito ang kapangyarihang maging Malaya sa pagsupil o panghihimasok ng mga
dayuhan.
2. Ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng mabuti at malusog na pakikipag-
ugnayan sa mga bansang maunlad at papaunlad pa lamang?
3-5. Ibigay ang tatlong kahalagahan ng soberanyang panlabas.
V- Takdang-aralin:
Isulat sa kalahating bahagi ng papel ang pagkakaiba ng Soberanyang Panloob
at Soberanyang Panlabas.

You might also like