You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Baitang 9 – Modyul 3: Aralin 3.2

KOMPETENSI: Naipapamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa parabula sa


tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisabuhay ang mga aral at mahahalagang
kaisipang nakapaloob dito.

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nauunawaan at nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag


B. Nakapagbibigay ng sariling pananaw
C. Naisasabuhay ang mga aral mula sa pahayag

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa : Pagbubukas ng Aralin: Parabula


B. Sanggunian : Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9) p. 194-197
C. Kagamitan : Laptop at Smart Tv

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

I. Panalangin

Tumayo na ang lahat, tayo ay mananalangin.  Opo ma’am.(sa ngalan ng ama, ng


Iyuko natin ang ating mga ulo at damhin ang anak at ng espirito santo…)
presensya ng Panginoon (ang panalangin ay
mula sa AVP)

II. Pagbati
 Magandang umaga rin po ma’am!
Magandang umaga sa inyong lahat!
 Opo ma’am.
Bago kayo umupo, ayusin muna ang linya ng
inyong mga upuan at pakipulot rin ang mga
kalat sa inyong paligid. Pagkatapos ay maari
na kayong umupo.

III. Pagtala ng Liban


 Wala po ma’am.
(tatawagin ng guro ang kalihim sa klase)
____, may lumiban ba sa araw na ito?

B. PAGLINANG NG GAWAIN
I. Pagganyak
(magpapalaro ang guro ng wikarambulan sa
klase gamit ang mga salitang may kinalaman
sa aralin)
 Opo ma’am.
Pamilyar ba kayo sa larong wikarambulan?

Mabuti kung ganon, ngayong araw tayo ay


maglalaro ng wikarambulan. Para sa
kaalaman ng lahat, sa larong ito kailangan
munang basahin ng malakas ng kalahok ang
mga nakarambol na salita hanggang sa  Opo ma’am maliwanag po.
mabuo at makuha nito ang tamang sagot
mula sa mga tunog ng salitang nakarambol.
Maliwanag ba?  Handa na po.

Paunahan lamang sa pagtaas ng kamay


kung nais ninyong sumagot. Handa na ba
kayo?

Para sa unang bilang… wikarambulan na!


(magsisimula na sa larong wikarambulan  PARABULA
ang buong klase)  GRIYEGO
 PARABOLE
1. FOR - HA - BALL - LUH  PATALINGHAGA
2. GREY - YEAH - GO  BANAL NA KASULATAN
3. FAR - HI- BOWL - HE  PAGHAMBINGIN
4. FAT - HALL - EGG - HUG - AH
5. VAN - ALL - NO - KEY - SUE - LATE -
HAND
6. FOG - HAM - BENG - END

Mahusay! Ang lahat ng mga salitang ating


nabuo mula sa wikarambulan ay may
 Parabula po ma’am.
kinalaman sa paksa natin sa araling ito.

II. Paglalahad ng Paksa

Batid kong kayo ay may ideya na sa ating


tatahakin sa araling ito. Tama ba? Ano kaya
ang akdang pampanitikan ang tatalakayin sa
araling ito?

Mahusay!
Binabati ko kayong lahat, sapagkat tayo ay
uusad na sa susunod na aralin. Tayo ay
dadako na sa aralin 3.2, kung saan
tatalakayin ang akdang pampanitikan na
parabula. Ngunit nais ko munang ilatag
sainyo ang ating mga layunin sa araling ito:

1) Nauunawaan ang parabula bilang


bahagi ng akdang pampanitikan;
2) Nabibigyang-kahulugan ang mga
matatalinghagang pahayag na
ginamit sa parabula;
3) Nailalahad ang iba’t-ibang bisang
pandamdamin, at pangkaisipan mula
sa napakinggang pahayag;
4) Napahahalagahan ang paggawa ng
isang desisyon at ang mga kaakibat
na responsibilidad sa buhay; at
5) Napapatunayan na ang mga
pangyayari sa parabula ay maaaring
maganap sa kasalukuyan at sa tunay
na buhay sa pamamagitan ng
pagsulat ng isang sanaysay.

Sa araling ito, matutunghayan ninyo ang ilan


sa mga akdang parabula na mula sa
kanlurang asya. Nariyan ang “Ang
talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasa” at
“Parabula ng banga”

Ngunit bago tayo magpatuloy na dumako sa


ating paksa, nais ko munang kunin ninyo ang
inyong kwaderno para sa ating unang
gawain para sa araling ito.  Opo ma’am.

