You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Davao
Lungsod ng Davao
Purok ng Marilog A
MARILOG CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO (BAITANG 5)

Petsa: May 11, 2023 Quarter 4 Week 2

I. Mga Kasanayang Pampagtuturo/Tunguhin/Pamantayan


Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
napakinggan.
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

Pagganap Nakasusulat ng ulat tungkol sa binasa o napakinggan.


Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan pagkukuwento , pagsulat ng tula at kuwento.
Kasanayang F5WG-IVa-13.1
Pampagtuturo F5WG-IVb-e- 13.2

a. Nakakikita ng pagkakaiba at nakatutukoy sa mga uri ng pangungusap ayon


sa gamit;

b. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-talastasan


tungkol sa isang isyu.

c. Nakakagawa ng mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.

II. Nilalaman Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

F5WG-IVa-13.1
F5WG-IVb-e- 13.2

Integrasyon: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO, MATEMATIKA ,


HEALTH

VALUING - CURRENT EVENTS/PANDEMYA

Pagpapahalaga: PAGKAKAISA AT KOOPERASYON

Mga Istratehiya: DISCOVERY LEARNING, GAME-BASED LEARNING,


EXPLICIT TEACHING
Indicator 2
RESEARCH-BASED:7E’S (Developd by Eisenkraft(2003) as an
Used research-based expansion of the 5E Model, the 7E Model is a learning cycle
knowledge and composed of seven steps namely elicit, engage, explore, explain,
principles of teaching elaborate, evaluate and extend)
and learning to
enhance professional
practice
III. Proseso ng Pagtuturo at Pagkatuto
Tuklasin  Panimulang Gawain
Panalangin
Elicit Pagbati
Pagpapaalala sa mga alituntunin sa klase
Indicator4

Establish safe and


secure learning
environment to
enhance learning
through the consistent
implementation of
policies, guidelines and
procedures

 Balik-aral
Tukuyin kung ang bahagi ng pangungusap ay simuno o panaguri.
Bilugan ang simuno at lagyan ng linya ang panaguri.

1. Ang bata ay naglilinis ng dyip.

2. Dumating ang ina niya.

3. Ang maysakit ay pinaiinom ng nars ng gamot.

4. Ang kaminero ay nagwawalis sa kalsada.

5. Tinulungan ng pulis ang matandang babae sa pagtawid.

*Ipaliwanag kung ano ang pangungusap.


*Pangungusap- lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng ang simuno at
panaguri.

 Paghahawan ng balakid

Engage Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salita/pariralang may salungguhit.


Piliin ang sagot o salitang kasingkahulugan sa kahon at isulat ito sa
nakalaang patlang.

 Pagganyak na tanong

Magtanong:
Para sa iyo, ano ang kaibigan?
Explain Ikaw may kaibigan ka ba?
Ilan ang kaibigan mo?
Bakit kailangan natin ng kaibigan? HOTS
Mahal mo ba siya?

((Manuod ng kuwento tungkol sa magkaibigan at magtanong tungkol dito)

“Bakit laging nag – aaway ang aso, pusa at daga?”


*Magpakita ng mga pangungusap na nangyari sa kuwentong binasa at talakayin
ito.
Pansinin ang mga pangungusap na ginamit sa kuwento.

Ang aso, pusa at daga ay magkakaibigan.


Kunin mo ang buto.
Maari mo bang kunin ang buto?
Ang aso, pusa at daga ay magkakaibigan.
Naku! Nawawala ang buto na dinala ng aso.

MGA URI NG PANGUNGUSAP ayon sa GAMIT


Pasalaysay -Pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay. Ito ay
nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Ang aso, pusa at daga ay magkakaibigan.
Pautos -Nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din ito
sa tuldok (.).
Halimbawa: Kunin mo ang buto.
Pakiusap -Pangungusap na maaring nagsasaad ng paghingi ng pabor.
Ginagamitan ng magagalang na Salita upang makiusap. Maaring
nagtatapos sa tuldok o tandang pananong (./?)
Halimbawa: Maari mo bang kunin ang buto?

Patanong - pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at


nagtatapos sa tandang pananong (?).
Halimbawa: Magkakaibigan ba ang aso, pusa at daga?
Padamdam - Nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa, takot o
pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang panamdam (!) .
Halimbawa: Naku! Nawawala ang buto na dinala ng aso.

 Panlinang na Gawain (Game-base Learning)Ipakita mo!


