You are on page 1of 3

LESSON PLAN IN HEALTH 5

Quarter 4 Week 6

A. Content Standard
The learner demonstrates an understanding of basic first-aid principles and procedures for
common injuries.

B. Performance Standard
The learner practices appropriate first aid principles and procedures for common injuries.

I. Objective
Discusses basic first aid principles.
(H5IS-IVb35)

II. Paksang Aralin: Panuntunan ng Pangunang Lunas


Sanggunian: Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, pah. 204-206
Kagamitan: video clip, tsart, pptx.,

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang paunang lunas?
2. Anu-ano ang mga layunin ng paunang lunas?

B. Pagganyak
Magpakita ng video clip ng isang aksidente. Hingin ang opinyon ng mga mag-
aaral tungkol dito.

C. Paglalahad
Pangkatang Gawain:
1. Ang mga panuntunan sa pangunang lunas ay nakasulat sa tsart at
nakalagay sa iba’t ibang istasyon.
2. Babasahin ng bawat pangkat ang nakasulat at isusulat ang mahalagang
ideya na nakuha nila rito.
3. Tumawag ng isang kasapi sa bawat pangkat upang iulat ang kanilang
sagot.
4. Talakyin ang sagot ng bawat isa.

D. Pagpapalalim
Ipalaro ang Roll-the-Dice.
1. Magpapatugtog habang ipinapasa ang dice.
2. Kapag huminto ang tugtog, ang batang may hawak ng dice ang
magpapagulong nito.
3. Ang katapat na tanong sa numero ng dice ay dapat niyang sagutin.

E. Paglalahat
Anu-ano ang mga panuntunan sa pangunang lunas? Bakit kailangang sundin
ang mga ito?
F. Integrasyon sa ibang Asignatura
Magbigay ng pangungusap na pautos tungkol sa mga panuntunan sa paunang
lunas.

G. Paglalapat
A. Isadula ang mga sitwasyon.
a. Binalinguyngoy ang isa mong kaklase. Ano ang inyong
gagawin?
b. Nilalagnat ang isa nyong kaklase habang ang isa ay
biglang nahimatay. Ano ang inyong gagawin?
ii. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag ng pangungusap, at MALI kung hindi wasto.
1. Unang isaalang- alang ang kaligtasan ng taong napinsala.
2. Magsagawa muna ng pagsusuri bago maglapat ng pangunang lunas.
3. Maglapat ng pangunang lunas kahit walang sapat na kaalaman.
4. Tiyaking ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima.
5. Hilahin sa ligtas na lugar ang biktima.

H. Pagtataya
Sagutin ang mga tanong.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga panuntunan sa pangunang
lunas?
A. Sumugod agad sa pinangyarihan ng sakuna at iligtas ang biktima.
B. Magsagawa ng pangunang pagsusuri.
C. Isagawa ang madaliang kilos.
2. Bakit dapat nating sundin ang mga panuntunan sa pangunang lunas?
A. Upang tayo ay maging sikat.
B. Upang pasalamatan tayo ng biktima.
C. Upang mailigtas natin nang maayos ang biktima.
3. Bakit kailangang suriin ang lugar bago lapitan ang biktima?
A. Upang makita nang malapitan ang biktima.
B. Upang malaman kung ligtas ang lugar sa pagbibigay ng pangunang
lunas.
C. Upang malaman kung may kayamanan sa lugar na maaaring
pakinabangan.
4. Ano ang maaaring mangyari kung hindi pag-iisipan ang pagbibigay ng
pangunang lunas sa mga biktima ng sakuna o aksidente?
A. Maiiligtas natin ang biktima.
B. Mabibigyan tayo ng award.
C. Lalaki ang pinsala ng biktima.
5. May kaklase kang nahimatay sa loob ng silid-aralan at wala kang
kaalaman sa pagbibigay ng pangunang lunas. Anong gagawin mo?
A. Hihingi ako ng tulong sa mas nakatatanda sa akin.
B. Papaypayan ko siya nang papaypayan hanggang magising.
C. Iiwanan ko na lang siya sa loob ng aming silid aralan.

I. Takdang Aralin
Magsaliksik ng pangunang lunas sa mga sumusunod na sakuna:
1. Sugat
2. Nose bleed
3. Pagkahilo
4. Lagnat
5. Kagat ng insekto

Inihanda ni:

MERLYSA A. MENDOZA
Guro III

02/19/2020

You might also like