You are on page 1of 7

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Philippine Normal University


Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
The National Center for Teacher Education
MINDANAO
Mindanao

Masusing Banghay
Aralin sa Pagtuturo ng
Filipino sa Baitang 9

Ipinasa nina:

Lovejoy T. Pagumpana
BFE-IV

Ipinasa kay:

Gng. Doris L. Laure


Cooperating Teacher
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 9
I. LAYUNIN: Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. matatalakay ang Parabula ng Banga.
b. makapagbabahagi ng natutunang aral mula sa parabulang binasa.
c. makasasagot sa inihandang gawain.
d. makabubuo ng maikling pabula gamit ang karaniwang bagay na mapaghuhugutan ng
mahalagang kaisipan.

II. PAKSANG-ARALIN: Panitikan: Parabula ng Banga


Wika: Pagpapakahulugang Metaporikal
Sanggunian: Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, Peralta, R. et al.
pp. 202-203.
Kagamitan: tsart, felt tip pen, kahon, salamin, kandila, bolpen, etc.

III. PAMAMARAAN/ ESTRATEHIYA:


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Mga Panimulang Gawain
1. Panalangin/Pampasiglang gawain
Magandang umaga, klas! Magandang umaga rin po, Titser!
Bago tayo magsimula sa klase, ay tumayo muna ang
lahat para sa panalangin na susundan ng isang
pampasiglang sayaw.
Kumusta kayo sa araw na ito? Mabuti po, titser.
2. Pagtsek ng Atendans
Sino ang liban ngayon sa klase? Wala po, titser.
Mabuti naman. Isang magandang gawain ang araw- Opo, titser!
araw na pagpasok sa paaralan upang mas lumawak pa
ang inyong kaalaman sa iba’t ibang aralin.
3. Balik-Aral
Ano ba ang tekstong binasa ninyo kahapon? Ang Parabula ng Banga po, titser.

Tama, patungkol saan ba ito? Tungkol po sa isang bangang gawa


sa lupa na laging pinapaalalahanan
ng kanyang ina na huwag
makisalamuha sa iba pang mga
banga na hindi niya kauri.
B. Mga Gawaing Debelopmental

1. Pagnilayan
Sino ang pangunahing tauhan sa parabula na Mga Banga po, titser.
inyong nabasa?
Ano-anong mga uri ng banga ang nailahad sa Bangang yari sa lupa at Bangang yari sa
parabula? porselana.

Ihambing ang katangian ng bangang yari sa Ang bangang yari sa lupa ay may simple
lupa at yari sa porselana? lamang at madaling mabasag samantala
ang bangang yari sa porselana naman ay
may nakakaakit at kaaya-ayang disenyo
at palamuti.

Batay sa iyong sagot, mahihinuha natin na Opo, titser.


malaki ang pagkakaiba sa katangian ng
dalawang uri ng banga. Tama ba?

Sa totoong buhay, sino ba ang kinakatawan ng Ang dalawang banga ay maaaring


mga tauhan sa parabula? kumakatawan sa dalawang tao na mula
sa magkaibang gawi o buhay.
Halimbawa nito ay ang pagiging
mahirap at mayaman.

Maaari, ano naman ang kinakatawan ng Inang Magulang po, titser.


Banga?

Tama! Si Inang Banga ay maaaring


kumakatawan sa mga magulang na laging
pinapapaalalahan ang kaniyang mga anak na
huwag makisalamuha sa mga taong magdadala
sa kanila sa kapahamakan.

Bakit naman kaya pinagbabawalan ng Inang Gusto niya lamang na malayo sa


Banga ang kanyang anak na makisalamuha sa kapahamakan ang anak dahil hindi gaya
iba pang uri ng banga? ng bangang porselana mas madali
siyang mabasag dahil gawa lamang siya
sa lupa.

Tama! Ganito rin ba ang inyong mga ina o mga Opo titser.
magulang sa inyo?

Natural na sa mga magulang ang mag-aalala sa


kapakanan ng kanilang mga anak. Kaya
madalas na napagsasabihan tayo ng ating mga
ina na lumayo sa mga taong hindi makabubuti
sa atin. Halimbawa na lamang ang mahigpit na
pagbabawal ng mga magulang sa kanilang mga
anak na sumama sa mga barkadang laki sa Upang hindi maimpluwensiyahan ang
layaw, umiinom, naninigarilyo at bulakbol sa anak na gawin o gayahin ang bisyo ng
pag-aaral. Bakit kaya? kanyang mga barkada.

Sinunod ba ng banga ang bilin ng Inang Banga? Hindi po, titser. Sinuway niya ang bilin
ng kanyang ina.

Ano ang naging kinahinatnan ng bangang yari Napahamak po siya, nabitak ito at
sa lupa sa pagsuway nito sa bilin ng ina? lumubog sa ilalim ng tubig.
Ganito rin ang mangyayari sa mga anak na
hindi nakikinig sa bilin ng magulang.

2. Pagpapahalaga
Kung ganoon, anong aral o mensahe tungkol sa Pagsunod sa utos ng mga magulang.
realidad ng buhay ang nais ipabatid ng
parabula?

Mahalaga bang sundin ang utos ng ating mga Opo, titser. Dahil makakabuti sa ating
magulang? kapakanan ang lahat ng kanilang mga
paaalala.
Tama, dapat nating sundin ang kanilang utos o
payo dahil sila ang mas nakakaalaman kung
ano ang makakabuti sa atin. Wala namang mga
magulang ang gugustuhing mapahamak ang
kanilang mga anak.

3. Paglalahat

Matapos ninyong mabasa ang dalawang


parabula, paano niyo ipaliliwanag ang parabula
sa iba pang akdang pampanitikan? Ang parabula po ay mga kwentong
nagtataglay ng mga mahahalagang
kaispan o aral na hinago sa Bibliya.

