You are on page 1of 4

A Semi-Detailed LESSON PLAN in HEALTH 5

Duration:
DLP No.: 1 Learning Area: HEALTH Grade Level: 5 Quarter: 1st
40 minutes
Learning Code:
Describes mentally, emotionally, and socially healthy person
Competency/ies: H5PH-Iab-10
Key Concepts /
Understandings to be Ang mga katangian ng isang taong may kalusugang mental, emosyonal, at sosyal
Developed:
Objectives
Knowledge Nakikilala ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at sosyal.

Skills Nasisiyasat ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at sosyal.

Napapahalagahan ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at


Attitudes
sosyal sa pamamagitan ng pagsulat ng isang maikling repleksiyon.

Values Kamalayan sa sarili at disiplina

1. Content/Topic Kalusugang Pansarili (Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal)


2. Learning Resources/
Gatchalian, Helen G., Ramos, Gezyl G., Yap, C. Johannsen. Masigla at Malusog na
Materials /
Katawan at Isipan. 5. Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2016
Equipment
3. Procedures (indicate the steps you will undertake to teach the lesson and indicate the no. of minutes each step will
consume)
A. Panalangin
B. Pagtsek ng Attendance
C. Pagtsek ng kasunduan (optional)
D. Paghawan ng mga balakid na salita
Pagganyak na tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at sosyal?
- Ipaskil sa pisara ang larawan ng taong masaya at malungkot
4.1 Introductory
Activity
(3 minutes)

Itanong: Sa iyong palagay bakit masaya ang bata sa unang larawan?


Bakit malungkot ang bata sa ikalawang larawan?

4.2 Activity Pangkatang Gawain


(7 minutes) Hatiin ang mga bata sa tatlong pangkat. Batay sa mga katangian ng taong may kalusugang
mental, emosyonal at sosyal, isagawa ang mga sumusunod:
Unang pangkat: Gumawa ng isang maikling awitin na tungkol sa mga katangian ng taong
may kalusugang mental.
Ikalawang pangkat: Gumawa ng isang tula na tumutukoy sa mga katangian ng taong may
kalusugang emosyonal.
Ikatlong pangkat: Gumawa ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng mga katangian ng taong
may kalusugang sosyal.

Ano-ano ang mga katangian ng taong may kalusugang mental, emosyonal at sosyal?

4.3 Analysis Gumawa ng isang maikling repleksiyon batay sa tanong na ito: Bakit mahalaga sa isang
(5 minutes) indibidwal na magkaroon ng kalusugang mental, emosyonal at sosyal?
Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Katangian ng Taong May Kalusugang Mental


1. Paggawa ng desisyon
2. Pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin
3. Pagpapahayag ng mga kailangan
4. Pagnanais na makagawa ng solusyon sa bawat kinakaharap na problema

Katangian ng Taong May Kalusugang Emosyonal


1. Maging masaya o magkaroon ng dahilan/kakayahang pasayahin ang sarili
2. Kakayahan na mapanatili ang magandang relasyon ng mga taong nakakasama
3. Pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa sarili
4. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
5. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
6. Kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao
7. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay
8. Walang tinatagong lihim o walang pagkukunwari
4.4 Abstraction 9. Kakayahang tanggapin ang mga limitasyon sa lahat ng pagkakataon
(7 minutes) 10. Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa positibong
pamamaraan

Katangian ng Taong May Kalusugang Sosyal


1. Palakaibigan
2. Bukas sa pakikipagkomunikasyon
3. Marunong makisalimuha sa iba’t ibang uri ng tao
4. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa-tao
5. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba
6. Kayang harapin at lutasin ang mga suliranin o tensyon
7. May tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya
8. May paggalang sa nararamdaman ng kapwa
9. Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng kaibigan, kamag-aral, o
katrabaho
10. Marunong makinig at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa

4.5 Application Pangkatang Gawain


Ibibigay ng guro ang mga panuntunan sa bawat pangkat.
Unang Pangkat: Magtala ng tatlong (3) katangian ng taong may Kalusugang Mental
Katangian ng Taong May
Kalusugang Mental

Ikalawang Pangkat: Magtala ng tatlong (3) katangian ng taong may Kalusugang Emosyonal
Katangian ng Taong May
Kalusugang Emosyonal

(8 minutes)

Ikatlong Pangkat: Magtala ng tatlong (3) katangian ng taong may Kalusugang Sosyal
Katangian ng Taong May
Kalusugang Sosyal

Repleksyon
Ipasulat sa kwaderno ang sagot sa tanong na ito:
Paano mo pahahalagahan ang iyong kalusugang mental, emosyonal at sosyal?

4. Assessment (indicate whether it is thru Observation and/ or Talking/conferencing to learners and/or Analysis of
Learners’ Products and/or Tests) 10 minutes
Panuto: Isulat ang KM kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagsasaad ng kalusugang
mental, KE kung kalusugang emosyonal at KS kung kalusugang sosyal. Isulat ang
sagot sa patlang.
______ 1. Si Anna ay hindi sumusuko sa mga pagsubok na dumadating sa kanyang buhay.
Test ______ 2. Ako ay may positibong pananaw sa buhay.
(5 minutes) ______ 3. Isang masayahing bata si Lino kaya marami siyang kaibigan.
______ 4. Tinanggap ni Roel ng maluwag sa kalooban ang mga payo na ibinigay sa kanya
ng kaniyang guro.
______ 5. Si Darryl ay sumali sa patimpalak sa pagkanta dahil siya ay may tiwala sa
kanyang sarili.

5. Assignment (indicate whether it is for Reinforcement and /or Enrichment and/or Enhancement of the day’s lesson
and/or Preparation for a new lesson) 2 minutes
Preparation for a new
Magtala sa kwaderno ng tig-tatlong (3) paraan upang mapanatili ang iyong mental,
lesson
emosyonal at sosyal na kalusugan.
(2 minutes)
6. Wrap-Up/ Ang kalusugan ay hindi lamang kawalan ng karamdaman, ito rin ay ang pagkakaroon ng
Concluding Activity malusog na katawan at maayos na kalagayang mental, emosyonal at sosyal. Mahalagang
pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng bawat aspekto ng pagkatao dahil malaki ang epekto
(3 Minutes) ng mga ito sa pangkabuuang kalusugan.

Author: MARY CRES A. BASILIO School: Tumampon Elementary School


Position/Designation: MT I Division: Negros Oriental District: Ayungon 1
Contact Number: 0955 291 1704 Email Address: mary.basilio@deped.gov.ph

Author: RAMZHEL MAE E. ARGONCILLO School: Buenavista Elementary School


Position/Designation: Teacher III Division: Negros Oriental District: Ayungon 2
Contact Number: 0917 728 6988 Email Address: ramzhelmae.argoncillo@deped.gov.ph

Editor: BERNADETH U. OQUENDO School: Magsaysay Memorial Elementary School


Position/Designation: Teacher III Division: Negros Oriental District: Sibulan 2
Contact Number: 0946 146 5937 Email Address: bernadeth.oquendo@deped.gov.ph

Editor: MILRYN T. SARNO School: Timbanga Elementary School


Position/Designation: Teacher III Division: Negros Oriental District: Bacong
Contact Number: 09999977686 Email Address: milryn.sarno@deped.gov.ph

You might also like