You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Petsa: ika-9 ng Marso 2022

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang mga pangunahing direksiyon.
b. Naituturo ang lokasyon ng isang bagay, lugar o pook sa mapa sa tulong ng mga
direksiyon.
c. Nakikilala ang mga sagisag na ginagamit sa mapa at mga kahulugan nito.

II. PAKSANG-ARALIN
a. PAKSA: Mga Direksiyon
b. SANGGUNIAN: Hiyas sa Filipino batayang aklat pahina 129
c. KAGAMITAN: powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN:

A. PAUNANG GAWAIN:
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin. Opo ma’am.

Panginoon, maraming salamat po sa


araw na ito na ipinagkaloob niyo sa
amin, nawa’y gabayan mop o kami sa
mga Gawain na aming gagawin sa
araw na ito. Amen.
Magandang-araw din po ma’am.
Magandang-araw mga bata!

Bago kayo maupo pakiayos ang mga (Magpupulot ng kala tang mga
kalat na nasa ilalim ng inyong mga mag-aaral at aayusin ang kanilang
upuan mga upuan)

Maari na kayong umupo.


Wala po ma’am.
Mayroon bang liban sa klase ngayong
araw?

Bago tayo tumungo sa ating talakayan


sa araw na ito ay akin munang Itaas ang kamay kung nais
ipapaalala ang tatlong bagay na dapat sumagot.
natin tandaan sa loob ng klase ang una
ay? Maupo ng maayos at makinig ng
maigi.
Pangalawa?
Wag makipagdaldalan kung
natuturo ang guro sa harapan.
At?

Ayan tama.

B. PAGSASANAY
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Lumabas tayong lahat sa ating silid
aralan at tumayo sa flagpole.
Tignan ang inyong paligid.
Ano ang inyong nakikita?
gymnasium
Ano ang nakikita mo sa iyong canteen
bandang kanan? principals office at garden
Sa kaliwa?
Sa harap at sa inyong kanan?

Ano ang inyong naobserba? May mga gusali po sa bawat


direksiyon na tinutukoy niyo maam.

C. PANLINANG NA GAWAIN
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng
panlahatan na sangkap, ang simuno at
panaguri.

Ano-anu ang mga ito?


1. Nagsasalaysay- pangungusap
na nagkukwento o
nagsasalaysay ng pangyayari.
Ito ay nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa:
a. Si Ana ay tumatakbo.
b. Ang ibon ay lumilipad.

2. Pa-utos- pangungusap na nag-


uutos at nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa:
a. Magdilig ka ng halaman.
b. Magsibak ka ng kahoy.

3. Pakiusap- pangungusap na
maaring nagsasaad ng
paghingi ng pabor.
Ginagamitan ng magagalang
na salita upang maki-usap.
Maaring nagtatapos sa bantas
na tuldok o tandang pananong.
Halimbawa:
a. Maari ba akong humiram
ng lapis?
b. Pakisara po ang pinto.

4. Patanong- pangungusap na
naghahanap ng kasagutan at
nagtatapos sa bantas na
tandang pananong.
Halimbawa:
a. Nasaan na ba yung aking
salamin?
b. Kaya mo bang buhatin
yan?

5. Padamdam- pangungusap na
nagpapahayag ng matinding
damdamin. Maaring
pagkatuwa, pagkabigla,
pagkatakot, o pagkalungkot.
Ito ay nagtatapos sa tandang
padamdam.
Halimbawa:
a. Naku! Ang daming
insekto!
b. Bilisan mo! Umuulan na!

D. PAGLALAPAT
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Sa isang buong papel gusto ko na
bumuo kayo ng isang pangungusap sa
bawat uri ng nito. Ang ibig ko sabihin
isang pangungusap na pasalaysay,
isang pa-utos, isang pakiusap, isang
patanong at isang padamdam.
Opo ma’am.
Naintindihan ba?

Ituloy niyo na ang inyong gawain

E. PANGKALAHATAN
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Ano ang pangungusap?
Ang pangungusap ay lipon ng mga
salita na buo ang diwa.
Ilan ang mga uri ng pangungusap
ayon sa gamit at anu-ano ang mga ito?

Lima po ang uri ng pangungusap ayon


sa gamit ito po ay ang mga
pangungusap na pasalaysay, patanong,
Aling bantas nagtatapos ang pakiusap, pautos, at padamdam.
pangungusap na pasalaysay, pautos at
pakiusap?

Ang pangungusap na pasalaysay,


Anong pangungusap ang nagtatapos pautos at pakiusap ay nagtatapos sa
sa tandang pananong? tuldok.

Ang pangungusap na patanong ay


Anong pangungusap ang nagtatapos nagtatapos sa bantas na tandang
sa tandang padamdam? pananong.

Ang pangungusap na padamdam ay


nagtatapos sa bantas na tandang
padamdam.

IV. PAGTATAYA
A. Subukan natin
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: pasalaysay, pautos, pakiusap,
patanong, o padamdam. Lagyan ng tamang bantas.
1. Si Lisa ay matalinong bata__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Pakiusap d.
patanong
2. Hay naku__ Kayo na ang mag-usap__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Pakiusap d.
Padamdam
3. Saan ka pupunta__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Patanong d.
Pakiusap
4. Dalhin mo sa akin ang lapis na iyan__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Patanong
d.Pakiusap
5. Pakiabot po ang lapis ko__
a. Pasalaysay b. Pautos c. Patanong
d.Pakiusap
B. Subukan Natin
Tukuyin ang pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pa-utos, Pakiusap, Patanong, o
Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.
__________1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako__
__________2. Maari po ba akong humiram ng pera__
__________3. O, bakit ka naudlot__
__________4. Sige, Gina,patuluyin mo__
__________5. Dito na ba sila titira__

V. TAKDANG-ARALIN
Sumulat sa iyong kwaderno ng tig-dalawang pangungusap na pasalaysay, pa-utos,
pakiusap, patanong at padamdam.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Rhoma P. Tadeja Veronica Madagsen


Student Teacher Subject Instructress

You might also like