You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Petsa:

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Tukoyin sa mga salita ang salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala.
b. Pag-uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian.
c. Gamitan ng mga ibat-ibang bantas ang pangungusap.

II. PAKSANG-ARALIN
a. PAKSA: Pagkilala sa ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at
kayarian nito
b. SANGGUNIAN: Hiyas sa Filipino p. 10-13,16
c. KAGAMITAN: IM’s

III. PAMAMARAAN:

A. PAUNANG GAWAIN:
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin. Opo ma’am.

Panginoon, maraming salamat po sa


araw na ito na ipinagkaloob niyo sa
amin, nawa’y gabayan mop o kami sa
mga Gawain na aming gagawin sa
araw na ito. Amen.
Magandang-araw din po ma’am.
Magandang-araw mga bata!

Bago kayo maupo pakiayos ang mga (Magpupulot ng kala tang mga
kalat na nasa ilalim ng inyong mga mag-aaral at aayusin ang
upuan kanilang mga upuan)

Maari na kayong umupo.


Wala po ma’am.
Mayroon bang liban sa klase ngayong
araw?

Bago tayo tumungo sa ating talakayan


sa araw na ito ay akin munang Itaas ang kamay kung nais
ipapaalala ang tatlong bagay na dapat sumagot.
natin tandaan sa loob ng klase ang una
ay? Maupo ng maayos at makinig ng
maigi.
Pangalawa?
Wag makipagdaldalan kung
natuturo ang guro sa harapan.
At?

Ayan tama.

6
B. PAGSASANAY
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Basahin ang mga sumusunod na
pangungusap.
1. Namangha si Rene nang
mabasa ang nakapaskil sa
harap ng kanilang tahanan.
2. Bukas ay magsadya po kayo
sa taong napagsaniaan ng
lupa at sabihing makipag-
ayos po tayo.
3. Huwag po kayong mag-alala.
4. Bakit kaya? Ano ang
nangyari? Opo ma’am
5. Inay! Itay! Narito na po ako.
Naintindihan baa ng inyong
gagawin?

C. BALIK-ARAL
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Ano ang inyong binasa kanina?
Ito po ay mga pangungusap ma’am.
Tama, ito ay mga pangungusap.
Ngayon sa nakaraang talakayan
natin ano ang pangungusap?
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na buo ang diwa. Ito po ay
nagsisimula sa malaking titik.

D. PANLINANG NA GAWAIN
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na buo ang diwa. Binubuo ito
ng panlahatan na sangkap, ang
simuno at panaguri.

Ano-anu ang mga ito?


1. Nagsasalaysay- pangungusap
na nagkukwento o
nagsasalaysay ng pangyayari.
Ito ay nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa:
a. Si Ana ay tumatakbo.
b. Ang ibon ay lumilipad.

2. Pa-utos- pangungusap na
nag-uutos at nagtatapos sa
tuldok.
Halimbawa:
a. Magdilig ka ng halaman.
b. Magsibak ka ng kahoy.

7
3. Pakiusap- pangungusap na
maaring nagsasaad ng
paghingi ng pabor.
Ginagamitan ng magagalang
na salita upang maki-usap.
Maaring nagtatapos sa bantas
na tuldok o tandang
pananong.
Halimbawa:
a. Maari ba akong humiram
ng lapis?
b. Pakisara po ang pinto.

4. Patanong- pangungusap na
naghahanap ng kasagutan at
nagtatapos sa bantas na
tandang pananong.
Halimbawa:
a. Nasaan na ba yung aking
salamin?
b. Kaya mo bang buhatin
yan?

5. Padamdam- pangungusap na
nagpapahayag ng matinding
damdamin. Maaring
pagkatuwa, pagkabigla,
pagkatakot, o pagkalungkot.
Ito ay nagtatapos sa tandang
padamdam.
Halimbawa:
a. Naku! Ang daming
insekto!
b. Bilisan mo! Umuulan na!

E. PAGLALAPAT
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Sa isang buong papel gusto ko na
bumuo kayo ng isang pangungusap
sa bawat uri ng nito. Ang ibig ko
sabihin isang pangungusap na
pasalaysay, isang pa-utos, isang
pakiusap, isang patanong at isang
Opo ma’am.
padamdam. Naintindihan ba?

Ituloy niyo na ang inyong gawain

F. PANGKALAHATAN
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Ano ang pangungusap?
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na buo ang diwa.
Ilan ang mga uri ng pangungusap
ayon sa gamit at anu-ano ang mga

8
ito?
Lima po ang uri ng pangungusap
ayon sa gamit ito po ay ang mga
pangungusap na pasalaysay,
patanong, pakiusap, pautos, at
Aling bantas nagtatapos ang padamdam.
pangungusap na pasalaysay, pautos
at pakiusap?

Ang pangungusap na pasalaysay,


Anong pangungusap ang nagtatapos pautos at pakiusap ay nagtatapos sa
sa tandang pananong? tuldok.

Ang pangungusap na patanong ay


Anong pangungusap ang nagtatapos nagtatapos sa bantas na tandang
sa tandang padamdam? pananong.

Ang pangungusap na padamdam ay


nagtatapos sa bantas na tandang
padamdam.

IV. PAGTATAYA
A. Subukan natin
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: pasalaysay, pautos,
pakiusap, patanong, o padamdam. Lagyan ng tamang bantas.
1. Si Lisa ay matalinong bata__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Pakiusap
d. patanong
2. Hay naku__ Kayo na ang mag-usap__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Pakiusap
d. Padamdam
3. Saan ka pupunta__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Patanong
d. Pakiusap
4. Dalhin mo sa akin ang lapis na iyan__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Patanong
d.Pakiusap
5. Pakiabot po ang lapis ko__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Patanong
d.Pakiusap
B. Subukan Natin
Tukuyin ang pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pa-utos, Pakiusap,
Patanong, o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.
__________1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako__
__________2. Maari po ba akong humiram ng pera__
__________3. O, bakit ka naudlot__
__________4. Sige, Gina,patuluyin mo__
__________5. Dito na ba sila titira__

9
V. TAKDANG-ARALIN
Sumulat sa iyong kwaderno ng tig-dalawang pangungusap na pasalaysay, pa-utos,
pakiusap, patanong at padamdam.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Rhoma P. Tadeja Veronica Madagsen


Student Teacher Subject Instructress

10

You might also like