Indicator 3
Itaas ang kamay at ipakita ang kung pasalaysay, kung patanong,


Use effectiveverbal and
non-verbal classroom
communication kung pautos, kung Pakiusap at kung padamdam
strategies to support
pagsasagot.. Tukuyin din kung anong bantas ang angkop sa pangungusap.
learner understanding,
participation,
__1. Ang mga mata ni Lola ay malabo na
engagement and
__ 2. Saan kayo nkatira
achievement.
__ 3. Magluto ka na
__ 4. Naku, nahulog ang bata
__ 5. Pakibigay naman nitong libro sa iyong guro

Explore  Pangkatang Gawain

Indicator 5 Pamantayan sa pangkatang gawain


1. Pumunta sa kapangkat ng tahimik
Maintain learning 2. Magsalita ng mahinahon
environments that 3. Basahin ng mabuti ang panuto
promote fairness,
4. Makilahok sa gawain ng iyong pangkat.
respect and care to
5. Tapusin ang gawain sa itinakdang oras
encourage learning

Panuto: Gamitin sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng


Indicator 7 pangungusap.
Apply a range of successful Pangkat 1- Sumulat ng mga pangungusap ayon sa gamit na binabanggit tungkol sa
strategies that maintain sumunod na paksa. Isaalang-alang ang paggamit ng wastong bantas.
learning environments that  Pagpapanatili ng mabuting ugnayan ng magkakaibigan
motivate learners to work Pasalaysay: ______________________________________
productively by assuming Patanong:____________________________________
responsibility for their own Pautos/Pakiusap:_____________________________
learning Padamdam:__________________________________

Indicator 6 Pangkat 2- Sumulat ng mga pangungusap ayon sa gamit na binabanggit tungkol sa


sumunod na paksa. Isaalang-alang ang paggamit ng wastong bantas at ipepresenta sa
Maintain learning harapan ng klase ng patula.
 Pagpapanatili ng mabuting ugnayan ng magkakaibigan
environments that
Paturol: ______________________________________
nurture and inspire Patanong:____________________________________
learners to participate, Pautos/Pakiusap:_____________________________
cooperate and Padamdam:__________________________________
collaborate in
continued learning.

Indicator 9

Adapt and use culturally


appropriate strategies
to address the needs of
learners from
indigenous group
Indicator 1
Pangkat 3- Punan ang mga hinihinging impormasyon sa “Bintana ng Pag-unawa” at
Apply knowledge of kakantahin ninyo ang iyong gawa sa harapan ng inyong kaklase.
Indicator 8
content within and
Design,
acrossadapt and
curriculum
implement teaching
teaching areas
strategies that are
responsive to learners
with disabilities,
giftedness and talents
*Ipakita sa harapan ng klase ang ginawang gawain.

Linangin (Firm-up)  Paglalapat


(Upang malinang pa nang husto ang aralin,magbibigay ang guro ng gawain tungkol sa
araling tinalakay.)

Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit ng mga sumusunod. Ihanay sa


bawat uri nito.

Pasalaysay Patanong Pautos Pakiusap Padamdam

1. Pakiusap naman matulog kayo nang maaga.


2. Sino ang kausap mo?
3. Hala! Nawala ang pera ko!
4. Tahimik ang paligid.
5. Sasama ka ba sa akin sa Baguio?
6. Labhan mo ang mga damit ko.
7. Aray, kinagat ako ng langgam!
8. Wow! Ang linis ng bakuran!
9. Mahalimuyak ang sampaguita.
10. Maaari bang humingi ng kaunting pagkain?
Palalimin Deepen)  Paglalahat
Itanong:
Elaborate Kailan ginagamit ang pangungusap na
pasalaysay? Patanong? Padamdam? Pautos/
Pakiusap?

Ilipat (Transfer) Sagutin ang mga sumusumod.

Evaluate Ano ang uri ng mga sumusunod na pangungusap?


Isulat ang PS kung pasalaysay, PT kung patanong, PU kung pautos, PK kung
Pakiusapat PD kung padamdam sa patlang bago ang numero. Lagyan ng tamang
bantas. Gawin ito sa saguting papel.

__1. Masayang – masaya ako ngayon


__2. Handa ka na bang umalis
__3. Pakiabot ng aking aklat
__4. Sino ang kausap mo
__5. Naku, nakakahilo pala kapag papalipad na ang eroplano

Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng mga uri ng pangungusap sa inyong kuwaderno tungkol sa mga
Extend gawain ninyo sa bahay.

Pagninilay
(Reflection)
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy sa
remediation

Inihanda ni: CRISTINE C. SALVA


Teacher III/Ratee

Sinuri ni: FARRA C. VIOVICENTE


Master Teacher I/Rater

Pinagtibay:

BRIAN B. BANZON
Principal I

You might also like