You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sanay ng Rizal
Distrito ng Taytay II
TAYTAY NATIONAL HIGH SCHOOL

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mga mag- aaral ang pag- unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag- aaral ay masining na nakapagtatanghal ng Kulturang Asyano
batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.
C. Kompitensiya sa Pagkatuto

F9PB-IId-47
Naipaliliwanag ang mga : - kaisipan
- layunin
- paksa; at
- paraan ng pagkakabuo ng sanaysay.
F9PT-IId-47
Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto
ng pangungusap.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong


Nakalipas na 50 Taon salin ni Perla Guerrero et.al.
B. Sanggunian: Panitikang Asyano- Ikasiyam na Baitang. Modyul ng Mag-
aaral sa Filipino. Unang Edisyon 2014. Muling Limbag 2016.
C. Kagamitan: Powerpoint , video mula sa You tube, at pantulong na biswal

III. Pamamaraan
A. Bago ang Aralin

1. Panimulang Gawain
Ano ang paghahambing?
Ano ang pinagkaiba ng paghahambing ng magkatulad sa paghahambing
ng di- magkatulad?

2. Pagganyak
3. Pag-papakilala sa bagong aralin

B. Pagtalakay sa Aralin

Pagpapabasa sa sanaysay sa paraang patalumpati

– “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon”

1. Paano sinimulan ang sanaysay?

2. Ano ang layunin ng sumulat nito?

3 Patunayang nag-iwan ng isang kakintalan sa isipan ng mambabasa ang wakas na bahagi


nito.

Pangkatang Gawain
Pangkat 1
PAGBUO NG ISLOGAN
Pagbabago sa Kalagayan at Karapatan ng mga Babaeng T aiwanese
Pangkat 2
KONGKLUSYON MO...PATUNAY KO...
Magbigay ng mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng mga
kababaihan sa Taiwan ngayon at noong nakaraang 50 taon.
Pangkat 3
HAMBINGAN TAYO...
Gumawa ng paghahambing ng dalawang sanaysay na binasa- “Ang
Kababaihan ng Taiwan Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon at Pagbibigay-
Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang
Kasarian” batay sa hinihingi:
Paksa _______
Paraan ng pagbuo ng panimulang pangungusap_______ Paraan ng pagbuo
ng wakas ________
Kakintalang iniwan sa mambabasa ________
Pangkat 4
SANAY NA SANAY!
Suriin ang sanaysay ayon sa paksa, layunin at kaisipan.

Pamantayan

Nilalaman 5 puntos
Presentasyon 3 puntos
Kooperasyon 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain


6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan sa
ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

I. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Pagkatapos ay piliin ang titik ng
tamang sagot.
_____ 1. Isang kathang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng isang tao
hinggil sa isang paksa.
a. sanaysay b. pangungusap c. talata d. paksa
_____ 2. Ayon sa manunulat, ang sanaysay ay nakasulat sa karanasan ng isang
sanay sa pagsasalaysay.
a. Virgilio Almario b. Alejandro G. Abadilla
c. Amado V. Hernandez d. Deogracias A. Rosario
_____3. Upang maging mahusay na manunulat ng sanaysay nangangailangang ang
sumusulat ay
a. may malawak na karanasan b. may paninindigan
c.may pinag-aralan d.my respeto
_____4. “Babae pasakop kayo sa inyo - inyong asawa”. Paano sinimulan ang
sanaysay?
a.nagsimula sa isang pahayag b.naglalahad
c. nagtatanong d. nangangatuwiran
_____ 5. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at imulat sa mga karapatang dapat
ipaglaban ng mga kababaihan. Anong katangian ng pangungusap ang taglay ng
isang sanaysay?
a.paksa b.layunin c kongklusyon d.kaisipan

Susi sa Pagwawasto
1. A 2. B 3. A 4. A 5. B

Indeks ng Masteri

5 4 3 2 1 0

II. Takang- aralin

Sumulat ng isang sanaysay na nagtataglay ng kaisipan, layuninat paraan ng


pagkakabuo.
Ano ang pangatnig at mga uri nito.

C. Mga Tala

D. Repleksyon

Inihanda ni:
MARK JOHN B. DIOCADO
Guro sa Filipino

Binigyang-Pansin
SHEILA D. MAGAN
Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino

You might also like