Paano isinasaad ang mensahe sa parabula? Sa pamamagitan ng paggamit ng mga


matatalinghagang pahayag.
Tama, gumagamit din ito ng mga kataga,
konsepto o mga simpleng bagay na nagbibigay
ng mas malalim na kahulugan o kaugnayan sa
totoong buhay. Paano ito kaya ito naipakita sa Sa “Ang Talinghaga Tungkol sa May-
dalawang parabula na inyong nabasa? Ari ng Ubasan” ginamit po nito ang mga
salitang oras, ubasan, manggagawa at
iba pa na may iba’t ibang pakahulugan.
Sa “Parabula ng Ubasan” naman,
ginamit nito ang banga bilang
representasyon ng tao.
Tama! Ang parabula ay naglalahad ng mga
pangyayari na makatotohanan na nakasaad sa
Banal na Kasulatan. Gumagamit ito ng
matatalinghagang pahayag sa pagpapabatid ng
aral o mensahe. Halimbawa na lamang ng
salitang pilak mula sa isang parabula na inyong
nabasa. Ano nga ulit ang literal na kahulugan Bayad o sweldo sa trabaho.
nito?

Ano naman ang mas malalim na kahulugan Biyaya po, titser.


nito?

Tama!
C. Pagtalakay sa Wika

Kaugnay niyan, ay suriin at basahin ninyo ng


tahimik ang mga halimbawang pangungusap

1. a. Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.


b. Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

2. a. Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka mapasma.


b. Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambabayad ko sa tuition fee mo.

Ano ang napapansin ninyo sa mga pangungusap Pareho po itong gumamit ng salitang
na nasa unang bilang? bola sa pangungusap.

Magkatulad ba ang kahulugan ng salitang bola Hindi po titser.


sa pangungusap?

Ano ba ang ibig ipakahulugan ng bola sa unang Bola na ginagamit po sa paglalaro.


pangungusap?

Tama! Sa ikalawang bilang naman ano ang Pagbibiro po, titser.


kahulugan ng bola?

Mapapansin natin na, iba ang pagpapakahulugan


sa salitang bola sa dalawang pangungusap. Ang
una ay literal samantala ang pangalawa naman
ay mas malalim.

Sa ikalawang bilang naman, ano ang napapansin Gumamit po ito ng salitang pawis ngunit
ninyo sa mga pangungusap? iba ang pagpapakahulugan.

Tama gaya sa unang bilang gumamit din ito


literal at malalim na pagpapakahulugan o
tinatawag nating Pagpapakahulugang
Metaporikal.

Ang Pagpapakahulugang Metaporikal ay


pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa
literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung
paano ginamit ang salita sa pangungusap.
Naunawaan ba klas? Opo, titser.

a. Pagsasanay

Sino ang makapagbibigay ng sariling halimbawa Mahangin po titser.


ng salita. Ibigay ang literal at metaporikal na
kahulugan nito. Literal- malakas ang hangin
Metaporikal - mayabang

Gamitin ang salitang mahangin na may Mahangin ngayon sa labas dahil may
kahulugang literal sa pangungusap. bagyo.

Sa pagpapakahulugang metaporikal naman, Marami ang ayaw makipagkaibigan sa


gamitin ang parehong salita sa pangungusap. kanya dahil masyado siyang mahangin.

Magaling! Mapapansin natin na nagbago ang


kahulugan ng salitang mahangin batay sa gamit
nito sa pangungusap.

Ngayon magkakaroon tayo ng isang gawain.

Panuto: Ibigay ang literal at pagpapakahulugang metaporikal ng mga bagay na nasa talaan.

BAGAY LITERAL METAPORIKAL NA


KAHULUGAN

1. asin
2. ulap
3. tubig
4. bulaklak
5. buto ng gulay
o prutas

IV. Ebalwasyon
a. Ilipat

Bilang aplikasyon ng inyong mga natutunan


tungkol sa parabula at pagpapakahulugang
metaporikal, Magkakaroon kayo ng panghuling
gawain, hahatiin ko ang klase sa limang
pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang Opo, titser.
paglalahad o maikling pabula gamit ang mga
bagay na mapaghuhugutan ng magandang aral
o kaisipan. Iugnay ito sa mga pangyayari o
kaisipan sa tunay na buhay at lagyan ng
maikling pamagat. Naunawaan ba klas?

Ang bagay na gagawan ninyo ng paglalahad ay


bubunutin ninyo mula sa kahon.

kandila orasan salamin


ballpen libro
pambura (eraser)

Para magabayan kayo sa inyong gawain, narito


ang GRASPS.

GRASPS
GOAL Makabubuo ng paglalahad o maikling parabula tungkol sa isang
karaniwang bagay na maaaring pagkunan ng magandang aral o
mahalagang kaisipan.

ROLE Manunulat
AUDIENCE Kapwa mag-aaral at guro
SITUATION Paligsahan sa Malikhaing Pagsulat
PRODUCT Parabula

STANDARD

Masining ------------------------------------ 5
Maayos at makatotohanan ---------------- 5
Maikli at mapanghikayat na pahayag --- 5
Malikhaing Presentasyon ----------------- 5
20

RUBRIKS

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Masining
Maayos at makatotohanan
Maikli at mapanghikayat
na pahayag
Malikhaing Presentasyon

Leyenda:
Napakahusay - 16- 20 puntos
Mahusay - 11- 15 puntos
Mahusay-husay - 6- 10 puntos
Nagsisimula - 0-5 puntos

V. Takdang Aralin

Panuto: Basahin ang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya- Bhutan”. (Pahina 206)

You might also like