You are on page 1of 3

MASUSING Paaralan Alfonso NHS Baitang 9

BANGHAY- Guro Roscell D. Reyes Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Oktubre 1, 2019 Markahan Ikalawa

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
A. Pamantayang Pangnilalaman
piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita
B. Pamantayan sa Pagganap
ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
F9PB-IId-47
Naipaliliwanag ang mga:
- kaisipan
- layunin
- paksa; at
- paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin
a. Nasusuri ang akdang “Ang Kababaihan ng Taiwan:
Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon.”
b. Napahahalagahan ang mensaheng nais iparating ng may-
akda.
c. Naipapahayag ang kaisipan, layunin, paksa at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay sa masining na pamamaraan.
II. PAKSA
“Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon”
COLLABORATIVE APPROACH
JIGSAW METHOD-TDAR ACTIVITY
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian: Panitikang Asyano pahina 120-121
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo: LED TV, Laptop, video presentation, manila paper at marker
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

(T-THINK)
Gawain 1. Awit ay Unawain (10 minuto)
Panuto: Pakinggan ang isang kanta na pinamagatang “Babae” na inawit ng Inang Laya.
1. Sino ang kinakausap ng mang-aawit?
2. Ano ang nais sabihin o ipahiwatig ng mang-aawit ng kanta?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo ilalarawan ang mga kababaihan sa panahon noon? Ngayon?
4. Sa iyong palagay, ano ang pinagkaiba ng kalagayan ng pamumuhay ng mga babae sa Pilipinas
noon at ngayon?

B. Pangganyak
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan (10 minuto)
Panuto: Suriin at ibigay ang kahulugan ng mga salita at gamitin ito sa isang pangungusap.
1. parehong pagkakataon
2. pantay na karapatan
3. naiiba na ang gampanin
4. hindi makatarungan ang trato
5. higit na mapanghamon
C. Paglalahad ng Aralin
(D-DISCUSS)
Gawain 3: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay upang malaman kung paano masasalamin
ang kalagayang panlipunan at kultura ng mga kababaihan ng Taiwan sa Silangang Asya.
(10 minuto)

Mga Gabay na Tanong:


1. Nagbago ba ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan noong nakalipas na 50 taon at sa
kasalukuyan batay sa akda? Bigyang patotoo ang iyong sagot.
2. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan sa Taiwan
ngayon?

D. Pagtalakay sa Aralin
(A-ACT)
Gawain 4: Pangkatang Gawain (15 minuto)
Panuto: Ipangkat ang mga mag-aaral ayon sa kanilang interes o kagustuhan. Ipahayag ang kaisipan,
layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay na inyong binasa sa pamamagitan ng masining
na pamamaraan.

Unang Pangkat: (Artista)


Kaisipan- Sumulat ng isang dayalogo na magpapahayag ng mga kaisipan, ideya o pananaw na
makukuha sa sanaysay.
Ikalawang Pangkat: (Manunulat)
Layunin- Sumulat ng isang slogan na magpahiwatig ng layunin ng may akda sa pagsulat ng sanaysay.
Ikatlong Pangkat: (Ilustreytor)
Paksa- Ipakita ang paksa ng sanaysay sa pamamagitan ng pagguhit ng isang larawan.
Ikaapat na Pangkat: (Tagapagbalita)
Paraan ng Pagkakabuo ng Sanaysay- Sumulat ng 3-5 pangungusap ng mga paraan kung paano binuo
ang sanaysay at ibalita ito sa klase.

Pamantayan:
Organisasyon ng mga Ideya 3
Kaangkupan sa nilalaman 4
Pagkamalikhain 3
KABUUAN: 10 puntos

a. Paglalagom

(R-REFLECT) (5 minuto)
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan at magbigay ng sariling opinyon ukol dito.

1. “Ang mga babae ay walang karapatan magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan.”
2. “Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung ihahambing 50 taon ang
nakalipas.”
3. “Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa kasarian.”

Nararamdaman mo ba na may pantay ng karapatan ang mga kababaihan sa mga kalalakihan ngayon sa
ating lipunan? Ipaliwanag.

b. Pagtataya
(5 minuto)
Panuto: Isulat ang Tama kung ang ipinapahayag sa pangungusap ay makatotohan at Mali naman kung
hindi.
1. Layunin ng sanaysay na “Ang kababaihanng Taiwan: Ngayon at Noong nakalipas na 50 taon ay
maipakita ang ganap at pantay nakarapatan ng kababaihan sa lipunan.
2. Tanging ang ipinapakita lamang sa sanaysay ay ang pagtrato sa mga kababaihan ngayon.
3. Ang paksa mula sa sanaysay ay tungkol sa kalagayan ng kababaihan sa lipunan.
4. Nagbago ang kalagayan ng kababaihan saTaiwan noong nakalipas na 50 taon at sa kasalukuyan.
5. Ang pagkakabuo ng sanaysay ay tumutukoy sa isyung nangyayari sa lipunan o kapaligiran.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng Sa baitang 9-Mulawin, 41/44 mag-aaral ang nakakuha ng 99% sa
80% sa pagtataya pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
Walang mag-aaral ang nangangailangan ng gawaing
nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay.
pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay Wala
(remediation)
Sa aking pagtuturo, ang naging epektibong paraan ng pagkatuto
ay ang pakikinig nila ng isang awit na nagsilbing springboard ng
talakayan. Naging epektibo rin ang ginawang pangkatan ng mga
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging
mag-aaral ayon sa kanilang interes o kagustuhan. Naipahayag
epektibo? Bakit?
nila ng mahusay ang kaisipan, layunin, paksa at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay sa pamamagitan ng kanilang masining
na pamamaraan.
F. Ano-ano ang aking naging suliranin
na maaaring malutas sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon
sa mga kagamitan ang ginamit
/natuklasan ko na nais kong ibahagi
sa ibang guro?

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

ROSCELL D. REYES MYLENE R. LESCANO


Guro 1 Ulong Guro 1

Itinala ni:

DONATO A. BATACLAN
Punong Guro II

You might also like