You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALI N SA PAGTUTURO NG FILIPINO

KOMPETENSI: Naipapamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa parabula sa


tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisabuhay ang mga aral at mahahalagang
kaisipang nakapaloob dito.

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nauunawaan ang nilalaman ng akdang parabula na tinalakay


B. Nakapagbibigay ng sariling pananaw na may kinalaman sa paksa
C. Naisasabuhay ang mga aral mula sa binasang paksa

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa : Parabula: Parabula ng Banga


B. Sanggunian : Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9) p. 201
C. Kagamitan : Laptop at Smart Tv

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

I. Panalangin

Tumayo na ang lahat, tayo ay mananalangin.  Opo ma’am (sa ngalan ng ama, ng
Iyuko natin ang ating mga ulo at damhin ang anak ng diyos espirito santo…)
presensya ng Panginoon (ang panalangin ay
mula sa AVP)

II. Pagbati
 Magandang umaga rin po ma’am
Magandang umaga sa inyong lahat!

Bago kayo umupo, ayusin muna ang linya ng


inyong mga upuan at pakipulot rin ang mga
kalat sa inyong paligid. Pagkatapos ay maari
na kayong umupo.

III. Pagtala ng Liban


 Wala po ma’am.
(tatawagin ng guro ang kalihim sa klase)
____, may lumiban ba sa araw na ito?

B. PAGLINANG NG GAWAIN
I. Pagganyak
(magpapakita ng larawan ang guro na may
kinalaman sa tatalakayin)
 Mayroon pong mag-ina ma’am.
Mula sa inyong nakikitang larawan, ano ang
mahihinuha ninyo?
 Tinuturuan o pinangangaralan po ng
ina ang kanyang anak.
Magaling! Satingin ninyo, ano kaya ang
ginagawa nila?

Mahusay!

Sa talakayan natin ngayong araw, may


malaking kinalaman ang ina at anak sa
akdang ating tatalakayin.

 Opo, kadalasan ito po ay isang


II. Paglalahad ng Paksa
sisidlan o palamuti sa bahay o sa
Ngayong araw, tutungo na tayo sa isa pang pasilyo. Mayroon din pong iba’t-ibang
akdang parabula na mula sa kanlurang asya klase, may gawa sa putik, semento, o
parin. Ngunit bago iyan, nakakita naba kayo salamin o babasagin.
ng banga? Ilarawan nyo nga ito sa amin.

Tumpak! Iyan nga ay ilan lang sa katangian


ng isang banga.

III. Pagtatalakay

Sa araw na ito, tatalakayin naman natin ang


isa pang akdang parabula na mula parin sa
kanlurang asya. Ito ay pinamagatang
“Parabula ng banga”. Sabay-sabay nating
tunghayan at unawain ang parabula ng  Opo ma’am.
banga.

Maari na ba nating simulan?

(magpapanood ng AVP ang guro)

 Inang banga, anak na banga, at


IV. Paglalahat at Paglalapat porselanang banga po ma’am.

Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa


kwento?
 Ang bangang yari sa lupa ay marupok
Tama! lamang po samantalang ang yari sa
porselana ay matibay.
Ihambing ang katangian ng bangang yari sa
lupa at yari sa porselana.
 Ang bangang yari po sa lupa ay
Mahusay! kinatawan ng mga mahihirap lamang
sa buhay na naghahangad ng mas
Sino ang kinatawan ng bangang yari sa lupa? higit sa kung anong meron sila,
Ng bangang yari sa porselana? samantalang ang bangang yari
naman po sa porselana ay ang taong
may kaya sa buhay.

 Ang iba’t-ibang klase po ng banga ay


Magaling!
sumisimbolo sa estado ng buhay ng
isang tao. Nais ipaliwanag ng
Ano naman kaya ang sinisimbolo ng iba’t-
parabula na ano man ang estado ng
ibang uri ng banga sa parabula?
tao dito sa mundo ay pare-parehas
parin sa patingin ng Diyos, kagaya ng
banga ano mang klase ng material
sila nilikha isa parin silang banga na
isang lalagyan o palamuti lamang.

Magaling!  Sundin ang ipinagbibilin ng ating mga


magulang, huwag tayong maging
Anong aral o mensahe tungkol sa reyalidad suwahil.
ng buhay ang nais ipabatid ng parabula?  Matuto tayong makuntento sa kung
anong ipinagkaloob sa atin.

V. Takdang-aralin

Sagutin ang talasalitaan na mga salita hango


sa akda at gamitin sa pangungusap batay sa
nabasang akda.

1. Tagubilin = P_ _laa_a
2. Sisidlan = _ala_y_n
3. Lumikha = G_ma_a
4. Nabibitak = _as_ _ir_
5. Lumulubog = N_lu_un_d

You might also like