“Guhit ko, Pakinggan Mo” sa inyong papel


gumuhit ng isang bagay na naging mahalaga
sa iyo dahil minsa’y kinapulutan mo ito ng
aral. Matapos itong iguhit ay ibahagi mo sa
klase kung bakit mo ito pinahahalagahan.
Maliwanag ba?

Kung gayon, bibigyan ko kayo ng limang


minuto upang gumuhit at pagkatapos ay
magkakaroon tayo ng pagbabahagi.
( pagkalipas ng limang minuto
magsasalaysay sa klase ang mga mag-aaral
na nais magbahagi )

Maraming salamat sa inyong pagbabahagi!


 Opo ma’am.
III. Pagtatalakay

Mula sainyong ibinahaging larawan,


masasabi natin na ito ay nagkaroon ng  Sa banal na aklat po o bibliya ma’am.
pagpapakahulugang metaporikal. Kapag
sinabing metaporikal, ito ay tumutukoy sa
kahulugan ng salita batay sa representasyon
o simbolismo at ito’y taliwas sa literal na
pagpapakahulugan. Nauunawaan ba?

Narinig nyo naba ang pahayag na “ang


nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay
nahuhuli”? saan nyo ito narinig?

Tama!

Ang matalinghagang pahayag na ito ay


masasabi nating pagpapakahulugang
metaporikal. Sapagkat, kung susumain natin
ang literal na kahulugan nito parang
malabong mangyari na ang nahuhuli ay
nauuna at ang nauuna ay nahuhuli, hindi ba?

Ngunit sa kabilang banda, tila ang pahayag


na “ang nahuhuli ay nauuna” ay tumutukoy
sa mga taong nahuhuli ngunit may
posibilidad na mauna dahil bago sila
gumawa ng aksyon o pasya, pinag-iisipan
muna nilang mabuti bago gumawa ng
hakbang. Hindi nila iniisip na sila ay mahuhuli
dahil ang mas nangingibabaw sa kanila ay
ang pagkakaroon ng tamang resulta na
sinuri at pinag-isipan kahit nagtagal ang
proseso ng mahabang panahon at
nakasisigurong tama ang landas na kanyang
tinatahak.
At ang pahayag naman na “ang nauuna ay
nahuhuli” ay umaakma ito sa mga taong
padalos-dalos sa mga desisyon, dahil sa
kagustuhang mauna hindi na nila iniisip o
sinusuri ang mga maaring mangyari sa
kanilang gagawing desisyon, wala silang
pakialam sa resulta basta ang gusto lamang
 Huwag pong magpadalos-dalos sa
nila ay mauna at makalamang ng kapwa
mga desisyon o hakbang ma’am.
kaya may posibilidad silang mahuli rin dahil
 Sa tuwing tayo po ay gagawa ng mga
kung mali ang kanilang naging desisyon at aksyon o desisyon.
aksyon maaring bumalik sila sa unang  Wag po magpadalos-dalos ng
hakbang. desisyon at wag magmamadali.
Isiping mabuti ang gagawing
IV. Paglalahat at Paglalapat
hakbang upang hindi magsisi sa huli.
 Ginamitan po ng matatalinghagang
Ngayon nama’y alamin natin ang
salita na mula sa banal na aklat
metaporikal o ibang pagpapakahulugan ng
 Maisasabuhay ko po ang
pahayag na ito gamit ang pagsagot ng mga
talinghagang ito sa pamamagitan ng
sumusunod na tanong sa inyong kwaderno.
pag-aplay sa aking pang araw-araw
Sagot na lamang ang isusulat…
na gawain.
1. Ano kaya ang nais ipahatid ng
talinghagang ito?
2. Sa anong sitwasyon kaya natin
makikita ang talinghagang ito?
3. Ibigay ang mga aral o mahahalagang
kaisipang nakapaloob dito?
4. Paano naiiba ang mga talinghagang
ito sa iba pang pahayag mula sa iba
pangakdang pampanitikan?
5. Paano kaya maisasabuhay ang
talinghagang ito?

Mahuhusay! Napakaganda ng inyong mga


tinuran.

V. Takdang-aralin

Basahin ang ‘Ang Talinghaga Tungkol sa


May-ari ng Ubasan’ ( Mateo 20: 1-16 sa
Bagong Tipan) pahina 196

Inihanda ni: Ipinasuri kay:


ARLENE M. OCAMPO MARIELLE C. VALE
Student Teacher Critic Teacher

You might also like